Komunikasyon at Pananaliksik sa Wikang Filipino at Kulturang Pilipino
Ipinasa kay: Ms.Lea Fe Pascual
Ipinasa nina: Lenny Jane Delizo
Lance Christian Santos
*Ang isinasaalang-alang na ang unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, kauna-unahang Kastilang gobernadora-heneral. -Si Miguel Lopez de Legaspi ay ang sumunod kay Magellan nang nanibago siya sa kanilang ekspidisyon. Umalis ng ekspidisyon si Legazpi upang sakupin ang Pilipinas, palaganapin ang kristyanismo at makabangon ang Espanya mula sa pagkabigo ng nakaraang ekspidisyon. - Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, mabigat ang impluwensiya ng relihiyong Kristiyanismo sa mitolohiyang Pilipino. Sinira ng mga Kastila ang ilang mga nagawa ng mga Pilipino noon na may kinalaman sa kanilang “orihinal” na mitolohiya, at pinalitan ang mga ito ng mga rebulto ni Kristo at ng mga santo. Ang iba naman ay nakalagay lamang sa mga gamit na mabilis masira katulad ng mga kahoy kaya hindi ito tumagal. Kahit na ganito ang nangyari sa kasaysayan, marami pa ring paniniwala ang nanatili sa buhay at kultura ng mga Pilipino. Isang posibleng dahilan nito ay malalim ang ugat ng mga paniniwalang ito sa kultura at ipinapasa sa susuno d na henerasyon ang mga paniniwala kaya’t hindi kaagad mabubura ito sa sistema nila. Sa katunayan, hinalo ng mga Filipino ang mga paniniwala nila sa Kristiyanismo, katulad ng krus o bibliya na nagsisilbing anting-anting laban sa mga demonyo. Kahit ang mismong orihinal na paniniwala ay naglaho na, ang esensya nito ay nagpatuloy sa pamumuhay at ibang paniniwala ng mga Filipino. - Nang ilagay sa ilalim ng koronang Kastila si VILLALOBOS ang nagpasiya ng ngalang ‘’Felipinas o Felipinas’’ bilang panagral sa Haring Felipe ll nang panahong yaon, ngunit dila ng mga tao ay naging ‘’Filipinas’’ - Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang ‘barbariko’di ‘sibilisado’at ‘pagano’ang mga katutubo noon. -Itinuro ng mga Kastila ang Kristyanismo sa mga katutubo upang maging sibilisado diumano ang mga ito. -Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na mas mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol. -Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa apat na ordeng misyonerong Espanyol na pagkaraa’y naging lima. Ang mga ordeng ito ay Agustino, Pransiskano, Dominiko, Heswita at Rekolekto upang pangasiwaan ang pagpapalaganap ng Kristyanismo. -Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan ng mga katutubo. -Upang mas maging epektibo ang palalaganap ng Kristyanismo, ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aaral ng mga wikang katutubo dahil mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa sa ituro sa lahat ng wikang Espanyol.
*Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon, mas
magiging kapani-paniwala at mas mabisa kung ang mismong banyaga ang nagsasalita ng wwikang katutubo. *Dahil ditto, ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-panggramatika, katekismo, at mga kumpensyonal para mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika.
MGA AKDANG PANGWIKA
ARTE Y REGLAS DE LA LENGUA TAGALA -Sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin ni Tomas Pinipin noong 1610.
COMPENDIO DE LA LENGUA TAGALA
-Inakda niPadre Gaspar de San Agustin noong 1703.
VOCABULARIO DE LA LENGUA TAGALA
-Kauna unahang talasalitaan ssa Tagalog na sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613.
VOCABULARIO DE LA LENGUA PAMPANGO
-Unang aklat pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732.