You are on page 1of 2

BESTLINK COLLEGE OF THE PHILIPPINES

#1071 Bgy. Kaligayahan Quirino Hi-way Novaliches , Quezon City

VISION
Bestlink College of the Philippines is committed to prove and promote quality education with unique, modern and research-based
curriculum with delivery systems geared toward excellence.

MISSION
To produce self-motivated and self-directed individual who aims for academic excellence, God-fearing peaceful, healthy and
productive successful citizens.

GENERAL EDUCATION PROGRAM


OBE SYLLABUS

SILABUS NG BAGONG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO

Pamagat ng Kurso : FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)


Bilang ng Unit : 3 Yunit
Oras : 3 ORAS/LINGGO
Taong Panuruang: Pangkasalukuyan: S.Y: 2018 – 2019

Deskripsyon ng Kurso: Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at
mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong
sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang
pagbasa at pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pa nanaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagsasagawa ng
pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o presentasyon
nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga
Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon ng
pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue. Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong Konstektwalisadong
Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL).

Inaasahang Matututuhan:
Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
Kaalaman

1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at
sa buong bansa.
3. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa.
4. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik
5. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa, batay sa
pananaliksik.
6. Malikhain at mapanuring mailapat sa pananaliksik ang piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa
konteksto ng komunidad at bansa.

Kasanayan
1. Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik.
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos atbp. mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t
ibang larangan.
3. Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. na makapag-aambag sa patuloy na intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
4. Makapagsaliksik hinggil sa mga sanhi at bunga ng mga suliraning lokal at nasyonal gamit ang mga tradisyonal at modernong mga
sanggunian.
5. Makapagbalangkas ng mga makabuluhang solusyon sa mga suliraning lokal at nasyonal.
6. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong
Pilipino.
7. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
8. Makapagsagawa ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
9. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso at pananaliksik na nakaugat sa mga realidad ng lipunang
Pilipino.
10.Makabuo ng papel o artikulo na maaaring ibahagi sa isang forum o kumperensya at/o ilathala sa isang akademikong journal.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
2. Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at
nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa. Bilang ng oras:
3 oras bawat linggo sa loob ng 18 linggo o 54 oras sa isang semester.

You might also like