You are on page 1of 2

Kabanata 21: Kasaysayan ng Isang Ina

Narrator: Tumatakbo na si Sisa dahil sa takot na mahuli ang kanyang mga anak dahil sa kasalanang hindi nila ginawa. sa
kalituhan ay halos madapa-dapa siya sa daan.

Sisa: O Diyos ko, huwag po ninyong pababayaan ang aking anak!

Narrator: Pagdating sa kanilang dampa ay nagulat siya sa nakita. May mga guardia civil na naghahanap sa kanilang bahay,
tila may hinahanap na tao. Nagtago muna siya, ngunit nakita rin ng mga ito.

GC 1: Ikaw ba si Sisa ang ina ng mga magnanakaw na bata?

Sisa: Opo, ako si Sisa. Ngunit hindi mga magnanakaw ang aking mga anak.

GC2: Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Ilabas mo ang iyong mga anak! Nakatakas ang nakatatandang anak mo.
Nasaan yung mas bata?

Sisa: Hindi ko alam dahil hindi pa siya umuuwi simula kahapon!

GC 1: Kung gayon ay ikaw ang isasama naming. Hindi ka makalalabas ng kwartel habang hindi mo itinuturo ang mga anak
mo!

Narrator: Dinala na ng mga guardia civil ang kaawa-awang si Sisa sa kuwartel ng mga guardia civil. Doon siya ikinulong
habang hindi niya itinuturo ang mga anak.

GC 2: (itinulak si Sisa sa kulungan) Iyan, diyan ka nababagay. Mabubulok ka sa bilangguan na iyan hanggang sa ituro mo ang
iyong mga anak.

Narrator: Walang magawa si Sisa kundi ang umiyak. Nakarating sa Alperes ang balita kaya’t nagdesisyon itong palayain si
Sisa, dahil na rin sa kawalan ng katibayan.

Alperes: (kausap ang isang guardia civil) Ang krimeng iyan ay kasalanan ng kura! Pakawalan ang bihag at huwag na siyang
abalahin kailanman! Kung gustong makuha ng kura ang nawalang ginto, sabihin mo ay manalangin siya kay San Antonio! Pari
siya ay hindi niya alam ang bagay na iyon? Huh!

GC 3: Si, Señor Alperes. (aalis at pupuntahan ang selda ni Sisa) O, makakalaya ka na daw. Wala nang ipapakain sa iyo ang
gobyerno dito! (tatawa)

GC 1: Kasi naman eh. Mag-aasawa na lang yung wala pang kwenta. Tapos mag-aanak pa ng magnanakaw! Tsk. Tsk. Tsk.

Narrator: Mabilis na tumakbo papalayo ng kuwartel si Sisa habang umiiyak. Gula-gulanit na ang kanyang damit dahil sa
pangit na kondisyon sa kulungan. Hindi na ininda ni Sisa ang nangyari sa kanya, bagkus ay hinanap na lamang niya ang
kanyang mga anak. Nagpunta siya sa kanilang dampa upang tingnan kung nandoon si Basilio.

Sisa: (nasa dampa, sumisigaw) Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nasaan na kayo?

Basilio: (hinahanap ang ina sa lansangan) Inang! Inang! Nasaan na kayo, Inang? Inang!

Narrator: Pumunta si Sisa sa bahay ni Pilosopo Tasyo, ngunit wala siyang nadatnang tao.

Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nandyan ba kayo? Tandang Tasyo! Andyan ho ba ang mga anak ko? Wala atang tao.
(iiyak)

Basilio: (Uuwi sa dampa) Inang! Inang! Nandyan ba kayo, Inang? Inang! (sumilip sa bangin malapit sa bahay)

GC 3: Hoy! Ikaw yung hinahanap naming bata ah. Huwag kang gagawa ng masama!
Narrator: Sa takot ni Basilio ay napatakbo siya at di sinasadyang napunit ang tela ng kanyang damit na may bahid na ng dugo
at nasabit sa sanga ng isang malagong halaman malapit sa bangin. Nakarinig si Sisa ng putok ng baril mula sa kanilang bahay
kaya’t pinuntahan niya iyon.

(hindi na naabutan ni Sisa ang guardia civil at si Basilio)

Sisa: Diyos ko po! Mga anak ko! Crispin, Basilio! (titingin sa may bangin at makikita ang piraso ng damit ni Basilio na may
dugo) Basilio? Basilio! Damit ito ni Basilio! May dugo. Mapula. (tatawa at ngingiti) Damit ni Basilio may dugo! (tatawa ng
malakas)

Narrator: Kinaumagahan, makikita na si Sisa na pagala-gala sa lansangan, kinakausap ang lahat ng lalang ng kalikasan.

Basilio: Nasa bahay, sa labas ng Bayan

Sisa: (nakatingala) Crispin! Basilio! Nasan na kayo? Mahal kong mga anak! Hangin, nakita mo ba ang mga anak ko? Hindi?
(iiyak at tatawa ulit) Ikaw puno, nakita mo ba ang mga anak ko? Hindi rin? (iiyak at tatawa ulit)

(haharap sa audience) Kayo? Nakita niyo ba ang anak ko? Nakita niyo ba siya? (kakausapin ang mga naglalakad na extra sa
set) Kapag nakita niyo ang mga anak kong sina Basilio at Crispin, sabihan ninyo ako ha? (tatawa at maiiyak)

Basilio: (Hinahanap ang nanay sa dampa) Inang! Inang! Nandito na ako Inang! Inang! Inang! (maiiyak)

You might also like