You are on page 1of 7

Lipunang Pang-ekonomiya ituro ang mga tuntunin sa Math sa kapwa

mabilis matuto at sa mga mag-aaral na


Pagkakapantay-pantay kailangan ng ibayong pag-akay. Subalit,
Isang debate sa mga pilosopo ang upang higit pang mapaunlad ang husay ni
tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa Elmer, maaaring bigyan siya ng dagdag na
isang panig, may nagsasabing pantay-pantay mga Math problems na kanyang pag-aaralan.
ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao Tugma ito sa tinatawag ni Sto. Tomas de
tayo. Isa pa, dahil kung titingnan ang tao sa Aquino na prinsipyo ng proportio, ang angkop
kaniyang hubad na anyo, katulad lamang din na pagkakaloob ng naaayon sa
siya ng iba. Sa kabilang panig, may nagsasabi pangangailangan ng tao. Sa madaling salita,
rin namang hindi pantay-pantay ang mga tao. hindi man pantay-pantay ang mga tao, may
May mga taong mananatiling nasa itaas, angkop para sa kanila. Kailangang maging
dinudungaw ang mga tao sa ibaba. May mga patas ayon sa kakayahan, ayon sa
taong yayaman at patuloy na yayaman at pangangailangan.
may mga taong mahirap at mananatili sa
Kung mayroon man tayong isandaang
kanilang kahirapan dahil sadyang ganito ang
tinapay na dapat ipamigay sa isandaang tao,
kaayusan ng mundo. ano ang pinakamabisang paraan ng
Isa sa mga gitnang posisyon ay ang pagbabahagi nito? Bibigyan ba ang lahat ng
posisyon ng pilosopong si Max Scheler. Para tig-iisang tinapay o bibigyan ang mga tao
kay Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao nang ayon sa kanilang hinihingi? Baka may
ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at ibang busog pa o kaya naman ay mahinang
kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang kumain. Baka may ibang may sakit o mas
kakayahan nating maging isang sino. Ang gutom. Hindi ba’t pinakamabisa at masinop
taong matangkad ay sadyang may na paraan ang pagbabahagi ng tinapay
panguguna sa basketbol kaysa maliliit. Ang ayon sa huling batayan?
babae ay mas may taglay na karisma upang Pero hindi patas!
manghalina kaysa lalaki. May timbre ng boses
ang hinahanap upang maging tagapagbalita Marahil magpipilit ang iba at
sa radyo. May linaw ng mata na hinihingi sa sasabihing, “bakit hindi na lang ibigay ang
pagiging isang piloto. Idagdag pa rito ang iba tinapay sa lahat at bahala na ang mga
pang aspekto ng kasinohan ng tao: ang nakatanggap na ipamigay o ibahagi sa iba
kanyang kinagisnan, ng pagpapalaki sa ang sobra sa kanila?” Maganda ang hangarin
kaniya, ang mga koneksyon ng pamilya, ang ng ganitong pag-iisip. Umaasa ito sa
kanyang lahi, relihiyon, at iba pa. Ang lahat ng kabutihang loob na taglay ng bawat isa.
ito ay naglalatag ng maaabot ng tao. Naniniwala ito sa kakayahan ng tao na
gumawa ng matinong pagpapasya para sa
Ngunit, sinasabi rin ni Scheler na dahil kaniyang sarili at para sa iba. Ngunit may
na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito, sinasabi rin ito ukol sa pagtingin ng tao sa
kailangang sikapin ang pagkakapantay-
tinapay mula sa halimbawa sa itaas, o sa
pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng anomang yaman na ibabahagi sa mga tao,
yaman ng bayan. Hindi dahil maliliit ang sa mas malakihang pagtingin.
manlalaro ng basketbol hindi na siya
kailanman magiging mahusay at masaya sa Una, tila tinatali ng tao ang kaniyang
kaniyang paglalaro. Hindi niya maaabot ang sarili sa bagay. Na kung hindi siya makakakuha
naaabot ng matangkad ngunit mayroon ng bagay, bumababa ang kanyang halaga
siyang magagawa sa bukod-tangi niyang bilang tao. Kung hahayaan niya na ang iba
paraan na magpapaiba sa kanya sa lamang ang mabigyan ng tinapay, para
matangkad. Kailangan lamang niya ng tiwala siyang nagpapalamang. Para niyang binitiwan
at pagkakataon. ang tinapay na karapatan naman niya
talaga. Pakiramdam niya ay nagpapaapi siya.
Malabo? Gamitin nating halimbawa Mali ang ganitong pananaw. Hindi sa tinapay
ang sitwasyon sa klase. Maaaring si Elmer ang nagkakaroon ng halaga ang tao. Una ang
pinakamagaling sa Math ngunit hindi nito ibig halaga ng tao bago ang tinapay. May
sabihin na si Elmer na lamang ang tuturuan ng tinapay man o wala, may halaga ang tao.
guro ng Math. Pagsisikapan pa rin ng guro na May yaman man ang tao o wala, may halaga
pa rin siya bilang tao. Ang tinapay ay nariyan mga ito upang umayon sa mga layunin ng
upang siya ay busugin, palakasin, at tao.
paginhawahin. May pangingibabaw siya sa
Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap
tinapay; hindi ang tinapay sa kanya. Ang kunin
pa niya ang tinapay ay pagsasayang na na ipakilala ang sarili. Naipakikilala ng tao ang
lamang sa tinapay. Ang pagpilit naman kanyang sarili sa paggawa. Hindi ang yaman,
niyang kainin ang tinapay para masabi hindi ang mga kagamitan na mayroon siya o
lamang na hindi nasayang ang tinapay ay wala, ang humuhubog sa tao. Ang tunay na
isang pagsira naman niya sa kanyang sarili. mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa
bunga ng kanyang paggawa. Hindi sa
Maaari pa itong dahilan ng kanyang
pagkakasakit. Maling-mali ito. pantay-pantay na pagbabahagi ng
kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa
Pangalawa, kailangan yatang balikan pagkilos ng tao sa anomang ibinigay sa kanya
ang dahilan ng paggawa at pag-aari ang kanyang ikayayaman.
(ownership). Bakit nga ba ako nagtratrabaho
Hindi Pantay Pero Patas
at nagmamay-ari ng mga bagay?
Nagtratrabaho ba si Tatay para Ito nga ang prinsipyong iniinugan ng
ipagmayabang niya sa kaniyang kapitbahay Lipunang Pang-ekonomiya. Ang lipunang ito
ang kanyang kwarta? Bumibili ba si Nanay ng ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga
gamit sa bahay para ibandera sa iba ang yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa
kanilang mga bagong appliance? mga pangangailangan ng tao. Patas.
Gumagawa at nagmamay-ari ang tao hindi Nakatutuwang malaman na ang pinagmulan
upang makipagmayabangan sa iba, ibagsak ng salitang “Ekonomiya” ay ang mga
o pahiyain ang iba o makipagkompetisyon sa griyegong salita na “oikos” (bahay) at
iba. Gumagawa siya dahil nais niyang “nomos” (pamamahala). Ang ekonomiya ay
ipamalas ang kanyang sariling galing. tulad lamang din ng pamamahala sa bahay.
Nagtratrabaho siya upang maging produktibo Mayroong sapat na budget ang namamahay.
sa kaniyang sarili. Kailangan niya itong pagkasyahin sa lahat ng
Napakaganda ng salitang Filipino para mga bayarin (kuryente, tubig, pagkain, panlinis
sa trabaho. Ang tawag natin dito ay “hanap- ng bahay, at iba pa) upang makapamuhay
buhay.” Ang hinahanap ng gumagawa ay nang mahusay ang mga tao sa bahay,
ang kanyang buhay. Hindi siya maging buhay-tao (humane) ang kanilang
nagpapakapagod lamang para sa pera kundi buhay sa bahay at upang maging tahanan
para ito sa buhay na hinahanap niya. Ang ang bahay.
kanyang pag-aari ay hindi lamang tropeyo ng Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas
kanyang pagpapagal. Ito rin ay ang mga malakihang pagtingin, ay ang mga pagkilos
gamit niya upang matulungan siyang na masiguro na ang bawat bahay ay
mahanap ang kanyang buhay. Mayroon magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng
siyang videoke machine hindi para magingay estado na nangunguna sa pangangasiwa at
kundi para magamit niya sa kanyang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
pagpapahinga at muling pagpapalakas. Lumilikha sila ng mga pagkakataon na
Mayroon siyang telebisyon hindi upang makapamuhunan sa bansa ang mga may
ipagmalaki ang kanyang kakayahang kapital upang mabigyan ang mga
makabili ng mamahaling gamit kundi upang mamamayan ng puwang na maipamalas ang
malibang at makakakuha ng bagong kanilang mga sarili sa paghahanapbuhay.
kaalaman na makatutulong sa muli niyang Sinisikap gawin ng estado na maging patas
pagbalik sa pagtratrabaho. Mayroon siyang para sa mga nagkakaiba-ibang mga tao ang
damit hindi para ipang-porma kundi, dahil mga pagkakataon upang malikha ng bawat
kailangan niya ito upang gawing presentable isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang
ang kanyang sarili sa trabaho at sa mga mga tunguhin at kakayahan. Bilang pabalik na
nakakasalamuha niya. Marapat na ipaalala sa ikot, ang bawat mahusay na
sarili na ang mga gamit sa paligid at yamang paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na
pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng
na palakihin lamang ang yaman. Nariyan ang bansa. Kung maunlad ang bansa, higit na
mamumuhunan ang mga may kapital na
siyang lilikha ng higit pang mga pagkakataon “Pakiayos lang po ang bubong namin,” o sa
para sa mga tao—pagkakataon hindi lamang tubero, “Pakiayos lang po ang banyo namin.”
makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas
Gayundin sa pamahalaan. Gumagawa
ang antas ng kanilang pamumuhay.
at nagpapatupad ito ng mga batas, upang
Hindi lamang sariling tahanan ang matiyak nito na matutugunan ang mga
binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang pangangailangan natin sa lipunan. Tinitingnan
Ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang nito kung natutupad ang mga batas na ito, at
malaking tahanan ang bansa—isang tunay na pinarurusahan ang lalabag na
tahanan kung saan maaaring tunay na nakahahadlang sa pagtatamasa natin ng
tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ating mga pangangailangan. May mga batas
ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap tungkol sa pagkain, tungkol sa tubig, sa
ang kanilang mga buhay. hangin, sa lupa, sa pag-aaral, sa
paghahanapbuhay, sa lahat halos ng bahagi
ng ating buhay. Iisa ang layunin ng mga batas
LIPUNANG SIBIL na ito: upang tayo ay mapabuti, upang
makamit ng lahat ang makabubuti sa isa’t isa.
“Paki lang.” May natatandaan ka bang
pagkakataon na kailangan mong sabihin ito Magkagayon man, sa maraming
sa isang taong kalapit mo? Siguro pagsakay pagkakataon ay nagkukulang ang
mo sa jeep at nakapuwesto ka malayo sa pamahalaan sa layuning ito. Halimbawa, hindi
driver, sasabihin mo ito sa katabing pasahero tayo makakain nang sapat, sapagkat mabilis
at iaabot mo ang bayad. Ganito rin kung toka ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin, at
mong maglaba pero deadline ang araw na mabagal naman ang pagtaas ng sahod ng
iyon para sa isang project mo sa paaralan. mga manggagawa. Maraming dahilan kung
Alam mong magagawa mo naman, kaya lang bakit nangyayari ito. Hindi dahil nagkulang
may dahilan kung bakit kailangan mong ang planetang ito sa pagkakaloob ng ating
ipagawa sa iba at kailangan mong sabihing, mga pangangailangan, kundi dahil ang mga
“Paki lang.” pangangailangan ng nakararami ay iniimbak
ng iilan lamang. Halimbawa, noong 2009, dahil
Kung alam mo kung ano-ano ang mga sa mga bagyong Ondoy at Pepeng, binaha
kaya mong gawin, alam mo rin kung ano-ano ang mga palayan sa maraming bahagi ng
ang hindi. Maaaring marunong kang Luzon, nawala ang kikitain sana ng mga
magsaing, halimbawa, pero marunong ka magsasaka, nadagdagan ang presyo bigas,
bang magsaka at mag-ani ng isasaing mo? kung kayâ nabawasan ang pambili natin ng
Wala ka mang kilalang magsasaká, gusto iba pa nating mga pangangailangan.
mong patuloy silang magsaka upang may Samantala, ayon sa pagsisiyasat ng Senado,
maisaing ka, at masasabi mo rin sa kanila, may nameke sa pirma ng mga magsasaka
“Paki lang.” At marami ka pang kailangang upang palabasing tumanggap sila ng milyon-
ipagawa sa iba upang mabuhay, mga milyong tulong mula sa pork barrel ng mga
pangangailangang hindi mo makakalap nang mambabatas. At habang ang mismong mga
mag-isa. Hindi ikaw ang gumawa ng uniporme magsasaka ay walang makain, may ilan
mo, ng bag, ng tsinelas. Hindi ikaw ang namang literal na nahihiga sa pera. Ayon pa
gumawa ng kalsadang nilalakaran mo, ng rin sa pagsisiyasat ng Senado, sa sobrang dami
tulay na tinatawid mo, ng tower na ng nakamal na pera ng iilan, ay hindi na ito
naghahatid ng text mo. Tingnan mo ang loob magkasya sa kama nila, at kinailangang
ng iyong bag. Alin-alin sa mga nariyan ang ilagay na lang ang iba sa bath tub. Walang
ginawa mo mismo? Tingnan mo ang loob ng ginawa ang isinasangkot na mga senador at
silid-aralan. Alin-alin sa mga iyan ang kaya kongresista kundi sabihing pati pirma nila ay
mong gawin? Hindi mo kayang bilangin ang napeke rin, o kaya’y sabihing sangkot din ang
mga taong kumilos upang magkaroon ka ng ibang senador at kongresista. Wala sa mga
mga kailangan mo. Kailangan mong nasasangkot ang nagpahayag ng galit sa
pasalamatan ang napakaraming tao, at pagkakalustay ng salaping para sana sa mga
kailangan mo ring sabihin sa kanila, “Paki walang makain. Wala rin sa kanilang kumilos
lang.” Sasabihin mo halimbawa sa karpintero, upang mabawi ito at maipamahagi sa
napakaraming magsasakang nawalan ng
kabuhayan, na siyang dahilan ng pagtaas ng palakasin ang mabuting ugnayan ng mga
presyo ng bigas. Hindi mo na tuloy mabili ang Kristiyano at Muslim, at ng iba pang mga
iba mo pang pangangailangan. katutubo. Nagdaraos ito ng mga pagsulong
ng kapayapaan, naglalathala ng
Dahil kapos ang kakayahan ng alternatibong pahayagan, at nagsasaliksik sa
pamahalaan upang ang katiwaliang ito ay ugnayang Kristiyano at Muslim. Matapos ang
mabigyanglunas, at lahat tayo ay nabibigatan dalawampung araw na sagupaan ng MNLF at
sa kalakarang ito, napakarami rin ng AFP/PNP sa Zamboanga noong Setyembre
kailangan nating katuwangin sa pagtugon 2013, idinaos ng PAZ ang “Forum on
dito, at sabihang, “Paki lang.” May mga nag-
Rehabilitation and Reconciliation” nang
organisa ng kani-kanilang sarili upang sumunod na buwan. Ikabubuti ng lahat ang
ipahayag ang pagkasuklam sa ganitong muling pagbuo ng mga nawasak na tahanan,
sistema. Isang musikerong nagngangalang Ito ang muling pagbangon ng nalugmok na
Rapadas ang nagpasimuno sa Facebook ng kabuhayan, at higit sa lahat, ang muling
ideyang maramihang pagpapahayag ng pagpapasigla ng nanlamig na mga ugnayan.
pagkadismaya, at ikinalat ng isa pang
nagngangalang Peachy Bretaña ang ideya. Isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas
Sa pagpapalitan ng mga mensahe ng mga ang nagtipon-tipon noong 1984, at nabuo sila
gumagamit ng Facebook, nabuo ang bilang isang lipunang sibil. Naging isang
planong Million People March. Inendorso ng pampolitikang partido sila na tinawag nilang
Catholic Bishops Conference of the Philippines Gabriela, at nagkaroon sila ng kinatawan sa
sa Facebook account nito ang plano, na Kongreso. Sa kanilang pagsusulong ay
ginanap sa Luneta noong Agosto 26, 2013, naisabatas ang mga sumusunod: Anti-Sexual
Araw ng mga Bayani. Sinabayan ito ng Harassment Act (1995); Women in
ganoon ding aktibidad sa labing-isa pang Development and Nation-Building Act (1995);
mga lunsod sa buong bansa. Nasundan pa ito Anti-Rape Law (1997); Rape Victims Assistance
noong Oktubre 4, 2013 sa Makati, at tinitiyak and Protection Act (1998); AntiTrafficking of
ng mga nag-organisa na magtutuloy-tuloy pa Persons Act (2003); at Anti-Violence Against
ang ganitong mga pagkilos hanggang hindi Women and Their Children Act (2004).
naibabasura ang sistema ng pork barrel.
Ang Gabriela ay nagkaroon ng
Ang ganitong kusang-loob na pag- masigasig na kakampi sa Senado sa katauhan
organisa ng ating mga sarili tungo sa sama- ni Senador Raul Roco. Siya ang kinikilalang
samang pagtuwang sa isa’t isa ang tinatawag pangunahing nagsulong upang maisabatas
nating lipunang sibil. Hindi ito isinusulong ng ang pagtatanggol sa mga karapatan ng
mga politiko na ang interes lamang ay ang kababaihan, kung kaya siya ay binigyan ng
pananatili sa kapangyarihan. Hindi rin ito natatanging taguring “Honorary Woman.”
isinusulong ng mga negosyante na ang interes Ano-anong kabutihan ang maaaring idulot ng
lamang ay ang pananatili ng kita. Sa halip, ito mga batas na ito?
ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga
Ang Media
mamamayan na matugunan ang kanilang
mga pangangailangan na bigong tugunan ng Paano ipinapaalam ng isang lalaki sa
pamahalaan at kalakalan (business). Ang isang babae na interesado siya rito? Isusulat
lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga ba niya sa ¼ sheet of paper? Ite-text ba niya?
pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, Magpapadala ba siya ng emoticon?
kung kayâ nagkakaroon ng likas kayang pag- Manghaharana ba siya? Live ba, MP3, o
unlad (sustainable development) na hindi YouTube? Sasabihin na lang ba niya nang
tulad ng minadali at pansamantalang harapan? Ipi-print ba niya sa t-shirt? Ano’t ano
solusyon ng pamahalaan at kalakalan. man ang paraang piliin niya, gagamit siya ng
Noong 1994, halimbawa, inorganisa ng isa, ilan, o lahat sa mga ito: titik, tunog, o
Simbahang Katoliko sa Zamboanga, Basilan, larawan (gumagalaw man o hindi). Alin man
Tawi-tawi at Sulu ang Consultation on Peace sa mga ito ang gamitin niya, ito ang
and Justice. Matapos ang konsultasyon, mamamagitan sa kanya at sa padadalhan
niya. Anumang bagay na “nasa pagitan” o
nabuo ang Peace Advocates Zamboanga
(PAZ). Layunin ng adbokasiyang ito na “namamagitan” sa nagpadala at pinadalhan
ay tinatawag sa Latin na medium, o media
kung marami. Ginagamit natin ito kung may isang milyon nga ang sumama sa Million
gusto tayong ipahatid na impormasyon. Kung People March, gayong tatlong daang libo
maramihan at sabay-sabay ang paghahatid lang naman talaga, magiging
na ginagawa natin, tinatawag natin itong pagsisinungaling din ito. Ang media ay
mass media: diyaryo, radyo, telebisyon, pinaglalagakan lamang ng mga
pelikula, o internet. katotohanang kailangan ng lipunan para sa
ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti
Sa media mo nalalaman kung may ninuman ang kasinungalingang bunga ng
paparating na bagyo, kung kayâ pagbabawas o pagdaragdag sa
nakagagawa ka ng kaukulang paghahanda.
katotohanan. “Ang kapangyarihan ng media
Kapag may nangangailangan ng saklolo at ay hindi isang lakas na nananalasa, kundi
gusto mong ipanawagan sa marami, media rin isang pag-ibig na lumilikha” (Papa Juan Pablo
ang iyong inaasahan. Karapatan mong alamin II, 1999).
kung ano ang iyong ikabubuti, kayâ tungkulin
mo ring ipaalam sa iba ang ikabubuti naman Bago ang halalan noong 2007, inilunsad
nila. Sa pagpapalutang ng mahahalagang ng ABSCBN ang lipunang sibil na Bayan Mo
impormasyon ay napapanatili mo ang Ipatrol Mo. Tinuruan ng mga taga-ABS-CBN
ikabubuti ng ibang kasapi ng lipunan. Sa ang mga karaniwang mamamayan kung
pagpapamalagi ng ikabubuti ng bawat paano ipaparating sa telebisyon ang tawag,
kasapi ng lipunan, napapamalagi rin ang text o video gamit ang cellphone. Sa ganitong
ikabubuti ng kabuuan nito. Ang impormasyon paraan ay maaaring palutangin ng media,
tungo sa ikabubuti ng lahat ay napalulutang habang nangyayari, ang mga pandaraya at
mo sa pamamagitan ng media. Nagpapasya katiwalian sa halalan. Anumang anomalya ay
kang huwag pumasok kung may abiso sa napipigilan kapag ito ay naisisiwalat. “Kapag
radyo o telebisyon na suspendido ang klase. naglihim tayo, doon magtatrabaho ang
diyablo” (San Ignacio). Dahil sa matagumpay
Nagpapasya kang huwag kumain ng
na pagsasamadla ng mga katiwalian sa
sitsirya dahil nababasa mo sa diyaryo ang halalan noong 2007, itinuloytuloy na ng Bayan
tungkol sa masamang epekto nito sa ating
Mo Ipatrol Mo ang pagpapalutang ng mga
kalusugan. Nagpapasya ka ayon sa hawak
impormasyong may kinalaman hindi na
mong impormasyon na pinalulutang ng
lamang sa halalan, kundi maging sakuna at
media. Subalit paano kung ang hawak mong trahedya, paghahatid ng tulong,
impormasyon ay mali? Mabubuyo kang pagpapaayos ng mga daan, at pagtatayo ng
pumasok sa klase kahit suspendido, o kayâ ay mga sentrong pampamayanan (communty
magkakasakit ka sa bato. Ang pangunahing centers). Noong 2012, umabot na sa apat na
layunin ng media bilang isang halimbawa ng libong mga kabataan ang nabiyayayaan ng
lipunang sibil, ay magsulong ng ikabubuti ng
puspusang pagsasanay sa pamamahayag.
bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung
bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng Sa pagitan ng Pakistan at Afghanistan
buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid ay nagnanais mamayani ang Taliban, mga
sakali mang may naipahatid na maling katutubong Muslim na nagnanais maging
impormasyon na maaaring maging batayan bahagi ng Afghanistan, ngunit pinipigilan
ng iba sa pagpapasya ng ikikilos. naman ng Pakistan. Ang Taliban ay
nananiniwala na ang kababaihan ay hindi
Ang isang rally ba ay ibinabalita ng dapat magkaroon ng edukasyon. Sa
media mula sa panig lamang ng kapulisan? katunayan, pinasasabog nila ang mga
Ibinabalita ba ang haka-haka na may paaralan. Noong 2008, nagsimulang sumulat
rebolusyonaryong layunin ang mga nag-rally? ng blog sa Internet ang isang mag-aaral na
Ang pagbawas o pagdagdag sa
ayaw magpakilala; isang walong taóng
katotohanan ay nagiging kasinungalingan. gulang na batang babae. Inilalarawan niya sa
Kapag ang media ay naglahad ng isang blog kung gaano kadelikado ang mag-aral sa
panig lamang ng pangyayari o usapin, maling gitna ng panggigipit ng Taliban.
impormasyon ang pinalulutang ng mga ito sa Ipinamamanhik niya sa pamahalaang
lipunan, sapagkat hindi buo ang
Pakistani na maglaan ng dagdag na
impormasyong hawak ng lipunan. Sa kabilang pananalapi para sa mga paaralan, at
banda, kung inilahad halimbawa sa media na
hinihimok niya ang lahat ng mga kabataang
babaeng Pakistani na igiit ang karapatang Inorganisa natin ang ating sari-sarili
matuto. Sa isang pulong sa harap ng mga upang hanapin ang makapupuno sa kabila
mamamahayag ay nasabi ng tatay niya ang ng kariwasaan. Iba’t iba tayo ng antas ng
totoo na siya ang blogger na iyon, kung kaya pagkaunawa sa totoong kabuluhan ng buhay:
lalong dumami ang sumubaybay sa kanyang may mas malalim, may mas mababaw. Sa
mga blog. Naging hayag na lihim na siya ay si maraming pagkakataon ng iyong
Malala Yousafzai. pagkabagot, dito mo napagtatanto ang
iyong kababawan, kung kayâ
Noong Oktubre 16, 2012, sakay ng isang nagpapatuwang ka sa mga kasapi ng lipunan
trak na ginawang school bus, pinara sila ng
na may kalaliman ang pang-unawa sa buhay.
Taliban sa pag-uwi. “Sino si Malala?” tanong Lumalapit ka sa mga lider ng moralidad: pari,
ng Taliban. Lahat ay napasulyap sa kanya pastor, ministro, imam, guru, monghe, at iba
kung kayâ siya ay natukoy. Binaril siya sa ulo, pa. Magpapatuwang ka sa kanila, at
lumabas ang bala sa panga, at tumagos sa sasabihin mo, “Paki lang po.”
balikat. Sa tulong ng napakaraming
nagkawanggawa sa loob at labas ng Sa kababaang-loob ng mga lider sa
Pakistan, naipagamot siya sa Birmingham, moralidad, mas kinikilala nila ang kanilang sarili
England, at doon niya ipinagpapatuloy ang bilang tagapaglingkod at hindi bilang
pagsusulat ng blog. Sa gulang na labing-anim, nakasasakop. Itinuturing nila ang kanilang sarili
milyon-milyong dolyar na mula sa iba’t ibang bilang kasabay natin sa paghahanap ng
bansa ang naipagkakatiwala sa kanya bilang kabuluhan ng buhay. Sa sama-sama nating
donasyon, at balak nilang mag-ama na paghahanap ay naoorganisa natin ang ating
magpatayo ng mga paaralan sa buong sarili bilang isa pang anyo ng lipunang sibil,
Pakistan. Samantala, kapag may nagagawing isang panrelihiiyong institusyon, na tinatawag
Taliban sa kanilang bayan, hinaharap ito ng ng marami bilang Simbahan. Sa
mga kabataang babae, at buong tapang pamamagitan ng mga lider at iba pang mga
nilang idinideklarang, “Ako si Malala.” kasapi ng Simbahan, nailalagay natin sa mas
mataas na antas ng kabuluhan ang mga
Ang Simbahan
materyal na bagay na ating tinatamasa. Hindi
Sakali mang nakakamit natin ang lahat ka nag-iisa sa iyong pananampalataya.
ng ating pangunahing pangangailangan, Ito ang dahilan kung bakit ang
hindi pa rin ito nagbibigay ng katiyakan na Simbahang Katoliko halimbawa ay hindi
magiging ganap na tayong masaya. Sa apat nagtuturing sa sarili bilang hiwalay sa kalakhan
na bilyong dolyar na kabuuang kayamanan ni ng lipunan, kundi bilang kasanib dito. Sa
Howard Hughes, walang tao sa planetang ito
pagiging mananampalataya mo ay hindi
ang mas mayaman pa sa kanya noong nawawala ang iyong pagkamamamayan. Sa
nabubuhay pa siya. Sa kabila nito, namatay katunayan, ang iyong pananampalataya ay
siya noong 1976 na may palatandaan ng naisasabuhay mo sa pamamagitan ng
kakulangan sa pagkain, at sa taas na mahigit pagtuwang sa lipunan at pagtugon sa
anim na talampakan, tumimbang lamang siya panawagan ng lahat na, “Paki lang.”
ng apatnapung kilo. Samantala, ayon pa rin
sa pagsisiyasat ng Senado, hindi bababa sa Ang mga parokya halimbawa sa
dalawampu ang mga bahay ni Janet Napoles Pilipinas ay naoorganisa sa mas maliliit pang
sa Pilipinas, at dalawa sa California, U. S. A. yunit na tinatawag na Basic Ecclesial
Dumating siya sa puntong hindi siya Community, o Maliit na Sambayanang
puwedeng tumungtong sa isa man sa mga ito, Kristiyano, o Gamay Katilingbanong Simbahan.
at kinailangan niyang idispatsa isa-isa. Wala Ito’y upang matugunan ng Simbahang
ring matinong taong nagnais bumili ng mga Katoliko ang iba’t ibang kalagayan ng iba’t
bahay na iyon dahil sa masalimuot na ibang pamayanan. Noong si Cardinal
kasaysayan ng pagkakabili niya. Gaano man Gaudencio Rosales ay obispo pa lamang sa
karami ang iyong matamo para sa sarili, Bukidnon, ang mga kaabag o mga lider ng
makakaramdam ka pa rin ng kahungkagan, mga Basic Ecclesial Community ay nabigyang-
ng kawalan ng katuturan, ng kakulangan. kapangyarihan ng DENR upang dumakip at
Hindi ka nag-iisa sa ganitong damdamin. maghabla sa mga nagtotroso. Ang mga
kaabag ay pinagkalooban ng mga two-way
radio upang palutangin ang impormasyon kuro-kuro ay nalilinaw ang mga usapin; daan
tuwing may papasok na trak sa mga upang ang mga kaanib ay magkaroon ng
kagubatan. Sa isang liblib na barangay sa katiyakan sa gagawin nilang mga
bayan ng Valencia ay binaril at napatay si Fr. pagpapasya.
Nery Satur ng mga pinaghihinalaang
3. Walang pang-uuri. Hindi isinasaalang-alang
nagtotroso. Noong 1997, isinulat ni Bishop
Rosales ang talambuhay ni Fr. Satur. ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi:
Pinamagatan niya itong Father Nery Satur: and mayaman o mahirap, may pinag-aralan o
the Church He Died For. wala, kilalá o hindi, anumang kasarian.
Sapagkat ang hinahanap ay kabutihang
Mula noong naitayo ng Couples for panlahat, binibigyan ng pagkakataóng
Christ ang kauna-unahang pabahay para sa mapakinggan ang lahat ng panig; sa gayon
isang mahirap na mag-anak sa Bagong Silang, ay walang maiiwang hindi nagtamasa ng
Caloocan City noong 1999, ang Gawad bunga ng pagsisikap ng lipunan.
Kalinga Project ng CFC ay nakapagtayo na ng
4. Pagiging organisado. Bagama’t hindi
mga pabahay at pagkakakitaan sa buong
kasing-organisado katulad ng estado at
bansa. Ang programa ay nakarating na rin sa
Australia, Austria, Cambodia, Canada, negosyo, patungo ito sa pagiging institusyon,
Colombia, India, Indonesia, Ireland, Kenya, ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Sapagkat
Papua New Guinea, Singapore, South Africa, nagbabago ang kalagayan ayon sa mga
at United States. natutugunang pangangailangan, nagbabago
rin ang kaayusan ng organisasyon upang
Mula pa noong 1982, ang Seventh Day tumugma sa kasalukuyang kalagayan.
Adventist Church sa Pilipinas ay nagbubuo na
5. May isinusulong na pagpapahalaga. Ang
ng koalisyon ng mga organisasyon na
tumututol sa paninigarilyo. Noong 1989, isinusulong nito ay hindi pansariling interes
nagpasimuno ang Lungsod ng Quezon sa kundi kabutihang panlahat: isinusulong ng
media ang katotohanan, isinusulong naman
pagbabawal ng paninigarilyo sa mga
pampublikong lugar. Nang sumunod na taon, ng Simbahan ang espiritwalidad. Ang
nagpasya ang mga kasapi sa Kapisanan ng pagpapahalagang ito ang nagbubunsod sa
mga Brodkaster ng Pilipinas na tanggihan ang mga kasapi upang mapagtagumpayan ang
mga kompanya ng sigarilyo sa ano mang balakid.
pagpapatalastas. Pinag-igting ng Kagawaran “Walang sino man ang nabubuhay
ng Kalusugan noong 1994 ang kampanyang para sa sarili lamang,” sabi nga ni Fr. Eduardo
isinusulong ng mga Sabadista, hanggang Hontiveros sa isang awit. Ang lipunan ay
maging Batas Pambansa noong 2003 ang parang isang bahay ng gagamba na ang
pagbabawal sa pagpapatalastas ng pagpatíd sa isang hibla ay sapat para
paninigarilyo. maapektuhan ang anggulo ng bawat hibla.
May mga katangian ang iba’t ibang Ang pagdudugtong ng isang hibla sa kapwa
hibla ay may ganoon ding epekto sa
anyo ng lipunang sibil na inilarawan natin sa
modyul na ito: kabuuan. Ang pakikisangkot natin sa
anumang lipunang sibil ay nakapagsusulong
1. Pagkukusang-loob. Walang pumilit, ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan. Sa
nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito kabilang banda, ang pagwawalang-bahala
upang makisangkot. Malaya ito mula sa natin sa lipunang sibil ay nakapagpapanatili,
impluwensya ng estado o negosyo. Hindi ito kung hindi man nakapagpapalalâ, ng mga
nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng suliraning panlipunan. Sapagkat ang ikabubuti
sino mang nasa pamahalaan, o ng ng lipunan ay nakasalalay sa ikabubuti ng
pangkomersyong hangarin ng sino mang bawat isa atin, hindi maiaalis ang patuloy
negosyante. nating pagmamalay sa paanyaya ng bawat
nakakatagpo nating nakikiusap na, “Paki
2. Bukás na pagtatalastasan. Walang
lang.”
pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag
ng saloobin. Ang uri ng pagtalakay ay
pangmadla, kung saan buháy ang diwa ng
demokrasya. Sa pagpapalitan ng lahat ng

You might also like