You are on page 1of 15

Pagsusuri

ng
Nobela
³GAPO´
ni
Lualhati Bautista
[0]
Pamagat: GAPO Nobelista: Lualhati Bautista
Buong Pangalan: Lualhati Torres Bautista Kapanganakan: Disyembre 2, 1946 sa Tond
o, Maynila Kasalukuyang Edad: 63 taong gulang Ama: Esteban Bautista Ina: Gloria
Torres Sila ang naka-impluwensya kay Lualhati na maging manunulat dahil tinatang
kilik nila ang composing, pagkanta at pagsulat ng mga tula.
Edukasyon: Emilio Elementary School (1958) Torres High School (1962) Lycum of th
e Philippines (1 taon lang sa kursong Journalism) Trabaho: Nobelista; Manunulat
sa pelikula at telibisyon Karanasan: Siya ay naging bise presidente ng Screenwri
ters Guild of the Philippines; pinuno ng Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang
Popular; chair ng University of the Philippines Creative Writing Center (1986) P
arangal: - Catholic Mass Media Award para sa Sakada (una niyang screenplay noong
1976) - Nominasyon sa Film Academy Awards para sa Kung Mahawi Man ang Ulap (198
4, ika-2 pelikula) - Star Awards at Metro Manila Film Festival para sa Bulaklak
ng City Jail (1984, pinakamahusay) - Don Carlos Palanca Memorial Award (grand pr
izes) noong 1980, 1983 at 1984 para sa mga nobelang Gapo, Dekada '70 at Bata, Ba
ta... Pa'no Ka Ginawa? - Recognition Award mula sa Surian ng Wikang Pambansa noo
ng 1987 - Ateneo Library of Women¶s Writings (ALIWW) noong Marso 10, 2004 habang i
dinaraos ang ika-8 Tanong Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Ka
tutubong Wika
Teoryang Pampanitikan:
Para sa akin ay iba¶t ibang teorya ang maaaring iugnay sa nobelang GAPO dahil na r
in sa layunin nitong unti-unting gisingin ang kamalayan at kaalaman ng mga mamba
basa sa bawat kabanata na nagpapakita ng
[1]
magkakaibang katangian sa bawat isa subalit nananatiling magkakaugnay. Ang mga s
umusunod ay ilan sa mga nakita kong teoryang pampanitikan na napapaloob sa nobel
a: 1. Teoryang Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang se
ntro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao
gaya ng talino, talento atbp. Ang galing ni Mike sa pagtugtog ng gitara ay isa n
g patunay dito. At sa kabila ng masalimuot na pamumuhay sa Olonggapo at buhul-bu
hol na kagaspangan ng ugali ng mga tagaroon dala na rin ng kahirapan ng buhay ay
may parte pa rin sa nobela na nagpapatunay na ang tao ay may itinatagong kabait
an. Ang pagtulong ni Modesto kay Mike nang siya ay hinahabol sa Jungle, ang paki
kipagkapwa-tao at pakikipagkaibigan din ni William Smith kay Modesto at miminsan
g tawanan at maayos na samahan nina Magda at Mike sa Apartment ay ilan lamang ha
limbawa nito. 2. Teoryang Realismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga k
aranasan at nasaksisan ng may-akda
sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit
hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pag
ka-epektibo ng kanyang sinulat. Sa paunang salita ng may-akdang si Lualhati Baut
ista, kanyang ibinahagi ang kanyang karanasan sa kanyang pananatili sa Olonggapo
kasama ang dalawang kapatid na sina Marie at Lumen at pinsang si Carding. Sa ka
nilang pagpunta sa isang bar doon ay nakakuwentuhan nila ang iba pang kasamahan
ni Carding sa Base ukol sa ilang mga lihim at mapapait na katotohan sa loob o la
bas man ng Olonggapo. Dito, mapapatunayan na ang nobelang Gapo ay nabigyang-buha
y ng karanasang iyon. 3. Teoryang Feminismo - Ang layunin ng panitikan ay magpak
ilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan
sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapag
kat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan at ipinamamayagpag ang mabubuti
at magagandang katangian ng tauhan.
Ang may-akda ay isang babae at isa sa mga pangunahing tauhan na si Magdalena ay
babae. Naipakita sa atin ni Lualhati na ang mga babaing tulad ni Magda ay may mg
a pangarap din sa buhay, may dignidad na kadalasa¶y ipinagbabawalang-bahala na lan
g makamit lamang ang kaginhawaan. Sa pagtatapos ng nobela ay napatunayan na si M
agda ay isang babaing may pagmamahal sa buhay µpagkat kanyang piniling huwag ipala
glag ang bata sa kanyang sinapupunan. Bagkus kanya itong bubuhayin kasama ni Mik
e, siya ay handing matuto at pinatutunayan ito ng kanyang handing pag-aaruga kay
Jeffrey habang nasa ospital pa si Ali.
4. Teoryang Arkitaypal -
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo
sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan
sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa
[2]
akda ay magkaugnay sa isa¶t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at kon
septong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa. Napakaraming pangyayari sa n
obela na sa unang basa¶y hindi masasabing isang simbolismo subalit sa iyong patulo
y na pagbabasa hanggang sa huli ay matatanto mong ang ilan sa mga ito ay may ipi
nahihiwatig na pangyayari sa atin. Halimbawa ay ang pamimili ni Magda ng napakar
aming produktong stateside noong una at pagsasantabi ng mga produktong Pinoy. Su
balit sa huli¶y kanyang piniling huwag kainin ang Baby Ruth, ito¶y panahan ng kanyan
g pagdadalantao at kanyang naalala ang mga sinabi sa kanya ni Mike na kanyang ti
nawan lamang noon. Ngunit, makikita nating si Magda ay talaga naming nagbago na
ng pananaw sa buhay bunga na rin ng mapapait na karanasan kina Sam at Steve. 5.
Teoryang Historikal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang
lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog
. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mund
o. Sa nobela ay binigyang paliwanag ang ilan sa mga kadahilan ng bagay-bagay at
mahahalagang kasaysayan ng bansa. Isang halimbawa nito ay ang kuwento ukol sa pa
gbomba sa Pearl Harbor at ang napakaraming kabuntot na epekto nito sa ating bans
a at ng bansang Amerika.
A.Talasalitaan
1. Bunny ± mga babaing nagpo-µpose¶ ng nakasuot ng isang parang kuneho sa mga babasahi
ng panlalaki; kadalasang ginagawa sa ibang bansa; sa nobela¶y inaakala ng mga magu
lang na isa itong maayos na trabaho para sa mga anak na babae, makarating lang s
a ibang bansa 2. Parity Rights - Pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Amerik
ano at Pilipino na gumamit at linangin ang
mga likas na yaman ng Pilipinas; ito ang kapalit ng pagbibigay bayad-pinsala sa
atin ng mga Amerikano matapos ang World War II na nagkakahalagang anim na raan a
t dalawampung milyong dolyar; naganap ang kasunduan sa pagitan nina dating Presi
dent ng Pilipinas na si Sergio Osmeña at dating Senador ng Estados Unidos na si Mi
lliard Tydings 3. Lay-off ± ito ang pagkakatanggal sa trabaho ng mga waiter, hoste
ss, at iba pang nagtatrabaho sa mga club sa Gapo sa oras na umalis nang muli ang
barkong Kano sapagkat hihina na ang kanilang kita at uunti ang mga parukyano ka
ya napipilitang magbawas ang kanilang Manager. Sila¶y makakabalik muli sa pagdatin
g ng panibagong barkong Kano sakay-sakay ang mga sundalong Amerikano na kinapapa
nabikan ng mga hostess sa kadahilanang panibagong kita na naman at maaari matupa
d ang kanilang pangarap na makapunta sa States. 4. Yardbird ± ayon sa nobela, naka
tuwaan umano ng mga Amerikanong sundalo ang mga ibong sa tuwina¶y dumadapo sa kani
lang barko at kinakain ang tinapay na kanilang inihahagis dito, kaya kanila iton
g tinawag na µyardbird.¶ Subalit sa hindi malamang kadahilanan ay kanila itong ibina
nsag sa mga Pilipinong nagtratrabaho sa
[3]
base na ang ibig ipakahulugan ay µpatay-gutom.¶ Ito ang palaging ipinang-aasar ni Jo
hnson kay Modesto na pilit niyang ipinagsasawalang-bahala at inilalabas na laman
g ang lahat ng galit at tila pagkababa ng kanyang pagkalalaki sa pamamagitan ng
madalas na pag-inom sa Freedom Pad. 5. Gardemet ± ito ang palaging sinasabi ng sun
dalong Kano na si Johnson kay Modesto sa loob ng base; sa ibang salita ay µginagar
demet¶ o minumura sa tuwina; pinaniniwalaang ito ay may pakahulugang µgoddamnit¶; 6. C
ollective Bargaining Agreement - Maaaring naging matagumpay ang isang unyon na m
akamit ang isang benepisyo sa pamagitan ng sama-samang tawaran (collective barga
ining). Ngunit kahit ang isang benepisyo ay nakalagay na sa collective bargainin
g agreement (CBA), kailangan pa rin ang masusing pagbabantay ng unyon para matiy
ak ang lubusang pagtupad ng manedsment sa benepisyong ito. Ang anumang kapabayaa
n sa panig ng mga manggagawa ay maaring magbunga ng hindi kanais-nais na resulta
. Ito ang nangyari sa kaso ng mga manggagawang Pinoy sa base matapos na sila¶y ¶mag-
ingay¶ at naghinaing sa mga µBig Boss¶ ng base ukol sa hindi patas na pamamalakad sa l
oob tulad ng di pantay na suweldo. Bakit umano mas higit na mataas ang suweldo n
g mga Kano gayong parehas lang naman sila ng bigat ng trabaho. Dahil dito, nagka
sundong magkaroon ng µgeneral foreman¶ at ang tatayo sa puwestong ito ay isang Ameri
kano samantalang ang mga Pinoy ay µforeman 1,¶ µforeman 2¶ at µforeman 3,¶ ibig sabihin sila
ay nasa ilalim na ng pamumuno ngayon ng kapwa ka-baseng Kano. 7. Yankee ± iba pan
g katawagan sa mga Amerikano o Kano 8. G.I. Baby ± tawag sa isang batang anak ng A
merikano at isang Pilipino; madalas na ibansag sa mga batang gaya ni Mike na kan
yang pilit na itinatanggi kahit na kitang-kita na siya nga ay isang G.I. Baby sa
pisikal na kaanyuaan. Ngunit, ang kanyang puso ay Pinoy na Pinoy. 9. Stateside ±
salitang slang para sa Estados Unidos; alinmang bagay na galing sa Amerika tulad
ng mga pagkaing stateside; iba pang salita para sa µimported¶ 10. Green Card ± ibig s
abihin ay permanenteng naninirahan sa Estados Unidos; kapag umano¶y tinanong ka sa
US Embassy kung nasaan ang iyong green card at sumagot kang nakalimutan mo ay g
oodbye Amerika ka na sapagkat kung US Citizen ka talaga, hindi mo na kailangan n
g green card.
B. Paksa/Tema
Ang obra maestra ni Lualhati Bautista na Gapo, bagama¶t kanyang pinaka-unang nobel
ang ginawa, ay talaga namang matagumpay na naihain sa mambabasa ang pinakadiwa n
g akda, ang mapait na katotohanan sa matamis na pagsasamahan ng dalawang bansang
naging magkaibigan µpagkat nagtulungan noon at matapos ang ikalawang pandaigdigan
g digmaan ± ang Estados Unidos at ang Pilipinas. Bata pa man tayo ay hindi maitata
twang napakaganda na ng imahe sa atin ng alinmang bagay, produkto o dili kaya¶y ta
o basta galing Amerika ito. Subalit sa nobelang ito ay nabatid natin ang ilan sa
mga bagay na oo, kapansin-pansin, subalit bakit di batid ng isa man sa atin. Sa
sitwasyon ng mga pangunahing tauhan na sina Mike, Magda, Modesto, Ali at nating
mga Pilipino na di hamak na sangkot sa istoryang ito ay tila may tumapik sa ati
ng mga balikat, tila may kumurot sa ating mga puso at ang ating dati¶y tila napaka
tamis na panlasa¶y tila pumait, umalat. Oo, puro pala tayo tila, hindi naman pala
tayo ganoon kasigurado dahil ang alam lang natin ay tanggapin ang lahat ng sa at
i¶y isubo. Ke sang-ayon ba tayo o hindi, ke makabubuti ba sa atin o makasasama, ba
sta ang alam natin, µsila¶
[4]
ang mas may higit na karanasan, kaalaman at µkarapatan¶ dahil mga Pilipino µlang¶ tayo a
t sila ang mga µdakilang nilalang¶ sa mundo.
Sa mga karanasan ni Modesto sa loob ng Base na nakakasulasok dahil sa tindi ng d
iskriminasyon na umabot sa puntong ang kanyang dignidad at pagkalalaki ay naitap
on na¶t lahat-lahat, ay wala pa ring puknat sa µpakikipagkapwa¶ ang mga sundalong Amer
ikano. Ang nakakarimarim na kalagayan ng mga babaing hostess gaya ni Magda na is
a lamang sa sanlibong nangarap, naanakan, umasam at iniwan. Mga batang gaya ni M
ike na bunga ng mabulaklak na pananalita ng ating mga iniidolong Kano, ano ngayo
n at tila insektong nagkalat sa bayan. Mga taong hindi mamatay-matay, patuloy pa
rin na nabubuhay sa kasalukuyan, pilit na kumakawala sa hagupit ng malasakit ng
Estados Unidos. Tayo lang naman ang µpinagmamalasakitan,¶ sino tayo para tumanggi s
a µgrasya?¶
C. Tagpuan
FREEDOM PAD Ito ang pangalan ng bar na pinagtatrabahuan nina Magda at Mike. Dito
rin sa bar na ito nagkakilala sina Modesto at Ali. Dito nakilala ni Magda si St
eve, dito nagkaroon ng gulo sa pagitan ng mga Kano at Pinoy at marami pang iba n
a hanggang ang bandang dulong bahagi ng nobela na maituturing na µpagkawala ng dam
buhalang galit ni Mike sa mga Kano¶ ay dito naganap. .Ang Freedom Pad ang siyang n
aging piping saksi sa iba¶t ibang pangyayari sa buhay ng mga pangunahing tauhan.
[5]
APARTMENT NINA MAGDA AT MIKE Ito ang bahay na pinagsaluhan nina Dolores at Magda
kasama ang noo¶y maliit pang si Mike. Nang mamatay na si Dolores at binata na si
Mike, mababasa sa ikalawang kabanata ng nobela ang naging pagtatalo nina Mike at
Magda sa tuwina sapagkat hinihiling ng huli na lumipat na si Mike ng ibang tira
han tutal ay matanda na siya at nakatatayo na sa sariling mga paa. Ang tunay na
dahilan nito ay dahil nagiging sagabal si Mike sa µbisnes¶ ni Magda, sa kanyang pag-
uuwi ng kostumer sa kanilang bahay at makikita si Mike ay inaayawan na siya nito
. Siyaempre, mayroon din namang masasayang pangyayari na naganap dito na nagpapa
tunay na sina Magda at Mike ay may pag-aalala din sa isa¶t isa bilang magkasambaha
y at magkaibigan. Sa huli, ang apartment na ito ay isa rin sa mahahalagang tagpu
an ng Gapo.
BEACH SA OLONGAPO Dito nagpunta sina Modesto, Mike, Ali, Jeffrey at Igna bilang
paglilibang nila kay Jeffrey. Sa dagat ay nagkakatuwaan sina Modesto, Jeffrey at
Mike na animo isang masayang pamilya. Subalit si Ali ay nagmukmok lang sa kanil
ang nirentahang kubo sapagkat siya ay naghahanap ng isang lalaking kanyang mamah
alin at handa rin naman magmahal sa kanya. Nang malapit nang lumubog ang araw at
habang patuloy si Ali sa pagbuo ng kung anu-anong imahinasyon sa kanyang sarili
ukol sa kanyang µideal boy¶ ay biglang sulpot ang napakakisig na Kano na nagpakilal
ang Richard Halloway. At dito nagsimula ang µmatamis¶ na pagmamahalan ng dalawa.
[6]
BASE NG MGA KANO SA OLONGAPO Lingid sa kaalaman ng kahit sino, matindi ang diskr
iminasyong nararanasan ni Modesto sa loob ng Base kapiling ang mga katrabahong m
apang-alipusta tulad ni Johnson. Dito di lamang siya binubulyawan, pinagpipiyest
ahan at kinakantiyawan ng mga sundalong Kano, kundi natatapakan na rin ang kanya
ng dangal at pagkalalaki. Mabuti na lamang ay may isang William Smith na sa katu
lad niyang Pilipino ay marunong makisuyo, nakikipagkuwentuhan at nang-aalok ng m
ansanas sa bawat makatrabaho. Ngunit isang karumal-dumal na pangyayari ang dito
ay naganap matapos ang ilang araw na pananahimik ni Modesto mula malaman ng anak
na si Jun ang kanyang tunay na sitwasyon sa loob. Isang araw, hindi na natiis n
i Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong Amerikano sa base militar. Nak
ipagsagutan siya kay Johnson at nauwi ito sa suntukan. Lamang sana si Modesto na
ng pagtulungan siya ng mga kasamahan ng sundalong Puti. Sa kabila ng pagpipigil
at pakikiusap ni William, napatay nila si Modesto.
BAHAY NI MODESTO Isang tagpo sa nobela ay ang pag-uwi ni Modesto sa kanyang taha
nan kung saan nagbunganga na naman ang kanyang asawa ukol sa kanyang pagtatapon
ng pera sa alak at bar sa halip na sa gastusing-bahay kaya naman lubog na sila s
a utang. Ibinalita rin sa kanya ni Jun ang ukol sa tanggapan sa Base at ang kany
ang interes na pumasok dito. Tinutulan ito ni Modesto at sinabing baka isipin ng
mga kapitbahay ay masiyado silang abuso sa Base at nakakahiya. Subalit ang toto
o ay natatakot lamang siyang malaman ni Jun ang kanyang kalagayan sa loob. Kaya
naman nang nagpumilit si Jun ay napigti na ang kanyang pasensiya at binulyawan i
to ukol sa inuutos niya ritong punuin ng tubig ang dram.
[7]
D. Mga Tauhn
[8]
1. Michael Taylor Jr. ± Isang folk singer na G.I. Baby na magaling sumuri ng tama
at mali. Siya ay galit sa mga Kano dahil sa pagiging iresponsable ng mga ito at
dahil isa siya sa mga naging bunga ng pambibiktima ng mga Kano sa mga Pilipina.
Makabansa siya at pinagtatanggol niya ang ating bansa sa kanyang sariling paraan
. 2. Magdalena ± Isang mabuting kaibigan kay Dolores. Isa sa mga babaing nag-ambis
yon na makarating sa Amerika. Naapektuhan ng kolonyalismo at dahil dito ay tinat
angkilik niya ang mga produktong Kano. 3. Alipio ± Isang bakla na nagkagusto kay M
odesto. Siya ang nag-alaga sa kanyang pamangkin na si Jeffrey nang umalis ang ka
nyang kapatid na si Alice. Mapagkalinga siya ngunit ang kanyang kahinaan ay ang
maaaring hindi magandang impluwensiya niya sa kanyang pamangkin dahil sa kanyang
kasarian. Kaya nang dumating si Richard Halloway ay agad siyang nahulog sa bita
g nito. 4. Modesto ± Matatag na lalaki dahlil kinakaya niya ang masasakit na salit
a ng mga Kano. Ngunit sa kabila ng katatagan niya ay mahina pa rin siya dahil gi
nagawa niyang panlutas ng problema ang alak. 5. Dolores ± Isang babaeng nang magut
om ay nagbenta na pati ng katawan. Nabuntis ni Michael Taylor Sr. ngunit di na s
iya binalikan nito. Sa kabila nito ay nagpakatatag siya at isinilang si Michael
Taylor Jr. 6. William Smith ± Isang responsableng Kano na pinakasalan ang isang Pi
lipina nang mabuntis niya. Palakaibigan siya at hindi nananapak ng ibang tao. Si
ya ay piping tumututol sa mga kamalian ng kanyang mga kalahi. 7. Johnson ± Isang m
apanlait at marahas na Kano. Minamaliit niya ang kakayahan ng mga Pilipino. 8. R
ichard Halloway ±Palakaibigan na Kano subalit masasabi rin na minamaliit niay ang
kakayahan at katayuan sa buhay ng mga Pilipino dahil di siya makapaniwala na may
aman ang amo ni Igna. Mapagsamantala din siya dahil ginamit niya ang kahinaan ni
Ali para makuha ang mga kayamanan nito. 9. Igna ± Mabait at mapagmalasakit an kat
ulong ni Ali sa unang bahagi ngunit nakakapoot na siya ay nasilaw din sa kinang
ng pera sa huli. 10. Jeffrey ± Ang pamangkin ni Ali na lumaki sa ibang bansa. Dahi
l dito ay naapektuhan din ng pamumuhay doon ang kanyang pag-uugali kaya naging p
asaway ito. 11. Jun ± Anak ni Modesto na labis ang pagnanais na makapagtrabaho sa
Base. Siyang dahilan ng pagkapahiya ni Modesto kaya naubusan ng pagtitimpi. 12.
Steve Taylor ± Maituturing na kakaiba sa lahat ng Kano dahil may pag-aalala at res
peto kay Magda kaya nakasundo niya si Mike. Ngunit sa huli ay manloloko rin pala
siya dahil di niya sinabi kaagad na mayroon siyang naiwang pamilya at ninais pa
niyang ipalaglag ang bata sa tiyan ni Magda.
[9]
E. Banghay
Blondeng diyos. Ito ang maikling diskripsiyon kay Michael Taylor Jr., dalawampun
g taong gulang, isang G.I. Baby na folk singer sa Freedom Pad sa Olongapo na mal
aki ang galit sa mga Kano dahil sa ginawang pag-iwan ng mga ito sa kanyang inang
si Dolores kaya wala siyang kinalakhang ama. Magdalena naman ang pangalan ng na
ging kaibigan ng kanyang ina na kinalauna¶y umaruga dito hanggang sa ito¶y mamatay.
Sila¶y namuhay na magkasama sa iisang bubong. At kabaligtaran ni Mike, si Magda na
isa ring hostess gaya ni Dolores ay malaki ang pagkahumaling sa mga produktong
Kano at sundalong Kano sa pag-asang makapunta sa Amerika upang guminhawa ang buh
ay. Sa Freedom Pad, nagkatagpo sina Alipio at Modesto na nauwi sa isang gabi ng
romansa. Nagawa lamang ito ni Modesto dahil sa kanyang mapapait na karanasan sa
loob ng Base at tanging alak lamang ang kanyang labasan ng sama ng loob. Si Ali
naman, sa kanyang paghahanap ng makakatuwang sa pag-aaruga kay Jeffrey na kanyan
g pamangkin, ay agad na nahulog ang loob sa noo¶y nagpakilalang si Richard Hallowa
y nang sila ay nasa beach. Nagpatuloy ang normal na pamumuhay ng mga tauhan sa m
aingay na siyudad ng Olongapo hanggang sa makilala ni Magda si Steve Taylor na m
aituturing na kaiba sa ibang Kano. Ngunit si Modesto na sa tuwina¶y mapagtimpi, ay
sumabog na¶t sinubukang lumaban sa mga sundalong Kano matapos malaman ng anak ang
kanyang tunay na sitwasyon. Lamang sana siya ngunit siya¶s pinagtulungan, at nasa
wing-palad. Ang matamis naman na pag-iibigan nina Ali at Richard ay balat-kayo l
ang pala µpagkat siya¶y inisahan nina Richard at Igna, ang kanyang boy sa bahay. Nin
akaw ng mga ito ang kanyang pera at binugbog pa siya. Mabuti na lamang ay nasakl
uluhan siya ni Mike. Samantala, masaya sana si Magda na siya¶y nagdadalang-tao na
ngunit nang siya ay ayaw pananagutan ni Steve dahil siya ay may pamilya na sa Am
erika at nang malaman ito ni Mike, isang paghulakbos ng damdamin ang naganap. Na
ng gabing iyon sa Freedom Pad, matapos kausapin ni Steve si Mike at sabihing ipa
laglag na lang ang bata, nagbalik sa alaala ni Mike ang kalupitan ng mga Kano sa
kanyang mga kaibigang sina Modesto, Ali at Magda. Sa isang iglap, pinaghahampas
niya ng kanyang gitara ang ulo ni Steve hanggang sa ito¶y mamatay. Sa wakas ng no
bela, nakulong si Mike at sa pagdalaw ni Magda sa kanya sa kulungan ay matatanto
ng, si Magda na dating nahuhumaling sa mga Kano ay tuluyan nang nagbago. Ipinagb
igay-alam niya kay Mike na papangalanan niya ang kanyang anak na Michael Taylor
III. Bilang pagtanggap ni Mike na siya na ang tatayong ama ng bata, mahigpit niy
ang ginagap ang kamay ni Magda sa rehas.
F. Paggamit ng Simbolismo
1. Pagsasabi ni Mike kay Magda na kapag may dinala pa siyang Kano sa kanilang ap
artment ay babasagin niya sa ulo nito ang kanyang gitara. Ito ang nabanggit ni M
ike sa unang bahagi ng nobela nang minsang mag-away sila ni Magda dahil dinala n
iya si Sam, ang kanyang kostumer sa kanilang apartment at sa sala pa napiling ma
g-µmilagro.¶ Alam ni Mike na sinadya ito ni Magda upang inisin siya at nang tuluyan
na siyang umalis sa bahay nila. Ngunit ayaw talaga ni Mike magpatalo dahil katwi
ran niya, kumikita naman siya at mahirap nang maghanap ng bahay na malilipatan.
Sa hulihang bahagi ng akda, tila nagdilang-anghel si Mike sapagkat nagawa niya n
gang ihampas ang kanyang gitara sa isang Kano, at kay Steve pa na natutunan na s
ana
[10]
niyang tanggapin. Bunga na rin ito ng sunud-sunod na kawalanghiyaan ng mga Kano
sa atin. Una ay ang pagpatay kay Modesto, sunod ay ang panloloko ni Richard Hall
oway at Igna kay Ali at ikatlo ay ang pagtatapat sa kanya ni Steve at hiling nit
ong ipalaglag na lang ang bata sa sinapupunan ni Magda. Nagipun-ipon ang lahat n
g ito kaya naman din na niya napigilan ang kanyang sarili. Napatay niya si Steve
at siya¶s nakulong.
2. Pagkaputol ng isa sa mga kuwedras ng gitara habang tinutugtog ni Mike ang kan
yang ikatlong kanta. Ito ang isa pa sa mga nagbibigay senyales na may masamang m
angyayari nang gabing iyon. Noong una¶y akala ni Mike ay simpleng tampuhan lamang
ang namamagitan sa dalawa. Noong una¶y akala niya ay maayos din kaagad ang lahat n
gunit sa mga sinabi ni Steve na si Magda ay isa lamang puta, na siya ay may naiw
ang pamilya sa States at paninisi nito kay Magda dahil ito umano ang lumimot sa
tunay nilang sitwasyon na akala niya¶y nauunawaan nito una pa lang. Lahat ng ito a
y tuluyang sumira na rin sa sumisibol na sanang konsiderasyon ni Mike na hindi l
ahat ng Puti ay masama. Ngunit punung-puno na siya. Napigtas na rin ang kanyang
pasensiya, pananalig at pag-asa na may mabubuti ring Kano. 3. Pagdating ng barko
ng Kano at pagkakagulo ng mga tao sa Olongapo bilang paghahanda gaya ng mga host
ess na kuntudo sa pagma-make-up. Hindi ba¶t sa tuwing darating ang mga sundalong K
ano ay grabe ang ginagawang paghahanda ng mga waiter, hostess, manager atbp. Aba¶t
sulputan ang mga iba¶t ibang pampaganda, ang mga beauty salon ay nabubuhay at mab
ubuhay na namang muli ang pangarap ng mga hostess na makarating sa ibang bansa.
Pag-asa nga bang talaga ang nais ipahiwatig nito sa atin? Mas maunlad na buhay n
ga ba ang sa ati¶y ihahain? Para sa akin ay nagsisimbulismo lamang ito ng ating ma
ling paniniwala na ang mga Kano ang siyang solusyon sa ating mga problema¶t kahira
pan. Kung pakasusuriin ay hindi ba¶t higit na kaguluhan sa kapwa kababayan ang sa
ati¶y hatid ng µbarkong¶ ito. Dahil sa mga Kano ay di bale nang maapi ang kapwa Pilipi
no maipakita lang ang ating pagiging ³hospitable.´ Tsk. Tsk. Mga Pinoy talaga. 4. Pa
gsasantabi ni Magda sa mga produktong Pinoy gaya ng Mang Tomas, Bagoong Ilokano
at PatisPambihira. Sa halip, inilagay niya sa lalagyanan ang kanyang bagong bili
ng inported na produkto gaya ng Ruby Ruth, Corned Beef at Hersey atbp. Ipinahihi
watig nito ang pagtangkilik ni Magda sa mga imported na produkto sa halip na sar
iling atin. Ipinapakita rin nito ang pangkahalatang persepsiyon nating mga Pilip
ino na basta¶t galing ibang bansa ay swak na sa kalidad o lasa. Pati na rin ang at
ing pananabik sa mga ito ay naipakita nang sabay-sabay kainin ni Magda ang kanya
ng pinamili. Ngunit, ewan kung dahil sa sabay-sabay niya itong kinain at naghalo
ito sa kanyang tiyan, o siya¶y naapektuhan sa sinabi ni Mike ukol sa balita sa Lo
ndon kung saan ilang katao ang sinugod sa ospital matapos kumain ng sardinas gal
ing sa Amerika. O dili kaya¶y totoo ngang may diperensiya ang mga pagkain, biglang
nagsusuka si Magda sa lababo at inilabas ang lahat ng kanyang kakain pa lang. T
sk. Tsk. 5. Paggagap ni Mike sa kamay ni Magda ng mahigpit sa dulong bahagi ng n
obela. Ito ay naganap noong nasa kulungan na si Mike matapos ang krimen at siya¶y
dinalaw ni Magda. Tinanong ni Magda na kung maaari ay pagtulungan nilang palakih
in ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Ginagap ni Mike ang kamay ni Magda sa pag
itan ng mga rehas, tunay na nagpapahiwatig
[11]
ng kanyang pagsang-ayon sa hamon ng pagiging isang ama sa kabila ng kahirapan. A
ng paggagap na ito ay nangangahulugang magtutulungan sila ni Magda at magsusumik
ap na maging isang masayang pamilya. 6. Pagdurog ni Magda ng tsokolateng Baby Ru
th sa kanyang palad habang nasa ilalim ng arko sa parke na may nakasulat na ³To Th
e Lasting Friendship of Two Great Nations.´ Nang mga panahong ito ay tila napagisi
p-isip ni Magda ang mga sinabi sa kanya ni Mike noong marami siyang pinamiling p
agkaing stateside at sa mga nagyari sa kanila nitong mga nakaraang buwan at sa k
anyang pagbubuntis ay makikitang nagbago na ng pananaw si Magda. Simula ngayon h
indi na siya tatangkilik ng mga produktong Kano at di na aasang makapapangsawa n
g isang Kano. Ang lahat ng ito ay malumanay niyang tinaggap sa kanyang sarili. A
t tulad ng isang tsokolateng natunaw, hindi na ito maibabalik pa sa orihinal na
hugis, ang pananaw at desisyon ni Magda ay pinal na.
G. Paglalapat
Sa unang tingin, hindi mo aakalaing ang isang maliit at tila pipitsuging librong
Gapo ni Lualhati Bautista ay mayroong napakaraming bagay, aral, katotohanan at
kaisipan ang sa ating mambabasa¶y ipapamana. Sa katotohanan, hindi ko intensiyong
magbasa ng isang nobelang Tagalog noong una sapagkat nasanay na ako sa nobelang
isinulat sa wikang Ingles. Pero dahil kailangan, sinimulan kong basahin ang paba
lat, sa harap at sa likod. Hmmm.... Mukhang kakaiba ang tema nito ah. Sa isip ko
. Kaya pagbuklat ko sa unang pahina, tila ako namahika µpagkat di ko na natigilan
ang pagbabasa. Ang pangyayaring ito ay noong ako¶y nasa ikatlong taon pa sa sekond
arya, noong nakaraang taon. Oo, inuna kong basahin ang Gapo sa kadahilanang mas
manipis ito. Ngunit, huwag ka. Nakaka-adik pala. Eh di sinunod ko naman ang Deka
da ¶70. At wow! Grabe ang laki-laki pala talaga ng librong ito. Naloko ako ah! Hah
a. Bago pa kung anu-anong sabihin ko dito ay nais ko lang ibahagi ang ilan sa mg
a napulot ko¶t ibinulsang aral sa nobelang ito. Nagising ang natutulog kong diwa,
damdamin at espiritung pagka-Pilipino. Mapapansin mo naman sa kabuuan ng pagsusu
ring ito ay tila pinapatutsadahan ko ang bansang Amerika o ang Estados Unidos. O
o, totoo yun, bakit? Sa mas sersoyosong usapan, naramdaman kong mahal ko pala an
g bansa ko, ang kapwa ko at ang sarili ko. Kasi dati, basta gawang ibang bansa,
pinapanginoon natin, pero dahil sa akdang ito, mas nabigyang liwanag ang mga hak
a-haka. Oo, wala naman payak na patunay si Lualhati maliban sa kanyang karanasan
, sa eksperiyensa ng mga taong biktima ng µkanilang¶ kabutihang-puso. Kung ang epekt
o nito sa ating bayan, sa palagay ko ay wala hangga¶t hindi nakakapagbasa ng isang
nobelang tulad ng Gapo. Marahil sa aming mga mag-aaral na required na basahin i
to ay mayroon. Sana lang mabuti ito at magamit sa tamang paraan at hindi lamang
nalaman at wala na, ibinaon na sa kung saan. Well, sino ako para diktahan kayo s
a paniniwala niyo. Basta ako, yan ang ilan sa pinaniniwalaan ng isang batang tul
ad ko.
[12]
H. Kaisipan/Aral
1. Wala nang hihigit pang kadakilaan sa pag-alay ng buhay sa bayan. -- Para sa a
kin, sa kanilang simpleng pamamaraan, maituturing na bayani sina Modesto, Mike,
Magda dahil inialay nila ang buhay sa ating bansa. Hindi man sa paraang pagpapak
amatay, sa paraan ng pamumuhay ay naipakita nila ang tunay na ugali ng Pilipino
sa mga pagsubok ng buhay. Si Modesto na pilit nagtimpi sa kabila ng mga pang-aap
i, si Mike na Kano man ang panlabas na kaanyuan ay Pinoy na Pinoy ang paninindig
an at si Magda na natuto sa kanyang mga pagkakamali at sa huli ay nagbao nang tu
luyan. Nakakabilib hindi ba? 2. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo. -- It
o ang nangyari kay Modesto nang mapuno na siya sa mga pinaggagawa sa kanya at hi
git na nang malaman ng kanyang anak ang kalagayan niya sa loob ng base. Ilang ar
aw siyang nawalan ng kibo at nanahimik, pero isang araw bigla siyang sumabog at
di na nakapagpigil. Kaya, dapat tayong mag-ingat sa pakikitungo sa kapwa natin.
Matutong makipagkapwa nang maiwasan ang pagkakaroon ng kaaway at gulo. 3. Batong
buhay ka man na sakdal ng tigas, sa patak ng tubig lamang naagnas. -- Masasalam
in ito sa nagyari kay Mike na animo napakatatag sa kabila ng mga kaguluhan sa Ga
po at tila balewala na lang sa kanya ito. Nang sumapit ang oras na ang mga kaibi
gan naman niya ang nalagay sa alanganin, hindi siya nakapagpigil at bumigay ang
matagal nang tinitimping galit. Parang sa tao, kahit gaano tayo kalakas, lahat t
ayo ay may kahinaan. Maaaring mga mahal sa buhay o mga bahay na mahalaga sa atin
.
[13]

You might also like