You are on page 1of 11

Tata Selo

Ni Rogelio Sikat

Ang panitikan ay salamin ng buhay. Ito’y isang representasyon ng mga karanasan sa buhay ng tao sa tulong ng mga
salita. Sa kuwentong ito, alamin kung anong mga pangyayari sa mga tao sa lipunan ang malinaw na pinapaksa ng may
akda. Matagumpay ba itong nailahad ng may akda? Anong paraan ang ginamit niya?

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na
ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangan makalapit sa istaked.

“Totoo ba, Tata Selo?”

“Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”

Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha
sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay.
Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang
magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko ho mapaniwalaan.”

Hinaplus-haplos ni tata Selo ang ga-daliri at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di kalayuan sa
istaked, ipinagtitilakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang Sikat ng araw na tumatama sa
mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nagsasalisod na alikabok.

“Bakit niya babawiin ang saka?” tanong ng Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang
may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay
ng kahit isang pinangko kung anihan?”
Hndi pa rin umalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala
siyang sino mang tinitingnan.

Hindi mo na sana tinaga ang Kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang
magilas na pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may
kulay, at nakapamaywang habang naninigarilyo.

“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka?”

Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang Kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo.
Kung gusto ka niyang paalisin, mapapaalis ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.

“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at
mariing tinapakan pagkatapos. “alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit
ang aking asawa, naembargo lamang po ng Kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya nga po ako hindi
nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masasaka man lamang
po.nakikiusap po ako sa Kabesa kangina. ‘kung maaari po sana, ‘Besa’’, wika ko po, ‘kung maaari po sana, huwag naman
po ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako pa nama’y malakas
pa.’ Ngunit…Ay! Tinungkod po niya ako nang tinungkod, Tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po ‘nyo.”

Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.

“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”

Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked.
Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na
sumbrerong balanggot ng bata.

Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.

“Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis ako sa aking saka,
ang wika’y iba na raw ang magsasaka. Nang makiusap ako’y tinungkod ako. Ay! Tinungkod ako, amang, nakikiusap ako
sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”

“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”


Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.

“Patay po ba?”

Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.

“Pa’no po niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong anak ni Tata Selo na ulila na sa
ina.

Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na
nang dumating ito, kasama ang hepe ng pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng dyip na
kinasaksakyan ng dalawang upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.

Tumigil ang dyip sa di-kalayuan sa istaked.

“Patay po ba? Saan po ang taga?”

Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ng may-katabaang alkalde ang dalawang kamay upang
payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking lalaking hepe.

“Saan po tinamaan?”

“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing ihinagod hanggang sa kanang punog
tainga. “Lagas ang ngipin.”

Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng batuta ang mga pulis. Ipinasya
ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo
sa istaked.

“Mabibilanggo ka niyan, Tata Selo,” anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng
mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.

“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot si Tata Selo.

“Binawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang
iyon, amin, po, Naisangla lamang po at naembargo—“
“Alam ko na iyan,” kumukupas at umiiling na putol ng nabubugnot na alkalde.

Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw nang luha sa kanyang malalabo at tila
lagi nang may inaaninaw na mata.

“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatuwiran po bang paalisin
ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”

“Saan mo tinaga ang Kabesa?”

Matagal bago nakasagot si Tata Selo.

“Nasa may sangka po ako nang dumating ang Kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas na pilapil. Alam ko pong pinanonood
ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa,
kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at nang ako po’y lumapit, sinabi niyang makakaalis na
ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.

‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ Tanong ko po uli,
‘malakas pa po naman ako, a’ Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako po’y… Ay! Tinungkod po
niya ako ng tinungkod nang tinungkod.”

“Tinaga mo na no’n,” anag nakamatyag na hepe.

Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin—may mga eskribante pang nakapasok doon—ay nakatuon kay Tata
Selo. Nakayuko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak
sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.

“Ang iyong anak, na kina Kabesa raw?” usisa ng alkalde.

Hindi sumagot si Tata Selo.


“Tinatanong ka anang hepe.”

Lumunok si Tata Selo.

“Umuwi na po si Saling, Presidente.”

“Kailan?”

“Kamakalawa po ng umaga.”

“Di ba’t kinakatulong siya ro’n?”

“Tatlong buwan na po.”

“Bakit siya umuwi?”

Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko siya.

“May sakit po siya.”

Nang sumapit ang alas-dose—inihudyat iyon ng sunod-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang
ng munisipyo—ay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.

“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na

Nakayuko at di pa natitinag sa upuan.

“Binabawi po niya ang aking saka.” Katwiran ni Tata Selo. Sinapo ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod si Tata
Selo.

“Tinungkod po niya ako ng tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.

Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig napaluhod si

Tata Selo, nakakapit sa uniporment kaki ng hepe.

“Tinungkod po niya ako ng tinungkod… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod ng tinungkod…”

Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.

“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e,” sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit
nang muling pagmalupitan ng hepe.

Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw.
Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo’y dapat nang nag-uuulan. Kung may humihihip na
hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.

“Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng
istaked. “Don ka suguro ikukulong.”

Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruming sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y
natutuyong tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila
walang butong mga kamay. Nakakiling, naka-sandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa
malapit sa kanyang kamay, hindi na gagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.

“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab
ang sapatos ng alkalde.

“Patayin na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang narinig si Tata Selo. Napatay ko po ang Kabesa. Patayin na
rin ninyo po ako.”

Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ng mga palad at
tiningnan niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.

May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran
ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay
Tata Selo. Karamihan ay taga-Poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na
ang balitang ililibing kinahapunan ang Kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila
isang di pangkaraniwang hayop na itatanghal.

Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo.
Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.

Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan.

Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhatan siyang
dalawang pulis.

Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa
harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.

“Hindi ka na sana naparito Saling,” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka, Saling, may sakit ka!”

Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot
ay tila yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang kanyang namumulang mukha. Pinalipat-lipat niya ang tingin
mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.

“Umuwi ka na, Saling” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na…bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka nang
magsasabi…”

Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked. Pagkabalik niya sa istaked, pinanood na
naman siya ng mga tao.

“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi ng halata.”

“Ang anak, dumating daw?”

“Naki-mayor.”

Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya’y maiupo.
Ngunit nang marinig niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas.
Mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag siya ng mga pulis
ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa
sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya.

“Tata Selo…Tata Selo…”

Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.

Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya.

“Nando’n amang si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo.” Muling bumagsak
ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nag-paulik-ulik, pagkaraa’y takot at bantulot nang sumunod…

Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lihin sa istaked,
sa may dingding na steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan
ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang
mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang Inutusan niya kanina. Sinabi ng bata na
ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi pagbawi ng
saka ang sinasabi.

Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! Ang lahat ay
kinuha na sa kanila…
Ang Kuwento ni Puti
Disyembre 20, 2012 by Genaro Gojo Cruz Mag-iwan ng puna
ni Genaro R. Gojo Cruz
PAPAUWI NA AKO galing sa paaralan at abala sa pagtalisod ng maliliit na bato sa daan nang makasalubong
ko si Puti. Di pa Puti ang pangalan niya noon. Para sa akin, isa lang siyang madungis at kulay abong
aso. Umaalingasaw ang kanyang mabahong amoy. Halatang galing siya sa pangangalkal ng basurahan.
Natakot ako sa kanya. Baka bigla na lang niya akong sakmalin. Iniwan ko siya. Naglakad ako nang
mabilis. Pero sinundan niya ako. Kahit saan ako lumiko, sumusunod siya. Kapag huminto ako sa paglakad,
hihinto rin siya. Nagmadali akong makarating ng bahay.
Mabilis na mabilis akong umakyat ng bahay. Sana, di na ako nasundan ng aso. Agad akong nagtungo kay
Nanay para ikuwento ang tungkol sa madungis na asong nakita ko. Iniwan ni Nana yang kanyang
tinatahi. Tingnan daw naming ang aking kinatatakutan.
Nasa puno ng hagdanan ang aso. Nasundan pa rin pala niya ako. Biglang sumilang ang ngiti sa mukha ni
Nanay. Di ko alam kung bakit. Nagbahag ng buntot ang aso. Lumapit siya sa amin ni Nanay at sinimulang
amuyin ang aming mga paa. Umuungot-ungot siya na parang gutom na gutom. Takot pa rin ako sa
kanya. Ayaw ko sa kanya. Pinapanhik ako ni Nanay. Siya na raw ang bahala sa madungis na aso.
Kinabukasan, pagkatapos ng almusal, inutusan ako ni Nanay na dalhin ang pagkain ng aso. Ayoko na sanang
makita ang madungis na aso pero napilitan ako.
Nagulat ako sa aking nakita. Isang asong puting-puti ang naghihintay sa akin sa ibaba ng hagdan.
Kumawag ang kanyang buntot at biglang akong natuwa sa kanya. Bibong-bibo ang aso. Sabik na sabik ko
siyang pinakain. Pinagmasdan ko ang aso. Mahaba at payat ang kanyang katawan. Kasing-puti ng ulap ang
kanyang maliliit na balahibo. Simula noon, pinangalanan ko siyang Puti, kasingputi ng mga ulap na paborito
kong pagmasdan.
Mula nang bigyan ko ng pangalan si Puti, sabik na sabik lagi akong umuwi para makapaglaro kami. Lagi niya
akong inaabangan sa tarangkahan. Kapag natatanaw na niya akong paparating, buong lakas siyang
tatahol. Sasalubungin niya akong patalon-talon at kumakawag pa ang buntot. Aamoy-amoyin niya ang aking
mga paa. Siguro inaalam niya kung saan ako galing.
Madalas kaming maghabulan sa likod ng aming bahay, sa may bukid. Likas na masigla si Puti. Isang
katangiang gustong-gusto ko sa kanya. Kahit anong bilis ang gawin kong pagtakbo, naaabutan niya ako. Kahit
magpaikot-ikot ako, gagayahin niya. Minsa nga, nagkunwari akong nadapa at bigla siyang lumuhod na parang
nadapa rin. Di siya napapagod.
Masayang-masaya ang hapon ko kapag kasama ko si Puti. Minsan, nanaginip ako. Galing daw siya sa ulap na
sumusunod sa akin. Ipinaglihi daw siya sa ulap na sumusunod sa akin kaya naging puti ang kanyang
balahibo. Kaya alam ko, bigay si Putin g ulap sa akin. Kapag hinihimas ko ang balahibo niya, naniningkit ang
kanyang mga mata.
Di ko siya nakakalimutang pakainin. Dahil alam kong di lang bilang kalaro at kaibigan ang tungkulin niya,
nagiging taga-bantay rin sya ng aming bahay sa araw at gabi. Mahirap yatang tungkulin iyon! Iginawa siya ng
isang maliit na bahay ni Tatay pero madalas na sa may ibaba ng hagdan siya nahihiga.
Isang umaga, napansin ko ang kakaibang kilos ni Puti. Matamlay siya. Di kumakawag ang kanyang buntot
nang salubungin niya ako sa hagdan. Inamoy-amoy niya ang aking mga paa. Hinimas ko kanyang puting
balahibo.
“Hintayin mo ako Puti. Uuwi agad ako.”
Pero sa aking pag-uwi, napansin kong may namumuong maiitim na ulap sa langit. Binilisan at nilakihan ko ang
aking mga hakbang dahil tiyak na bubuhod ang malakas na ulan. Buti na lang at pinabaunan ako ng kapote ni
Nanay. Inilabas ko ang aking kapote dahil nagsisimula ng pumatak ang ulan. Bumuhos ang malakas na ulan.
Pero bago ako makarating sa aming bahay, tumila na ang malakas na ulan. Nagtataka ako, walang Puti na
tumatahol at sumasalubong sa aking pagdating.
Siguro nasa hagdan lang si Puti at doon ako hinihintay. Ayaw na ayaw kasi niyang tumapak sa basing
lupa. Pero nang marating ko ang hagdan, wala pa rin si Puti akong nakita.
Agad kong pinuntahan si Nanay para itanong kung nasaan si Puti. Sabi ni Nanay, bago pa bumuhos ang
malakas na ulan ay kinuha na si Puti ng tunay na may-ari na taga-Ibayo.
Wala na akong iba pang naitanong kay Nanay. Wala na si Puti. Di ko na uli siya makikita.
Naupo ako sa hagdan. Sa ilalim nito, bakas na bakas pa rin ng katawan ni Puti. May maliliit na puting balahibo
pang naiwan. Wala na si Puti. Wala ng sasalubong sa aking pagdating. Wala na akong kalaro tuwing hapon.
Tumingala ako sa langit. Napansin ko, napalitan na ng mapuputi ang kanina’y maitim na maitim na ulap.
Si Ato sa Sangmagdamagang Pagtakas sa Kawalang-Malay
ni Pat V. Villafuerte Karangalang

Banggit sa Maikling Kwemto
Don Carlos Memorial Awards for Literature, 1991
ALAS DOS NG UMAGA
ISANG napakalakas na dagok ang nagpahinto sa simpleng pangarap na iyon ni Ato. Kanina sa kanyang panaginip ay
magkasama sila ni May sa paghabol ng mga alitaptap. Kaybilis nilang tumakbo. Hindi siya maabut-abutan ni May, gayong
madalas pa nga siyang huminto upang maabutan ng kapatid. Una siyang nakahuhuli ng alitaptap. Kaybilis niyang
tumakbo. Hindi sya maabut-abutan ni May, gayong gayong madalas pa nga siyang huminto upang maabutan ng kapatid.
Una syang nakakahuli ng alitaptap. Dinadakma niya ang mga iyon at pinaiikut-ikot sa kanyang mga palad. Hangang-
hanga si May sa kakaibang gilas na kanyang nagagawa. Ngunit sa tuwing tatangkain ng kapatid na hipuin ang mga
alitaptap ay pakakawalan nya ang mga iyon sa kanyang mga palad. Kaylaking panghihinayang ni May. Magkakatinginan
sila. Damang-dama niya ang malaking kalungkutan sa kapatid. Ngunit sya man, sa kanyang sarili ay hindi maipaliwanag
kung bakitkailangang pakawalan niya ang mga alitaptap upang huwag mahawakan ng kapatid na nang sumandaling iyon
ay may namumuong luha sa mga mata. Binalak niyang anghuli uli ng kahit isang alitaptap. Hindi lamang niya
pahahawakan ito sa kapatid kundi siya mismo ang maglalagay sa kanang palad nito upang ipaangkin nang buung-
buo. Ngunit …

“Hindi ba’t kabilin bilinan ko sa iyo, Ato, ay salubungin mo


ako sa kanto at gagabihin ako ngayon? Tutulungan mo lang pala ako, tarantado ka
!”bulyaw ng babaing
humawan sa kanyang pagbubungang-tulog, kasabay ng isang napakariing dagok na halos kumawala sa kanyang
matinong pag-iisip. Mabilis ang pagkakabangon ni Ato. Sa pakiwari niya ang buong alapaap na bahagi nh kanyang
panaginip ay bumagsak sa kanyang hapong katawan. Hilung-hilo si Ato. NAgdodoble ang paningin niya sa baaing mag-
iisang taon na nilang kasama sa barung- barong na iyon. Si Precy, ang kinakasama ng kanyang ama. Ang kanyang
pangalawang ina. Tandang-tanda pa ni Ato nang una niyang makilala si Precy. Maghahatinggabi noon. Nagising siya sa
malakas na pagsipa ng kanyang ama sa pintong malapit sa kanyang kinahihigan. Pasuray-surayang kanyang ama. Hawak
ang isang bote ng alak habang ang isang kamay ay malikot at paulit-
ulit na humihimas sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng
babaing noon lamang niya nakita.

Maliit na babae lamanhg si Precy. Balingkinitan nag katawan. Hapit na hapot sa katawan ang abot-hitang bestidong may
matingkad na kulay. Sa pag-aanagat ng mukha ni Ato ay saka lamang niya napagmasdan ang mukha ng kanilang
panauhin. Magaspang ang mga pisnging napipintahan ng mamula-mulang kulay, at pinaglalangis ng namumuoong pawis.
Walang tigil sa katatawa ang
babae, lalo’t may
ibubulong ang kanyang ama. At sabay silang magtatawanan.
Hindi alam ni Ato kung siya’
y babangon o mananatili sa pagkakahiga. Hindi siya sanay makakita ng ganoong tagpo.MInsan lang siya nakakita ng
ganoong tagpo, nang umalis ang kanyang ama, at isinama niya si May sa bahay ni Oyet upang makipanood ng telebisyon.
Isang lumang pelikulaang kanilang napanood. At nakita niya kung paano
maghalikan ang mga artista. Hindi nila tinapos ang tagpong iyon… Malakas ang hangin sa
labas ng bahay, ngunit para siyang pinagpapawisan. Umalsa nang bahagya ang kanyang harapan. Hindi siya makakilos sa
kinatatayuan. Hinawakan niya sa kamay si Mya at niyayang umuwi. Ibig niyang makatulog. Ayaw niyang Makita ang
susunod na pangyayaring maaring maganap sa kanyang ama at sa babaing may balingkinitang katawan. Ngunit hindi siya
makakilos sa pagkakahiga. Walang dingding na nakapagitan sa maliit na kabahayang ipinagawa ng kanyang ama. At saksi
siya sa mga pangayyaring naganap. Ang dalawang aninong iyon na walang lubay sa kagaglaw- pag-upo, pagtayo, paghiga
at pagyuko ay ansaksihan niya nang buung-buo. BIgla niyang naalala si May. Nilingon niya ang natutulog na kapatid. Saka
lamang siya nakadama ng katahimikan.
“Ilang taon ka na bang iniwan ng misis mo?”
narinig niyang tanong ng babae sa kanyang ama. Alam niyang ang kanyang ina ang tinutukoy ng babae. Magtatatlong
taon na. Hindi ko alam kung buhay pa ang lintik. Kabod na lang di
umuwi pagkaraang magpaalam na dadalawin ang mga magulang sa Mindoro,”sagot sa
kanyang ama.
“Hindi mo man lang hinanap?”

“Sumulat ako sa mga biyenan ko. Hindi naman daw nagpupunta sa Calapan.
Ipinagtatanong ko sa mga kaibigan at ilang kamag-anak. Wala namang makapagsabi kung nasaan. Napuntahan ko na
yata ang lahat ng presinto at ospital, pero wala rin. Sa madaling
salita, parang bulang naglaho. “Tang[…] babaing ‘yan. Ngayon siya magbali, pag hindi pinatay ko ‘yan sa bugbog. Isipin
mong iniwan sa akin ang dalawang bata. Iyyang si May,
iyong batang babaing madalas kong maikuwento sa iyo ang anak namin ni Nilda. Pero iyong batang lalaking nakita mo
kanina, si Ato ay anak ng misis ko sa kanyang unang unang nagging
boyfriend
. May tagong landi ang asawa ko, Percy. Hindi tulad mo,lantad.”
Hindi natigatig si Ato sa kanyang narinig. Matagal na niyang alam iyon. Sa tuwing magsasagutan ang kanyang mga
magulang ay lagging binabanggitng kanyang ama ang pagkakasilang sa kanya. Ang pagkupkop nito sa kanilang mag-ina.
Saka lamang nabawasan ang kanilang madalas na pagsasagutan nang isilang si May. Ngunit doon nagsimula ang kalbaryo
sa buhay ni Ato. Ang lahat ng galit ng kanyang ama ay sa kanya naibubunton. Sa isang pipitsuging
restaurant
sa Para
n ̃
aque nagta-trabaho ang kanyang ama. Instik ang nagmamay-ari
. Kaya’t ng paalisin sila sa Tatalon, kasama ng
ilan pang mga iskwater ay nagpatulong ang kanyang ama sa kanyang mga kaibigan ng makapagtayo ng isang barung-
barong sa may
Coastal Road
. Malapit ito sa pinapasukang
restaurant
ng kanyang ama. Ibig mag-aral ni Ato. Inggit na inggit siya sa mga batang pumapasok sa paaralan. Ngunit greyd tri lang
ang kanyang natapos.
“Marunong ka namang bumasa at sumulat. Marunong ka nang magkwenta. Bakit
mag-aaral ka pa? Bakit ako, hindi rin nakatapos mag-aral pero nakapagtrabaho? Para sa may mga pera lang ang
edukasyon,
loko!”
Ito ang laging iknakatwiran ng kanyang ama.
“Trese anyos ka na. Dapat lang matuto ka nang maghanap
-buhay. Hindi sa habang panahon
ay matutustusan ko ang pagpapakain sa iyo”.
Hanggang tanghaling nalalako ng mga diyaryo si Ato. Sinasalubong niya ang mga humihintong sasakyan sa
Coastal Road
kapag humuhudyat na ang pulang ilaw sa
traffic lights
. Madalas nalilimutang kumain ni Ato. Nalilibang siya sa oras. Nalilibang siya sa katitingin sa mga naggagandahang
kotseng nagdaraan sa kahabaan ng
Coastal Road
. Kinalilibanagan din niyang pagmasdan ang ginagawang mga bagong
condominium
sa may
Airport Road
. Kaytataas ng mga gusali. Kasabay nito’y maiisip niya ang mga taong
naninirahan sa mga gusaling iyon. Mayayaman. De-kotse. Nakapag-aaral. May matatag na hanap-buhay. At siya? Ibig
kumita ng malaki ni Ato. Ibig niyang makaipon. Ibig niyang makaipon upang makabili ng bagong
t-shirts
at maong. Tatatlong luma’t nangingitimna
t-shirt
ang pinagsasalit-
salit niyang isuot. Isang masikip na luma’t kupasing maong at isan
g gapok nang
short
ang halinhinan niyang isinusuot. Inggit na inggit siya kau Jhun. Kasama rin niyang nagtitinda ng sigarily pero laging may
bagong
t-shirt
. Marami pang kilalang mayayaman kaya’t marami ng suki. Madalas
ngang
Makita niyang tuwing umaga’y hinihintuan si Jhun ng isang pulang kotse. Ipapasok
ni Jhun nang bahagya ang kahong kinalalagyan ng tindang sigarilyo sa may bintana ng
kotse at pagkatapos ay makikita niyang may kung anong bagay na ilalagay sa kahon ang sakay ng kotse. At mabilis na
paandarin ang sasakyan. Minsang nagkatabi sila ni Jhun sa pagsalubong sa mga sasakyan ay dumating uli ang pulang
kotse. Ibig niyang mapagsino ang mga taong sakay nito. Ngunit pinaalis siya ni Jhun.
“Aalis ka muna, Ato,”utos ni Jhun
. Sinundan ni Ato si Jhun pagkaalis ng pulang kotse. Sa likod ng ginagawang gusali nagtuloy si Jhun. Isang malaking
lalaking nakasalamin nang may kulay ang sumalubong kay Jhun. Limang
plastic bag
ang inabot ni Jhunsa kanya. Binuksan ng lalaki ang isang
plastic bag
. Ipinasok ang hintuturo. Inamoy. Dinilaan.
“ Ano ang sabi?” tanong mg malaking lalaki.

“Bukas daw ng umaga ang dating ng marami. Tawagan mo raw siya mamayang gabi,”sagot ni Jhun.

“Sigurado kang walang nakasunod sa iyo?”


tanong ng malaking lalaki.
“Maingat ako. Saying ang kaparti ko kung patitiklo ako sa mga parak,” sagot ni
Jhun.
“Sigurado ka talaga walang nakasunod sa iyo?” ulit ng malaking lalaki.

“Leo, dalhin mo ang tarantadong ‘yan,” utos ng malaking lalaki.

“Ano? P. . . . . . . . .! Ano’ng ginagawa mo rito? Sinundan mo ‘ko, no?” galit ang


tinig ni Jhun.
“Jhun, nabigla lang ako. Hindi na mauulit,” sabi ni Ato. “ Walang makakaalam, Jhun.”

“Talagang walang makakaalam dahil todas ka na ngayon,” sabi ng lalaking


pumupigil kay Jhun.
“Pare, awatin mo
naman ang kasama mo. Sagot ko na Ato. Hindi magsusuplong
‘yan,” pakiusap ni Jhun.

“Paano ka nakatitiyak?” tanong ng malaking lalaki.

“Tahimik si Ato, Pare. Walang pakialam sa mundo. Matagal ko nang kilala ‘


yan tulad ko ring laking
Coastal

‘yan. Sige na, Pare. Sagot ko na ‘yan,”sabi ni Jhun.


Kitang

kita ni Ato nang senyasan ng malaking lalaki ang lalaking pumipigil sa kanya. Dalawang malakas na suntokang sumablay
sa kanyang mukha. Napaupo siya sa nakatambak na buhangin. Naging maagap si Jhun.
Noo’y papaa
lis na ang dalawang lalaki.
“Ikaw kase, eh. Ikaw ang humanap ng sakit mo sa katawan. Anong naisipan mo at sumunod ka sa akin?”
tanong ni Jhun.
“Naiinggit ako sa iyo. Lagi kang nakabago. Lagi kang may kinakausap sa kotse.
Samantalang pareho lang tayong naglalako ng sigarilyo. Isama mo naman ako sa sadlayn
mo, o.,” sabi ni Ato na panay ang punas sa putok na mga labi.

“Map
anganib, Ato. Ako nga, hindi ko alam kung sino ang mga taong pangingilagan
ko. Hindi ko kilala ang mga iyon. Basta’t alam ko’y tagapamagitan
nila ako. Kung baga sa booksing eh, ako ang naatasang maging reperi. Saka, wala ako sa posisyon para pasok ka rito.
Sila ang namimili. Tulad ng pamimili nila sa akin noon. Kinaibigan ako. Panay ang bili na sigarily. Hanggang alukin ako sa
ganitong trabaho
. Sa una’y oke
y. Pero itong mga huling araw ay parang kinakabahan ako. Para bang laging may mga taong sumusunod sa
akin.”

“Makakaya ko siguro,”sagot ni Ato.

“Pag iisipan ko,” sabi ni Jhun.


Iyon ang huling pag-uusap nila ni Jhun. Dahil kinabukasan, nang huminto ang pulang kotse sa tapat ni Jhun ay isang
lalaki ang bumababa ng
owner-type
na jeep. De-armas ang mga lalaki. Nagpakilalang mga pulis. Hindi nakapalag si Jhun. Walang saysay ang ginawa niyang
pakiusap. Nilapitan ni Ato si Jhun. At habang papasok siya sa sasakyan
ay narinig niya ang bulong nito: “Mapanganib, diba? Ngayo’y nakilala ko na ang mga taong pinangingilagan ko noon.”

“Matulog ka na at bukas ng alas


-
nuebe ay sasamahan mo ako sa Santa Monica,”
sabi ni Precy.
“May trabaho ako,” sagot ni Ato.

“Alin, ang pagtitinda ng sigarilyo? Ayaw mo bang kumita nang malaki


-
laki?” tanong ni Precy. “Sabihin nating limang daang piso”. “Limang daang piso?” nanlaki ang mga mata ni Ato. “Baka
mahirap kaya mahal ang kita.”

“Pa’no ba’
ng hihirap , eh sasamahan mo lang iyong kakilala kong Haponsa hotel
na tinutuluyan niya. Parang security guard, gano’n. Susunod ka lang s amga ipinag
-uutos
niya sa iyo. Gano’n lang. O, ano ba’ng mahirap doon?”
Takang-taka siya. Napakabait sa kanya sa kanya ni Precy nang umagang iyon. Pagkaalis ng kanyang ama ay inilabas ni
Precy ang isang bagong
t-shirt
at isang mumurahing pantalon sa
plastic bag
na may tatak ng isang di-gaanong kilalang
department store.
“Pagkapaligo mo’y ito ang isusuot mo, para naman
kagiliwan ka ng Hapon
.”

“Mamata
-mata lamang si May habang pinagmamasdan ang ikinikilos ni Ato.
“Kuya, pagkasahod mo, i
bili mo ako ng bagong tsinelas,ha? Napatid na kanina
‘yong tsinelas ko, eh.,” bilin ni May. “Ako po Tita Precy. Kailan mo po ako ipapasok
ng
trabaho?. Ibig ko po sa Hapon din ninyo ako ipasok ng trabaho.”

“Ilang taon ka na ba?” tanong ni Precy.

“Maglalabing
-
isa po sa susunod na buwan,” sagot ni May.

“Itatanong ko sa Hapon kung pwede ka na. Kung pwede, babalikan kita mamayang gabi,” sagot ni
Precy. May kakaibang kaba ang nadama ni Ato sa kanyang dibdib.
ALAS-NUEBE NG UMAGA
GANDANG-GANDA si Ato sa kuwarto ng Hapon. Maaliwalas at punung-puno ng mga mamahaling kasangkapan. Sa
pakiwari niya, parang hinihigop ang kanyang mga paa sa tuwing ihahakbang niya ang kanyang mga paa sa malambot na
telang kanyang nilalakaran. At kaylamig ng buong kuwarto. NI sa pangrap ay di niya akalaing
makakatuntong siya sa ganoong kagandang kuwarto. Hindi ba’t mayaayman lamang ang
nakararating sa ganoong lugar? Saka sumagi sa kanyang isipan ang
Airport Road
. Bukas pagbalik niya sa lugar na iyon ay tiyak na titig na may halong pagmamalaki na ang kanyang gagawin. Nagpaalam
na si Precy sa kaibigang Hapon. May isinilid na sobre si Precy sa kanyang bag. Pagkaalis na pagkaalis ni Precy ay binuksan
ng Hapon ang
betamax.
Napapakislot si Ato sa mga eksenang kanyang napapanood. Sinenyasan ng Hapon si Ato na maghubad ng damit.
Sumunod siya. Naisip niyang magsisimula na siyang magtrabaho. Muli niyang pinanood ang palabas sa telebisyon.
Naghuhubad din ang binatilyong nasa pelikula. Nang malingunan niya ang Hapon ay nakahubad na rin ito. Muli siyang
sinenyasan ng Hapon. Ipinahuhubad sa kanya ang kanyang pantalon. Umiling siya. Muling sumenyas ang Haponna
waring nagsusumamo. Naisip niyang, baka bahagi iyon ng kanyang trabaho. Nakatitig siya sa telebisyon habang
hinuhubad niya ang kanyang pantalon. Hiyang-hiya siya sa Hapon nang makitang nakaalsa ang kanyang harap. Napangiti
ang singkit na dayuhan. Iniabot ng Hapon kay Ato ang isang baso ng
pineapple juice
. Damang-dama ni Ato ang pag-aalala ng bagong kakilala. Ininom niya ang
juice
nang tuluy-tuloy. Itinuro ng Hapon ang kamang sa tingin ni Ato ay kaysarap higan. Naunawaan ni Ato ang ibig
ipakahulugan ng Hapon. Nahiga siya sa kama. Ngunit pagkahigang-pagkahiga ni Ato ay hinatak ng Hapon ang kanyang
brief
nang pababa. Pinigil ni Ato ang kamay ng Hapon. Hanggang sa unti-unting nanghihina ang kanyang katawan.
ALAS-TRES NG HAPON
HAPUNG-HAPO ang katawan ni
Ato nang siya’y magkamalay. Masakit na masakit ang kanyang buong katawan. Bahagya siyang napaire sa sakit nang di
sinasadya’y napatagilid siya’t nakapa ang puwit. May nakapa siyang kung anong bagay na madulas.
Tiningnan niya ang palad. Dugo! Sariwang dugo!
“Hayop ka, Hayop ka! Ano’ng ginawa mo sa akin?” galit si Ato
Sa halip na sumagot ay parang nakakinsultong itinuro ng Hapon ang palabas sa telebisyon.

You eat
,” alok ng Hapon.
Kaysarap na pagkain para sa isang taong naghihirap.
“Put […] mo! Bakla! Bakla!” sigaw ni Ato.
Sa halip na magalit, inilabas ng Hapon ang mga larawan. May kabataang lalaking
nakahubo’t hubad. Iba’t ibang posisyon. Ang iba’y mga solong kuha. Ang ilan ay may mga
kasama. Pares-
pares. Lalaki’t babae. Lalaki’t lalaki. Babae’t babae. May t
atluhan. May apatan. Limahan. Pinagpupunit ni Ato ang nahawakang larawan. Nagsalita ang Hapon sa
mga pangungusap na hindi niya maunawaan. Galit nag alit ang singkit na dayuhan.Tatlong
sunud-sunod na suntok ang tumama sa mukha ni Ato. Ang bangis ng dayuhan ay pansamantalang nakatulugan ni Ato.
ALAS-DIYES NG GABI
HINDI na matiis ni Ato ang pagkalam ng sikmura. Parang hayok sa pagkaing
sinibasib ang noo’y malamig nang pritong manok, tosino, longganisa, sinangag, papaya at
masanas. Napatigtig siya sa tinidor na tangan-tangan. Naisip niyang itarak iyon sa kanyang dibdib upang mawakasan na
ang kanyang paghihirap. Wala nang nagmamahal sa kanya. Tinalikuran na siya ng kanyang ina . . . Hindi anak ang turing
sa kanya ng kinagisnang ama . . . Ipinagbili siya ni Precy . . . Si May na lamang ang tanging nagmamahal sa kanya . . . Si
May . . . Halos mangalahati ang laamn ag pitsel sa dami ng kanyang nainom na tubig.
Saka niya naisip ang Hapon na kanina’y pinagmumura niya
sa matinding galit. Wala sa kuwarto ang Hapon. Mabilis siyang nagbangon. Isinuot niya ang
brief
at nagmadaling tinungo ang
comfort room.
Doon niya pinakawalan ang lahat ng kanyang mga hinanakit. Ang kanyang pagkapoot sa Hapon. Ang lahat ng
kapunyetahang nangyayari sa kanyang buhay. Sumilip siya sa sala. Naroon ang Haponng nagsamantala sa kanya. Muling
namuoang galit sa kanyang mukha. At lalong nag-init ang kanyang buong katawan ng makita niya si Precy na kausap ng
Hapon. May kinakausap ang Hapon habang hinihimas-himas nito ang mukha ng kausap.
“Kanino ka magsususmbong, sa Tatay mo na tulog na tulog sa pagkakalasing? Sa Kuya Atom o na hanggang ngayon ay
walang malay?”
tinig iyon ni Precy.
“Si May . . . si May naman ngayon? . . . Hindi ako makakpayag . . . Hindi . . .!”
Bumalik sa kuwarto si A
to. Binalikan niya ang tinidor na kanina’y tangan niya.
Babalikan sana niya ang Hapon nang mabosesan niya si May na sumisigaw.
“Ayoko po . . . Tita Precy, maawa po kayo . . . Tatay . . .Kuya Ato . . . Maawa po
kayo sa akin . . . Nagtago si Ato a likod ng pinto. Buong diin hinwakan ang tinidor. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto
ay hinanap ng kanyang nanlilisik na mga mata ang Hapon. Inundayan niya ito ng saksak sa dibdib. Sa braso. Sa leeg. Sa
batok. Sa noo. Sa mukha. Sa sikmura.
At nang mapahiga ang Hapon ay buong lakas na inundayan niyang muli ng saksak sa dibdib. Sunod-sunod . . . Paulit-ulit .
. . Hanggang sa mwalan na siya ng lakas.
ALAS-DOS NG UMAGA
NASA loob ng presinto si Ato. Kinakausap ng mga pulis. Tinatanong ng mga
reporter
. Naulinigan niya ang tinig ni Precy na waring isinasalaysay ang buong pangyayari. Nasa harapan niya ang kanyang ama.
At hindi umaalis sa kanyang tabi si May. Hinawakan ni Ato ang kamay ng kapatid sa kaniya naalala ang mga itinatayong
gusali sa may
Airport Road.
Matatgalan bago niya muling makita ang mga iyon, o maaaring hindi na. ng maalala niya ang napaginipan niyang paghuli
ng mga alitaptap ay niyakap nia si May nang buong higpit. Saka lamang siya napahagulgol ng iyak.

You might also like