You are on page 1of 2

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Kaugnay na Pag-aaral

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng mga ideyang galing sa iba’t ibang
awtor at mga babasahin kung saan nauugnay sa ginawang pag-aaral.

Ang pag-aaral ng wikang Filipino ay isang mabisang paraan upang higit na


magkaunawaan ang mga tao. Ang wika ang nag-uugnay sa bawat mamamayang Pilipino. Wika
ang nagging kaagapay ng mga Pilipino sa pakikipagtalastasan at pagbibigay ng sariling opinyon.
Ginagamit din ang wika sa paaralan na siyang humuhubog ng kaalaman ng mga musmos. Ang
Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas.

Ang wikang Filipino ay importante sa mga mag-aaral dahil sa ito ay isang mahalagang
salik sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika,
nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalam, ng mga
mithiin, at nararamdaman.

Ayon sa mga pag-aaral, nagiging tulay ang paggamit ng sariling wika sa mga kabataan na
malayang nakikipagtalastasan sa kanilang kapwa mag-aaral. Mabilis nilang naipahahayag ang
kanilang saloobin, ideya sa loob ng silid-aralan at nagiging mas aktibo sila sa klase at umuunlad
ang kanilang pananalita at pagkatuto.

Ayon din kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, lubos ang kanyang paniniwala na
ang wika ay isa sa mahahalagang tulay upang buklurin ng pagkakaisa ang ating bayan at nang sa
gayon ay marating natin ang tugatog ng pangarap, kaunlaran, kasaganaan, at katatagan. Ito ay isa
sa magiging susi upang umunlad an gating bansa.

Sa maraming taon ng pagtuturo ng ating sariling wika, patuloy na naging suliranin kung
bakit hindi nagamit na epektibo ng mga estudyante ang kanilang wikang pinag-aralan. Ito ay sa
kadahilanang labis na pagbibigay-diin sa kayarian o gramatiko at pagliliwanag kung paano
ginagamit ang wika sa pakikisalamuha sa tao. Marami ang nakapansin na di-matagumpay na
resulta ng paraang istruktural sa pagtuturo ng wika. (Espiritu, 1981)

You might also like