You are on page 1of 19

Magandang araw po mga

kapatid, Ang ating pag-


uusapan ngayon ay
patungkol sa mga anghel.
Naniniwala ba kayo na may
anghel?
Ang mga Anghel ay mga imortal na
nilalang, at dahil dito sila ay hindi
namamatay, ang mga anghel din ay
nagtataglay ng karunungang hindi
masusukat kahit ng pinakamatalinong
tao,
dahil sila ay purong espiritu,
hindi sila sakop ng ating oras
at panahon, datapwat ang tao
ay nasa oras at panahon kaya
sila’y pumaparito.
Ang Bibliya ay nagpapatotoo sa
pagkakaroon ng mga makalangit na
nilalang, na kilala bilang mga anghel.
Tatlumpu’t apat na mga libro ng Bibliya
(labing pito sa bawat testamento), ang
nagsasabi tungkol sa pagkakaroon ng
mga Anghel.
Ang unang nabanggit na mga
anghel ay nasa aklat ng (Henesis
kabanata labing isa, bersikulo
siyete). kung saan lumitaw ang
anghel ng Panginoon kay Hagar,
ang ina ng anak ni Abraham.
At ang huling pagbanggit ng
mga anghel ay nasa kabanata ng
huling aklat ng Bibliya, ang
aklat ng (Pahayag kabanata
dalawangput dalawa: bersikulo
labing anim).
Sinasabi ng Panginoon ang katagang
ito ‘‘Ako mismo, si Hesus, ang
nagpadala ng aking Anghel sa iyo
upang patunayan ang mga bagay na ito
sa mga simbahan.’’
May ilang espesyal na uri ang mga banal
na anghel, at may ilang indibidwal na
anghel na binanggit ang pangalan sa
Bibliya. Mapapansing si Arkanghel Miguel
ang pinuno ng lahat ng mga banal na
Anghel. Ang kaniyang pangalan ay
nangangahulugang “sino ang katulad ng
Diyos?”
Si Anghel Gabriel naman ay isa
sa mga pangunahing mensahero
ng Diyos at ang kaniyang
pangalan ay nangangahulugang
“bayani ng Diyos.”
Pinagkatiwalaan siya ng Diyos
ng mahahalagang mensahe,
gaya ng kaniyang ipinahayag
kay propeta Daniel, kay
Zacarias , at kay Maria
Kumpara sa mga grupo ng mga
banal na anghel, hindi rin
mabilang sa dami ang mga
anghel na nagkasala bagamat
mas kakaunti sila kaysa sa mga
banal na anghel.
Inilarawan sila na bumagsak
mula sa dating nilang
kinalalagyan.
Sa pangunguna ni Lucifer na isa
ring dating banal na anghel,
tumalikod ang mga nagkasalang
anghel at nagrebelde laban sa
Diyos at naging makasalanan sa
kanilang kalikasan at gawain.
Sa mga anghel na nagkasala,
si Lucifer lamang ang
partikular na binabanggit ang
pangalan sa Bibliya.
Nagpapalakas ng ating loob ang
kaalaman na patuloy na kumikilos ang
mga anghel ng Diyos sa kasalukuyan.
Sa mga espesyal na sandali, maaari
tayong magkaroon ng mga personal
na makaharap sa kanila.
Higit pa sa karunungang ito ay
ang sinabi mismo ng
Panginoong Hesus, "Tandaan
ninyo: Ako'y laging kasama
ninyo hanggang sa katapusan ng
sanlibutan" .
Ipinangako sa atin mismo ni
Hesus na Siyang lumikha sa
mga anghel at tumatanggap ng
kanilang pagsamba ang
Kaniyang pagsama sa atin sa
lahat ng bagay.
Ating natutunan mula sa unang
bahagi, na ang mga anghel ay
marangal na likha ng Diyos,
magkakaiba sa bilang, mga
tungkulin, at mga kakayahan.
Ang pinakamalaking bagay na
matututunan natin sa mga
anghel ng Diyos ay ang agad-
agad at walang pagtatanong na
pagsunod nila sa mga utos ng
Diyos.

You might also like