You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

National Capital Region


Division of City Schools
Batasan Hills National High School
IBP Road Brgy.Batasan Hills, Quezon City
SY: 2019 - 2020

Live, Simple, Save Early

Lamac, Jake

Bernadette P. Dela Cruz

November 2019
I. Nilalamanng Video

Ang laman ng video na ito ay tungkol sa mga aspeto ng buhay na dapat nating gawing
tama tulad ng pag gastos ng tama, pag bili ng tama, pag iipon ng tama, at pamumuhay na tama.
Dito ipinapakita na ang trends o ang nauuso ang nangungunang dahilan kung bakit tayo nag
kakaroon ng tinatawag na impulsive buying, binibili natin kahit di natin kailangan. Dapat itong
maitama at dapat tayong mag ipon upang may maipang tuwid sa kinabukasang maganda na
naghihintay sa’tin. Dapat tayong magkaroon ng konsiderasyon sa mga bibilhin at mga
gagastusin dahil kung iipunin ito’y tiyak na may patutunguhan ang gastos

1.1 Kahinaan

Ang pagbili ng mga bagay na hindi naman kailangan ay ang nagiging kahinaan ng isang
tao. Lalo na kung hindi siya galing sa isang mayamang pamilya, sapat lang ang budget para
matugunan ang mga pangangailangan sa pang araw araw ay wala na dapat pang ginagastos
para sa pang sariling interes dahil ito’y sayang. Kaya dapat maging matalinong mamimili upang
makapaghanda sa kinabukasan.

II. Kaugnayan nito sa Kasalukuyan

Aminin man natin o hindi ang henerasyon natin ang angkop sa ganitong sitwasyon. Dahil
tayong mga Pilipino o ang mga mahihirap na Pilipino ay gustong sumabay sa pamumuhay ng
isang mayaman na sa tingin ko’y mali dahil dapat tayong umayon sa naayon, mamuhay ayon sa
pamumuhay, gumastos sa kayang gastusin. Dahil kawawa ang mga nagsusutento sa’yo kung
higit pa sa kaya nila ang gusto mo. Dapat ang kailangan lang ang binibili upang makapaghanda
sa kinabukasan.

III. Reflection

Ang natutunan ko sa bidyong ito ay ang kahalagahan ng paghahanda sa


kinabukasan, sinisimulan ito sa maliit na halaga at ang pagiging matalinong
mamimili. Hindi dapat nagpapadala sa mga uso lamang dahil ito’y kumukupas din.
Pero ang mga kailangan ay mananatiling kailangan para makapaghanda sa
kinabukasang inaasam. Dapat mag ipon at alamin ang mga kailangan upang kahit
ano mang mangyari ay tuloy tuloy ang pag asenso.

You might also like