You are on page 1of 3

College of Arts and Sciences

San Beda University


City of Manila

In Partial Fulfillment of the Requirements for the Subject,


Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Submitted by:

BALBIN, Migo
GALVEZ, April
GONZALES, Carla
UYGONGCO, Regina

September 2019
KONSEPTONG PAPEL
PAKSA:

Epekto ng Social Media (Instagram) ukol sa pagtanggap sa sarili mula sa piling mag-

aaralng sikolohiya sa San Beda University

RATIONALE:

Ang dahilan kung bakit napili ng mga mananaliksik ang paksang ito upang masuri kung

gaano kataas o kababa ang pagtingin ng mga piling mag-aaral sa kanilang sarili sa pamamagitan

ng mga likes sa social media lalo na sa Instagram na pumapatok ngayon sa mga kabataan, edad

mula sa labing-pito (17) hanggang sa dalawampu (20) taong gulang.

LAYUNIN:

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang maipakita na may mga kabataan na nakikita

ang kanilang halaga at importansya sa bilang ng likes na kanilang natatanggap sa larawang

kanilang ibinahagi sa Instagram. Nais naming mapatunayan na hindi dapat ito kailanman maging

basehan ng kanilang pagkatao sapagkat hindi rito nasusukat ang kanilang kahalagahan.

METODOLOHIYA:

Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng datos mula sa mga piling mag-aaral ng

sikolohiya sa San Beda University. Gagamit ng talatanungan o research questionnaire upang

makalikom ng sapat na impormasyon patungkol sa nasabing paksa. Ang purposive sampling naman

ang ginamit bilang teknik sa pagpili ng mga respondent sa dahilang kaya nilang sagutin ang mga tanong na

inihanda ng mga mananaliksik


INAASAHANG KALALABASAN (OUTPUT):

Sa katapusang bahagi ng pag-aaral naisinagawa ng mgamananaliksik,

inaasahangmalaman kung gaano kadalas gumamit ng Social Media ang mga mag-aaral ng

sikolohiya sa 2BPS, ikinukumpara ba nila ang kanilang sarili sa mga bagay na makikita sa social

media, at kung ito ba ay nagiging dahilan ng pagbaba ng kanilang self-esteem. Inaasahan ng mga

mananaliksik na magiging matagumpay ang isasagawang pag-aaral sapagkat isa ang social

media sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng depression, anxiety, at peer pressure ang mga

kabataan ngayon. Gamit ang mga nalikom sa datos, maaaring magbigay ng payo ang mga

mananaliksik sakanilang mga research participants ukol sa tamang paggamit ng social media sa

paraang hindi nito maaapektuhan ang mentalidad na aspeto ng isang indibidwal.

You might also like