You are on page 1of 4

KAHALAGAHAN NG LIPUNAN:

Ayon kay Emile Durkheim, “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga
pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba
subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat
pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.”

Samantalang kay Karl Marx naman, “ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay
nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunangyaman upang matugunan ang
kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol
sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na
nakabatay sa yaman at kapangyarihan.”

"Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na
nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng
lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga
mamamayan.” ang pananaw namin ni Charles Cooley.

ANO ANG LIPUNAN

Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong naninirahan ng sama-sama sa isang nakaayos na komunidad na
may iisang batas, kaugalian, at pagpapahalaga. Ito rin ay binubuong iba’t ibang mga samahan,
korelasyon, at kultura.

Ang mga bumubuo sa lipunan

√Istrukturang Panlipunan

√kultura

1. Istrukturang Panlipunan

- ito ay tumutukoy sa paraan ng organisasyon ng lipunan na kung saan ang ibat-ibang bahagi ng
lipunan ay magkakaroon ng ugnayan sa bawat isa upang maging malago at organisado.

Sa aspetong ito ay may iba’t ibang elemento:

A. Institusyon - Kabilang dito ang mga bagay na tulad ng pamilya at pulitika na nagbibigay ng mga paraan
upang makihalubilo sa isa't isa.
– isang kaayusang sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Binubuo ito ng:

√Pamilya

√Edukasyon

√Ekonomiya

√Relihiyon

√Pamahalaan

B. Social Group - Ang mga ito ay mas maliit na mga grupo na may isang bagay na karaniwan sa isa't isa.

– ito ay ang dalawa o higit pang mga taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng samahan
sa bawat isa at gumagawa ng isang samahang panlipunan. May dalawang uri ito

√Primary Group

- Tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal

- Halimbawa: Pamilya at kaibigan

√Secondary Group

- Binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa't isa.

- Halimbawa: Amo at manggagawa

C. Status – Ito ay posisyong kinabibilangan ng isang tao sa lipunan. May dalawa ring uri nito

√Ascribed Status

- Nakatalaga sa isang indibiduwal simula ng siya ay ipinanganak.

- Hindi ito kontrolado ng isang indibiduwal.

- Halimbawa: Kasarian

√Achieved Status

-Nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap.

- Maaaring mabago ng isang indibiduwal ang kanyang achieved status.

- Halimbawa: Pagiging isang Doktor


D. Gampanin – Ito ay tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunang kayang
ginagalawan.

2. Kultura

- ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga tao, sa payak na kahulugan ang kultura ay tumutukoy
sa karunungan,paniniwala,sining,at ang mga kaugalian ng mga taong naninirahan sa isang pamayanan.

- Ito ay isang sistemang samahan na nagbibigay kahulugan sa pamamagitan ng pamumhuhay ng isang


pangkat panlipunan. May dalawang uri ang kultura:

√Materyal – kabilang ang mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pa.

√Hindi materyal – kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at iba pa.

Sa aspetong ito ay may iba’t ibang elemento:

√Paniniwala – ito ay mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniwalaan at tinanggap na totoo.


Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo lipunan sa kabuuan.

√Pagpapahalaga – ito ay isang basehan ng isang pangkat o lipunan sa buod kung ano ang maaring
tanggapin at ano ang hindi.

√Norms – ito ay mga asal, kilos o gawi na binuo at naghatid na pamantayan sa isang lipunan. May
dalawang uri nito:

•Folkways - Ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa
kabuuan.

•Mores - tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mores ay maaaring
magdulot ng mga legal na parusa.

√Simbolo – mga kasangkapan na inilalapat ng kahulugan ng mga taong gumagamit dito. Kung walang
simbolo, walang komunikasyong magaganap at lalong imposibleng maganap ang interaksyon ng nga tao
ukol sa lipunan.

Ang mga elemento ng Lipunan ay ang mga sumusunod:

1. Tao o Mamamayan - ang pinaka mahalagang elemento ng lipunan na naninirahan sa isang tiyak na
teritoryo o lupang sakop ng lipunan.
2. Teritoryo - ito ang lawak na nasasakupan ng isang lipunan at kung saan nananahan ang mga
mamamayan nito.

3. Pamahalaan - Ito ang organisasyon na namamahala sa mga pagpapatupad ng mga batas at mga
kautusan at nagpapahayag sa kalooban ng lipunan.

4. Soberanya -pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan para mapatupad o mag-utos ng kagustuhan


nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga batas.

Kahalagahan ng Lipunan

Pagbuo ng Kultura

Hindi tayo nag-iisa

Social Equality

Social behavior

Social Efforts

*Ang isang lipunan ay tumutukoy sa isang sistema ng mga panlipunang relasyon.

You might also like