You are on page 1of 2

Editorial

Hamon sa Bata: Lunas o Lason?

Putol dila. Bulag mata. Tabinging tenga.

Ilan lamang ito sa mga malagim na kapansanan ng kinakaharap ng mga tao, ngunit masidhi rin na
hinaharap ito ng mga mag-aaral. Putol dila sa pagbasa, bulag mata sa pag-aninag ng mga letra at
tabinging tenga sa pagdinig ng mga kataga. Nang dahil dito, lumunsad ang gobyerno ng mga
programang magbibigay lunas sa kapansanang ito subalit hindi ito sapat upang mawaksi ang
kamangmangan.

Patunay si Jef Brillantes, isang mag-aaral sa hyaskul mula sa Negros Occidental ,ay aminadong hindi
parin marunong mag-basa ng karamahin sa mga letra sa wikang Ingles.Ang mga katulad ni Jef ay isa sa
mga rason kung bakit inilunsad ng Departamento ng Edukasyon ng “Hamon: Bawat Bata Bumabasa”
upang bigyan solusyon ang problemang ito.Ngunit, hindi ito mabilisang paraan.

Una sa lahat, mayroong sistemang sinsunod ang mga guro, anumang bilang ng mga failing grades ng
mga mag-aaral ay makakaapekto ng kanilang satisfactory teaching record na nagpapatunay ng kanilang
pagiging epektibong guro. Nangyayari ito sa mga pampublikong paaralang kung kaya’t walang ibang
pagpipilian ang mga guro kundi ipasa na lamang ang mga bagsak na estudyante.

Ang midyum instruksiyon ng edukasyon sa bansa ayon sa Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987, ay
Ingles. Ang paggamit ng wikang ito ay nagbubukas oportunidad sa iba pang mga bansa subalit ang
mabusising pag-aaaral ay nangyayari lamang sa mga anak ng mga magulang kayang lumabas ng mga
limpak-limpak na halaga sa mga batang nag-aaral sa mga rural areas.

Abot kamay pang nakikipag-isa ang mga mamamayan ng bansa na higit na itaas ang standard ng mga
pagtuturo sa mga bata upang mas masanay sila sa pag-basa at iwaksi sana ang pabor na nagaganap sa
pagitan ng guro at estudyante. Sa gayundin, nananawagan ang bansa sa Every Child A Reader
Program(ECARP) sa kanilang malaking tulong na nai-aambag sa kabataan humaharap sa kapansanang
hindi makapagbasa.

Column

Dugo, pawis saka ilang balde ng mga luha ang inalaway ng mga guro natin simula noong kolehiyo.
Nabibilang narin ang napakaraming rejections at refusal ang naganap. Isama pa ang paghahanda nila ng
ilang buwan para sa Licensure Examination for Teachers(LET) at nang makapasa,halos lumukso sa
tuwa. Ngunit ang lahat ng sakripisyong ito ay mawawala lang ng dahil sa isang reklamo ng magulang na
naganap sa isang programang pangtelebisyon?

Hindi ito makatwiran, ang pagdidisiplina ay hindi sakop ng Child Protection Policy. Anumang kaganapan
na nagyayari sa paaralan ay mga rason sa pagtutuwid at pagbibigay-daan sa hinaharap ng mga bata.
Basta’t walang abusong nagaganap, mayroong karapatan ang guro na wastohin ang ugali ng mga bata.

Para naman sa programang pangtelebisyon, huwag naman sanang abushin ang kanilang kapangyarihan
upang hilahin ang mga taong desenteng nagtratrabaho at nagsusutento para sa kanilang pamilya.
Liham Sa Patnugot

Marami po akong natutunan mula sa inyo! Mas bumubukas pa ang aking isipan sa mga isyung
kontemporaryo, lalong-lalo na ang huling volume niyo patungkol sa Executive Order No.15 ang
pagimplementa ng Inter-Agency on Committee on Anti-Illegal Drugs(ICAD).Nawa’y marami pa kayong
isyung mabigyang linaw upang mas maiintindihan pa naming magbabasa ang mga ito.

Komentaryo Feature

Ragasa ang luha at sumikip ang dibdib, isa sa mga libo-libong rason ng pighati ni nanay apat na taon na
ang lumipas simula ng ibalita ang pagpapatupad ng K-12 Program. Dumagdag sa aming listahan ang
pawis at dugong kailangan pagtatrabahuan ni itay sa kontruksiyon para lamang mastusutusan ang
pag-aaral naming anim na magkakapatid na dadaan sa makitid na tulay ng K-12.

Abot-kamay na sana, isang hakbang nalang at tatapak na sana ako sa kolehiyo nguni’t pinagkaitan ako
ng tadhana at nakulong pa sa rehas ng sistemang edukasyon na ito. Lumingon ako kay inay, kulubot na
ang kanyang muka, mata niya’y lulalalim at halos namayat na sa pagbebenta ng mais. Tumanaw ako kay
itay,umitim na siya sa pagbilad sa araw at nagrekreklamo sa kanyang sakit na tila’y pakong lumalalim sa
pagbabaon.

Dalawang taon nalang bago pa ako makapagtapos bilang guro ngunit napilitan akong tumigil muna.
Kayod-buto dahil sa buhay na isang kahig, isang tuka. Kung sana, hindi ito naipatupad, marahil nasalba
ang dalawang taon ko pamamalagi sa senior high , nakapagtapos na ako at naghihintay na lamang ng
board exams.

Lumuha man ako ng dugo, wala na akong magagawa pa.

”Ate,bilisan mo, magbebenta pa tayo ng mais.”

Tumango na lamang ako sa aking kapatid habang dala-dala ang isang bila-o ng ibebenta.

NEWS

You might also like