You are on page 1of 17

DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

PERSEPSYON NG UNANG TAON SA KOLEHIYO NG ASIAN COLLEGE SA

EPEKTIBONG PAMAMARAAN NG PAGTUTURO NG MGA GURO

SA HOLISTIKONG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL

Isang Pananaliksik na

inilalahad kay

G. Ferlito Arceo

Bilang bahagi ng pag-aaral sa

Asignaturang Filipino 1

Inihanda nina

ALORO, JOEL

CABILES, CHRISTOPHER JAMES

PEREGRINO. ARWIN LEUTER

RABANO, MARK NELSON

SUPNET, JONATHAN PATRICK

BSCS 191

DISYEMBRE, 2019
DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Alam ng lahat na ang pagtuturo ay hindi isang madaling gawain at napakakomplikadong

gawin. Ang isang pagkakamali sa pagtuturo ay dadalhin ng sinumang tinuruan tungo sa kanyang

kinabukasan at kung saan man niya ito gagamitin. Sabihin man ng tao na tungkulin ng isang guro

na matuto ang mga mag-aaral, hindi ito dito humahangga. Kinakailangan rin ng mga mag-aaral na

tulungan ang kanilang sarili upang matuto. Kailangan ng mga guro ang buong atensyon, malalim

na pang-unawa at masusing pag-iisip ng mga mag-aaral. Ngunit paano ito makukuha ng isang

guro? Ano o ano-ano ang mga pamamaraang dapat gawin ng guro?

Ayon sa pananaliksik na nilikha nina Felder at Henriquez, napag-alaman na ang isang

estudyante ay natututo sa maraming paraan tuwing nakakakita o nakaririnig, sa pagrarason gamit

ang isip, at sa pagsasa-ulat pagbabalangkas. Kung gaano karami ang natututunan ng bawat

estudyante sa bawat klase ay depende sa kanilang natural na kapasidad ng pagkatuto, sa kung

papaano makibagay at makaakma ang isang estudyante sa kanyang kapaligiran, at sa paraan ng

pagtuturo ng kanyang mga guro. (Felder, Henriquez, 1995)

Subalit hindi lahat ay mapapatunayan ng mga resultang pang-akademika, sapagkat marami

pa rin ang hindi pa lubusang inilalabas o ipinapakita ang kanilang talino. Marami rin sa mga

kabataan ngayon ang tamad at walang interes sa pag-aaral, lalung-lalo na sa oras ng diskusyon sa
DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

pagitan ng mga mag-aaral at guro. Dahil dito, kinakailangan ng mga guro na lumikha ng mga

epektibong estratehiya, estilo at pamamaraan ng pagtuturo upang lubusang matupad ang kanilang

pangunahing adhikain na matuto ang kanilang mga mag-aaral.

Upang maging epektibo ang paraan ng pagtuturo ng isang guro, may mga dapat itong

bigyang pansin. Ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng gagamiting pamamaraan

ng pagtuturo sa mga mag-aaral. Kapag nabigyan ng kaukulang atensyon ang mga pamamaraang

ito ay magpapadali at magpapagaan ang proseso ng pagkatuto ng mga estudyante at maaring

maging tulay upang mas maging mabisa ang estratehiya na ginagamit ng isang guro.

Ito ang naghudyat sa mga mananaliksik upang bigyan ito ng solusyon at upang maging

gabay ng guro at pati na rin ng mga mag-aaral sa Asian College. Dahil na rin sa kahalagahan ng

pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa sariling paraan ng pagkatuto, ang mga mananaliksik ay

sumubok na magsagawa ng isang pananaliksik na siyang makakaalam sa epektibong paraan ng

pagtuturo ng isang guro, partikular na sa mga guro sa kolehiyo na siyang magagamit sa mas

epektibong paraan ng pagpresinta sa bawat klase. Tatalakayin sa araling pananaliksik na ito ang

persepsyon ng unang taon sa kolehiyo ng Asian College sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo

ng mga guro sa holistikong pagkatuto ng mga mag-aaral.


DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

Kaligiran ng Pag-aaral

Napakaraming mga pamamaraan ng pagtuturo na ginagamit ng bawat isang guro ngunit

ano ang pinaka-epektibo sa mga ito ayon sa persepsyon ng mga mag-aaral? Tatalakayin sa

seksyong ito ng pag-aaral ng mga mananaliksik ang iba’t ibang impormasyong nakalap at

napagalaman ng nakalipas na mga mananaliksik.

Ayon sa pagaaral nina Felder at Henriques (1995), ang isang estudyante ay natututo sa

maraming paraan tuwing nakakakita o nakaririnig, sa pagrarason gamit ang isip, at sa pagsasaulo

at pagbabalangkas. Kung gaano karami ang natututunan ng bawat estudyante sa bawat klase ay

depende sa kanilang natural na kapasidad ng pagkatuto, sa kung papaano makibagay at makaakma

ang isang estudyante sa kanyang kapaligiran, at sa paraan ngpagtuturo ng kanyang mga guro. Ang

mga paraan kung saan ang isang indibidwal ay nakakakuha ng mgaimpormasyon ay tinutukoy rin

sa pamamagitan ng “learning style,” o paraan ng pagkatuto.

Ayon rin sa kanila, ang mga learning style ay matagal nang napag-uusapan sa edukasyunal

na literaturang sikolohiko, partikular nasa mga konteksto ng pag-aaral ng Wika, at dahil rin dito

ay nagkaroon ng humigit-kumulang 30 paraan ng mga pagkatuto sa nakaraang tatlong dekada.

Ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto ay may mahalagang koneksyon sa mga performance
DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

examinations, at motibasyon para sa pagkikilala sa edukasyon. Ito raw ay isang permanenteng

katangian ng mga estudyante na nangangailangan ng masusing pag-iimbestiga, implikasyon at

kompetensya upang ang mga mag-aaral ay maginghanda sa mga dapat niyang pagtuunan ng

pansin.

Ayon sa pag-aaral na ginawa nina Bagsic, Yumol at Garcia, ang mga mag-aaral sa panahon

noon at ngayon ay may malaking pagkakaiba. Bunga ito sa kaibahan ng mga dulog at estratehiyang

ginagamit ng guro sa pagtuturo. Kadalasan, marami sa ating mga mag-aaral ay may kanya-kanyang

pang-unawa sa bawat ipinapakitang dulog ng guro. Kung noong una, sagad tayo sa kaalaman ng

teknolohiya, ngayon ay hindi na. Malaking tulong sa mga mag-aaral ang alternatibong pagtuturo

sapagkat napapadali nito ang pangkaalaman at pang-unawa ng mga mag—aaral.

Dahil sa mga nakaraang pag-aaral at pagsasaliksik, napagdesisyunan ng mga mananaliksik

na gumawa ng pag-aaral ukol sa paksang ito. Ngunit dahil sa kalawakan ng paksa, minabuti ng

mga mananaliksik na padaliin ang pag-aaral upang lalo itong maintindihan ng mga mambabasa.
DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

Batayang Teoretikal

Ang teorya ng pagtuturo ay lupon ng mga magkakaugnay na kahulugan at proposisyon na

nagpapakita ng sistematikong balangkas ng pagtuturo sa pamamagitan ng pagkakaugnay ng mga

baryabols kaakibat ang layunin ng pagpapaliwanag at paghihinuha. Ang sumusunod ay ilan sa

mahahalagang teorya ng pagtuturo gayundin ang mga estratehiyang kaakibat nito:

Pormal na Teorya ng Pagtuturo ( Formal Theory of Teaching- Philosophical Theory)

Ang teorya na ito ay nakatuon sa lohika (logic), metapisikal at epistemolohikal na pala-

palagay at proposisyon.

Meutic Theory of Teaching

Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang proseso ng pagtuturo ay nakakatulong upang muling

buksan ang kaalaman patungkol sa estratehiya ng pagtatanong. Ang sokratikong pamamaraan ay

mahalaga sa naturang teorya at ang heredity ay malaki ang ginagampanang papel sa teoryang ito.

Communication Theory of Teaching

Pinaniniwalaan ng teoryang ito na tinataglay ng mga guro ang lahat ng mga kaalaman o

kaisipan at impormasyon na maaring hindi alam ng mga mag-aaral kung saan ang mga guro ay

naglalahad at nagpapaliwanag sa silid-aralan.

Moulding Theory of Teaching


DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

Si John Dewey ang tagapagtaguyod ng teoryang ito na nakatuon sa paghulma at tipo ng

pag-uugali ng mga estudyante na hinuhubog ng kanilang kinabibilangang kapaligiran katulad ng

paaralan.

Mutual Inquiry Theory

Ayon sa teoryang ito, bawat indibidwal ay may kakayahan na makadiskubre ng bagong

kaalaman sa pamamagitan ng mutual inquiry. Ang tunay na kaalaman ay nakukuha sa pagsisiyasat.

Magagamit ang teoryang ito sa asignaturang pananaliksik at sining (arts).


DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

Batayang Konseptwal

Pormal na Teorya ng Pagtuturo


(Formal Theory of Teaching)

Meutic Theory Communication Moulding Theory of Mutual Inquiry


of Teaching Theory of Teaching Teaching Theory

Mga Teorya na nagsasaad ng mga pamamaraan o estratehiya ng pagtuturo na


kinabibilangan ng Sokratikong Pamamaraan (pagtatanong), paghulma sa pag-
uugali ng mga estudyante, paglalahad ng mga dagdag na kaalaman at ang
pagsisiyasat.

Kasanayan, kaalaman at abilidad ng


guro

Epektibong Pamamaraan
ng Pagtuturo ng mga Guro
DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

Paglalahad ng Suliranin

 Ano-ano ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro?

 Ano-ano ang kaibahan ng iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo?

 Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral ukol sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo?

 Ano ang pinaka-epektibong paraan ng pagtuturo?


DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang persepsyon ng mga mag-aaral ukol

sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo. Sa pamamagitan nito ay maaaring mapalawak ang

kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa mga mahahalagang sangkap para sa epektibo at mabisang

pagtuturo. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod na indibidwal:

Para sa mga Guro, ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay ng karagdagang kaalaman

ukol sa pinaka-epektibong pamamaraan ng pagtuturo na dapat nilang bigyang pansin upang

maging mas mabisa ang kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral.

Para sa mga kasalukuyang nag-aaral o magaaral para sa pagka-guro, maaari nilang

pakinabangan ang pananaliksik na ito para sa karagdagang kaalaman sa pamamaraan ng pagtuturo

at maaring maging kanilang bentaha sa mga guro sa kasalukuyan na maaari nilang isaalang-alang

pagdating ng takdang panahon na sila na ang magtuturo. Dahil sa ito ay maituturing na

kalamangan, hindi na sila mahihirapang tukuyin pa at pageksperimentohan ang iba’t ibang

pamamaraan ng pagtuturo.
DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

Para naman sa Administrasyon, ang pananaliksik na ito ay maaaring maging tulay upang

maiangat ang kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral na syang magbibigay ng malaking bentaha

at magandang benepisyo para sa administrasyon at lipunan.

Para sa iba pang mga mananaliksik, habang patuloy na umuunlad at tumataas ang

kalidad ng pagtuturo at ng edukasyon, hindi ito hahangga sa kung anuman ang maging resulta ng

pananaliksik na ito. Dahil dito, inaasahan ng mga manananaliksik na magkakaroon pa ng ibang

pananaliksik ukol sa paksang ito kung kaya’t maaaring gamitin ito bilang basehan ng iba pang

mananaliksik sa hinaharap.

At para sa mga magulang na syang pangunahing tagapag-turo ng kanilang mga anak,

maaari rin nila itong gamitin bilang basehan at dagdag kaalaman upang sa gayon ay matulungan

rin nila ang mga guro sa pagtuturo sa panahon na ang kanilang mga anak ay nasa bahay lamang.

At panghuli, para sa mga mag-aaral, na syang tunay na makikinabang sa epektibong

pamamaraan ng pagtuturo ng kanilang mga guro, sa kanila inilalaan ang pananaliksik na ito para

matulungan ang mga gurong turuan at gabayan sila tungo sa magandang kinabukasan para sa

hinaharap.
DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

Saklaw at Limitasyon

Sasaklawin ng pananaliksik na ito ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo, ang kaibahan

ng bawat isa, at kung ano ang pinaka-epektibo sa lahat ayon sa persepsyon ng mga mag-aaral na

nasa ika-unang taon ng kolehiyo sa Asian College.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin at alamin ang iba’t ibang uri o pamamaraan

ng pagtuturo, ang kani-kanilang kaibahan, ang persepsyon ng mga mag-aaral ukol rito at kung ano

ang maituturing na pinaka-epektibo sa lahat.

Dahil sa dami ng bilang ng iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo, tatalakayin lamang sa

pananaliksik na ito ang mga mas kilala at nakasanayang mga pamamaraan. Ito ay para padaliin

ang pag-aaral at mabigyang katuturang linaw ang katumbukan ng nasabing paksa.

Pagdating sa mga komplikadong bagay tulad ng wika o lengwahe, mga personal na bagay,

relasyon sa pagitan ng mga guro at mag-aaral, pati na rin ang iba pang komplikadong bagay ay

hindi gaanong pagtutuunan ng pansin sa pag-aaral na ito sapagkat ang katumbukan ng pananaliksik

na ito ay ukol lamang sa mga pamamaraan ng pagtuturo at kung ito ay isasama, magiging

komplikado ang pananaliksik at lalo itong lalawak at mawawala ang katumbukan ng nasabing

pinaka-paksa.
DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

KABANATA II

PAGLALAHAD NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Pagsusuri sa mga kaugnay na literature

Banyagang Literatura

Ayon kay Greg (2007) , ang isang pamaraan upang maging epektibo ang pagtuturo ay dapat

magkaroon ng mga katangian na mga sumusunod : Una , ang epektibong metodo ay dapat may

kasamang kahusayan sa pag gabay upang makamtan ang siyang kaalaman o karunungan.

Pangalawa , ito dapat ay marunong magdala ng mga estudyante. Ang maayos na kooperasyon ang

tatlong katangian nito. Pang-apat , ay dapat na may “remedyal” na prosidyur tuwing inaapply ang

pamamaraan na ito. Pang lima , ay kailangan ay nagbibigay kaligayahan sa mga mag-aaral sa

pagkuha ng impormasyon at ang panghuli ay dapat na makalutas ito ng mga kahinaan sa pagkuha

ng mga impormasyon.

Inilahad naman ni Belves (2001) na ang pamaraang pabalak o Project method ay angkop

na gamitin sa pagtuturo ng edukasyong panggawain. Angkop din gamitin ang metodo sa pagtuturo

ng anumang asignatura na may nilayong magsagawa ng proyekto.

Ang guro ay ang pinakamahalagang baryabol sa loob ng silid-aralan na nakakapagsagawa

ng matagumpay at epektibong pagtuturo. Ayon kay Wayne at Yoongs (2003) May labindalawang

(12) katangiang dapat taglayin ng isang epektibong pagtuturo. Una (1), Walang tinatanggi at dapat

pantay-pantay ang pagtingin ng guro sa kanyang mga mag aaral. Pangalawa (2), may positibong

pag-uugali o pagbibigay rekognisyon sa bawat mabubuting gawi ng estudyante at hindi


DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

namamahiya sa mga pagkakamali ng mga mag-aaral. Pangatlo (3), may kahandaan sa pagtuturo

at may malawak na kaalaman sa paksang ituturo at may kakayahang iugnay sa iba pang larangan.

Pang-apat (4), Dapat kilala ng bawat guro ang kanyang mga mag-aaral. Pang-lima (5), Mas

maeenganyo ang mga mag aaral kung masayahin at palangiti ang guro. Pang-anim (6), Mas

pumupukaw ng atensyon at interes ng mga mag-aaral ang pagiging malikhain ng isang guro. Pang-

pito (7), Magandang halimbawa ang pag tanggap ng pagkakamali ng isang guro sa kanyang klase.

Pang-walo (8), Mahabang pasensya at itinatama ng guro ang pagkakamali ng mga mag aaral sa

wastong pangangaral. Pang-siyam (9), Kagalang-galang ang guro kung ginagalang niya din ang

kanyang mga mag-aaral tulad ng iba’t iba nilang katangain,abilidad,paniniwala,kahinaan o

kalakasan ng kanyang mga mag-aaral. Pang-sampu (10), May tiwala ang guro sa kakayahan ng

kanyang mag-aaral na nakahahamon sa mag-aaral na lalong magpursigi. Pang-labing isa (11),

Naeengganyo ang estudyante mag aral ng mabuti kung maalalahanin at mapagmahal ang guro sa

kanyang mga mag-aaral na nahihirapan sa klase. Pang-labing dalawa (12), Gumagawa ng paraan

upang maging kabilang ang lahat ng mag-aaral sa bawat talakayan.

Sa pagtuturo ng banyagang lingwahe ay nagdudulot ng kakayahan upang mahasa at

kasanayan sa pag sasalita ng iba’t-ibang lingwahe, ipinapakilala ang mga mag-aaral sa mga tiyak

na aspeto ng kultura ng wikang banyaga, at pinayaman ang kanyang kasalukuyang kultura. Ang

pagbabasa ay nag bibigay oportunidad upang mahasa ang kaalaman at pagsasalita ng banyang

lingwahe na naipapasa sa persepsyon ng mga mag-aaral na angkop sa modelo ng lingwahe at

pahayag na materyal. N.A Selivanova (1991).


DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

Lokal na literature

Sa aklat ni Dr. Lizette F. Knight (2009) na Maximum Learning and Teaching, isinaad niya ang isang salik
na mahalaga sa proseso ng pagkatuto ay ang kapaligiran. Ang paghahanda ng isang magandang
kapaligiran ay nakakaapekto sa motibasyon ng pagkatuto.

Ayon sa lathala ni Marie Merlisa V. Manuel (2012) na pinamagatang Guro: Tagahubog ng Kinabukasan
ng Sambayanan, malaki ang impluwensya ng mga guro sa kanyang mga estudyante maging sa personal
na buhay man ito o kinabukasan. Kaya naman, nararapat na pahalagahan ng isang guro ang kanyang
propesyon hindi lamang bilangisang trabaho kundi isa ring misyon na may kaugnayan sa kinabukasan.

Sa isang aksyon riserts na isinagawa ni Saydee (2015) na naglalayong tukuyin ang mga salik sa
epektibong pagtuturo at pagkatuto ng mga linggwaheng Dari at Pashto, natukoy ng mga guro ang mga
bagay na naghahadlang sa paglinang ng kakayahan at kahusayan sa pagsasalita ng Dari at Pashto ng mga
masinsinang klase.

Ayon kay Badayos (2008), ang audio-lingual method o ALM ay batay sa mga teoryang sikolohikal at
linggwistik. Ang pangunahing estratehiya sa pagkatuto ay ang panggagaya, pagsasaulo ng mga parirala
at paulit-ulit na pagsasanay.

Ayon kay Padre Pedro V. Salgado,OP: Bakit kinakailanagn sayangin ang buong buhay sa pagaaral ng
ibang wika, kung meron naman tayong sariling wika.

Pag susuri sa mga kaugnay nap ag aaral

Banyagang Pag aaral


DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

Lokal na Pag aaral

KABANATA III

PAMAMARAANG GINAMIT AT PINAGKUNAN NG DATOS

Sa kabanatang ito inilahad ng mga mananaliksik ang mga pamamaraang ginamit,

populasyon at bilang ng mga kalahok, paraan ng pagpili ng kalahok, deskripsyon ng mga

kalahok, instrumentong ginamit, paraan ng pangangalap ng datos, at uri ng ginamit na

estadistika.

PAMAMARAANG GINAMIT

POPULASYON AT BILANG NG MGA KALAHOK

Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na “Persepsyon ng unang taon sa kolehiyo

ng Asian College sa epektibong pamamaaraan ng pagtuturo ng mga guro sa holistikong

pagkatuto ng mga mag-aaral” ay sumasaklaw ng ___(bilang ng respondents)____ kalahok na

ang mga respondente ay mga piling freshmen student ng Asian College.

PARAAN NG PAGPILI NG KALAHOK


DEPARTMENTO NG KOLEHIYO

You might also like