You are on page 1of 2

NAME: MARK ANTHONY RAMBOYON INSTRUCTOR: DANNY MAR FRIO

STRAND: GAS 11- A SUBJECT:

HUMS 2: DISCIPLINE AND IDEAS IN THE SOCIAL SCIENCES

I.SUMMARY

Ito ay tungkol sa pagpapaunlad ng kaalaman at pananaw ukol sa ugnayan


ng Populasyon, Sekswalidad, Mapapanagutang pag-mamagulang at Pag-unlad. Ang mga
konseptong ito ay magkakaugnay, mahalagang pag-aralan ang mga ito dahil ito ay
nakakatulong sa pag-papaunlad ng bawat indibidwal at pag-sulong ng ekonomiya at
katiwasayan ng lipunan. Napakahalaga nito lalo ng kung nais nating mapaunlad ang Full
Human Potential ng bawat isa sa atin. Ang pag-unlad ay hindi lamang tungkol sa ekonomiya
kundi pati ang pag-unlad ng bawat indibidwal. Kailangang maisaalang-alang ito kung ang pag-
uusapan ay hindi lamang ang pag-lago ng ekonomiya kundi ang pag-unlad ng ating bansa.

II.IMPORTANT POINTS

Kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa pagunlad ng bansa ang una nating


naiisip ay ang ekonomiya. Ang dalawang karaniwang usapan tungkol dito ay ang Gross
Domestic Product at Gross National Product. Ang GDP ay ang kabuuang kita sa loob ng
teritoryo ng bansa samantalang ang GNP ay ang kabuuang kita ng mga Pilipino saan mang
lugar sa mundo. Nasasabing umuunlad ang isang indibidwal kung naibibigay ang pangunahing
pangangailangan nito. Sa pamilya naman nasasabing umuunlad ito kung natatamo ng bawat
miyembro ng pamilya ang kanilang pangangailangan at naibibigay ang sapat na edukasyon sa
kanilang anak mula sa pinaka mababang antas hanggang sa kolehiyo. Ayon sa Development
framework, higit pa sa mga batayang pang ekonomiya ang kailangan gamitin sa pag-sukat ng
pag-unlad, kailangang maisaalang-alang ang kalidad ng buhay o Quality of Life at ang
kalayahang magpasya o Freedom of choice tungkol sa mga bagay sa ating buhay. Isa sa mga
nag-aral ng mga ideya ni Dr. Sen ay si Dr. Alejandro Herrin, isang ekonomista at eksperto sa
populasyon at pagunlad.. Ang mga sumusunod ay ang kanyang mga pinaniniwalaan, kalayaan
mula sa maagang kamatayan, ibig sabihin ang bawat tao ay may karapatang mabuhay hanggang
sa pagtanda, at kalayaan mula sa mga karamdamang maaring maiwasan, kabilang dito ang
kakayahang mapangalagaan ang ating kalusugan at kalayaan mula sa panganib at kabilang dito
ang kakayahang maging ligtas.

III.REACTION

Sa aking opinyon ang pag-unlad ay isang napakahalagang tulong sa bawat isa


sa atin. Nakakatulong ito upang makamit natin ang full human potential ng bawat isa.
Napakahalang magkaroon tayo ng kakayahan at kalayaan upang maging maunlad ang pilipinas
at bawat Pilipino. Mahalagang maipahayag ang ideya at damdamnin ng bawat isa sa atin
tungkol sa pagunlad ng ekonomiya maging personal man, politikal, makasining o ayon sa
relehiyon ng sa ganun mas magkaroon ng pagkakaisa upang mapaunlad ang ating bansa , Ito
ang paraan para matamo ang hinahangad nating maunlad na ekonomiya.

You might also like