You are on page 1of 2

Rowena J.

Samalca Pagbasa at Pananaliksik


XII- Resilience Disyembre 2,2019

“Solo Leveling”

Ang archaeus ay isa sa mga forbidden world kung saan nagsisilabasan ang
mga gate na konektado sa ibang dimensiyon. Ang mga gate na ito ay tinatawag
na “dungeon” dahil nakapaloob ditto ang iba’t ibang uri nang nilalang at tanging
ang mga “hunter” lamang ang makakapaslang dito. Ang mga hunter naman ay
nahahati sa anim na ranggo. Ranggo E (mga mahihinang hunter) hanggang sa
ranggo S kung saan napapabilang ang mga malalakas na uri nang tagapaslang.
Ang mga tagapaslang na ito ay may iba’t ibang kakayahan at abilidad na nahahati
sa lima: support, mage, assassin, fighter, at tank. Isa sa mga tagapaslang na ito
ay si Jin Woo at siya ay kilala sa tawag na “pinakamahinang hunter” dahil siya ay
napapabilang sa ranggong E, ranggo nang mga mahihinang hunter. Sumali lang
naman si Jin Woo at maging hunter sapagkat Malaki ang bayad dito sa tuwing
matagumpay ang raid sa dungeon at para na din matustusan niya ang bill sa
hospital nang kanyang ina na na comatose sa loob nang 2 taon.

Si Jin Woo ay isang normal na tao, wala siyang ibang kakayahan o abilidad
na maikukumpara mo sa ibang mga hunter.Sa tuwing nag raraid sila sa dungeon
ay siya palagi ang nakakaranas nang “ muntikan nang pagkamatay” ngunit palagi
siyang nasasalba dahil sa tulong nang iba nyang kasamahan. Nang isang araw ay
naatasan sila na sulongin ang C gate. Sa pagpasok nila sa dungeon ay nagging
pabigat nanaman si Jin Woo palagi nalang siya napapaon sa mga kalaban at
pinapahina niya ang depensa sa buong grupo dahil palagi nalang nasa kanya ang
atensiyon, atensiyon na masalba siya. Matapos ang matagumpay na raid sa
dungeon ay dumiretso na sila sa C gate boss’ room at hindi nila inakala na
masyadong malakas ang boss at hindi nila ito kayang paslangin, ang boss ay mga
naghihiganteng statwa at may nakaupo sa trono na mas Malaki pang statwa na
siyang hari. Sa loob ng boss room ay may sampung kautusan na nakalagay at
tanging si Jin Woo lamang ang nakasunod ditto, at ang pang sampung kautusan
ay dapat may isasakripisyo upang tuluyan silang makalabas.

Kaya’t naisipan ni Jin Woo na isakripisyo ang kanyang sarili dahil palagi
nalang siya ang nililigtas at yun na ang perpektong oras para siya naman ang
magligtas sa iba at hindi na sila mabigatan sa kanya. Kaya isinakripisyo niya ang
kanyang sariling buhay para sa kaligtasan nang iba, sa huling segundo niya ay
nagbago ang lahat. Matapos makalaya ang iba niyang kasama at unti nang
sumara ang gate sa dungeon ay may lumabas na kanyang harapan na monitor na
nagsasaad na “pumasa ka sa hunter courage test” may reward na nagaantay sa
iyo, tanggapin? Oo o hindi? Kung hindi ay babagal ang tibok nang puso mo at
mamatay ka sa loob nang sampung segundo. Walang ibang choice si Jin woo
kaya’t tinanggap niya ang reward pagkatapos niyang matanggap ang reward ay
nawalan siya nang malay at bigla siya na iteleport sa hunter’s hospital specialized
lamang sa mga hunter. Pagkatapos nang dalawang linggo ay nagkamalay na siya,
ngunit sa pagkamalay niya ay naroon parin ang monitor na tanging siya lang ang
makakakita at nakalagay sa monitor na “daily quest” at kung hindi makokompleto
ang daily quest na ito ay may mga parusa na ibibigay.

Isa sa mga daily quest na ito ay Running 0/10km, Push ups 0/100 reps, Curl
ups 0/100 reps, si Jin Woo naman na litong lito ay sinunod nalang ang pinapagawa
nagtagal ito nang 6 na buwan hanggang sa ika lima at anim na buwan ay
nadikubrehan niya na unti unti siyang lumakas, naging mahusay din siya sa
paghawak nang assassin’s knife at nagkaroon siya nang stealth ability na
makakayanan niya itago ang kanyang presensiya at footprints nang hindi
napaghahalataan.sa loob din nang anim na buwan na iyon ay nag sosolo raid na
siya sa mga dungeon upang magpa level up, dahil sa tuwing siya ay gumagawa
sa daily quests at pumapaslang sa dungeon ay tumataas din ang kanyang skill
level at nakayanan na din niyang makapag summon nang mahigit isang daang
undead army dahil din ito sa bagong skill na kanyang na acquire. Ang mga
pangyayaring ito ay nalaman lang niya na possible sa mga na reawakened na
hunters ngunit hindi siya makapaniwala na siya ay na reawakened. Matapos mag
solo raid sa mga E gate hanggang sa S gate ay hindi siya makapaniwala na
nakayanan niyang sulongin ang S gate na siya lang.

Kaya pagkatapos nang 6 na buwang pagsasanay ay pumunta siya sa


assossasyon nang mga hunter upang magpa assess sa kanyang level, sap ag
assess ng level niya bilang hunter ay error lang ang lumalabas sa monitor screen
nang assessment room ERROR! ERROR! ERROR! At sa mga nakaraan nang
assosasyon ay nangyayari lang ang ERROR kapag hindi kayang ma measure ang
kakayahan at abilidad nang isang tao , ibig sabihin ay isa siya sa S class na mga
hunter at sa Archaeus ay siyam lamang ang bilang nang mga S class na hunter at
pang sampo na dun si Jin Woo, ngunit nahihigitan ni Jin Woo ang skill nang unang
S class kayat napapabilang siya sa kauna unahang S++ na hunter sa buang
historya nang Hunter’s Association.

Ngayon ay may bago silang misyon at yun ang isira ang S+ gate sa Jeju
island matagal nang bukas sa loob nang 200 years lahat nang S class at A-E rank
ay naatasang pumunta Jeju island upang isara ang gate. Hindi sila nagtagumpay
noon sa pagsira nang gate ngunit sa paglabas nang bagong S++ na hero ay mas
lumaki ang posibilidad na magiging matagumpay na ang kanilang raid ang storying
ito ay nagsisimula palamang at ang totoong trahedya ay darating pa at ito ay
inaasang nasa U level na “UNKNOWN” at pagkatapos lahat nang mga nang yari
ay binansagan si Jin Woo na “weakest to world’s strongest hunter” the chosen
one.

You might also like