You are on page 1of 1

Definition of Terms

1. Allowance – perang ibinibigay ng mga paaralan para sa mga mag-aaral. Binibigay ito sa mga
mag-aaral na may regular na pagitan.
2. Iskolarship – gantimpala o tulong pinansyal para sa mag-aaral na ibinibigay batay sa kanilang
akademikong pagganap. Ito ay iginawad upang masuportahan ang edukasyon ng mag-aaral
3. Iskolar – mag-aaral na nabibilang sa isang iskolarship.
4. PCSHS - Ang Pasig City Science High School ay isang pampublikong sekundaryong paaralan sa
Pasig City. Nasa ilalim ng pangangasiwa ng lokal na pamahalaan ng Pasig City at kinikilala ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod ng Pasig ay nag-
bibigay ng programang iskolarship para sa mga mag-aaral ng lungsod ng Pasig na may likas na
kakayahan sa agham at teknolohiya.
5. Junior High School - Ang paaralang panggitna (Ingles: middle school at junior high school) ay ang
mga kaantasan ng pag-aaral na nasa pagitan ng elementarya at ng mga hayskul. Karamihan sa
mga sistemang pampaaralan ay gumagamit ng isang katagang nasa Ingles na may kahulugang
"paaralang panggitna", imbis na gamitin ang dalawa. Ang katagang middle school ay maaaring
gamiting panghalili bilang isang singkahulugan ng mataas na paaralan (secondary school o post-
elementary). Ang mga mag-aaral na nagtapos ng elementarya ay awtomatikong makaka
pagenroll sa junior high, na sumasaklaw sa apat na taon mula sa baiting 7 hanggang 10.
6. Pera - Ang salapi o pera ay kahit anong pangkalakalang bagay o kaparaanan, na maaaring sa
anyo ng papel (bill), barya o sinsilyo (coins, token), bono (bond), utang o kredito (credit) atbp.
Ito ay nagpapanatili ng halaga ng bagay o serbisyong nauugnay o nailaan para rito
7. Pangkalahatang Marka o General Average - Ang General Weighted Average o (GWA) ay ang
average sa lahat ng mga paksa na kinuha, kung pumasa ba o bumagsak. Ito ang resulta ng
pagsasama ng mga resulta ng pagganap batay sa mga pagsusulit o paksa. Ito ay nagpapahiwatig
ng akademikong pagganap ng isang estudyante sa isang semestre o taon ng pag-aaral.
8. Karaniwang Estudyante o Average Students - Ang karaniwang estudyante ay isang tao na hindi
madalas makikita na matataas ang mga grado at hindi rin naman mababa. Madalas na makikita
ang kanilang marka sa gitna.
9. Estudyanteng May Karangalan o Students with Honors – estudyanteng nakakuha ng 90-94 na
average grade per quarter
10. Estudyanteng may mataas na karangalan o Students with High Honors – estudyanteng nakakuha
ng 95-97 na average grade per quarter
11. Estudyanteng may pinakamataas na karangalan o Students with highest honors. estudyanteng
nakakuha ng 98-100 na average grade per quarter

You might also like