You are on page 1of 4

Jeane Ann B.

Jordan BEEd Ii-A

I. Layunin:
Sa katapusan ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakakatukoy ng iba’t-ibang anyong lupa.
b. Nailalarawan ang pagkakaiba ng mga anyong lupa.
c. Napapahalagahan ang mga anyong lupa.
II. Paksang Aralin
Paksa: Mga anyong lupa
Sanggunian: Ang Lahing Pilipino sa Ikatlong Milenyo (Pahina 69-75)
Pagpapahalaga: Pahalagahan ang mga anyong lupa.
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin, maari bang Opo ma’am. Ama naming nasa langit…….. Amen.
tumayo ang lahat para sa panalangin? Rhea maari ka
bang pumunta sa harap at pangunahan ang
panalangin?

Umupo na ang lahat. Meron bang lumiban ngayong Wala po.


araw?

B. Balik-aral
Nakaraang linggo tinalakay natin ang mga anyong (Isa-isang magbibigay ang mga mag-aaral ng anyong
tubig. Batay sa ating tinalakay, ano-ano ang mga tubig at inilarawan.)
anyong tubig? Magbigay ng isa at ilarawan.

Ano ang ating gagawin sa mga anyong tubig para Pangalagaan.


hindi ito masira?

Sa anong paraan? Huwag magtapon ng basura sa mga anyong tubig.

Magaling!

C. Motibasyon
Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin,
mayroon akong mga larawan na ididikit sa pisara. (Inilarawan ang bawat larawan ng anyong lupa)
Isulat ninyo sa hanay ng larawan ang mga salitang
naglalarawan dito.
(Nagdikit ng larawan ng mga anyong tubig sa pisara)

Magaling mga bata! Ang ating aralin ngayon ay may


kaugnayan sa mga larawan sa pisara. Ito ay ang mga
anyong lupa.

D. Talakayan
Ilang larawan meron tayo sa pisara? 8
Ibig sabihin meron tayong walung anyong lupa na
tatalakayin ngayon.
Basahin ninyo ng malakas ang mga salitang sinulat (Binasa ang mga salitang nakahanay sa larawan ng
ninyo tungkol sa unang larawan. pulo.)

Ang unang larawan ay ang pulo. Batay sa binasa


ninyo ito ay anyong lupa na napapalibutan ng tubig.
Tulad ng Pilipinas, ito ay binubuo ng libu-libong mga
pulo.
Ano ang pulo mga bata? Ang pulo ay anyong lupa na napapalibutan ng tubig.

Magaling! Ngayon basahin ninyo ang mga salitang (Binasa ang mga salitang nakahanay sa tangway)
nakahanay sa pangalawang larawan.

Ang pangalawang larawan ay tangway. Ito ay anyong Ang tangway ay anyong lupa na napapalibutan ng
lupa na napapalibutan ng tubig at nakadugtong sa tubig at nakadugtong sa isang malaking lupa.
isang malaking lupa.
Ano ang tangway?

Basahin ang sa pangatlong larawan. (Binasa ang sa larawan ng bundok)

Ang pangatlong larawan ay ang bundok. Ito ay Ang bundok ay mataas nga anyong lupa na
mataas na anyong lupa na napaliligiran ng lupain. napaliligiran ng lupain.
Ano ang bundok mga bata?

Magaling! Basahin naman ninyo ang sa pang-apat na (Binasa ang mga salitang nakahanay sa larawan ng
larawan. bulkan.)

Ang pang-apat na larawan ay ang bulkan. Ito ay may


pagkakatulad sa bundok ngunit ito ay lumalabas ng Opo.
kumukulo at tunaw na bagay.
Naintindihan?

Ano ang bulkan? Ito ang may pagkakatulad sa bundok ngunit


lumalabas ng kumukulo at tunaw na bagay.

Basahin naman ninyo ang mga salita sa susunod na (Binasa ang mga salitang nakahanay sa burol.)
larawan.

Ang larawan na ito ay ang burol. Ito ay isang Opo.


malaking umbok ng lupa na mas maliit kumpara sa
bundok. Ito ay hindi matarik tulad ng bundok.
Naintindihan ninyo mga bata?

Ano ang burol? Ito ay isang malaking umbok ng lupa na mas maliit
kumpara sa bundok. Ito ay hindi matarik tulad ng
bundok.
Magaling! Ang sa pang-anim na larawan naman. (Binasa ang sa hanay ng kapatagan)

Ang pang-anim na larawan ay ang kapatagan. Ito ay Ito ay malawak at patag na lupain.
malawak at patag na lupain.
Ano ang kapatagan mga bata?

Basahin ang ang sunod. (Binasa ang sa hanay ng lambak.)

Ito ay lambak. Ang lambak ay isang patag na lupa sa


pagitan ng dalawang bundok. Opo.
Naintindihan?

Ano ang lambak? Ang lambak ay isang patag na lupa sa pagitan ng


dalawang bundok.

Basahin na ang sa huling larawan. (Binasa ang sa hanay ng talapas.)

Ito ay talampas. Kung napapansin ninyo ito ay patag Ito ay patag na lupa sa ibabaw ng bundok.
na lupa sa ibabaw ng bundok.
Ano ang talampas mga bata?

Magaling!

E. Gawaing pagsasanay
Ngayon magkakaroon tayo ng isang laro. Hahatiin ko
kayo sa dalawang pangkat. Magbibigay ang unang
pangkat ng katangian ng isang anyong lupa at
huhulaan ng kabilang pangkat kung anong anyong
lupa ito. Pagkatapos ang kabilang pangkat naman
ang magpapahula at isang pangkat nman ang
huhula. Bawat tamang sagot ay puntos sa grupo.

F. Paglalahat Ang mga anyong lupa na napag-aralan natin ay ang


Ano-ano ang mga anyong lupa na ating napag-aralan mga:
at ano ang katangian ng mga ito? 1. Pulo – anyong upa na napapalibutan ng tubig
2. Tangway – napapalibutan ng tubig at
nakadugtong sa malaking lupa.
3. Bundok – mataas na anyong lupa na
napaliligiran ng lupain
4. Bulkan – may pagkakatulad sa bundok ngunit
lumalabas ng kumukulo at tunaw na bagay
5. Burol – isang malaking umbok ng lupa na
mas maliit kumpara sa bundok. Ito ay hindi
matarik tulad ng bundok.
6. Lambak – isang patag na lupa sa pagitan ng
dalawang bundok.
7. Kapatagan – malawak at patag na lupain.
8. Talampas – patag na lupa sa ibabaw ng
bundok.
G. Pagpapahalaga
Ano ang maaari nating makuha sa mga anyong lupa? Pagkain

Sa anong paraan tayo makakakuha ng pagkain sa Pagtatanim


anyong lupa?

Ano ang ating gagawin upang patuloy tayong Pahalagahan ang mga ito.
makakapagtanim sa mga anyong lupa?

Magaling! Sa anong paraan natin mapangalagaan Magtanim ng mga punong kahoy at itapon ang mga
ang mga anyong lupa? basura nang maayos.

Magaling! Ngayon kumuha ng kapirasong papel at


sagutan ang mga sumusunod.

H. Ebalwasyon
I.Tukuyin kung anong anyong lupa ang nasa larawan.
1. 3.

2. 4.

II.Paghambingin ang mga sumusunod na anyong


lupa. Dalawang puntos bawat numero na may
tamang sagot.

1. Bundok at burol
2. Tangway at pulo
3. Talampas at lambak

IV. Takdang-aralin
Sa limang pangungusap, isulat kung paano mo mapapangalagaan ang mga anyong lupa.

You might also like