Professional Documents
Culture Documents
I. Layunin:
Sa katapusan ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakakatukoy ng iba’t-ibang anyong lupa.
b. Nailalarawan ang pagkakaiba ng mga anyong lupa.
c. Napapahalagahan ang mga anyong lupa.
II. Paksang Aralin
Paksa: Mga anyong lupa
Sanggunian: Ang Lahing Pilipino sa Ikatlong Milenyo (Pahina 69-75)
Pagpapahalaga: Pahalagahan ang mga anyong lupa.
III. Pamamaraan
A. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin, maari bang Opo ma’am. Ama naming nasa langit…….. Amen.
tumayo ang lahat para sa panalangin? Rhea maari ka
bang pumunta sa harap at pangunahan ang
panalangin?
B. Balik-aral
Nakaraang linggo tinalakay natin ang mga anyong (Isa-isang magbibigay ang mga mag-aaral ng anyong
tubig. Batay sa ating tinalakay, ano-ano ang mga tubig at inilarawan.)
anyong tubig? Magbigay ng isa at ilarawan.
Magaling!
C. Motibasyon
Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin,
mayroon akong mga larawan na ididikit sa pisara. (Inilarawan ang bawat larawan ng anyong lupa)
Isulat ninyo sa hanay ng larawan ang mga salitang
naglalarawan dito.
(Nagdikit ng larawan ng mga anyong tubig sa pisara)
D. Talakayan
Ilang larawan meron tayo sa pisara? 8
Ang pangalawang larawan ay tangway. Ito ay anyong Ang tangway ay anyong lupa na napapalibutan ng
lupa na napapalibutan ng tubig at nakadugtong sa tubig at nakadugtong sa isang malaking lupa.
isang malaking lupa.
Ano ang tangway?
Ang pangatlong larawan ay ang bundok. Ito ay Ang bundok ay mataas nga anyong lupa na
mataas na anyong lupa na napaliligiran ng lupain. napaliligiran ng lupain.
Ano ang bundok mga bata?
Magaling! Basahin naman ninyo ang sa pang-apat na (Binasa ang mga salitang nakahanay sa larawan ng
larawan. bulkan.)
Basahin naman ninyo ang mga salita sa susunod na (Binasa ang mga salitang nakahanay sa burol.)
larawan.
Ano ang burol? Ito ay isang malaking umbok ng lupa na mas maliit
kumpara sa bundok. Ito ay hindi matarik tulad ng
bundok.
Ang pang-anim na larawan ay ang kapatagan. Ito ay Ito ay malawak at patag na lupain.
malawak at patag na lupain.
Ano ang kapatagan mga bata?
Ito ay talampas. Kung napapansin ninyo ito ay patag Ito ay patag na lupa sa ibabaw ng bundok.
na lupa sa ibabaw ng bundok.
Ano ang talampas mga bata?
Magaling!
E. Gawaing pagsasanay
Ngayon magkakaroon tayo ng isang laro. Hahatiin ko
kayo sa dalawang pangkat. Magbibigay ang unang
pangkat ng katangian ng isang anyong lupa at
huhulaan ng kabilang pangkat kung anong anyong
lupa ito. Pagkatapos ang kabilang pangkat naman
ang magpapahula at isang pangkat nman ang
huhula. Bawat tamang sagot ay puntos sa grupo.
F. Paglalahat
Ano-ano ang mga anyong lupa na ating napag-aralan Ang mga anyong lupa na napag-aralan natin ay ang
at ano ang katangian ng mga ito? mga:
1. Pulo – anyong upa na napapalibutan ng tubig
2. Tangway – napapalibutan ng tubig at
nakadugtong sa malaking lupa.
3. Bundok – mataas na anyong lupa na
napaliligiran ng lupain
4. Bulkan – may pagkakatulad sa bundok ngunit
lumalabas ng kumukulo at tunaw na bagay
5. Burol – isang malaking umbok ng lupa na
mas maliit kumpara sa bundok. Ito ay hindi
matarik tulad ng bundok.
6. Lambak – isang patag na lupa sa pagitan ng
dalawang bundok.
7. Kapatagan – malawak at patag na lupain.
8. Talampas – patag na lupa sa ibabaw ng
bundok.
G. Pagpapahalaga
Ano ang maaari nating makuha sa mga anyong lupa? Pagkain
Ano ang ating gagawin upang patuloy tayong Pahalagahan ang mga ito.
makakapagtanim sa mga anyong lupa?
Magaling! Sa anong paraan natin mapangalagaan Magtanim ng mga punong kahoy at itapon ang mga
ang mga anyong lupa? basura nang maayos.
H. Ebalwasyon
I.Tukuyin kung anong anyong lupa ang nasa larawan.
1. 3.
2. 4.
II.Paghambingin ang mga sumusunod na anyong
lupa. Dalawang puntos bawat numero na may
tamang sagot.
1. Bundok at burol
2. Tangway at pulo
3. Talampas at lambak
IV. Takdang-aralin
Sa limang pangungusap, isulat kung paano mo mapapangalagaan ang mga anyong lupa.