You are on page 1of 3

Jeane Ann B.

Jordan BEEd Ii-A

I. Layunin:
Sa katapusan ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang tatlong antas ng pang-uri.
b. Nagagamit ang tatlong antas ng pang-uri sa pangungusap.
c. Naisasagawa ang gawain nang may kooperasyon.
II. Paksang Aralin
Paksa: Antas ng pang-uri
Sanggunian: Landas sa Wika (Pahina 137-141) Lydia B. Liwaneg
Mga kagamitan: Manila peyper, flash kards, flaglets
Pagpapahalaga: Pakakaroon ng kooperasyon sa mga gawain.
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin, maari bang Opo ma’am. Ama naming nasa langit…….. Amen.
tumayo ang lahat para sa panalangin? Rhea maari ka
bang pumunta sa harap at pangunahan ang
panalangin?

Umupo na ang lahat. Meron bang lumiban ngayong Wala po.


araw?

B. Balik-aral
Natatandaan nyo pa ba ang pinag-aralan natin Opo.
noong nakaraang linggo?

Ano ang ating pinag-aralan? Pang-uri.

Ano ang pang-uri? Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa tao,


bagay at hayop.

Tama! Ngayon magbigay ng halimbawa ng pang-uri (Nagbigay ng mga halimbawa.)


at gamitin ito sa pangungusap.

Magaling! Tama ang lahat na binigay ninyo.

C. Motibasyon
Bago tayo magsimula maari ba kayong pumunta sa (Pumunta sa harapan ang tatlo.)
harapan Ana, Elsa at Fe?

Pumila kayo ayon sa inyong tangkad. (Pumila sila. Nauna si Ana sunod si Elsa at huli si Fe.)

Ano ang napapansin ninyo? Bakit nasa gitna ng pila si Dahil mas matangkad siya kay Ana.
Elsa?

Bakit nasa hulihan si Fe? Dahil siya ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo.
D. Talakayan
Magaling! Ngayon gagawa tayo ng pangngusap base
sa kanilang tatlo.
1. Si Ana ay matangkad.
2. Si Elsa ay mas matangkad kaysa kay
Ana.
3. Si Fe ay pinakamatangkad sa kanilang
tatlo.
Sa unang pangungusap, may pinaghahambingan ba Wala po.
tayo kay Ana?

Ano ang pang-uri na ginamit sa unang pangungusap? Matangkad


Magaling! Sa pangalawang pangungusap, meron ba Opo.
tayong pinaghahambing?

Sino-sino ang mga ito? Sina Ana at Elsa

At ano ang ginamit nating pang-uri? Mas matangkad

Sa pangatlong pangungusap, meron ba tayong Opo.


pinaghahambing?

Sino-sino ang mga ito? Sina Ana, Elsa at Fe

Magaling! Alam ba ninyo na ang mga pang-uri na


ginamit natin sa mga pangungusap ay nasa kanya-
kanyang kaantasan? Ito amg pag-aaralan natin
ngayon.ang antas ng pang-uri. Ang pang-uri ay may
tatlong antas, ang lantay, pahambing at pasukdol.
a. Lantay – nasa lantay na kaantasan ang isang
pang-uri kung wala itong ipinaghahambing na
dalawa o higit pang tao o bagay.
Sa mga ginamit nating pang-uri, alin sa tingin ninyo
ang nasa kaantasang lantay? Matangkad

Bakit? Dahil walang pinaghahambing.

Magaling!
b. Pahambing – nasa pahambing na kaantasan
ang isang pang-uri kung ito ay ginamit sa
paghahambing ng dalawang pangngalan ng
tao, bagay, hayop o pook. Ito ay may mga
panandang mas, higit, kasing at magkasing.
Sa mga pang-uring ginamit natin, alin sa tingin ninyo
ang nasa pahambing na kaantasan? Mas matangkad

Bakit? Dahil ipinaghahambing sina Ana at Elsa at may


panandang “mas”.
Magaling!
c. Pasukdol – nasa pasukdol na kaantasan ang
pang-uri kung ito ay nagpapakita ng
pangingibabaw sa lahat. Ito ay ginagamit
kung higit sa dalawang tao, bagay, hayop o
pook ang pinaghahambing. Ito ay may mga
panandang pinaka at ubod.
Sa ginamit nating mga pang-uri, alin sa tingin ninyo
ang nasa pasukdol na kaantasan? Pinakamatangkad

Bakit?
. Dahil pinaghahambing sina Ana, Elsa at Fe.
Magaling! Ngayon sino ang makapagbibigay ng
pangungusap gamit ang alin mang antas ng pang- (Nagbigay ng mga halimbawa.)
uri? Sabihin ninyo kung anong pang-uri ang ginamit
ninyo at kung nasa anong antas ito.

E. Gawaing pagsasanay
Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.
Papangkatin ko kayo sa tatlo. Bawat pangkat ay
bibigyan ng tatlong flaglets. Magpapakita ako ng
mga salita. Itaas ninyo ang pulang flaglet kung ang (Ginawa ang gawain.)
pinakita kong salita ay nasa lantay na antas, puting
flaglets kung nasa antas na pahambing at dilaw na
flaglets kung nasa pasukdol na antas.
F. Paglalahat
Magaling ang ginawa ninyo. Natatandaan ba ninyo Opo.
ang ating pinag-aralan ngayon?

Ano ito? Antas ng pang-uri.

Magaling! Ilang antas meron ang pang-uri? Tatlo.

Ano-ano ang mga ito? Lantay, pahambing at pasukdol.

Ano ang lantay na antas ng pang-uri? Nasa lantay na kaantasan ang isang pang-uri kung
wala itong ipinaghahambing na dalawa o higit pang
tao o bagay.

Ano naman ang pahambing na antas ng pang-uri? Nasa pahambing na kaantasan ang isang pang-uri
kung ito ay ginamit sa paghahambing ng dalawang
pangngalan ng tao, bagay, hayop o pook. Ito ay may
mga panandang

At ano nman ang pasukdol na antas ng pang-uri? Nasa pasukdol na kaantasan ang pang-uri kung ito ay
nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat. Ito ay
ginagamit kung higit sa dalawang tao, bagay, hayop
o pook ang pinaghahambing. Ito ay may mga
panandang

G. Pagpapahalaga
Sa inyong pangkatang gawain kanina, ano ang Nagka-isa po kme.
ginawa ninyo kung bakit ninyo naisagawa nang
maayos ang inyong gawain?

Magaling! Dapat ninyong tandaan na bawat gawain


ay madali lamang kung ang lahat ay nagkaka-isa.

H. Ebalwasyon

Kumuha ng kapirasong papel at sagutan ang


sumusunod.

I. Piliin ang tamang pang-uri para sa


kaantasang pinapahiwatig sa pangungusap.

1. Si Anabel ay (matalino, mas matalino,


pinakamatalino. )
2. Ang parol ni Ben ang (maganda, mas
maganda, pinakamaganda) sa lahat.
3. Bahay namin ang (malaki, mas malaki,
pinakamalaki) sa aming barangay.
4. (Matanda, Mas matanda,
Pinakamatanda) si Mark kaysa kay
Lino.
5. (Masarap, Mas masarap,
Pinakamasarap) ang luto ni inay kaysa
kay itay.

II. Tukuyin kung anong antas ng pang-uri ang


ginamit sa pangungusap.

1. Mas matamis ang mangga kaysa mansanas.


2. Matingkad and damit ni Susi.
3. Ubod ng ganda ang kaibigan ko.
IV. Takdang-aralin
Sumulat ng isang talata na may limang pangungusap gamit ang tatlong antas ng pang-uri.

You might also like