Professional Documents
Culture Documents
Simuno at Panaguri
Simuno at Panaguri
Dating mabait at masunuring bata si Obet. Ngunit napasama siya sa masamang barkada. Unti-unting
nagbago ang ugali niya. Naging barumbado at magalitin siya.
Natutuhan ni Obet ang masasamang bisyo. Natutu siyang magsigarilyo, maglasing at magsugal.
Natutunan rin niyang humitit ng marijuana at gumamit ng shabu.
Nakiusap ang ina ni Obet. “Anak, kung mahal mo ako at ang bayan hindi ka lalabag sa batas.” Ngunit
parang walang narinig si Obet.
Isang araw, nabigla ang kaniyang ina sa isang masamang balita. Nakakulong si Obet dahil sa pagnanakaw.
Ninakawan niya ang isang tindahan upang masunod ang masasamang bisyo. Ngunit nahuli siya ng pulis
habang nagnanakaw. Iyon ang napala niya sa pagsama sa masamang barkada.
Gumawa ng dalawang hanay at isulat sa tamang hanay ang bahagi ng pangungusap. Isulat sa ilalaim ng
bawat hanay ang simuno at panaguri.
Pag-aralan mo ang mga salita sa talahanayan ng bawat pangkat. Nakatala sa unang hanay ang buong
simuno ng pangungusap. Nakatala sa ikalawang hanay ang buong panaguri ng pangungusap.
1. Si Nena ay maganda.
2. Ang aso ay mabagsik.
3. Mabango ang bulaklak.
4. Ang anak niya ay matangkad.
5. Matinik ang rosas.
Suriin mo ito.
Ang simuno ay bahagi ng pangungusap na nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan.
Ang panaguri ay nagsasabi tungkol sa simuno.
Ang pinakamahalaga o pangunahing salita sa buong simuno o paksa ay payak na simuno. Ito ay
maaaring pangngalan o panghalip.
Ang pinakamahalaga o pangunahing salita sa buong panaguri ay ang payak na panaguri. Ito ay
maaaring pandiwa,pang-uri o pang-abay.
May tiyak na posisyon ang simuno at panaguri sa karaniwan at di karaniwang ayos ng pangungusap.