You are on page 1of 18

Pag-aaral tungkol sa Diskarte ng Magulang sa

Pakikitungo sa kanilang Anak na may Cerebral Palsy

Isang pananaliksik na iniharap para kay

Ms. Peth E. Amoncio

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan

sa Asignaturang Diskurso sa Filipino (G-FILI101)

Nina:

Delgado, Roxanne Fate B.

Enderio, Jamaica M.

SIson, Krisha Isabel M.

Disyembre 2019
INTRODUKSYON

Sabado, Nobyembre 30, 2019 ay araw ng pag sasagawa ng panayam grupo.

Sinundo ng grupo ang nakatatandang kapatid ng kliyente na si Chelsey Dela Cruz sa

may Simbahan sa Bayan. Ang kanilang tahanan ay matatagpuan sa General Trias,

pagkarating ng grupo sa tirahan ng kliyente, nagkaroon sila ng pagkakataong makilala

ang isang magandang Binibini.

Ang pangalan ng kliyente ay Sophia Lorin Dela Cruz, Nagpapasalamat kami sa

kanyang mga Magulang ng dahil sa hindi pag aalinlangan na ibigay ang kanyang buong

Pangalan, Si Sophia ang pang apat sa magkakapatid na mga anak ni Sherill Dela Cruz

na kanyang Ina at si Mike Dela Cruz na kanya namang ama. Lumabas sa pag susuri na

si Sophia ay mayroong Orthopedic Impairment, at ang tiyak na pag susuri nito ay

Celebral Palsy na kung saan ang kanyang kalamnan ay tumitigas dahil sa ilang mga

emosyon tulad ng kaguluhan, galit at kalungkutan. Ang kanilang pamilya ay nabibilang

sa gitnang klase sila ay nuklear na pamilya at binubuo ng anim na tao. Si Sophia ay

may tatlong nakakatandang kapatid: dalawang nakakatandang babae at isang

nakakatandang lalaki. Ang kanyang ama ay dating OFW o Overseas Filipino Worker

ngunit kailangan huminto sa pag tatrabaho ng dahil sa kondisyon ni Sophia at sa

pangagailangan ng titingin at mag aalaga sa kanya, kanila ring nabanggit na hindi sila

masyadong umaasa sa mga kasambahay na kanilang kinukuha. Ang kaniyang ama ay

nag tayo ng maliit na tindahan upang makatulong sa pangtustos sakanilang pamilya.

Samantalang ang kanyang Ina naming ay isang call center agent, siya ang malaking
parte sa pag susuporta sa pinansyal na pangangailangan ng pamilya katulong din ang

nakakatandang kapatid na ngayon ay nag tatrabaho, habang ang dalawang

nakakatandang kapatid ay patuloy na nag aaral sa kolehiyo.

Ang kanyang ina ay nag iingat sa kanyang pag bubuntis at regular na

kumukunsulta sa doctor at sinisugaradong siya ay malusog upang sa gayon magiging

malusog ang pag labas ng kanyang mga anak. Si Sophia ay nailabas sa pamamagitan

ng proseso ng cesarean, katulad ng kanyang nakakatandang kapatid, makalipas ang

dalawang ang kanyang balat ay nagging madilaw, ang kondisyon na ito ay tinawag na

jaundice. Ang jaundice ay ang pagbabago ng kulay ng bata makalipas ang dalawa o

tatlong araw pagkatapos niyang ipanganak, na maaring mabuo sa normal, at malusog

na bata. (Women’s and Children’s Health Network, 2016).

Enero 3, 2019 ng kanila’y napansin na siya ay hindi dumedede o umiinom mula

sa kanyang ina at hindi rin siya umiiyak, nag simula silang mag alala at dahil don

napag isipan nila na dalhin ito sa ospital, at ng dahil doon, nalaman nilang siya ay

nasuri na mayroong hyperbilirubenemia, ayon sa doctor ang normal na antas ng

bilirubin ay anim na antas ngunit si Sophia ay nasa tatlumpung antas, kaya’t ito ay

limang beses mula sa normal na antas ng bilirubin. Hyperbilirubinemia ay kondisyon

kung saan ang bilirubin ay binubuo ng dugo na sanhi ng diskolorasyon ng ng mata at

balat na tinatawag na jaundice.. (The Children’s Hospital of Philadelphia, 2019). Mula

noon hanggang ngayon, bukod sa hyperbilirubinemia, kanila ring natuklasan na si

Sophia ay nagkaroon ng Impeksyon muka sa ospital at ito ay kumalat patungo sa


kanyang utak at ng dahil dito, siya ay na-confine sa ICU (Intensive Care Unit) noong

Enero 4, 2019 sa ospital ng FEU, Qezon City. Si Sophia ay sumailalim sa pag sasalin

ng dugo at pagkuha ng dugo upang bumaba ang kanyang antas ng bilirubin. Sila ay

nag tagal don ng labing-dalawang araw: apat na araw sa ICU at walong araw sa ward.

Makalipas ang apat na buwan, kanilang napansin na siya ay malambot kaysa sa

normal at hindi niya binubuksan ang kanyang palad. Kanila ring inobserbahan at

pagkatapos ng anim na buwan, kanilang napansin ang mga pagkakaliban na kanyang

ipinapahayag. Kanilang na pagtanto na mayroong kakaiba tungkol sa kanya. Hindi niya

maangat ang kanyang katawan o magalaw ang kanyang katawan hindi rin siya

makagapagapang hindi katulad ng kanyang nakakatandang kapatid na may

kakayahang gumapang sa kaparehas na edad.

Ang mga pagpapahayag na ito ay pumukaw sa kanikang atensiyon upang

kanilang pag desisyonan na dalhin sa Developmental Pediatrician at doon siya ay

nasuri na siya ay mayroong physical developmental delay. Pagkatapos ng Isa’t

kalahating taon, bumalik sila sa pediatrician sa pagkakapansin na walang pagbabago at

doon sinabi ng pediatrician na ito ay hindi na isang developmental delay, dahil ang

kanyang kanyang pagkahuli ay malayo na sa kanyang edad at ang kanyang pag

dedevelop ay mabagal. Si Sophia ay nasuri na mayroong cerebral palsy.

Si Sophia ay sumailalim sa therapy para sa kanyang kondisyon sa DLSUMC (De

La Salle University Medical Center) bago siya mag simulang mag aral. Siya ay
sumailalim sa may tatlong kinalaman na serbisyong SPED. Speech/Language

Pathology para sa kanyang pag sasalita, Occupational Therapy at Physical Therapy,

Sila ay nagkakaisa sa pag pokus ang OT at PT dahlia ang pag sasalita ay mapag

sasanayan sa bahay ayon sa kanyang mga magulang. Nagimula siyang mag-aral

noong 2013 hanggang ngayon halos anim na taon sa Francisco E. Barzaga Memorial

School o FEB na matatagpuan sa Zone 2 Dasmariñas City, Cavite. Ito ay SPED na

paaralan na walang antas, sa halip ay mayroon lamang silang SPED A para sa unang

antas, SPED B para sa pangalawang antas, SPED C para sa pangatlong antas. Si

Sophia ay nasa kasalukuyang SPED C, pangatlong antas dahil sa kanyang mga

karangalan: siya ay nakakapag kulay ng walang lagpas, siya ay nakakapag type at

nakakapag padala ng mga mensahe, siya nakakaintindi ng maigi at nakakapag sulat,

bagamat, hindi klaro ito ay maiintindihan pa din.


METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Paraan ng Paghahanap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay naghanap ng posibleng kliyente sa iba’t ibang SPED

schools at nagtanong din sa kanilang mga personal na kaibigan. Isa sa dorm mate ng

isa sa miyembro ng grupo ang nagrekomenda ng kapatid ng kaniyang kaklase na

mayroong cerebral palsy. Pagkatapos nito, nagsimula nang gumawa ng mga tanong

para sa pakikinayam ang mga mananaliksik at bumili rin ng regalo para sa kliyente. Ang

araw pagkatapos nito, nakapagpanayam na ang mga mananaliksik at na-obserbahan

din ng direkta ang kanilang kliyente sa kanilang bahay, at mas nalaman pa ang tungkol

sa kaniyang sitwasyon.

Ang sumusunod ay mga sumusuportang ebidensiya:


Pigura 1. Ang kard ng pagkakakilanlan ng kliyente
Pigura 2. Ang kard ng pagkakakilanlan ng kliyente sakaniyang therapy.

Ang sumusunod ay ang mga tanong habang isinisasagawa ang panayam:

 Ano ang buong pangalan ng bata?

 Ilang taon na siya?

 Kailan ang knaiyang kaarawan?

 Ano ang inyong address?

 Ano ang pangalan ng kaniyang mga magulang o tagabantay?

 Saang kalsipiya ng pamilya kayo nabibilang? (nuclear ba o pinalawak?) Kabilang

ba kayo sa gitnang klase ng pamilya?

 Ano ang trabaho ng mga magulang?

 Nag-aaral ba si Sophia?

 Anong baiting na niya?

 Ano ang pangalan at address ng kaniyang eskwelahan?

 Gaano katagal na siya sa SPED?

 Paano niyo nadiskubre na may disabilidad ang inyong anak?

 Paano niyo nakita ang presensya ng pagkakaantala at mga pagpapakita ng

kanyang disabilidad?

 Anong unang hindi tipikal na paglaki ang nakita sa bata?

 Paano napukaw sa inyong atensyon nakailangan ng klasipikasyon ng bata?

 May kasaysayan ba ang pamilya ng parehong kondisyon sakanya?

 Ano ang nag-trigger sainyo na dalhin sa Developmental Pediatrician and inyong

anak?
 Paano niyodinanas ang pagsubok ng pagkakaroon ng anak na may disabilidad?

 Anong therapy o medikasyon ang isinasailalim ng inyong anak?

 Anong progreso ang nakita sa inyong anak simula ng ipakonsulta ito sa

Developmental Pediatrician?

 Nakikihalubilo ba ang inyong anak?

 Ano ang kalakasan at kahinaan ng inyong anak?

 May mga oras ban a nakaranas kayo ng galit at pagod?

 Paano niyo ito kinaya?

 Paano nakaapekto sainyo ang inyong pananampalataya nang malaman na

mayroon kayong anak na may disabilidad? Tumatag ba ito o hindi?

 Paano niyo naranasan ang Kagandahang Loob ni Hesus?

Pagkuha ng Kasangkot sa Pananaliksik

Ang mga respondante ng pananaliksik ay ang miyembro ng pamilya ng

kliyente na sina Mrs. Sherill Dela Cruz, Mike Dela Cruz at ang kaniyang

nakakatandang kapatid na si CHelsey Dela Cruz.

Ang obserbasyon ay isinigawa sa oras ng pakikipanayam, na nagtapos

pagkatpos ng dalawang oras sa General Trias noong Nobyemre 30, 2019.


RESULTA

Noon, hindi siya tumatawa o ngumingiti, palagi lamang siyang umiiyak. Kahit

pagbukas ng kamay niya ay hindi niya nagagawa, palaging nakasarado ang kamay

niya. Hindi rin niya naibabalanse ang kaniyang katawan at nahihirapan siyang kontrolin

ang mga galaw niya. Ngunit nung nagsimula siyang sumailalim sa mga therapy at

magpagamot, malaking pagbabago ang naganap at napansin sa kanya. Marunong na

siyang tumugon ng tamang emosyon sa bawat sitwasyon na kanyang kinabibilangan.

Tumatawa siya pag kailangan niyang tumawa, umiiyak siya pag kailangan niyang

umiyak. Nagpapakita siya ng emosyon na taglay ng isang karaniwan na tao.

Kaya na rin niyang igalaw ang kaniyang mga kamay, hindi na ito palaging

nakasarado. Nahahawakan at nakukuha narin niya ang mga bagay na nais o gusto

niya, at kinakain niya rin ang mga pagkain na naabot niya. Nakakasusulat din siya ng

mga linya o mga bagay-bagay sa aklat gamit ang bolpen o di kaya’y lapis, Mapapansin

din ang pagiging aktibo sa pakikipagkapwa at ang pagiging palakaibigan nito. Makikita

mo sa mga ngiti niya kung gaano siya kasaya kapag may isang tao na nakikipag-usap

sa kaniya. Nakakapagsalita siya kahit papaano. Hindi man ito masyadong klarado pero

naiintindihan naman ang nais niyang sabihin o ipahiwatig. Nakakagulat at nakakatuwa

sapagkat may dalawa siyang peysbok account daig pa ang ibang kabataan, sapagkat
siya ay may maraming alam at nalalaman. Nakakapagteks siya sa telepono at

nakakakapagpahayag ng damdamin sa paraan ng mga stickers at emojis gamit ang

messenger. Nakakagawa rin siya ng maayos at magandang Power Point Presentation

at mas demanding siya kumpara sa ate Chelsey niya sa paghihingi ng load at ito’y

parang natutuwa naman sila dito sapagkat alam nila na ang kanilang anak ay Mabuti at

maayos ang kalagayan.

Dagdag pa, nakakapagsuot siya ng shorts o di kaya’y pajama kahit na hindi na

ito tinutulungan ng kanyang ama o kahit sinong miyembro ng pamilya. May mga oras o

araw na nagugulat nalang sila na nakapajama o nakashort na si Sophia kahit minsan di

nila ito sinasabihan na gawin yun. Ngunit ang hindi niya lang kayang gawin at

nahihirapan siya pang gawin ay ang magsuot ng damit o kahit na anung pangtaas.

Mapapansin rin kung gaano katalas ang memorya at pag-iisip niya. Ayon sa kaniyang

nakatatandang kapatid na kapag may ipinangako ka sa kanya, hindi niya agad ito

makakalimutan at minsan umaabot ito hanggang 4 na buwan.

Kapag naman may ginagawa ka at nakita niya yun, di kalaunan ginagawa niya

na rin kung anu ang ginagawa mo, madali siyang makasunod at makaintindi sa mga

bagay-bagay. Ang medyo problema lang talaga ay ang katawan niya kasi hindi

masyadong umaayon ito sa kung anu ang gustong gawin nag kaniyang isip. Sa

kabilang banda naman, pag sobrang saya niya o may ibinigay ka sa kanya na sobrang

nagustuhan niya, hindi niya nakokontrol ang emosyon niya hanggang umaabot minsan

sa punto na nasasaktan niya ang sarili niya, di niya nakokontrol na mauntog ang
katawan o ulo niya sa pader o upuan na kaniyang inuupuan. Ito ay dahil nahihirapan

siyang kontrolin ang mgalaw ng katawan niya. Ayon sa kaniyang ama, ang reaksiyon

niya sa pangyayari ay minsan huli na. Halimbawa, ilang oras o minuto muna bago niya

maramdaman ang sakit ng katawan niya.

Ang mga ito ay ilan sa mga atypical development na tinatawag sa ingles na nakita at

naobserbahan ng pamilya kay Sophia simula noong ipinanganak siya hanggang sa

kasalukuyan.

Sa Cognitive Domain naman, ang mga atypical milestone na hanggang ngayon

ay nakikita at nagagawa niya ay yung speech and language. Mapapansin parin ito sa

paraan ng kaniyang pagsasalita, kung paano niya bigkasin ang isang salita, minsan

hindi niya napansin at nawawalan siya ng kontrol na nahahaba na niya pala ang huling

letra na salitang kanyang sinasabi gaya ng Helllloooooooooo. Sa sensory domain niya

naman ay walang napansing problema dito. Nalaman din ng mga mananaliksik na ang

memorya niya ay matalas, madali siyang makaintindi at makakuha sa gusto mong

iparating sa kanya. Sa madaling salita, wala siyang intellectual disability.

Sa psychomotor o physical affectation naman ay mapapansin ang sobrang lakas na

taglay niya, na nagiging rason upang hindi niya makayang kontrolin ang galaw ng

kaniyang katawan lalo na kapag nakakaramdam siya ng kagalakan. At dahil sa stiffened

muscles niya, hindi siya makalakad, kaya kinakarga nalang siya ng kanyang ama kapag

nililipat siya sa ibang parte o sulok ng bahay.


Sa psychosocial at help-adaptive naman, ayon sa kanyang pamilya, napaka

palakaibigan niya, nakakain siya, nakakapagsipilyo at nakakapagpalit ng pajama.

Nung unang mapansin ang atypical milestone, ang mga magulang, lalong higit ang ina

ay hindi matanggap at hindi makapaniwala, at nagtuloy tuloy ito hanggang sa umaboot

ng isang taon at anim na buwan. Sobrang bigat para sa kanya at hirap tanggapin ang

sinabi ng doktor sa kalagayan at kondisyon ng kanyang bunsong anak. Umabot sa

punto, na nag negatibo na ang kaniyang mga naiisip sa mga posibleng mangyari kay

Sophia. Sobrang in denial siya, hindi niya talaga kayang matanggap na kahit kapansin-

pansin na at nakikita na sa mga galawan ng kanyang anak na siya ay differently abled

ngunit ayaw nila talagang matanggap na ganun nalamang. Kasi ayon sa ina, nung

ipangbubuntis palamang niya si Sophia, madalas siyang nagpapakonsulta sa doktor,

umiinom siya ng mga bitamina at sobrang alaga siya ng kaniyang pamilya.

Dagdag pa na marami silang kaibigang doktor na minsan ay ito ang nag-aassist

o tumutulong sa kanila kapag siya ay nagpapakonsulta hanggang sa manganak siya.

Malaki din ang kaniyang tiwala at pag-asa na sana walang masaydong problema ang

anak gaya ng sabi ng doktor na magexpect sa mangyayari hanggang sa makalipas ang

anim na buwan. Hanggang sa taong 2011, si Sophia ay nakaranas ng seizure,

makakalakad na sana siya kaya lang dahil sa seizure parang nawala ang lahat at

nabalewala ang lahat ng ginawa nila para mapagaling si Sophia.


Matapos malaman ang tunay na kondisyon ng kanilang anak, tinanong ng mga

mananaliksik kung paano ito nakaapekto sa paniniwala at pananampalataya nila sa

Poong Maykapal. Walang pag-aalinlangan na inamin at sinabi ni Ginang Sherill na

muntik na silang mawalan ng tiwala at pananampalataya sa Diyos. Dumating nga sa

punto na,tinanong nila ang mga gawa ng Panginoon: “Bakit ako?”, “Sa lahat ng tao sa

mundo, bakit ang pamilya ko?” “Pagsubok ba ‘to?”. At dumagdag pa na sobrang

nahihirapan sila financially dahil ang mamahal ng terapi ni Sophia, umaabot ng 600

kada oras. Subalit sa kabila ng kanilang paghihirap, naging mas matatag, mas naging

buo ang pagsasamahan nila at mas nagkaisa ang kanilang pamilya.

Naging mas pasensiyoso’t pasensiyosa sila, at mas humaba rin ang kanilang

pag-intindi sa isat- isa lalo na para kay Sophia. Si Sophia ang naging rason kung bakit

mas naging malakas at patuloy silang lumaban sa buhay. Kaya kapag may mga

pagkakataon o may mga oras man na na nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan,

iniisip lang nila ang kondisyon ni Sophia at ito ang nagiging dahilan para maresolba at

matapos ang hindi pagkakaunawaan at debate ng bawat isa.

Noong sanggol palamang si Sophia, nasambit ni Ginang Sherill na may

dopamine na tinutusok kay Sophia upang marelax ang muscles nito. Subalit ang instinct

ng ina, nag-utos sa kaniya na ihinto ang pagtusok ng dopamine sa katawan ng bata

sapagkat ayaw niyang dumpependee ang anak niya sa droga na iyan, lalo na kapag o

sa tuwing her muscles would stiffen. Dagdag pa niya, ayaw niya rin na magkaroon ng

maraming marka ng injeksiyon ang buong katawan ng bata. At dahilan narin ito ng
kanyang awa sa kaniyang anak, dahil sa pakiramdam niya’y hindi ito makakayanan ni

Sophia lalo’t sanggol pa lamang ito.

DISKUSYON

Para sa mga estudyanteng may Cerebral Palsy, kakulangan ng mobility ang

karaniwang kapansanan, kaya’t para sa mga mananaliksik billang isang magiging guro

kailangan nila ng assistive technology equipment kapag papasok ng paaralan o kung

pupunta sa kung saan mang lugar.

Sa kaso ni Sophia, wala siyang kakayahang maglakad at makasulat ng maayos,

kaya’t kailangan niya ng wheelchair upang makapunta sa ibang sulok ng klasrum at

kailangan niya ng hands on na tipo ng kalinangan o pagtuturo ng mga guro. Isa sa mga

maganda at epektibong istratehiya ng pagtuturo para mahasa pa ang kanyang

kakayahan na magsulat ay ang pagsasagawa ng demonstration, pagpapakita kung

paano sinusulat ang isang letra at isang salita pagkatapos ay obserbahan ang bata

kung paano niya nasunod at kung paano niya rin ginagawa ito.

Isa pang estilo ng pagtuturo na makakatulong sa may mga kondisyon na gaya

kay Sophia ay ang pagsasagawa ng writing-partner, kung saan makakapagbahagi sila

ng kanilang mga hilig sa mga bagay-bagay patungkol sa kanilang mga buhay at mga
karanasan nila at nang sa ganun maramdaman nila ang kasiyahan na dulot ng gawaing

ito, sapagkat si Sophia ay palakaibigan at aktibo sa pakikipagkapwa-tao.

Si Sophia ay nahihirapan din sa kanyang pagsasalita, kaya’t nararapat lamang

na mabigyan ng eksposur siya sa mga audio type of learning gaya ng big books with

audio. Sapagkat kung anu ang maririnig niya, ay matutunan niya ring sambitin o sabihin

iyon sa tulong ng audio learning materials. Sa klasrum naman, kinakailangan na may

saktong lawak at spasyo nang sa ganun ay makagalaw sila ng maayos nang walang

pag-aalinlangan. Ang mga guro din ay kinakailangang mag provide ng kahit maliit na

palaruan sa loob ng klasrum nang sa ganun kahit sa paaralan maeenjoy ng mga bata

ang interaksiyon sa kapwa nila mag-aaral.

Si Sophia ay hindi pa pwedeng ipasok sa isang regular school sa kadahilanang

hindi pa siya nakakakapagsulat at nakakapagsalita ng maayos at lalong hindi siya

nakakalakad.

Bigyang konsiderasyon ang kakayahan niyang makapagkulay ng walang lagpas-

lagpas, masasaabing ito ang kanyang kalakasan. Kaya’t gagamitin ang kanyang

kalakasan sa pagkukulay sa pagsasagawa ng mga pagsubok sa paaralan. Sa paraan

ng pag papakilala at pagpapasagawa sa kanya, sa mga pagsusulit na magagamit ang

kakayahan niya sa pagkukulay: halimbawa, multiple choice test na magrerequire sa

kanya na kulayan ang letra ng tamang sagot. Sa ganyang paraan mahahasa ang

kaniyang talento at kakayahan sa pagkukulay ng isang bagay o larawan.


Para naman mahasa ang kaniyang kakayahan sa pagsasalita, kinakailangan

niyang maexpose sa isang peer-group interactive na gawain kung saan may palitan ng

impormasyon sa mga aralin na tinalakay o tatalakayin. Datapwa’t, kung si Sophia ay

mailalagay sa isang regular school, dapat siya mas mabigyang atensiyon dahil sa

kaniyan g kalagayan ngunit hindi sa pamamaraan na mararamdaman niya na naiiba

siya sa iba. Dapat ay walang ispesyal na pagtrato. Halimbawa na lamang ay ang hindi

pagkunsinti sa ugaling hindi maganda. Dapat din ay malaman niya ang mga panunturan

ng guro upang malaman kung ano ang tama at mali.

Sa totoo lang, mayroon tayong iba’t-ibang paningin tungkol sa mga taong may

kapansanan, Hindi namin sila nakikitang kaawa-awa, bakit? Dahil ang pagkakaiba nila

ay maganda para sa amin. Minsan ay nakikita namin silang pinagpala dahil ito ang

kaugalian ng diyos na ipinapadama ang pagmamahal sa kanila. Siguro para sa iba ang

kanilang kondisyon ay kamalasan, ngunit sa totoo lang, sila ay mga anghel na ipinadala

ng Diyos, na maaring pisikal at mental na kakaiba sa kakaiba sa kanila, maging nasa

tamang daan, ang daan kung saan ayaw ng Diyos na sila ay abandonohin. Higit pa, ang

pagkakaiba sa pagitan natin at ang may mga kapansanan ay mas pinahanga pa tayo sa

maraming kakayahan na gaiwn ng pagmamahal sa atin ng Diyos. Sa paniniwala na

walang katulad at kapantay ang ganda ng pagmamahal natin sa kanya hinding hindi

ako binigo ng Ditos sa kanyang pananampalataya sa kanyang kagandang loob.


REPERENSIYA

Children’s Hospital of Philadelphia. (2019). Hyperbilirubenimia and Jaundice.

Retrieved from https://www.chop.edu/conditions-

diseases/hyperbilirubinemia-and-jaundice

Women’s and Children’s Health Network. (2016). Why is my baby yellow? –

Neonatal Jaundice. Retrieved from

http://www.cyh.com/HealthTopics/HealthTopicDetails.aspx?p=438&np=46

4&id=2815

You might also like