You are on page 1of 1

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inilutang kahapon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang posibilidad
na puwedeng i-off ng China ang kuryente ng Pilipinas kahit hindi sila magtungo sa bansa

Sa Senate hearing sa panukalang budget ng Department of National Defense, ipinunto ni Recto ang isyu
ng seguridad dahil ilang porsiyento ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay
pagmamay-ari na ng China

Sumang-ayon naman si Sen.Panfilo Lacson na nagsabing base sa nakarating sa kanyang ulat, dumating na
ang mga kagamitan ng NGCP na puro Chinese characters ang nakasulat at pinapatakbo ng mga Chinese
personnel.

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tuloy ang Oplan Tokhang upang matuldukan ang problema sa droga sa bansa.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Officer-in-Charge P/Lt. Gen. Archie Gamboa matapos makipagpulong
kay drug czar Vice Pres. Leni Robredo kaugnay ng mga istratehiyang ipatutupad sa drug war.

Sinabi ni Gamboa na nakumbinse nila si Robredo na huwag ng tanggalin ang Oplan Tokhang kung saan
dapat ay magkaroon lamang ng ‘retooling’ o bagong mukha sa giyera kontra droga.

MANILA, Philippines – Nababahala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa malaking itinaas sa
presyo ng manok dahil sa kakapusan umano sa suplay habang makakabili na ang mga konsyumer ng mas
murang kilo ng bigas sa merkado.

Sa monitoring sa Sangandaan Market sa Caloocan City, nasa P200 na ang kada kilo ng manok buhat sa
dating P170. Maging ang dating mura na paa ng manok ay mabibili na ngayon sa P150 kada kilo. Sa
Trabajo Market sa Maynila, nasa P180-P185 naman ang kada kilo ng manok.

Malayo umano ito sa P162 kada kilo na dapat na retail price dahil sa nasa P112 kada kilo lamang ang
farmgate price ng manok, ayon sa United Broiler Raisers Association (UBRA).

You might also like