Professional Documents
Culture Documents
Somigao
Somigao
IkalawangDigmaang Pandaigdig
Submitted by ICConline on 12 July, 2007 - 02:56
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga makabayang kilusan sa mga kolonya
ay bumalangkas sa dalawang paraan, kapwa pagpapatuloy sa dating proseso ng nagdaang mga
dekada. Unang-una, ang mga taon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakitaan
ng malawakang tunguhin tungo sa relatibong mapayapang de-kolonisasyon; kahit pa sa pag-
iral ng malakas at minsan marahas na mga makabayang kilusan sa India, Aprika, at iba pang
dako, ang mayorya sa lumang mga kapangyarihang kolonyal ay agad pumayag sa ‘pambansang'
kalayaan sa halos lahat ng kanilang mga dating kolonya. Sa artikulong sinulat sa 1952, ang
grupong Pranses na Internationalisme (tumiwalag mula sa Kaliwang Italyano sa 1944 sa
usapin ng pagtayo ng partido sa gitna ng lumalalim na kontra-rebolusyon) ay sinuri ang
sitwasyon na:
"Dati pinaniwalaan ng kilusang manggagawa na ang mga kolonya ay mapalaya lamang sa loob
ng konteksto ng sosyalistang rebolusyon. Tiyak ang kanilang katangian bilang
‘pinakamahinang kawing sa kadena ng imperyalismo' dahil sa malalang kapitalistang
pagsasamantala at panunupil sa mga lugar na iyon, ay partikular sila na bulnerable sa
panlipunang mga kilusan. Ang kanilang kalayaan ay laging nakaangkla sa rebolusyon sa
abanteng mga bansa.
Nitong huling mga taon ay nakitaan, sa kabilang banda, na halos lahat ng mga kolonya ay
naging malaya na: pinalaya ng kolonyal na burgesya ang kanilang mga sarili, humigit-
kumulang mula sa abanteng mga bansa. Ang penomenon na ito, gaano man ito ka limitado sa
realidad, ay hindi maintindihan sa konteksto ng lumang teorya, na simpleng nakikita lamang
ang kolonyal na kapitalismo bilang tuta ng imperyalismo, isang taga-pamagitan.
Ang katotohanan ay hindi na kumakatawan ang mga kolonya bilang isang ekstensyon ng
kapitalistang pamilihan para sa abanteng mga bansa; naging bagong kapitalistang mga bansa
na sila. Naglaho na ang kanilang katangian bilang pamilihan, na naging dahilan para humina
ang pagtutol ng lumang mga imperyalista sa mga kahilingan ng kolonyal na burgesya.
Kailangang idagdag na ang mismong mga problemang imperyalismo ay paborable - sa takbo
ng dalawang pandaigdigang digmaan - sa ekspansyon ng ekonomiyang ng mga kolonya. Nasira
mismo ang constant capital sa Uropa, habang ang produktibong kapasidad ng mga kolonya o
semi-kolonya ay lumaki, na humantong sa pagputok ng lokal na nasyunalismo (Timog Aprika,
Argentina, India, atbp). Mahalagang mapansin na itong mga bagong mga kapitalistang bansa,
ng mabuo bilang malayang mga bansa, ay humantong sa kapitalismo ng estado, na may
parehong mga aspeto ng ekonomiya na naghahanda para sa digmaan tulad ng nangyari sa
ibang lugar.
Nadurog ang teorya nila Lenin at Trotsky. Isinanib ng mga kolonya ang kanilang mga sarili sa
kapitalistang mundo, at sinusuportahan pa ito. Wala na ang sinasabing ‘pinakamahinang
kawing': ang dominasyon ng kapital ay pantay na nahati-hati sa buong mundo." (‘Ang
Ebolusyon ng Kapitalismo at ang Bagong Perspektiba', Internationalisme, no.45, 1952.)
Ang mga burgesya sa dating mga kolonyal na Imperyo, na napahina sa mga pandaigdigang
digmaan, ay wala ng kapasodad na panatilihing kolonya ang mga kolonya nito. Ang
‘mapayapang' pagkawasak ng Imperyo ng Britanya ang pinakamahusay na halimbawa nito.
Pero ang pangunahing dahilan ay ang mga kolonyang ito ay hindi na maaring magsilbi bilang
batayan para sa pagpalaki ng reproduksyon ng pandaigdigang kapital, nang sila mismo ay
naging kapitalista na, nawalan na sila ng kahalagahan para sa mayor na mga imperyalista
(katunayan ang mas atrasadong kolonyal na kapangyarihan na lang gaya ng Portugal ang
matigas na kumapit sa kanilang mga kolonya). Ang de-kolonisasyon ay pormalidad na lamang
sa umiiral na kalakaran: wala ng maaring akumulasyon ng kapital sa pamamagitan ng
pagpalawak sa hindi-pa-kapitalistang mga rehiyon, kundi sa dekadenteng batayan ng rotasyon
ng krisis, digmaan, at rekonstruksyon, sa pamamagitan ng aksayang produksyon, at iba pa.
Ang mga digmaan sa Tsina, Korea, Byetnam, Gitnang Silangan, at iba pang dako, ay lahat
produkto ng balanse ng pwersa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kabilang na ang
patuloy na kawalan ng kapasidad ng kapitalismo na mabigyan ang sangkatauhan ng batayang
mga pangangailangan, at ang matinding panlipunang pagkabulok ng kolonyal na mga rehiyon.
Sa mga digmaang ito ang pangunahing mga imperyalistang bansa ay halos walang direktang
komprontasyon sa isa't-isa: ang mga lokal na digmaan ay nagsilbi bilang tagapamagitan para sa
nangingibabaw na digmaan sa pagitan ng mga ‘Super Powers'. Halos katulad ng pandaigdigang
digmaan mismo, pinakita ng mga digmaang ito ang patuloy na kawalang kapasidad ng lokal na
burgesya na labanan ang dominasyon ng isang imperyalistang kapangyarihan na hindi umaasa
sa ibang imperyalista. Kung ang isang makabayang burgesya ay makalaya mula sa mga
galamay ng isang bloke, mahulog agad ito sa bunganga ng iba.
Sa Gitnang Silangan ang mga Zionista na ang armas ay mula sa mga Ruso at Czech ay
nakipaglaban sa suportado ng Britanya na mga hukbong Arabo , pero ang plano ni Stalin na
makuha ang Israel sa impluwensya ng Rusya ay nabigo, at pumasok ang Israel sa ligiran ng US.
Mula noon, ang pakikipaglaban ng mga Palestino sa Zionismo, na dati ay umaasa sa
imperyalismong Britanya at Alemanya, ay napilitanag mapunta sa mga kamay ng
imperyalistang kapangyarihan na galit sa US o Israel: Ehipto, Syria, Saudi Arabia, Rusya, at
Tsina;
Sa Byetnam, tumulong si Ho Chi Minh sa mga Pranses at British na talunin ang mga
Hapon; mula noon sa ilalim ng proteksyon ng Rusya at Tsina tinalo niya ang mga Pranses,
at nagbigay ng matinding sugat sa mga Amerikano;
Sa Cuba, si Castro ay tumiwalag sa ligiran ng US at hayagang napunta sa mga kamay ng
imperyalismong Rusya.
Hindi ibig sabihin na ang lokal na burgesya ay palaging simpleng tuta ng mga ‘Super Powers'.
Ang lokal na burgesya ay may sariling mga interes at ang mga ito ay imperyalista din. Ang
ekspansyon ng Israel sa mga teritoryong Arabo, pagsakop ng Hilagang Byetnam sa Timog at
ang ekspansyon sa mga bahagi ng Cambodia, alitan ng India at Pakistan sa Kashmir at Bengal -
lahat ng ito ay kinakailangan sa bakal na batas ng kapitalistang kompetisyon sa panahon ng
imperyalistang pagkaagnas. Dagdag sa pagiging ahente sa malalaking imperyalismo sa
pamamagitan ng pagtanggap ng tulong, payo, at armas, ang mga paksyon ng lokal na burgesya
ay naging imperyalista sa panahon na makontrol na nila ang estado. Dahil walang bansa na
maging ganap na umaasa-sa-sarili kundi sa pamamagitan ng pagpalawak sa kapinsalaan ng mas
atrasadong mga bansa, kaya nagpapatupad ng mga patakaran ng pagsanib, hindi patas nga
palitan, atbp. sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, ang bawat bansa-estado ay isang
imperyalistang kapangyarihan. Ganun pa man, nanatiling ang mga lokal na tunggaliang ito ay
magaganap lamang sa loob ng pandaigdigang tunggalian ng mga pangunahing imperyalistang
bloke. Ang mas maliit na mga bansa ay dapat sumunod sa mga kahilingan ng mayor na
kapangyarihan para makuha ang kanilang tulong sa pagsusulong ng kanilang sariling lokal na
mga interes. Sa ilang eksepsyunal na mga kaso, ang isang dati mahina na kapangyarihan ay
maabot ang isang antas na konsiderableng mahalaga sa pandaigdigang imperyalistang . Ang
Tsina, dahil sa kanyang laki at likas na yaman ay isang halimbawa, habang ang isang bansa
gaya ng Saudia Arabia, para sa isang napakalimitadong panahon, ay isa ding halimbawa.
Subalit hindi napahina ng paglitaw ng bagong mayor na imperyalista ang kontrol ng
imperyalismo sa kabuuan. At maging ang huling mga halimbawa, ang pundamental na
kompetisyon sa pagitan ng US at Rusya ay patuloy na nagdidikta sa pandaigdigang polisiya.
Ang Tsina halimbawa, tumiwalag sa Rusya sa maagang bahagi ng dekada 60 at sa maiksing
panahon nagtangkang isulong ang ‘umaasa-sa-sarili' na patakaran. Pero ang paglalim ng
pandaigdigang krisis, na ang resulta ay napalakas ang dalawang pangunahing mga bloke, ang
malakas na humatak sa Tsina na sumanib sa bloke ng US.