You are on page 1of 5

PROGRAM FOR INVESTITURE 2019

I. PAMBUNGAD NA SEREMONYA

 Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant Troop/Crew Leader


 Panalangin
 Pagpasok ng mga Kulay
 Pambansang Awit
 Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas

II. PAMBUNGAD NA PANANALITA – Sctr.

III. INVESTITURE PROPER

 Pagbigkas ng Pangako at Batas ng Scout.


 Paglalagay ng Neckerchief

IV. HAMON SA MGA SCOUTS AT MAGULANG –

V. AWIT NG SCOUT

VI. PANGWAKAS NA SEREMONYA

 Scout Benediction –
 Paglabas ng mga Kulay
 Paglabas ng mga Scouts at Panauhin

SPIEL FOR INVESTITURE PROGRAM

MC: Magandang umaga po sa inyong lahat. Mangyari po lamang na tumayo ang lahat para sa Pambungad na seremonya.
Sisimulan natin ito sa pagpasok ng mga Scouts na pinangungunahan ng ating Troop Leader, Assistant Troop and Crew
Leader.
(Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant Troop/Crew Leader at ng Panauhing Pandangal)

MC: Para sa ating panalangin, tinatawagan ko si Scout________________.

MC: Manatili po tayong nakatayo para sa pagpasok ng mga kulay at Pambansang Awit ng Pilipinas sa pangunguna at
kumpas ni Scout____________. (Pagpasok ng mga Kulay at Pambansang Awit)

MC: Para sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, narito si Scout. (Panunumpa)

MC: Maari na po kayong magsiupo.

MC: Isang pinagpalang umaga sa inyong lahat. Sa umagang ito ay ating masasaksihan ang pagtatalaga ng ating mga
Scouts. Upang pasimulan ang programang ito, narito ang tagapamahala ng ating sangay, si _______

_________: Magandang umaga sa inyong lahat, sa mga magulang na naririto ngayon, sa mga guro, mga kaibigan at mga
itatalagang iskawt sa taong ito.

Ngayong araw ay panibagong hamon muli sa inyo mga iskawt ang pakikiisa sa mga adhikain, paniniwala, at layunin ng
samahan ng mga boy iskawts ay hindi madali. Ito ay sa dahilang may mga kaakibat na tuntunin ang bawat gawain at
galaw na dapat ay naaayon sa mabuting kabuuan ng pagkatao at ayon sa inaasahan sa isang iskawt ng lahat. Mapalad
ang mga kasapi nito dahil marami ang mga natutunan hindi lamang bilang iskawt kundi bilang isa na ring mabuting mag-
aaral, kaibigan, anak at mamamayan. Lahat ng kaalamang nakukuha rito ay naisasabuhay at dapat maisabuhay. Kaya
naman ngayon pa lamang ay binabati ko ang lahat ng mga kasapi na sa samahan at lalung lalo na ang mga itatalaga
ngayon.

Para sa mga magulang na naririto, maraming salamat sa inyong pagsang-ayon sa pakikilahok sa inyong mga anak sa
gawaing ito at sa inyong pakikiisa sa amin ngayon. Kaya‟t humanda na ang lahat ng mga iskawt para sa inyong
pagtatalaga at nawa‟y tumatak sa inyong damdamin ang lahat ng ipapangako ninyo ngayong araw na at gaya ng tema
ngayong 2019 “Saving Lives”

Maraming Salamat sa inyong lahat.

MC: Maraming salamat po,.

MC: Ngayon ay uumpisahan na natin ang pagtatalaga sa mga Senior Scouts na pangungunahan ng ating Outfit Adviser
na si Sctr.
SCTR. ______: Mga itatalagang scouts kayo ay nandito sa aming harapan at nag nanais na maging isang ganap na scout.
Ito ba ang inyong nais?

Participants: Sir, Yes, Sir!!!

SCTR._______: Sa seremonyang ito kayo ay itatalaga bilang miyembro ng scouting sa Mina De Oro Catholic School at sa
kapatiran ng scouting sa buong mundo. Sa harap ninyo ay ang isang nasindihang candila. Ito ang sumagisag sa diwa ng
Scouting.

Ang mga adhikain ng Scouts na nakasaad ayon sa Panunumpa at batas ng Scout ay nag bibigay gabay para sa ating
maayos at marangal na pamumuhay at ito ay maging isang pamantayan ng pag-uugali na dapat sundin ng lahat ng kasapi
ng kapatiran ng scouting sa lahat ng oras.

Kapag kayo ay nagging isang ganap na scout matututo kayong ng maraming bagay patungkol sa diwa ng scouting. Ang
Panunumpa at batas ng Scout ay pangungunahan ni _____________ .

(NOTE: Ang pag sisindi ng tatlong Malalaking kandila na kumatawan sa Diwa ng Scouting kasunod ang 12 na candila na
simbulo ng labing dalawang puntos ng Batas ng Scout. Ang 12 dalawang kandila ay sisindihan ng isa isa pagkatapos
sabihin ang puntos na sinisimbulo nito. Ang 3 scout na mag bibigkas ng Panunumpa ng Scout.)

_________: Ang Panunumpa Ng Scout; Sa ngalan ng aking dangal; ay gagawin ko ang buong makakaya; Upang tumupad
sa aking tungkulin sa Diyos at sa aking Bayan; ang Republika ng Pilipinas. (sisindihan ang gitnang kadila)

Sa ngalan ng aking dangal – Ang dangal ay ang pinaka mahalaga at sagradong pag aari sa iyong buhay. Kalakop nito ay
ang iyong pangalan, integridad at maganda reputasyon. Sa tuwing kayo‟y nanunumpa bilang isang scout, kayoy
nangangako na mamumuhay na ayon dito upang mapagpahalagahan ang ideyalismo na gagabay sa iyong buhay.

Gagawin ko ang buong makakaya- Sa lahat ng iyong ginagawa, ikaw ay nakipagtipan na gagawin mo ang lahat na iyong
makakaya. Kung may bagay na mahalagang gawin ito ay dapat gawin at tapusin, kung tatapusin ito tapusin ito ng
mabuti. Ang paggawa ng buong makakaya ay isang personal na pagsubok. Laging magsumikap na gawin sa
pinakamahusay na antas sang lahat ng iyong ginagawa.

Sa Diyos at sa Aking Bayan …Tayo, na kabilang sa kilusan ng scout ay na nanalig sa Diyos. Di man tayo nakakapareho sa
pamamaraan ng pagsamba sa kanya, ngayon may tayo‟y isa sa pag titiwala at paniniwla sa puong may kapal, na ating
Diyos at Panginoon. Upang gawin ang tungkulin sa Diyos, kailangan nating sambahin sya at sumunod sa kayang kautusan
na naayon sa inyo-inyong paniniwalang pang relihiyon. Makasusumpong kayo ng kaligayahan kung kayo‟y taus pusong
tutupdin ang tungkulin para sa ating Diyos.

___________: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya na sumunod sa Batas ng Scout; Tumulong
sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon;

(sisindihan ang kaliwang kandila).

Sumunod sa Batas ng Scout – Sa pamumuhay ng ating Sinumapaan pangako sa scouting- kailangan natin ang batas ng
scout upang maging gabay natin. Ang labing dalawang puntos ng batas ng scout ay ang pamantayan ng pag-uugali
habang tayo‟y naglalakbay sa buhay ng isang Scout. Kaya iminumungkahi na kayo‟y mag pasyang mamuhay ayon sa
panunumpa at batas ng scout.

Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon – ang isang dahilang kung bakit ang scouting ay lumago sa bansang ito ay
sa kadahilanang nakatangap ito na suporta sa mamamayan. Ang scouting ay pinahahalagahan ang suportang ito ay dahil
sa ang mga scout ay nagpakita ng pagiging mahalang bahagi ng lipunan. Ang diwa ng paglilingkod ay nasa puso ng tunay
na Scout.

____________: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya; Pamalagiing malakas ang aking katawan,
gising ang isipan at marangal ang asal.

(sisindihan ang kanang kandila).

Pamalagiing malakas ang aking katawan … Sa ngayon, alam na natin ang pagiging malinis at malusog. Kung ito ay
masusunod matutulungan nito tayong maging malusog at maligaya sa buhay. Kung ninanais ninyong mag karoon ang
isang alertong isipan at ng kahandaang tumulong sa iba, kailangan ninyong panatilihing malusog at malakas ang inyong
pangangatawan.

Gising ang isipan … Ang pagkakaroon ng gising ang isipan ay magpapakita ng alertong at matalinong isipan. Hindi sapat
na puro pisikal na lakas lamang; kailangan niyang mag karoon ng gising na isipan din. Ang kanyang pagkilos ay dapat na
maliksi, kalkulado at handang tumugon sa anumang pangangailangan at sa mga hinihingi ng pagkakataon.
Marangal ang asal…Kailangan ng scout na maging huwaran ng magandang asal. Ang kanyang asal ay nasa pinaka mataas
na antas. Ang kanyang isip, salita at gawa ay laging nag papakita ng wastong asal.

(Susunod … Ang pag sasalita ng 12 piling scout.)

MC: Dumako napo tayo sa Batas ng Scout.

1.__________: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa
kanyang mga pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maasahan ng ibang tao.

2. _________: Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa
Scouting, sa paaralan at sa bayan.

3._________: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba
na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.

4_________: Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang kanyang
mga kapwa Scout. Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang tao na
naiiba sa kanya.

5._________: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa man ang gulang nito o katayuan.
Alam niya na ang mabuting pag-uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng mga tao.

6._________: Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing
niya ang iba gaya ng gusto nitong pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nanakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang
bagay na walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.

7._________: Ang Scout ay MASUNURIN. Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at
tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung inaakala niyang may mga alituntuning hindi
tama, sinusunod niya itoat hindi sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.

8._________: Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya
niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay ng lugod sa iba.

9._________: Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa upang matustusan ang kayang sarili at upang makatulong
sa iba. Nagiimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman. Maingat
siya sa paggamit ng kanyang panahon at ariarian.

10.________: Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may lakas ng loob na humarap sa panganib kahit may taglay
siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.

11________: Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay
sumasama sa mga taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatiling malinis ng kanyang tahanan
at pamayanan.

12.________: Ang Scout ay MAKA- DIYOS. Ang Scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin
ng kanyang pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang pananampalataya.

________: Narinig ninyo ang Panunumpa at labing dalawang puntos ng Batas ng Scout. bilang isang scout, tinatangap ba
ninyo ang tatlong tungkulin at labing dalawang puntos ng batas na ito?

Participants: “Sir, Yes, Sir”

MC: Nawa ay si buhay ninyo mga aral na ito. Ipinakikiusap ko po sa ating mga magulang, Ninong at Ninang na sila ay
tumayo sa may likuran ng kanilang anak o aanakin, sagisag na sa ano mang adhikain ay nasa likuran kayo ng mga batang
ito.

MC: At ngayon upang opisyal ng matalaga kayo, ina-anyayahan po ang namin kagalang-galang na Punong Guro na siya
ring ating Punong Institusyunal na italaga na ang mga bagong iskawt.

_______: Mga magulang, ninong at ninang, itaas po ninyo ang inyong kanang kamay sa ayos ng panunumpa at sumunod
kayo sa akin.

“Ako‟y nangangakong gagampanan ang buong makakaya upang akayin, subaybayan at pangalagaan ang batang ito sa
maliwanag na landas ng buhay upang lumaki sila na mabuting mamamayan ng ating bansa. Kaya‟t tulungan mo po kami
Mahal na Panginoon, salamat po”

MC: Ngayon po ay sabay-sabay nating ilagay ang alampay o ang neckerchief sa leeg ng mga batang itinalaga.
(hintaying maging maayos ang lahat)

________: Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinag kaloob sakin ng Boyscout of the Philippines bilang Punong
Institusyonal ng Mina De Oro Catholic School. Itinatalaga kayo bilang Opisyal na miyembro ng Boyscout of the
Philippines.

MC: Maraming salamat _________. Bigyan po nating muli nang matunog na pagpugay ang mga bagong itinalagang
scouts.

MC: Ngayon naman ay tinatawagan natin si ____________, upang magbigay ng hamon at inspirasyon sa inyong mga
bagong itinalaga.

MC: Maraming salamat po,_________. Nakasisiguro po kaming sapat ang inyong mga salita upang pagibayuhin ng mga
scouts ang kanilang paglilingkod. Ngayon, atin po nating bigyan ng isang mainit na pagsalubong ang ating mga Scouts
para sa isang pampasiglang bilang.

MC: Ngayon ay sabay-sabay nating awitin ang mga Awit ng Scout na pangungunahan nila ________

MC: Magaling mga Scouts! Para sa Scout Benediction, narito si ________

________: May the great, great, Scout Masters, of all good scouts, be with you, and me, „till we meet again.

MC: Maraming salamat,_________. Tayo po ngayon ay magsitayo para sa paglabas ng mga kulay kasunod ang mga
Scouts at ang mga pinuno ng ating paaralan.

MC: Isang taos-pusong pasasalamat po mula sa Mina De Oro Catholic School sa inyong walang sawang pagsuporta sa
adhikaing ito. Muli po, isang magandang umaga sa inyong lahat.

MC: Paalala po sa mga makikilahok sa School Based………..

You might also like