You are on page 1of 8

Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw

“Ako ay nagugutom. Tayo na sa kabila ng ilog. Maraming bunga ng mais. Kumain ka ng


kumain ng sariwang damo, kakain naman ako ng kakain ng mga murang mais,” ang sabi ng
kambing sa kalabaw.
“Oo, tayo na,” ang sabi ng kalabaw.
“Pero hindi ako marunong lumangoy. Dalhin mo ako sa likod mo,” ang wika ng kambing.
Sumakay nga ang kambing sa kalabaw. Ito naman ay lumangoy sa ilog hanggang sa kabilang
ibayo. Kumain sila ng kumain doon. Mabilis kumain ang kambing. Ang kalabaw naman ay
hihinay-hinay kumain.
Madaling nabusog ang kambing. Ang kalabaw naman ay hindi pa nabubusog. Nainip na ang
kambing. Kaya nagyaya nang umuwi.
“Kapitbahay, gusto ko nang umuwi. Busog na ako,” ang sabi ng kambing.
“Mabuti ka pa busog na,” ang sagot ng kalabaw. “Maghintay ka na muna.”
Nayamot na ang kambing. Inisip kung paano niya mapatitigil sa pagkain ang kalabaw.
Mayroon siyang naisip. Naglulundag ang kambing. Gumawa ito ng malaking ingay.
Dahil sa ingay na iyon ay narinig sila ng mga tao. Nagdatingan ang mga tao. Nakita nilang
kumakain ang kalabaw. Hinambalos nila nang hinambalos ang kalabaw.
“Ano, kapitbahay, gusto mo na bang umuwi?” Ang tanong ng kambing sa kalabaw.
“Oo, tayo na nga. Sige, lundag nasa likod ko,” ang sabi ng kalabaw. At lumakad nang papunta
sa ilog.
Nang sila ay nasa gitna na ng ilog, huminto ang kalabaw. Tinanong niya kung bakit nag-ingay
ang kambing.
“Ewan ko nga ba. Tuwing ako ay mabubusog, ay gawi ko na ang kumanta at magsayaw,” ang
sagot ng kambing.
Lumakad na rin sa tubig ang kalabaw. Walang anu-ano ay narating nila ang malalim na bahagi
ng ilog. Muling huminto ang kalabaw.
“O, bakit kahuminto? ang tanong ng kambing.
“Alam mo kapag ako ay nasa tubig, ay siyempre gusto kong gumulong-gulong sa tubig,” ang
sabi ng kalabaw.
“Aba, huwag! Paano ako, mahuhulog ako sa tubig. Hindi naman ako marunong lumangoy,”
ang sigaw ng kambing.
“E alam mo kapitbahay, naging bisyo ko na ang gumulong-gulong sa tubig,” at sinabayan nga
ng gulong sa tubig.
Bumagsak sa tubig ang kawawang kambing. Hindi ito marunong lumangoy. Nalunod ang
kambing.

Aral

 Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sayo.
Si Mahistrado Kuwago

Isang araw, may krimeng pinahuhusgahan sa isang hurado ang ilang hayop. Kabilang dito ang
Ibon, ang Palaka, ang Pagong, ang Alitaptap, at ang Lamok. Upang maparusahan ang kriminal,
napagkaisahan ng lahat na magsilbing huwes ang Kuwago.
“Sapagkat ako ang napili ninyong magdesisyon kung sino ang kriminal sa kasong ito,
pakikinggan ko kayo sa inyong mga sasabihin.”
Nagsimulang tumindig ang Ibon na nagpahayag ng kaniyang problema.
“Ako po si Ibon. Hindi po ako makatulog sa gabi sapagkat kokak nang kokak ang Palaka.”
“O, bakit kokak ka nang kokak?” tanong ng Hurado sa Palaka.
“Ako po si Palaka. Kokak po ako nang kokak sa takot ko pong mahulugan ako ng bahay ni
Pagong.”
Tinawag ng Hurado si Pagong.
“Totoo ba iyon, Pagong?” takang-takang usisa ng Hurado.
“Totoo po. Bakit naman hindi ko po dadalhin ang nag-iisa kong bahay? Takot po kasi ako sa
alitaptap na laging may baong apoy sa likuran.”
“E bakit nga naman may apoy ka pang dala-dala?” pag-uusisa ng Hurado sa Alitaptap.
“Lagi po kasing may dala-dalang sibat ang Lamok. Para po hindi ako masundot, proteksiyon ko
po ang apoy.”
Tinawag ng Huradong Kuwago ang itinuturong Lamok.
“Totoo bang may dala-dala kang sibat na panundot?”

Hindi maipaliwanag ng Lamok kung bakit kailangang dala-dala niya lagi ang sibat.
Hindi nagkamali ang lahat nang ibunton sa lalaking Lamok ang parusang mabilanggo.
Nang akmang ipadadakip na ang hinatulan ay dali-dali itong lumipad. Kaagad siyang pumunta
sa Lamuklandia. Isinumbong niya sa mga kamag-anak ang malupit daw na Mahistrado.
“Dala-dala mo lang ang sibat na pananggalang, huhulihin ka na upang parusahan?” galit na
reaksiyon ng mga Babaeng Lamok.
“Dapat na ipagtanggol natin ang katribo!” sigaw ng mga Lalaking Lamok.
Inayos ng mga Babaeng Lamok ang mga businang panggalugad at mga sibat na panundot ng
kanilang mga asawa.
Humanda na sa paglusob nila ang batalyon ng mga Lamok.
Nang mapansin ng Mahistradong dumarating na ang nagliliparang mga Lamok ay ikinampay
na nito ang mga pakpak. Dali-dali itong lumipad at pumasok sa kuweba sa kagubatan.
Hindi nag-aksaya ng oras ang mga lalaking Lamok. Upang masigurong bihagin ang Mahistrado
ay pinuntahan nila ang lahat ng kuweba sa paligid. Pati na tenga ng mga tao ay sinisilip nila at
binubusinahan sa pag-aakalang kuweba rin itong mapagtataguan.
Bigo ang mga Lamok sa paghahanap nila sa Mahistrado.
Hanggang ngayon ay patuloy ang mga lamok sa pagsilip at pagbusina sa ating mga tenga.

Aral

 Maging makatarungan sa pagpaparusa kanino man.


Ang Buwaya at ang Pabo

Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa pampang ng Ilog Pasig.
Siya ay mabangis at ubod ng sakim. Sa kadahilanang ito, walang ibang hayop ang magkalakas
ng loob na siya’y lapitan.
Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato, napag-isipan niyang mag-
asawa na. Pasigaw niyang sinabi,
“Ibibigay kong lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.”
Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makiring pabo ang dumaan sa kanyang
harapan. Inulit banggitin ng pilyong buwaya ang kanyang kahilingan. Nakinig ng mabuti ang
makiring pabo, at sinumulang suriin ang anyo ng buwaya.
Sabi niya sa kanyang sarili,

“Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya. Naku! Kung mapapasaakin lamang ang
lahat ng mga perlas at diyamante, ako ang magiging pinakamasayang asawa sa buong
mundo.”
Bumaba ang pabo sa bato na kung saan naroroon ang buwaya. Sinabing muli ng pilyong
buwaya ang kanyang pag-aalok ng kasal nang buong pagpipitagan, gaya ng gawi ng isang
mapagkunwari.
Inakala ng pabo na ang malalaking mata ng buwaya ay dalawang magagandang diyamante at
ang magaspang na balat nito ay gawa sa perlas, kaya tinanggap niya ang alok nitong
pagpapakasal.
Inanyayahan ng buwaya ang pabo na umupo sa kanyang bibig, upang sa gayon ay hindi daw
madumihan ng putik ang maganda nitong plumahe. Sinunod naman ng mangmang na ibon
ang kahilingan ng buwaya.
Ano sa palagay ninyo ang nangyari? Ginawang masarap na hapunan ng sakim na buwaya ang
kanyang bagong asawa.

Aral:

 Iwasang maging alipin ng kayamanan. Ang pagiging mukhang pera ay parang lason sa
katawan na nakamamatay.
 Mas mabuti pang makapangasawa ng mahirap kaysa taong mayaman na huwad ang
kalooban.
 Huwag manloko ng kapwa. Pakatandaan na kung ano ang iyong itinanim ay siya mo ring
aanihin. Kung nagtanim ka ng kasamaan sa iba, balang araw ay babalik rin sa iyo ang
pangit na itinanim mo.
 Maging matalino sa bawat desisyong iyong gagawin. Pag-isipan itong mabuti at ng
makailang ulit bago gumawa ng mga bagay na maari mong pagsisihan sa bandang huli.
 Huwag maakit sa panlabas na kaanyuan. Maging mapanuri at kilalaning maigi ang taong
nais pakasalan.
Ang Gorilya at ang Alitaptap

Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan.
Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito. “Hoy,
Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” Sumagot si Iput-Iput, “Dahil natatakot ako sa
mga lamok.”
“Ah, duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya.
“Hindi ako duwag!” ang nagagalit na sagot ng alitaptap.
“Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” ang pang-aasar ni Amomongo.
“Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikita ko
sila kaagad at nang sa gayo’y maipagtanggol ko ang aking sarili”, ang tugon ni Iput-Iput.
Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga itong gumising at ipinamalita sa
lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay dahil duwag ito.
Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.
Nang mabalitaan ito ng alitaptap, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay ni
Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw sa
mukha nito hanggang sa ito ay magising.
“Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sa’yong hindi
ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod na Linggo
ng hapon.”
Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya.
“Mayroon ka bang mga kasama?”
“Wala!” ang sigaw ni Iput-Iput. “Pupunta akong mag-isa.”
Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili’t isang maliit na insekto ang humahamon sa
kanya ng away. Nagpatuloy ang alitaptap.
“Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!”

“Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas


malalaki pa sa akin.”
Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya ay nasisiraan ng ulo.
Ngunit sumagot si Iput-Iput, “Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa!
Paalam!”
Pagkaalis ng alitaptap, tinipon ng gorilya ang kanyang mga kasamahan at ipinaalam sa mga ito
ang nakatakdang pagtutuos. Inutusan niya ang mga ito na kumuha ng tig-isang pamalo na
may habang tatlong dangkal at pumunta sa plasa nang ika-anim ng gabi sa susunod na Linggo.
Ikinabigla ito ng kanyang mga kasamahan, ngunit nasanay na silang sundin ang kanilang
pinuno kaya ipinangako nilang pupunta sila sa itinakdang oras at lugar.
Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang mga
dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa kanila.
Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o
pagdarasal. Iminungkahi ng alitaptap sa mga gorilya na magdasal muna sila. Pagkatapos
magdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni Amomongo ang kanyang
mga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang pagpapakilalang siya ang pinuno ng
mga ito.
Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ng gorilya at inilawan niya ito. Hinampas ng kasunod na
gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ay ang ilong ni
Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong ng pangalawang gorilya.
Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakalipad, kaya ang
nahampas niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput ang
ilong ng pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad.
Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng pagkakahampas ng ikaapat na unggoy
sa ilong nito. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari hanggang si Amomongo na lamang ang
natirang buhay na gorilya na halos hindi makagulapay dahil sa tinamong sakit. Nagmakaawa
ito kay Iput-Iput na patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya ni Iput-Iput,
ngunit simula ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking takot ang mga gorilya sa mga
alitaptap.

Aral:

 Huwag mong husgahan ang iyong kapwa base sa kanyang laki o liit ng pangangatawan.
Kadalasan kasi ay may mas nagagawa ang mga maliliit na hindi kayang gawin ng malalaki.
 Iwasan ang pagpapakalat ng maling balita upang siraan ang kapwa.

Ang Lobo at ang Kambing

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang maka-ahong
palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang
tinig ng lobo.
“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang
pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang
siya’y niloko lamang ng lobo.
“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay tayo sa
uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.

“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung
papaano nating gagawin iyon.”
“Papaano?”
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas. At
kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang sabi naman
ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng
kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang
lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko.”
At malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

Aral
 Maging matalino sa mga desisyong gagawin mo at huwag basta-basta maniniwala sa
ibang tao lalo na kung hindi mo pa siya lubusang kakilala.
The Town Mouse & the Country Mouse

A Town Mouse once visited a relative who lived in the country. For lunch the Country Mouse
served wheat stalks, roots, and acorns, with a dash of cold water for drink. The Town Mouse
ate very sparingly, nibbling a little of this and a little of that, and by her manner making it very
plain that she ate the simple food only to be polite.

After the meal the friends had a long talk, or rather the Town Mouse talked about her life in
the city while the Country Mouse listened. They then went to bed in a cozy nest in the
hedgerow and slept in quiet and comfort until morning. In her sleep the Country Mouse
dreamed she was a Town Mouse with all the luxuries and delights of city life that her friend
had described for her. So the next day when the Town Mouse asked the Country Mouse to go
home with her to the city, she gladly said yes.

When they reached the mansion in which the Town Mouse lived, they found on the table in
the dining room the leavings of a very fine banquet. There were sweetmeats and jellies,
pastries, delicious cheeses, indeed, the most tempting foods that a Mouse can imagine. But
just as the Country Mouse was about to nibble a dainty bit of pastry, she heard a Cat mew
loudly and scratch at the door. In great fear the Mice scurried to a hiding place, where they
lay quite still for a long time, hardly daring to breathe. When at last they ventured back to the
feast, the door opened suddenly and in came the servants to clear the table, followed by the
House Dog.

The Country Mouse stopped in the Town Mouse's den only long enough to pick up her carpet
bag and umbrella.

"You may have luxuries and dainties that I have not," she said as she hurried away, "but I
prefer my plain food and simple life in the country with the peace and security that go with
it."

Poverty with security is better than plenty in the midst of fear and uncertainty.
The Heron

A Heron was walking sedately along the bank of a stream, his eyes on the clear water, and his
long neck and pointed bill ready to snap up a likely morsel for his breakfast. The clear water
swarmed with fish, but Master Heron was hard to please that morning.

"No small fry for me," he said. "Such scanty fare is not fit for a Heron."

Now a fine young Perch swam near.

"No indeed," said the Heron. "I wouldn't even trouble to open my beak for anything like
that!"

As the sun rose, the fish left the shallow water near the shore and swam below into the cool
depths toward the middle. The Heron saw no more fish, and very glad was he at last to
breakfast on a tiny Snail.

Do not be too hard to suit or you may have to be content with the worst or with nothing at
all.

The Frog & the Mouse

A young Mouse in search of adventure was running along the bank of a pond where lived a
Frog. When the Frog saw the Mouse, he swam to the bank and croaked:

"Won't you pay me a visit? I can promise you a good time if you do."

The Mouse did not need much coaxing, for he was very anxious to see the world and
everything in it. But though he could swim a little, he did not dare risk going into the pond
without some help.

The Frog had a plan. He tied the Mouse's leg to his own with a tough reed. Then into the
pond he jumped, dragging his foolish companion with him. The Mouse soon had enough of it
and wanted to return to shore; but the treacherous Frog had other plans. He pulled the
Mouse down under the water and drowned him. But before he could untie the reed that
bound him to the dead Mouse, a Hawk came sailing over the pond. Seeing the body of the
Mouse floating on the water, the Hawk swooped down, seized the Mouse and carried it off,
with the Frog dangling from its leg. Thus at one swoop he had caught both meat and fish for
his dinner.

Those who seek to harm others often come to harm themselves through their own deceit.
The Dog & His Reflection
A Dog, to whom the butcher had thrown a bone, was hurrying home with his prize as fast as
he could go. As he crossed a narrow footbridge, he happened to look down and saw himself
reflected in the quiet water as if in a mirror. But the greedy Dog thought he saw a real Dog
carrying a bone much bigger than his own.

If he had stopped to think he would have known better. But instead of thinking, he dropped
his bone and sprang at the Dog in the river, only to find himself swimming for dear life to
reach the shore. At last he managed to scramble out, and as he stood sadly thinking about
the good bone he had lost, he realized what a stupid Dog he had been.

It is very foolish to be greedy.

The Man & the Satyr


A long time ago a Man met a Satyr in the forest and succeeded in making friends with him.
The two soon became the best of comrades, living together in the Man's hut. But one cold
winter evening, as they were walking homeward, the Satyr saw the Man blow on his fingers.
"Why do you do that?" asked the Satyr.
"To warm my hands," the Man replied.
When they reached home the Man prepared two bowls of porridge. These he placed
steaming hot on the table, and the comrades sat down very cheerfully to enjoy the meal. But
much to the Satyr's surprise, the Man began to blow into his bowl of porridge
"Why do you do that?" he asked
"To cool my porridge," replied the Man.
The Satyr sprang hurriedly to his feet and made for the door.
"Goodby," he said, "I've seen enough. A fellow that blows hot and cold in the same breath
cannot be friends with me!"
The man who talks for both sides is not to be trusted by either.

You might also like