You are on page 1of 12

WASTONG GAMIT

I. Ang May at MAYROON – ito ay mga pandiwang walang banghay. Ang mga ito ay may iisang
kahulugan – ang PAGKAKAROON, ngunit ang dalawa ay may pagkakaiba ng gamit sa mga
pangungusap.

A. Mga gamit ng MAY


- kapag ito’y sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pandiwa, pang-abay at katagang mga
1. May laya na ang Pilipinas.
2. Ang Pilipinas ay may magandang kasaysayan.
3. Sa ngayon ay may hindi nakauunawa sa tunay na kahulugan ng wika.
4. Ang mga pananalig ni lolol ay may mga batayan.

B Mga gamit ng MAYROON


- kapag ito’y sinusundan ng kataga o panghalip na panao sa kaukulang palagyo
1. Mayroon pa sanang ibig ipaliwanag ang anak sa ina.
- kapag ito’y panagot sa tanong.
2. May pangarap ka ba? Mayroon.
- kapag ito’y nangangahulugan ng pagiging mayaman
3. Sina Dr. Jose Rizal ay angkan ng mga mayroon sa Calamba, Laguna.

II. Ang gamit ng NG at NANG

A. Ang gamit ng NG- gumaganap bilang pantukoy at pang-ukol. Ginagamit kung ang
sumusunod na salita ay isang pangngalan, pandiwa, pang-uri o panghalip. Katumbas ng
“by”,”with”, at “of” sa Ingles.
1. Ang pinto ng silid ay nabuksan.
2. Nawala ang butones ng baro .
3. Ang buhay ng isang tao ay tunay namakulay.
4. Pinagbawalan siya ng kanyang ina na makipagkita sa lalaki.
5. Dumating ang sandali na hindi na ako kabilang sa pangkat ng naglalarong mga batang
lansangan.

B. Ang gamit ng NANG- maaaring makaganap bilang pangatnig at pang-abay.


1. Pang-ugnay sa salitang inuulit
-Ikot nang ikot ang araw, tila hindi napapagod.
2.Katumbas ng “when” sa Ingles
-Nang ako’y lumakad ay biglang umulan.
3. Bilang pang-ugnay sa pandiwa at pang-abay na pamaraan
-Nagsalita nang marahan ang kausap ng guro.

III. Ang gamit ng PAHIRIN at PAHIRAN


Ang PAHIRIN (to wipe off) ay nangangahulugang pag-alis o pagpawi ng isang bagay,
samantalang
ang PAHIRAN (to applay something on) ay nangangahulugang paglalagay ng isang bagay sa
isang lugar.

1. Pahirin mo ang dumi sa iyong mukha.


2. Pahiran mo ng pulbos ang iyong mukha.

IV. Ang gamit ng SUBUKIN at SUBUKAN


Ang SUBUKIN ( to try) ay ngangahulugang pagtingin ng kaayusan, kalagayan, o kakayahan ng
tao. Samantalang ang SUBUKAN ( to spy on or to follow secretly) ay ngangahulugang tiktikan o
manmanan.
1. Subukin mo kung talagang marunong kang gumawa nito.
2. Subukan mo kung ano ang ginagawa niya.

V. Ang gamit ng PINTO at PINTUAN


Ang PINTO ay bahagi ng gusali na siyang isinasara o binubuksan, samantalang ang
PINTUAN ay ang dinaraanan upang lumabas at pumasok sa isang silid.
1. Bago ka pumasok ay kumatok ka muna sa pinto.
1. Ang pintuan nila ay bukas para sa lahat.

VI. Ang gamit ng IWAN at IWANAN


1. Iwan mo ang bayang walang pagtingin sa iyo.
2. Iwanan mo ako ng perang pambayad ng ilaw.

VII. Gamit ng PAKIUSAP, IPAKIUSAP, PAKIUSAPAN


A. Ang PAKIUSAP ay isang pangngalan at di dapat gamiting pandiwa.
-Mahalaga ang aking pakiusap.
B. Ang IPAKIUSAP ay ginagamit kung ang ibig tukuyin ay bagay, gawain,
tungkulin, pahintulot at iba pa.
-Ipakiusap mo sa lahat na ako’ y kanilang unawain.
C. Ang PAKIUSAPAN ay ginagamit kung ang tinutukoy ay ang taong ilalapitan o hihingan. Ito’y
tumutukoy sa taong hinihingan ng bagay na ibig makuha.
-Pakiusapan mo ang iyong mga magulang na sumang-ayon.

Wastong Gamit
Tuldok o Period (.)
2. Pananong o Question Mark (?)
3. Padamdam o Interjection (!)
4. Kuwit o Comma (,)
5. Kudlit Apostrophe (‘)
6. Gitling o hyphen (-)
7. Tutuldok o Colon (:)
8. Tutuldok-Kuwit o Semicolon (;)
9. Panipi o Quotation Mark (“”)
10. Panaklong o Parenthesis ( )
11. Tutuldok-tutuldok o Elipsis (…)

1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda:

A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.

Halimbawa:
Igalang natin ang Pambansang Awit.

B. Sa pangalan at salitang dinaglat

Halimbawa:
Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.
Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic Christian Living”
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawat hati ng isang
balangkas, talaan.

2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong:

A. Sa pangungusap na patanong.

Halimbawa:
Ano ang pangalan mo?
Sasama ka ba?

B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng


pangungusap.

Halimbawa:
Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.

3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga,


parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.

Halimbawa:
Mabuhay ang Pangulo!
Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
Aray! Naapakan mo ang paa ko.

4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang sinipi

A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang


magkakauri.

Halimbawa:
Kumain ka ng itlog, gulay, at sariwang bungang-kahoy.
Shana, saan ka nag-aaral ngayon?

B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-


pangkaibigan.

Halimbawa:
Mahal kong Marie,
Nagmamahal,
Sa iyo kaibigang Jose,
Tapat na sumasaiyo,

C. Pagkatapos ng OO at HINDI.

Halimbawa:
OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya.
HINDI, ayaw niyang sumama.

D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.

Halimbawa:
Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo.
Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.

E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at


lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham.
Halimbawa:
Nobyembre 14, 2008
Project 8, Quezon City

F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng


pangungusap.

Halimbawa:
Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at
malansang isda”.

5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘) - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:

Halimbawa:
Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.
Ako’y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan.

6. PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod
na pagkakataon:

A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:
araw-araw isa-isa apat-apat
dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila
masayang-masaya

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay


nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang
kahulugan

Halimbawa:
mag-alis nag-isa nag-ulat
pang-ako mang-uto pag-alis
may-ari tag-init pag-asa

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:
pamatay ng insekto - pamatay-insekto
kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang taga bukid - dalagang-bukid

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan,


hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.

Halimbawa:
dalagangbukid (isda)
buntunghininga

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang
bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang
pagbabago sa ispeling

Halimbawa:
maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino
pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique
mag-Pal maka-Johnson mag-Sprite
mag-Corona mag-Ford mag-Japan

E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay


nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong
tanging ngalan

Halimbawa:
mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Corona magco-Corona
mag-Ford magfo-Ford
mag-Japan magja-Japan
mag-Zonrox magzo-Zonrox

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.

Halimbawa:
ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina
ika-3 rebisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.

Halimbawa:
isang-kapat (1/4)
lima’t dalawang-kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang


bana o asawa.

Halimbawa:
Gloria Macapagal-Arroyo
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon

I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

Halimbawa:
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-
gamit ng Filipino.

7. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na


paliwanag.

A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.

Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids,
Sampaguita, Santan at iba pa.

B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.

Halimbawa:
Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:

C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa


kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
Halimbawa:
8:00 a.m Juan 16:16

8. TUTULDOK - KUWIT( ; ) - Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na


kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig

A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating


panimula ng liham pangalakal.

Halimbawa:
Ginoo;
Bb;

B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi


pinag-uugnay ng pangatnig.

Halimbawa:
Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan.
Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal.

C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung
nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.

Halimbawa:
Maraming magandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng
pansin; gaya ng kakawate, kabalyero, banaba, dapdap, at iba pa.

9. PANIPI (“ ”) - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita


A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang
tuwirang sipi.

Halimbawa:
“Hindi kinukupkop ang kriminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.

B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin,


aklat, at iba’t ibang akda.

Halimbawa:
Nagbukas na muli ang “Manila Times”.
Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.

C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.

Halimbawa:
Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.

10. PANAKLONG ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga


salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-
ngusap na ito.

A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.

Halimbawa:
Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.

B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang


kawastuhan.
Halimbawa:
Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit
kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.
C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.

Halimbawa:
Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )

11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…) - nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita


ang karug-tong ng nais sabihin.

A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag.


Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay
may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala
ay sa hulihan ng pangungusap.

Halimbawa:
Pinagtibay ng Pangulong Arroyo …

B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin.

Halimbawa:
Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang…

You might also like