You are on page 1of 2

“Nandito na ‘ko!” Sigaw ni Mark pagkapasok niya sa pintuan.

Ang asawa niyang si Gail ay bumaba sa


hagdan. Huli niya itong nakita nang siya ay umalis para mangisda dalawang linggo na ang nakalipas. “
Mahal, kamusta na? May nahuli ka ba?” pabirong tanong ni Gail, na alam naman niyang hindi mahusay na
mangingisda si Mark. Napakamot na lang si Mark sa ulo at sumagot. “Hindi ka maniniwala kung anong dala
ko.” Binuksan ni Mark ang isang cooler at nilabas ang isdang salmon na maayos nakahiwa. “Wow, Mark,
Hindi ko alam na magaling ka pa lang maghiwa ng isda katulad niyan.” Inikot ni Mark ang kanyang
paningin sa loob ng bahay at napakamot sa ulo. “Oo, si Jason ang nagturo sa akin.” Tinignan siya nang may
pagduda ni Gail. “Sige, tulungan na lang kita na tanggalin ang balot niyan.” Habang tinutulungan ni Gail si
Mark na kunin ang mga isda sa sasakyan, nakakita siya ng isang resibo galing sa grocery store. Ito ay
nakapetsa kaninang umaga. Nakaramdam siya ng kabiguan at gulat sa kaniyang nakita.

1. Ano ang nalaman ni Gail sa resibo? Ipaliwanag ang sagot. (2 puntos)

2. Bakit kaya nakaramdam ng kalungkutan at pagkabigla si Gail sa kaniyang nakita? (2 puntos)

“Inggo!” tawag ni Nanay habang pumapasok sa pinto. “Inggo,” patuloy na tawag ni Nanay, “Tulungan mo
naman akong dalhin ang mga pinamili ko.” Wala pa rin siyang nakuhang sagot. Pumunta si Nanay sa kusina
para ilapag ang mga pinamili niya sa lamesa nang mapansan niya ang mga basag na salamin mula sa bintana
sa sala at nakita rin ang baseball na malapit dito. “Lagot ka talaga sa aking bata ka!” Galit na sigaw ni Nanay
nang napagtanto niyang wala ang sapatos ni Inggo.

3. Ano ang nangyari sa bintana? Ipaliwanag.

4. Bakit kaya umalis si Inggo? Ipaliwanag.


Nang pinabalik ng guro ang mga mag-aaral mula sa palikuran, napansin niyang si Aiden at Eise ay
nawawala. Tinanong niya ang mga mag-aaral, “May nakakita ba kay Aiden o kaya kay Eise? Halos lahat ng
mga mag-aaral ay hindi sila nakita, maliban kay Russel, na tahimik at hindi mapakali. Napansin ito ng guro.
“Russel, alam mo ba kung saan nagpunta ang mga kaibigan mong sina Aiden at Eise?” Umiwas ng tingin si
Russel at sumagot, “hindi ko po sila nakita.” Pinagbigay alam ng guro sa tanggapan ng punongguro ang
pagkawala ng dalawang mag-aaral. Inanunsyo sa buong paaralan ang nangyaring ito at pagkalipas ng ilang
minuto, si Aiden at Eise ay bumalis sa silid-aralan. Silang dalawa ay basing-basa ng pawis at may bitbit na
bola. “Pasensya na po kung natagalan kami. Kailangan po kasi naming gumamit ng banyo, “ sabi ni Eise.
“Opo,” pagsang-ayon naman ni Aiden, “akala po namin hindi kami magtatagal.”

5. Ano ang ginawa nila Aiden at Eise nang mawala sila sa klase?

6. Bakit kaduda-duda ang kinikilos ni Russel?

7. Sa tingin mo, maniniwala kaya ang guro nila Aiden at Eise sa kanilang sinabi?

You might also like