You are on page 1of 2

Takdang -aralin 1

Magsimula tayo sa mga TANONG.


Tinipon ko ang 25 na tanong sa bar eksam sa labor law (taong 2000-2002). Arbitraryo ang pagpili ko
ng mga taon, subalit hindi ang mga tanong.

Pagtuunan nang pansin ang katangian ng mga tanong (saka na natin talakayin ang mga posibleng
sagot).Subukang sagutin ang ilang katanungan , gaya ng:

Malinaw ba ang hinihinging sagot ng tanong?

Sapat ba ang facts na nakasaad sa tanong, upang ito ay masagot nang tumpak at walang pag-
aalinlangan? Mayron bang mga di-lantad na ipinapalagay (unstated premises)?

May mga maling impormasyon ba na naibigay sa tanong?

May kabuluhan ba ang tanong? Di ba ito trivia o pabibo lamang?

May hinihinging legal na sagot ba ang tanong? Di kaya ito isyu ng patakaran ( policy issue ?)

Angkop o akma ba ang tanong para sa bar? Di kaya ito mas dapat itanong sa nangangahas na
maging tagapangulo (chairperson) ng Komite sa Paggawa sa Kongreso?

Labor law ba ang tanong? Hindi ba ito mas dapat na tanong sa ibang bar eksam?

Mapanlinlang (tricky) ba ang tanong, sinadya man o hindi ng eksaminer ?

Nagbago na ang panahon. Noong panahon ko (1989-1993), walang Lab Rebyu sa kurikulum ng UP
(meron lamang ay sa Crim, Com, Poli, Rem, at Civ). Hindi rin ako umatend ng lektyur sa Labor
Review (madalas noon ang brown out at napakainit sa UP Law Center kaya kumukuha na lamang
ako ng materials). Binasa ko lamang ng siguro ay 2-3 beses ang di-kakapalan na Labor Law Review
ni Alcantara ( matagal nang out of stock na ito, ganon din yata si Prof. Alcantara). Mapalad kami at
(sa tingin ko ngayon) mas simple noon ang labor law (tila naging komplikado na nang ilathala nina
Azucena at Chan ang kanilang mga obra maestra na nagamit ko nang husto sa practice).

Sa pagbabasa ko ng facebook, tila marami ang metodo sa bar review. Nandoon pa rin naman yata
ang purong lektyur ( nananalig yata sa teorya ng osmosis ang metodong ito). Meron ding gumagamit
ng esdatisktika ( kung gaano kadalas lumabas sa bar ang partikular na tanong). Meron ding
nagtuturo kung paano ang pag-analyze ng tanong ( issue spotting) at ang angkop na pagsagot
(halimbawa, direkta at maiksing sagot lamang). Hindi rin nawawala sa mga metodo ang mahusay na
pagmemorya.

May birtud lahat ang mga metodong ito, at may mga limitasyon din. Ang napansin ko ay hindi
masyadong nirerepaso o tinatasa ang mga tanong ( manaka-naka lamang ang kritikal na
obserbasyon ng Suggested Answers ng UP Law Center). Ipinapalagay ko na bunga ito ng kulturang
Filipino na ayaw "makasakit" sa "damdamin" ng bar eksaminer. Ang resulta ay nananatili ang mga
"depekto" sa mga tanong sa bar. Dahil hindi naman natin mababago pa ang sistema ng bar eksam
ay remedyuhan muna natin sa papamagitan ng matinong pag-uunawa sa mga katangian ng mga
tanong.

Sapagkat katatapos lamang ninyo ng Lab 1 at Lab 2, tiyak akong sariwa pa sa isipan ninyo ang
inyong napag-aralan. Kaya hindi siguro kailangang sisirin ninyong muli ang kalalliman ng labor law.
Sapat na ang banayad na pagbabasa ng napili ninyong reviewers .(Wala akong partikular na
inirerekomenda, subalit dahil libre sa internet ang Outline ni Prof. Chan ay makabubuti sigurong
gamitin ninyo siya). Hindi rin tayo gagamit ng Outline, na parang pag-uulit lamang ng pinagdugtong
na Lab 1 at Lab 2. Magagamit ninyo rin ang mga Notes na ginawa ko noong 2018-2019 (caveat
emptor nga lamang, lalo na sa typos ).

Kung gayon, puntahan natin kaagad ang mga bar questions (kalakip).

Sa Martes, magpre-test muna tayo nang mabilisan ( Tama o Mali lamang). Pagkatapos, talakayan
sa sagot at sa katangian ng mga tanong na ibinigay ko sa pre-test ( gawing gabay ang mga
katanungan sa itaas. Kung may oras pa, o lakas tayo, talakayin natin ang kalakip na mag bar
questions. Kita kits!

You might also like