You are on page 1of 2

Hero: Cop Dies Shielding Students from Grenade Blast in Misamis

Oriental
Police Senior Master Sergeant Jason Magno, patay matapos niyapos ang granadang hinagis ng
isang lalaking nag-amok sa loob ng Initao College sa probinsya ng Misamis Oriental.

“Isang Bayani”. Sgt. Jason Magno. Larawang pagmamay-ari ng Misamis Oriental Police

ILIGAN CITY, LANAO DEL NORTE- Dumapa sya sa sahig habang yapos ng sariling
katawan ang granada upang isalba ang buhay ng mga inosenteng sibilyan. Ngayon,
kinikilala syang bayani sa hanay ng mga kapulisan.

Huwebes, ika-28 ng Nobyembre, bandang 11:20 ng umaga nang makatanggap ng


tawag si Police Senior Master Sergeant Jason Magno na di-umano may isang lalaking
nag-aamok sa loob ng paaralan ng Initao College sa Misamis Oriental.

Agad na rumesponde si Magno kasama ang kasamahang si Master Sergeant Alice


Balido sa lugar. Nakita nila ang lalaking nag-aamok hawak-hawak ang granada.
Habang tinatangkang hulihin nina Magno ang suspek, biglang hinila nito ang pin ng
granada habang nagsitakbuhan ang mga estudyante ng paaralan.
Aktwal na video footage ng pag-agaw ni Sgt. Magno bago ang pagsabog
sa Initao College, Misamis Oriental noong ika-28 ng Nobyembre, 2019.

Dahil maraming sibilyan sa paligid, sinubukang agawin ni Magno ang granada upang
ibato sa malayo ngunit kalaunan niyakap niya na lamang ito hanggang sumabog.

"Niyakap niya 'yung granada. Dinapaan niya ang granada para 'di malakas ang impact”,
sabi ni Police Captain Princess Velarde, ang tagapagsalita ng Provincial Police Office
ng Misamis Oriental.

Nasawi si Magno sa pagsabog habang napatay naman ang suspek, na kinilalang si


Ibrahim Bashier, nang mabaril ng mga rumespondeng pulis. Kabilang naman sa mga
nasugatan ay si Sgt. Balido at mga estudyante at magtuturo ng paaralan.

Ayon kay Velarde, isinasaalang-alang na nang Misamis Police Command ang


paggawad ng parangal bilang pag-alala sa kabayanihan ni Police Senior Master
Sergeant Jason J. Magno.

You might also like