You are on page 1of 3

Jose Dale L.

Viacrucis III
FIL 20

TULA PARA SA MAYO UNO

Paunahan sa Lupa

Isa akong binhi ng palay


Na nakaimbak pa sa silong ng bahay-kubo
Naririnig ko ang tilaok ng tandang at kita ko na ang unti-unting pagliwanag ng paligid
“Mararamdaman ko na ulit ang yakap ng lupa at gaspang ng mga kamay ng magtatanim s’akin.”
Subalit rinig ko ang sunod-sunod na putok
Isang minuto ng tahimik na agad sinundan ng hagulgol ng mga nagmamakaawa
Hangarin ko lang naman ay mabuhay at magbigay ng buhay
Pero bakit hindi na ako napagbigyan?
Nauna na sa lupa ang dapat sa aki’y nagpunla.

MGA BUGTONG

1. Malambot at halili ng yakap


Parang ulap sa lupa
Ramdam niya ang tumutulong luha
Pati na rin ang mga panaginip na minsa’y di naalala
Gabi man o umaga.
Sagot: Unan

2. Gising sa umaga, gising sa gabi


Pag nasobrahan naman ay hindi nakakabuti
Likidong makapangyarihan, kabog sa dibdib
Katas ng buto na ngayon ay nawawalang paunti-unti
Sagot: Kape
3. Hinahanap kapag wala, nakakaumay kapag sobra
Dala’y bagong pandama sa mapait na panlasa
Sabi nilaý pagkain ng utak, daan ng pusong hinaharana
Ano ako?
Sagot: Asukal

4. Iba-iba ang kulay sa pagdaan ng panahon


Mistula’y korona na nakapatong sa mga dambuhala
O di kaya’ý nakasabit sa mga munting nilikha
Nagbibigay pagkain, palamuti, o proteksyon
Ngunit sa pagdating ng kamatayan, ako’ý nakalatay sa lupa.
Sagot: Dahon

5. Tuyot, pira-piraso, nakabalot


Walang apoy, pero may usok
Dala’y tinta sa kalamnan sa isang higop
At sa pagbuga naman ay sumusunod sa nakapalibot.
Sagot: Yosi

6. Paborito ng mga gustong makalimot


Pati na rin ng mga walang magawa
Sinungaling lang ang magsasabing “isa lang”
Ika ngay sinusuka pero di sinusukuan
Sagot: Alak

7. Sari’t-saring kulay ang pwedeng ipintura


Repleksyon ng saloobin, salamin ng emosyon
Pag mahaba’y, pinuputulan, pag maikli’y, pinapahabaan
Sa baba nito ay nakapinta ang puting buwan
Sagot: Kuko

8. Korona ng lahat
Koronang hindi gawa sa bakal pero pwedeng adornohan ng mga diyamante at perlas
Koronang parang daloy ng tubig
Koronang gawa sa libu-libong sinulid
Sagot: Buhok

9. Kailangan ng sandamakmak na tubig para mabuhay


Pero iniiwan sa matinding sikat ng araw para mapakinabangan
Pagyuko at pagpawis ang pinuhunan
Pero dugo ang kabayaran.
Sagot: Palay

10. Kulungan ng mga alaala, memoryang pwedeng idala


Kwento ang laman ng isang papel na may pintura
Dala ang kahapon papunta sa kinabukasan
Lahat ng ito’y nakukuha, sa isang pindot lang.
Sagot: Larawan

You might also like