You are on page 1of 6

KABANATA 1

Panimula
KABANATA 2

Katawan

A. Disenyo Ng Pag-aaral

Napatunayan ng mga mananaliksik at nabigyang linaw ang ginawang aktibidad sa


pamamagitan ng pagharap ng mahabang proseso. Mga aklat na hinalungkat sa
paghahanap ng mga bagong impormasyon. Internet na pinagbasihan para sa dagdag
kaalaman. Mga respondenteng mag-aaral na tumulong para mapunan ang aming mga
katanungan. Mula sa panimula hanggang sa Konklusyon nagsalin-salin ang mga
opinyon at ideya upang maitakda ang proyektong ito. Ang mga mananaliksik ay
naghanda rin ng sarbey kwestyuneyr na naglalayong makahanap ng mga datos upang
malaman ang sitwasyong pangwika sa kabataan sa kasalukuyang panahon.

B. Instrumento ng Pag-aaral

Nagsagawa ng isang sarbey ang mga mananaliksik na kung saan ito’y pinaghandaan
at pinagplanuhan ng grupo. Inihanda nila ang kanilang mga kwestyuneyr para sa mga
respondenteng sasagot sa mga katanungan. Unang hakbang, nagtanong ang mga
mananaliksik para sa pangalang ilalagay sa Questionaire Paper . Ikalawang hakbang,
nagtanong ang mananaliksik mula sa una hanggang sa huli. Ikatlong hakbang, ngayong
na sa ka nila na ang mga datos, ito ngayon ay kanilang pag-aaralan at bibigyang linaw
para maintindihang mabuti. Ano na nga ba ang mga naging resulta ng mga
mananaliksik sa sarbey na kanilang isinagawa? Iisa-isahin ang mga katanungan upang
maging klaro ang lahat-lahat. Naging matagumpay ang pagsasarbey dahil sa mga
respondenteng pinagtanungan na bumuo sa pamanahong papel na ito.

C. Respondente ng Pag-aaral

Mga respondeteng kamag-aral at mga kaibigan na ginawan ng isang sarbey. Labing-


apat na respondente na nasa 16-17 taong gulang na nagbigay kasagutan sa mga
katanungan, 7 lalaki at 7 babae mula sa strand na G11-ABM.

D. Triment ng Datos
Table Blg.1 Ang Wikang kanilang ginamit

Answer
Question
English Tagalog Taglish Other
1. Kailan ka huling nagpadala ng text
message o SMS? Ang SMS ba ay 4 3 2 5
nakasulat sa?
2. Kailan huling nagpost ng status sa
facebook o instagram? Ang post mo ba 7 2 2 1
ay nakasulat sa?
3. Ano ang pinakahuling palabas
pantelebisyong pinanood mo? Mas
1 8 6 0
madalas kabang manood ng palabas
pantelebisyong…
4. Ano ang pinakahuling pelikulang
pinanood mo? Mas madalas kabang 8 1 4 0
manood ng pelikulang…
5. Ano ang pinakahuling video sa
YouTube and pinanood mo? Ang video 7 2 2 3
ay nasa wikang…
6. Ano ang blog na nabasa mo? Ang
4 1 0 0
blog ay nasa wikang
7. Kailan ka huling nagbasa ng diyaryo
o magasin? Ang binasa mob a ay 5 3 2 0
nakasulat sa…
8. Anong wika ang mas madalas
0 0 0 14
ninyong gamitin sa inyong tahanan?

Graph Blg.1 Ang Wikang kanilang ginamit

Chart Title
16

14

12

10

0
#1 #2 #3 #4 #5 #6 #7 #8

English Tagalog Taglish Others


Table Blg.2 Mahusay sa Wika

Answer
Question Hindi
Mahalagang- Hindi
Mahalaga Gaanong
mahalaga Mahalaga
Mhalaga
10. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto
13 1 0 0
at pagsasalita ng wikang Filipino?
13. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto
9 5 0 0
at pagsasalita ng wikang Ingles?
Hindi
Mahusay na Hindi
Mahusay Gaanong
mahusay Mahusay
Mahusay
11. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng
4 6 4 0
wikang Filipino?
14. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng
1 6 7 0
wikang Ingles?

Graph Blg.2 Mahusay sa Wika Graph Blg.3 Mahalaga para sa kanya ang Wika

Chart Title Chart Title


7 14

6 12

5 10

4 8

3 6

2 4

1 2

0 0
#11 #14 #10 #13

Mahusay na mahusay Mahusay Mahalagang-mahalaga Mahalaga


Hindi Gaanong Mahusay Hindi Mahusay Hindi gaanong Mahalaga Hindi Mahusay
KABANATA 3

Konklusyon

Mula sa isinagawang sarbey, napatunayan na may mga estudyante o Pilipino pa rin ang
nagbibigay halaga sa ating wika. Ito pa rin ang ginagamit sa mga tahanan, sa paaralan
at paglalakbay sa iba’t-ibang sulok ng mundo sa pakikipagtalastasan upang lubos na
magkaintindihan at magkaunawaan. Ngunit dahil sa impluwensiya ng mga banyaga,
marami na ang naganap na pagbabago na nakakaugalian na ng mga Pilipino, at ang
mga pagbabagong ito ang silang nagiging dahilan sa pag-iiba ng kalagayan ng wikang
pambansa. May mga Pilipino na rin na mas tinatangkilik ang mga Pelikulang nagmula
sa mga ibang bansa, na kung saan kaakibat nito ang mga makabagong pananaw na
mabubuo sa mga isip ng mga manonood, na nagiging dahilan ng pag-usbong ng mga
bagong tradisyon ng mga Pilipino. Ang paggamit ng Filipino ay mahigpit na ipinatupad
sa buong bansa, ngunit dahil sa patuloy na pag-unlad ng pamumuhay at pakikipag-
ugnayan, hindi lamang sa kapuwa Pilipino kundi gayundin sa iba’t ibang lahi, ang
impluwensya ng iba’t ibang wika sa buong mundo ay hindi maitatanggi. Ang paggamit
ng wika ay hindi dapat limitahin. Kailangan itong payabungin at papagyamanin upang
makaagapay sa mga pagbabago at mapabilis ang pakikipag-ugnayan at
pakikipagtalastasan.

Nabigyan ng kasagutan ang mga katanungang gumugulo sa utak ng mga mananaliksik


sa pamamagitan ng isang sarbey. Mula sa 14 respondente na nagmula sa G11 ABM
Strand na nasa edad 16-17 na kabuo ng mga iba’t-ibang konklusyon ang mga
mananaliksik. Dahil sa mga salitang na namutawi sa kanilang bibig, napahayag nilang
maayos ang kanilang mga Personal na kasagutan patungkol sa kalagayan ng wika sa
kasalukuyang panahon.

Batay sa pagsusuring isingawa ang mga sumusunod na konklusyon ay nakuha:

1. Mas tinangkilik parin ng mga Pilipino ang mga palabas pantelebisyon na ang gamit
na wika ay Filipino.
2. Marami na ring mga kabataan na mas naiibigan ang panonood ng mga pelikulang
pambanyaga, ngunit mas nakakarami parin ang tumatangkilik sa mga pelikulang
Pilipino dahil mas naiintindihan ang ginagamit na wika dito.

3. Napakahalaga ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino, dahil ito ang sariling
pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

You might also like