You are on page 1of 3

Pamagat: Babae, Yaman ka ng Bayan!

Aralin: Araling Panlipunan 9


Kaisipan: Bawat kababaihan ay may karapatang makilala at maipagmalaki sa larangan ng
pagnenegosyo.
Takdang Panahon: Isang sesyon/ 60 minuto
Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies)
 Nasusuri ang mga tungkulin at organisasyon ng negosyo

I. Layunin
1. Nakapagbibigay ng mga kilalang kababaihan na sumuong at naging matagumpay sa
pagnenegosyo;
2. Napapahalagahan ang mga nagawa ng mga kababaihan sa lipunan at negosyo.

II. Nilalaman
Paksa: Organisasyon ng Negosyo
GAD Core Message: Make Women’s Role and Contributions Visible, Valued and
Recognized
Kagamitan: Video tungkol sa kwento ng tagumpay ng isang babae sa pagnenegosyo

III. Pamamaraan
A. Gawain : Magpanood ng isang video tungkol sa Kwento ng tagumpay ng isa
nating kababayan sa pagnenegosyo

https://en.savefrom.net/#url=http://youtube.com/watch?v=rwjJJAvFeSU&utm_source=youtube.com&u
tm_medium=short_domains&utm_campaign=www.ssyoutube.com

B. Pagsusuri:
Matapos ang panonood sa video, itanong:
1. Ano ang naramdaman mo at pumasok sa iyong isipan habang pinapanood ang
video?
2. Anong konsepto ang iyong nahinuha sa kababaihan pagdating sa pagnenegosyo?
C. Paglalagom
Talakayin

Larangan ng Pagnenegosyo

Ilan sa mga matagumpay na babaeng negosyente:

1. Gloria Cabrera Salon and Spa


Pagkatapos makapagmay-ari ng isang matagumpay na salon dito sa Pilipinas,
pumunta si Bb. Gloria Cabrera sa New York, USA upang simulan ang matagal nang
pinapangarap. Taglay ang higit sa 30 taon kasanayan at karanasan, 3 salon at spa sa
US, at ang kanyang sariling "Hair and Skin Care Line", talaga namang ipinakilala
niya ang sarili bilang isang maipagmamalaking Pinoy at tunay na batikan sa nasabing
larangan. Isa pang bagay na maipagmamalaki hinggil sa tagumpay ni Bb. Cabrera,
ang kanyang negosyo ay hindi lamang para sa mga Pinoy kung hindi pang-
internasyonal pa.

2. Ms. Elizabeth Lee(Senior Vice President), Universal Motors Corporation,


Philippines
Si Bb. Elizabeth Lee ay kasalukuyang SVP ng Univ. Motors Corp., ang nagiisang
100% Filipino-owned na pabrikante ng mga sasakyan at ahente ng Nissan light
commercial vehicles sa Pilipinas. Sa UMC, si Bb. Lee ang nagsasagawa ng paglikha
ng mga pangunahing mithiin, mga panandalian at pangmatagalang layunin, pag-
iimplementa ng mga plano para sa kompanya at tagasaayos ng mga "marketing
activities" para sa mga serbisyo at produkto ng Nissan.

3. Pacita Juan, Figaro Coffee Company


Ang Figaro Coffee ay madalas na pinagkakamalan bilang isang dayuhang
brand. Ito ay isang lokal na negosyo na pagmamay-ari ni Bb. Pacita Juan. Malaki ang
pasyon niya para sa lokal "coffee planters" sa bansa. Dahil dito nais niyang
mapaunlad ang kanilang kalagayan at sa tulong ng kanyang negosyo ay maipapatupad
niya ito. Ang Figaro ngayon ay ang pangalawang pinakamalaking "coffee shop chain"
sa bansa na may 30% "market share". Higit sa 30 ang "branches" nito sa bansa at isa
sa Hong Kong.

4. Soccoro Ramos, National Bookstore


Naumpisahan ni Bb. Socorro Ramos ang National Book Store noong sila'y
magpakasal ng kanyang kabiyak, Jose Ramos. Ang "bookstore" na ito ay dating
pagmamay-ari ng kanyang kapatid. Dito ay nagtrabaho siya at sa kanyang
pagpupursigi ay siya ang naging tagapamahala nito. 65 na taon nang pagmamay-ari
ng mag-asawa ang National Bookstore. Hanggang sa kasalukuyan ay nais pa nila
palawakin at gawing 100 ang mga "branches" mula sa 75 ang negosyo.

D. Paglalapat
Bilang isang mag- aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga
naging kontribusyon ng mga kababaihan sa larangan ng pagnenegosyo?

E. Pagtatasa
Pangkatang Gawain: Bawat grupo ay gagawa ng isang advertisement yell patungkol
sa pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng mga kababaihan sa larangan ng
pagnenegosyo.

IV. Takdang Aralin


Magsaliksik ng mga kababaihang negosyante sa inyong bayan at alamin kung paano sila
naging matagumpay bilang isang negosyante.

References:

http://negosyantengpinay.blogspot.com/2008/04/women-
business.htmlhttps://en.savefrom.net/#url=http://youtube.com/watch?v=rwjJJAvFeSU&utm_
source=youtube.com&utm_medium=short_domains&utm_campaign=www.ssyoutube.com

You might also like