You are on page 1of 7

Ang Huling Pasko

Isinulat ni: Rose Jaren Mae Abragan

Tauhan:
Ramon Baltazar
Claridad Baltazar
Emilia Baltazar
Mga bata
Brian Yan-Yan
Mga kapitbahay
Aling Beth, Aling Susan

Scene 1:
Intro: Music (Lonely song or any songs, love song will do)
Pinatugtog ni G. Ramon ang kanyang radyo at bigla siyang huminto sa larawan ng kanyang asawa at mga anak.
Pinagmamasdan niya kung gaano sila kasaya dati bilang pamilya. Naalala niya kung gaano kasaya ang kanilang
tahanan, kung saan nagtatawanan sila sa hapag-kainan at nagkukuwentuhan ng kung ano-ano. Bigla siyang naluha
sa alaala ng kahapon.

Ramon: Kumusta na kaya kayo Claridad? Namimiss ko na kayo ng mga anak natin. Alam kong kasalanan ko ang
lahat kaya nagkawatak-watak tayo. Siguro kung naging mabuting asawa ako, kasama ko pa kayo. Pero siguro nga
kailangan kong magbayad sa lahat ng naggawa ko sa inyo.

Scene 2: Sa pagmunimuni ni G. Ramon ay may grupo ng mga batang masayang ngunit napaka ingay na nag lalaro sa
harapan na kanyang napaka lungkot na bahay na agad naman nyang napansin. Napansin ng mga bata ang ang
bahay kaya silay nagtaka kung mayroon bang nakatira doon.

Brian: Yan-yan nakikita mo ba yang madilim na bahay na yan? Ano bang meron diyan?

Yan-Yan: Sabi ng nanay ko may nakatira daw jan pero madalang daw kung lumabas. Nakakatakot din daw jan kasi
nasabi rin ng kuya ko na may nakita daw silang multo diyan kagabi.

Brian: Try kaya nating pindutin yung doorbell? Ano G ka ba?

Yan-yan: Ayoko baka pagalitan pa tayo.

Brian: Tatakbo naman tayo eh di tayo papagalitan niyan.

Yan-yan: Sure ka ha? Baka madamay pa ako. Ikaw talaga sisihin ko pag nagkataon.

At silay tuluyan ng lumapit sa madilim na bahay.

Yan-Yan: Dalian mo lang Brian ha baka kasi makita pa tayo. Bilis na!

Brian: Wait lang eto na sige (doorbell 5x) tara na takbo

Nagkatitigan ang mga magkakaibigan dahil lumabas ang matanda


G. Ramon: ANONG GINAGAWA NYO DITOOO??!!!! KANINA PA KAYO, ANG IINGAY NYOOOO!!! TAMA BANG
PINAGLALARUAN NYO YAN? UMALIS KAYO DITO MGA WALANG MODO!!!

*Agad na nagtakbuhan ang mga bata*

Yan-yan: Brian kasi eh! Napagalitan tuloy tayo.

Brian: Di naman natin alam na may tao eh at saka di naman siya nakakatakot. Naawa ako sa kanya Yan-yan. Tingin
ko siya lang mag-isa sa buhay. Bakit kaya siya lang mag-isa?

(Tahimik lang si Brian, napapaisip ng malalim)

Brian: Nakakaawa naman yung matandang yun, sya lang mag isa sa bahay nayun. Makabalik nga dun.

(Natapos ang araw na yun na pursigido si Brian na malaman ang storya ng matandang nasa madilim at malungkot
na bahay.)

Scene 3:

Kinaumagahan, inutusan ni Beth si Brian na bumili ng rekados kila aling susan para sa lulutuing agahan. Sa
kasagsagan ng kanyang pagbili narinig nyang pinaguusapan nila Aling Nena at Aling Susan yung matandang lalaki
dun sa may madilim na bahay.

Brian: Pabili nga po ng toyo

Aling Nena: Day kawawa talaga si Ramon no? Biruin mo ang saya saya ng pamilya nila dati, bawat sulok ng bahay
nila tuwing pasko ay puno ng dekorasyon pero ngayon tingnan mo parang araw araw Semana santa.

Aling Susan: Kaya nga! Simula nung namatay yung asawa ni Ramon at lumayas ang anak niya, ayun nagmukmok
yung matanda sa bahay nila. Hindi na ata yan lumalabas ng bahay nila eh. Tas kapag nanghihingi kami diyan ng
pera para sa solicitation sa barangay di man lang nagbibigay ni piso. Tas kapag may clean up drive tayo, ayun
laging wala dati naman ah di siya ganyan.

Aling Nena: Ewan nawalan na ata yun nanggana mabuhay at saka pake ba natin sa buhay niya.

Brian: Ah mawalang galang na po, Aling Susan at Aling Nena. Narinig ko po yung pinag uusapan nyo, ano ho ba ang
dahilan ng pagka ulila ni Mang Ramon at bakit tila patay na yung bahay na iyon?

Aling Susan: Si Ramon? Puro bisyo lang inaatupag niyan hanggang sa ayun iniwan na lang siya ng pamilya niya.
Araw-araw nga yan nagtotongits at bingo dati.

Aling Inday: Tapos akala ng anak nya na magbabago sya pagkatapos ng mangyayari pero wala eh di sya tumigil,
sinabayan pa ng alak kaya ayun iniwan sya nang anak nya. Simula nun naging parang sementeryo na yang bahay
niya. Bisyo kasi ng bisyo. Kaya kung naawa ka? Wag na oy!

Natahimik lang si Brian.


Scene 4:
Kinabukasan, maagang nagising si Brian at patakbong tumungo si Brian sa bahay ni G. Ramon. Kita sa kanya ang
mukha na pursigido syang makilala ang matanda.

Brian: Okay lang kaya si G. Ramon nung nangyari yun?

*Lumapit ang Binatilyo sa pintuan at pinindot ang doorbell ng walang pag-aalinlangan.

Diiiiing Dooooong
Diiiiing Dooooong
Diiiiing Dooooong

*Hindi tumigil ang Binatilyo sa pag Pindot sa doorbell nang biglang may kumalabog mula sa loob. Agad binuksan ng
binatilyo ang pintuan at tumambad sa kanya ang nakahandusay na si G Ramon.

Ramon: (tumatangis sa kirot) Ahhh ang sakit na Claridad, mahal kunin mo na ako! Gusto ko ng mamatay na
makasama ka. Ayoko na, pagod na pagod na ako.

Brian: Mang Ramon!! Mang Ramon!

*Agad naghanap ng paraan ang binatilyo at nakita nya ang gamot na nakalagay sa mesa.

Brian: Dios kooo! Brian kumalma ka humanap ka ng paraan!! Yun!! Gamot siguro nya ito.

Ramon: Ahhhh Mahal kooo maawa kaaaa, kunin mo naaa akooo

Brian: Mang Ramon inumin nyo po ito!

Tinabig ng matanda ang gamot at tumilapon ito agad naman itong pinulot ng binatilyo at dahil Ayaw ng matanda
itong inumin, sapilitan nya itong sinubo at ang matanda ay kumalma na.

Ramon: Salamat Iho.

Scene5 :
Habang pinagmamasdan ng bata ang magulong paligid, napansin nito ang mga litrato ng isang buong pamilya na
tila kay saya.

Brian: Ito siguro ang asawa't anak ni Mang Ramon. (Hawak-hawak ang litrato)

Habang pinagmamasdan nya ang litrato, biglang gulat nya ng may biglang umagaw ng hawak nyang litrato.

Ramon: SINO KA? ANONG GINAGAWA MO RITO SA PAMAMAHAY KO?! BAKIT HAWAK-HAWAK MO ITO,
PAKAILAMERO!!

Brian: Ahh… Ipagpaumanhin nyo po Mang Ramon, Ako po si Brian, anak ni Beth Salva. Diyan lang po ako nakatira
sa may kanto. Napansin ko po kasi na napakalungkot ng bahay niyo kaya nagpasiya ho akong pumarito. Napansin
ko po ang napakalakas na kalabog kaya agad ho akong pumasok. Nakita ko po kayong nakahandusay kaya
tinulungan ko po kayong inumin yung gamot nyo.
Ramon: ANONG PAKE MO?! PAKI ALAMERONG BATA! YAN BA ITINURO NG MGA MAGULANG MO?!

Brian: Ipagpaumanhin nyo po sana, nais ko lang naman makatulong kasi nasa panganib ho kayo.

Ramon: Siya! Ano bang sadya mo rito sa aking pamamahay?

Brian: Nais ko lang po sana kayo nakausap at alamin kung bakit ganito kalungkot ang bahay niyo?

Ramon: Di mo na kailangan malaman, Tsaka ano ba paki mo!? Mas mabuti pa na umuwi ka sa inyo at tumulong ka
sa mga magulang mo.

Brian: Kay aga-aga ang sungit nyo naman po, sige na po, tinulungan ko naman po kayo kanina eh hihi. Atsaka sino
ho yung magandang babae at cute na bata diyan sa litrato? Asawa't anak nyo ho ba sila?

Ramon: DAMI MONG TANONG! WALA KANANG PAKE AT WALA AKONG SASAGUTIN SA MGA TANONG MO! KAYA
LUMABAS KANA SA PAMAMAHAY KO! LABAS DALI! (pagtataboy ni Mang Ramon kay Brian)

Napansin ng binatilyo na mag ta tanghalian na kaya nagpasya na rin itong umalis

Brian: Haaaays, Asahan nyo pong babalik ako at di ako titigil hanggat Hindi nyo po ako sinasagot. (Pursigidong
pangungulit ng bata)

Agad na lumabas ang si Brian ang tuluyan ng umuwi.

Ramon: Pasaway na bata!

Scene 6:
Brian: Yan-yan samahan mo na ako please, gusto ko talaga malaman yung buhay ni G. Ramon. Sige na ilibre kita ng
kwek-kwek kahit ilan pa gusto mo.

Yan-yan: Sige na nga.

Araw-araw pumupunta si Brian kasama si Yan-yan na pumunta sa bahay nila G. Ramon.

*Ding Dong

Brian at Yan-yan: Magandang umaga po G. Ramon

At lagi silang pinagsasasarhan hanggang sa:

Brian: Sige na po, sabihin niyo na po kasi pramis po titigil na kami.

Yan-yan: Sige na naman po Mang Ramon.

G. Ramon: Sige na nga

Scene 7:
G. Ramon: Naku! Kukulangin ata tong perang pambayad. Hindi pa to sapat na pambayad sa hospital. Pero
susubukan ko kung pwede bang kalahati yung pwede.

Sinubukang magbayad ni G. Ramon sa cashier at ilang beses niya itong pinakiusapan na pwede bang kalahati lang
muna ang ipambabayad.
G. Ramon: Ma’am, sige na Ma’am payagan niyo na po akong magbayad kahit kalahati lang. Kinakailangan na ng
asawa ko na maoperahan agad-agad. Ma’am maawa na po kayo, pramis ko naman po babayaran ko naman po yung
kalahati. Ma’am! (Paiyak na)

Cashier: Sorry po talaga Sir, policy po kasi naming na dapat magbayad ng full bago operahan. Kaya pasensiya na po
Sir.

Kaya naisipan na lang ni G. Ramon na itaya sa sugal yung pera, nagbabakasali na baka ito na ang solusyon sa
problema nila. Habang nasa pasugalan siya, ang asawa naman niya ay nakaconfine pa rin sa hospital.

Claridad: Nak, asan yung Itay mo?

Emilia: Naghahanap pa po ng pera Nay para sa operasyon niyo.

Claridad: Naku nag-abala pa ang Itay mo. Di rin naman ako mabubuhay ng matagal Nak.

Emilia: Wag kang magsabi ng ganyan Inay.

Claridad: Basta Nak ha? Alagaan mo Tatay mo kapag wala na ako. Mahal na mahal ko kayo Nak.

At bigla na lang binawian ng buhay ang nanay niya. Biglang dumating si Ramon na medyo lasing.

Emilia: Naaaaaaaaaaay! Wag niyo po akong iwan, gising na po kayo Nay! Naaay! Docccccc! Nursseeee!

Kahit anong pagrevive nila, patay na talaga ang nanay niya.

G. Ramon: Claaariddaaaaad! (Umiiyak)

Medyo napansin ng anak na medyo amoy alak ang ama niya.

Emilia: Taaay! Saan ka po galling? Ba’t amoy alak po kayo? Akala ko ba naghahanap kayo ng pera para kay Inay? Di
ba magbabayad sana kayo ngayon? Ano pong nangyari? Sagutin niyo ako Tay!

G. Ramon: Nak! Pasensiya na pero naubos ko sa sugal yung pera pampaopera sa nanay mo.

Emilia: TAY NAMAN EH! PARA SA PAMPAOPERA YUN NI INAY TAPOS INUBOS MO LANG SA SUGAL NG GANUN-
GANUN? HINDI NA BA MAHALAGA SAYO SI INAY PARA MAS UNAHIN MO YAN? TAAAY KUNG NAGBAYAD KA
SANA EDI SANA NAPAOPERAHAN SI INAY. DAPAT BUHAY PA SIYA NGAYON. PERO NANNG DAHIL SA PAGSUGAL
MO KAYA AYAN, WALA NA SIYA. WALA KANG KWENTANG AMA! (*SABAY SAMPAL) SANA HINDI NA LANG KITA
NAGING AMA AT KUNG ALAM KO LANG SANA, AKO NA ANG GUMAWA NG PARAAN PARA MAKABAYAD TAYO.

At umalis si Emilia, simula nun hindi na niya ito nakita pa.

Scene 9: Present
Brian: Pero totoo po na inubos niyo lahat sa sugal?

G. Ramon: Oo, naubos ko lahat ng pera sa sugal. Nung una naman nanalo ako at nakakakuha ng malaking pera pero
nung sa kahuli-hulihan hindi natalo na ako. Naubos lahat ng perang naipanalo ko imbis na 5000 na lang kulang dun
para makabayad na ako ng buo, naging bato pa. Wala kasing nagpapautang sa akin nun at sa sugal lang ang alam
kong makakatulong para makabayad ako.

Yan-yan: Asan na po ang anak niyo?

G. Ramon: Hindi ko na alam. Sampung taon na simula nung nakita ko pa siya.

Brian: Wala po ba kayong balak hanapin siya?

G. Ramon: Wala kasi alam kong malaki ang galit niya sa’kin at ayaw niya akong makita kahit kailanman.

Yan-yan: Pero sana po makita niyo po siya.

G. Ramon: Sana nga.

Brian at Yan-yan: Sige po alis na po kami.

G. Ramon: Sige

Pagkauwi na pagkauwi nila Yan-yan at Brian agad na hinanap nila sa fb si Emilia at minessage tungkol kay G.
Ramon.

Scene 10: Christmas Eve

Mag-isa lamang na nagpapasko si G. Ramon nang may nagdodoorbell ng doorbell sa pintuan niya. Agad niya itong
binuksan at bumugad ang kanyang mga kapitbahay at ang mga bata.

Sila: (Nangangaroling)

Brian at Yan-yan: Alam po naming na kayo lang po yung nagpapaskong mag-isa. Kaya naman inimbita naming yung
mga kapitbahay na magpasko kasama kayo.

Kapit-bahay: Dapat masaya tayo ngayon, paskong-pasko walang lungkot-lungkot oy.

Kapitbahay 2: Kaya nga dapat we should celebrate the Christmas together!

Kapit-bahay: Merry Christmas po

G. Ramon: Merry Christmas din, Salamat nga pala at sinamahan niyo akong magpasko rito.

Kapit-bahay 2: Walang anuman po iyon G. Ramon dapat lahat nagsasama-samang magpasko

Kapit-bahay: Akala nga namin na di kayo marunong makisama

G. Ramon: Pagpasensiyahan niyo na, nasanay lang talaga ako na ako lang mag-isa.

Mga bata: G. Ramon! May sorpresa po kami sa inyo.


G. Ramon: Ano yun?

Habang nagkakasiyahan silang lahat, biglang dumating ang anak ni G. Ramon na si Benedict. Yinakap siya nito ng
mahigpit at unti-unting mapapaiyak ang kanyang ama.

Emilia: Itay (paiyak na siya) pasensiya na kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na bumalik sa inyo.
Patawad po sa lahat ng ginawa ko sayo. Alam kong hindi naging maganda yung trato ko sa inyo. Pasensiya na kung
pagkatapos mamatay ni Inay iniwan na kita.

G. Ramon: Anak, matagal na kitang pinatawad. Oo, maling-mali ang ginawa kong pagsusugal dati para lang
madagdagan ang pambayad natin pero nagkamali ako. Yun lang kasi ang alam kong paraan para madagdagan yung
pera natin, kulang pa kasi ng 50 000 ang pambayad natin. Saana ko kukuha? Security guard lang ako tas nip iso
walang nagpapahiram. Kaya sa sugal ko na lang pinagbahala ang lahat. Pasensiya na kung tingin mo sa’kin ay wala
akong kwentang ama. Ginawa ko lang naman ang lahat ng makakaya ko. Kaya nak, patawarin mon a rin ako.

Emilia: Tay naman, napatawad na kita. Kaya ngiti na po diyan, paskong-pasko po.

G. Ramon: Kaya eto na ngingiti na, I love you nak.

Emilia: I love you Tay.

Nagyayakapan ang magtatay at biglang nabawian ng buhay si G. Ramon.

You might also like