Ang Buwan ng Setyembre ay ang buwan ng pagdiriwang sa asignaturang
Agham. Ito ang nag sisimbolo bilang pagbibigay importansya sa asignaturang Agham, sa buwan din na ito ay makikita ang atong pagpapahalaga sa ating inang Kalikasan.
Nagsimula ang programa sa isang kontemporaryong dasal na pinamunuan
ng YES-O Club. Sumunod dito ay ang pag-anunsyo ng mga nanalo sa iba’t- ibang paligsahan na pinamunuan ng mga Guro sa Agham.
Ang aming seksyon ay maraming natanggap na mga parangal, marami
kaming napanalunan. Naging masaya ang aming mga kaklase dahil sa mga awards at parangal na nattangap namin. Ang aming seksyon ay nanalo sa Essay Writing, Music Video, Song Writing at Sayawalis District Level. Tuwang-tuwa kami at lalong-lalo na ang aming guro na siyang nag-gabay at nagturo sa amin. Siya rin ang aming naging sandigan sa lahat.
Marami pa ang inanunsyo, marami ang mga nanalo sa iba’t-iba pang
kompetesyon. Dahil dito ay mas napatibay an gaming pananalig sa isa’t isa at mas lalong pinatibay an gaming samahan bilang isang pamilya na nagtutulungan sa aming silid aralan.Hindi lang kami naging kampiyon ngunit kami rin ay natuto sa lahat ng pagsubok na aming napagdaanan.