You are on page 1of 1

PAGASA: Maulan na panahon, asahan ngayong Huwebes

ABS-CBN News
Posted at Aug 03 2017 06:23 AM

MAYNILA - Asahan muli ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Huwebes
dahil sa hanging habagat, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa 4 a.m. forecast, sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahina hanggang katamtaman na pag-


ulan, gayundin ng thunderstorms, ang Luzon, kasama ang Metro Manila, Visayas, at hilagang
Mindanao. Alas-4:00 ng umaga, naglabas ng yellow rainfall warning ang PAGASA sa Zambales
at Bataan. Ayon sa PAGASA, posibleng magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar ang mga
pag-ulan.

Bandang alas-5:00 naman ng umaga, naglabas ang PAGASA ng thunderstorm advisory sa Metro
Manila, Bulacan, Batangas, Cavite at ilang bahagi ng Rizal.

Posibleng tumagal ng hanggang 3 oras ang malakas na ulan sa mga nabanggit na lugar

ang habagat ay patuloy na pinalalakas ng bagyong "Noru" (international name) na nasa labas ng
Philippine Area of Responsibility.

Nitong Miyerkoles, binaha ang ilang bahagi ng Rizal dahil sa mga pag-ulan. Sa isang lugar sa
Cainta, Rizal, umabot pa ng hanggang dibdib ang baha.

You might also like