You are on page 1of 2

Hindi Niya ako iniwan

Nang ako ay nag-iisa

At labis na nagdurusa

Buhay ay nakakadena

Sa mabigat na problema

Hindi makapumiglas

Ni hindi makausad

Kadena’y nais kong makalas

Susi saan na napadpad?

Ikaw ay biglang dumating

Sagot sa aking hiling

Susi ay iyong daladala

At ako’y naging malaya

Labis na pasasalamat

Na ikaw ay aking nakilala

Ikaw ay nagsilbing alamat

Upang problema ay mawala na

Ikaw ang siyang karamay

Sa aking gumandang buhay

Ako’y hindi mo na iniwan

Dahil ikaw ay tunay na kaibigan.

You might also like