You are on page 1of 2

Chapter Five

�Bagyong Yolanda, nag-iwan ng malaking pinsala!�

�Tatlo patay sa salpukan ng mga bus!�

�Napoles, binitay!�

Ano ba naman �yan! Puro balita na lang palabas sa tv. Wala man lang pelikula, �yun
patayan o kaya barilan.

�Dating Gobernador ng San Felipe inakusahan si Mayor Oros na pumatay sa isang lider
ng mga ralihista.�

Napatigil ang paglipat ko ng channel ng marinig ito.

�Gov., ano po ba ang relasyon niyo kay Renan?� tanong ng isang reporter.

�Matalik kong kaibigan ang ama niya. Nang mamatay ang kanyang mga magulang ay ako
ang nag-alaga sa kanya. Kaya napakasakit sa akin ng nangyari sa kanya. Isa siyang
matapang na tao, matapat at may paninindigan,� sabi ng dating gobernador.

Si Gobernador Juan Perez ay ang dating gobernador ng San Felipe. Kilala siya sa
pagiging matapat sa tungkulin. Sinasabing siya ang pinakamabait na gobernador at
hindi marunong mangurakot. Galit siya sa mga tiwali. Sa totoo nga niyan pagkatapos
ng kanyang termino bilang gobernador ay nabawasan ng limang million ang kanyang
yaman. Naniniwala ang lahat na ginamit niya ang personal niyang pera para sa
pagsasaayos ng buong San Felipe.

�Sa tingin niyo po ba, sino ang nagpapatay sa inyong anak-anakan?�

�Hindi ko lang sasabihin ang kanyang pangalan dahil sa tingin ko lang siya ang
nagpapatay, sasabihin ko ang kanyang pangalan kasi sigurado akong siya nga!�

�Kung ganoon, sino po?�

�Si Mayor Oros, ang mayor ng San Felipe.�

�Ano po ang inyong ibidesya?�

�Pinatay siya hindi dahil siya ang lider ng mga ralihista na pumunta sa munisipyo
upang ipahatid ang panawagan kontra korapsyon, kundi dahil pinaghinalaang siya si
Politiko. Ang mga akda ni Politiko ay kontra sa balakin ni Oros.�

�Paano niyo po nalaman ang mga impormasyon ito?�

�Kasamang pinatay ay ang nobya ng aking anak anakan. Siya ay isa sa mga katulong ni
Oros. Narinig niya ang usapan nina Oros ukol sa balak na pagpatay. Bago mangyari
ang pagpapapatay ay tinawagan ako ng nobya niya at sinabi ang lahat lahat.�

Lagot! Ito na ba ang katapusan ng career ni Dad. Dahil lang sa akda ng isang
manunulat, nagkagulo ang lahat. Naisip ko si Daddy kaya pinuntahan ko siya sa karto
niya pero hindi ko siya nakita. Nakita ko siya sa sala at umiinom ng alak.

�Dad, napanood mo �yun balita no?�


�Oo.�

�Ayos lang �yan Dad, kaya mo �yan malalampasan natin �to.�


�Wala namang poblema �yun anak. Madali lang solusyunan yan, marami akong
koneksiyon.�

�Eh, bakit kayo umiinom?�

�Kasi lugi na ako! 1.5 lang ang commission ko sa Bridge Project, nakagastos na ako
ng 1.6 million dahil lang sa Politikong �yan.�

Iyon na nga. Akala ko depress siya dahil makukulong na siya. Kinomfort ko pa nga,
�yun pala pera lang problema niya.

KINABUKASAN.....

Nagising ako nang marinig ko si Dad na nagsisisigaw.

"Dad, anong nangyari?" tanong ko.

"Naglabas na naman ng bagong kabanata si Politiko."

"Kabanata XXVI: Ang Aktibista," ang bagong kabanata ng SFTCG. sa kabanatang ito ay
pinapatay ni Mayor ang isang aktibista upang takutin ang mga ralihista. Isa lang
ang ibig sabihin nito, na si Politiko ay buhay pa. Hindi ang aktibista ang
misteryosong manunulat.

Tumawag ang assistant ni dad upang ibalita na ang mga ralihista ay bumalik at
dumoble pa ang bilang. Nanawagan ng katarungan sa pagkamatay ng aktibista. Tinawag
niya ang kanyang assistant, si Engr. Tenoso at ang private investigator.

"Buhay pa si Politiko!" galit na sabi ni Dad sa harapan ng P.I.

"Kalma lang Honey," sabi naman ng assistant niya.

"Tulad nga po ng sinabi ko, Mayor Oros. Hindi po ako sigurado sa pagkakakilanlan ni
Politiko. May apat pang manunulat ang maaaring si Politiko," paliwanag na P.I.

"Siguraduhin mong nasa apat na 'yan si Politiko, kundi isusunod kita sa mga 'yan,"
banta ni Dad.

"Opo," sabi ng P.I.

"Sino ba ang susunod na maaaring si Politiko?" tanong ng assistant.

"Si Gobernador Dati," sabi ng P.I.

"Sino si Gobernador Dati?" tanong ni Dad.

"Siya po si Gobernador Juan Perez," sabi ng P.I.

Gobernador Dati, o mas kilala bilang Dating Gobernador Juan Perez, ay isang
manunulat ng mga akdang naglalarawan sa kalagayan ng politika hindi lamang sa San
Felipe kundi sa buong Pilipinas. Ang Tiwali, Ginintuang Upuan, Sa Bansang Pilipinas
ay ilan lamang sa mga sikat na aklat na kanyang isinulat.

Tinawagan agad ni ama ang hired killer.

"Bago maghapunan nais kong mamatay si Gobernador Juan Perez!"

Nagring 'yung door bell nandiyan na ata si John.

You might also like