You are on page 1of 3

Chapter Two V2

Kung may isang tao akong laging kasama, si John na 'yun. Eto nga susunduin namin
siya. Suwerte niya dahil may kaibigan siyang walang kasing bait, libre na siya sa
transpo papunta at pauwi.

Si John ay anak ng dating Mayor na pinalitan ng aking ama, si Godofredo Salvador.


Ang kanyang ina ay namatay sa sakit na cancer. Ang kanyang ama ay pinatay last
year. Magkapartido ang aming mga ama. Dahil sa tapat na mayor ang kanyang ama ay
natakot ang kabilang partido sa nababalitang pagtakbo niya kaya pinapatay siya.
Dahil sa pagkamatay ng kanyang ama ay pinili ng partido ang aking ama na tumakbong
mayor at nanalo.

Nag-iisa na lamang siya sa buhay pero wala siyang problema sa pera. Pinamanahan
kasi siya ng kanyang lolo na isang kilalang haciendero. Marami silang ari-arian at
lupa sa iba't ibang panig ng Pilipinas. In short, mas mayaman pa siya sa akin ama.

Pagsakay niya sa van ay kaagad niyang binuklat ang kanyang aklat. Genius eh.

"May exam kayo?" usisa ko.

"Wala man."

"Anong binabasa mo?"

"May Pag-asa ni Mabuti Maylaya."

"Tungkol saan?"

"As usual, tungkol sa mabuting politika. Si Mabuti Maylaya ba naman ang may akda."

"May mga ganyan palang mga manunulat. Weird! Wala sa uso," sabi ko.

"Oo nga. Di makatotohanan. Politikong hindi marunong mangurakot. Kaya nga kinagat
ng taong bayan kasi ganito ang pinapangarap nilang pinuno. Kahit man lang sa
imahinasyon matupad ang mga pangarap nila."

"Siya nga pala, may bagong pagkakakitaan na naman si papa," kwento ko sa kanya.

"Negosyante talaga si Mayor. Anung proyekto ba 'yan?"

"Bridge project sa may San Roque."

"Naku! Bridge Project. Hindi ba't delikado yan? Dapat siguraduhin ng papa mo na
matibay 'yan. Kundi sabay ng pagbagsak ng tulay ang career ng ama mo."

"Alam naman siguro ni papa 'yun."

Ganyan kami kaclose ni John. Kahit mga kababalaghang ginagawa ng papa ko sa


pamumuno niya ay nasasabi ko sa kanya.

Pagdating namin sa school naghiwalay na kami ng landas kasi Top section siya ako
lowest section, pero ayos lang 'yun kasama ko naman si Luisa.

Speaking of Luisa nakita ko siya sa student center kaya nilapitan ko siya. Busy
siya nagbabasa ng broadsheet na rinelease ng student publication. Bakit ganoon?
Lahat na lang ng mga nakakasama kong tao mahilig magbasa? Bakit ganoon?

"Anung binabasa mo?" usisa ko


"Literary works ni John Salvador. Ang gaganda! Tuwing binabasa ko mga sinulat niya
naalala ko si H.A."

Oo kasasabi niya lang. Si H.A na naman. Hindi ba siya nagsasawa sa pangalan 'yun?
Kasi ako rinding rindi na ako.

"Balita ko, kakilala mo daw si John."

"Oo!" proud ako. "Best friend ko siya."

"Pwedeng favor?"

Cute niya paghumingi siya ng pabor.

"Ano 'yun?"

"Pakilala mo ako kay John, pls."

What? Bakit gusto niyang makilala si John? Pero dahil may please. Hindi ma ako
nagtanong pa kung bakit.

"Sige. No problem."

Sabay na kaming pumasok sa klase. Habang naglalakad kami ay walang humpay pa rin sa
pagkukwento si Luisa tungkol kay H.A. Pagpasok namin sa klase ay bigla na lamang
nagsigawan ang buong klase.

"Uyyy..."

"Kayo na ba?"

"Bagay sila!"

Nagkakagulo ang buong klase at pinag-uusapan kami. Kinukutya. Syempre ako naman
smiling space. Halatang kinikilig.

"Kung sakaling manliligaw sa 'yo si Daniel sasagutin mo ba siya?" tanong ng isa


naming kaklase kay Luisa.

Sa una ay natulala si Luisa, napipi, nag-isip at nagdesisyon.

"Ewan. Bakit kaya di na lang niya subukan," sagot ni Luisa.

Wow! May pag-asa. Galing talaga ng mga kaklase ko. Dapat lang gumastos ako ng tig-
iisang daan bawat isa para lang sa set up na ito. Magastos din pa lang magtanong
kung may pag-asang manligaw. Ayos na sana eh. Kung di lang dumating si Ms.
Lakwandasan at nahuli kami.

"Sinong may pakana nito?" tanong ng halimaw naming guro.

Sa una ay nagtinginan sila tapos lahat ng kamay nila ay tinuro sa akin. Wow! After
all. Pagkatapos ko silang bayaran ay isusuplong din pala nila ako.

"Mr. Oros, get out!"

Bwisit na gurong 'to. Papatay ko kaya. Sarap katayin. Palibhasa matandang dalaga
kaya ayaw sa romantic happenings.
Mula sa labas narinig kong kinukumpiska ni ma'am Lakwandasan ang mga dyaryong
inilabas ng student publication.

"Bakit po ma'am?" tanong isa kong kaklase.

"Iligal ang pagkakarelease ng broadsheet. Walang approval ng principal."

Nang uwian na ay wala ng ibang pinag-uusapan ang mga estudyante, kundi ang
pagkumpiska sa mga dyaryo. Pagdating ko sa van ay nakita kong nagbabasa ng dyaryo
si John.

"Oh! Di ba kinumpiska 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Bakit di pwedeng itago?"

"Bakit nga ba kinumpiska yan?"

"Walang approval ng principal."

"Bakit hindi inaprubahan?"

"Dahil sa article ni Eugene."

"Tungkol saan?"

"Naku dapat binasa mo. Tungkol sa nangyayaring katiwalian sa paaralan. Alam mo ba


kung bakit walang intramurals sa taong ito? Dahil walang badyet! Dahil nasa bulsa
ng mga namumuno."

"Pati ba naman dito may ganyan? Paano nyo naman to narelease yan kung walang
badyet?" tanong ko. Ako na ang walang alam sa nangyayari.

"Desidido si Eugene na mailabas to, kaya humingi siya ng donation sa mga pulitiko.
Eh takot ang mga pulitiko sa kanya kaya marami siya nakuha. Naalala ko tuloy ng
panahon ng kastila, panahon kung kailan hindi kinikilala ang malayang pamamahayag.
Kung saan si Eugene, si Rizal; tayo ang taumbayan; at ang pamahalaan ay ang pinuno
ng paaralan."

"Bakit nga pala natatakot ang mga pulitiko sa kanya?"

"Maliban sa siya ang Editor-in-chief ng ating paaralan, isa rin siyang columnista
sa dyaryong Isyu ng Bayan. Political columnist to be exact. Maliban roon isa rin
siyang manunulat ng mga political novel."

Andami ko namang tanong. Pero marami din naman akong nalamang hindi inaasahan. Mas
matalino ang nagtatanong. Sabi nga ni Drew "di na uso ang mangmang, lamang ang may
alam. Aha!"

Gabi na kaming nakauwi. Nakita kong lumabas ang isa sa mga katulong namin.
Nakipagkita sa isang lalake sa labas mukhang magsasaka yung lalake. Nabigla ako ng
bigla na lamang silang nagyakapan at naghalikan sa gitna ng daan. Natawa na lamang
ako sa nakita ko. Wala na silang pinipiling lugar para sa mga bagay bagay.

You might also like