You are on page 1of 3

Chapter Four

"Ikunwento ko kay Daddy na ang katulong namin at ang lider ng mga


ralihista ay nakita kong naghahalikan isang gabi. Tinawagan niya agad yung killer
pinapatay ang katulong at ang aktibista," kwento ko kay John habang naglalakad kami
palabas ng simbahan.
"Headline nga sa dyaryo ang pagkamatay ni ANB, buti na lang at hindi
masyadong iniugnay sa ama mo ang pagkamatay dahil maraming politiko ang kanyang
nasagasaan," sabi ni John.
Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Luisa.

“Good Morning Luisa,” bati ko sa kanya.

“Oh! Daniel ikaw pala,” sabi niya at napatingin kay John. “Di ba siya si
John?”

“Oo,” sagot ko.

Nang tignan ko si John ay tulalang nakatingin kay Luisa, tila ba’y nakakita
ito ng anghel na bumaba sa langit. Naalala ko na gusto pa lang makilala ni Luisa si
John. Ipakikilala ko na sana sila a isa’t isa kundi lang ako naunahan ni Luisa.

“Hi, I’m Luisa,” sabi niya sabay abot ng kamay.

Kaso tulala pa rin si John kaya binatukan ko siya. Yan natauhan.

“I’m John,” sabi ni John at iniabot ang kanyang kamay.

“Totoo nga ang sinasabi ng mga kaklase natin Daniel,” sabi ni Luisa.

“Na ano?” tanong ko.

“Na ang gwapo niya sa malapitan,” sabi ni Luisa na napatili pa.

“Hindi naman,” pagpapakumbaba ni John.

“Ang gwapo mo kaya. Sobra!” sabi ni Luisa.

Ano bang usapan ito sa harapan ko pa.

“Luisa,gusto mong sumama sa amin? Kakain kami,” sabat ko.

“Ah, hindi na. May pupuntahan kasi ako,” tanggi ni Luisa.

“Sama ka na,” yaya ni John.

“Sige na nga,” payag ni Luisa.

Bakit ganoon? Nang ako ang nagyaya ayaw niya, nang si John hindi siya
tumanggi? Mabilis pa. Anong meron sa pagyaya ni John na wala sa akin? Mas maganda
naman boses ko sa kanya.

Pagdating sa isang fastfood chain ay nagkuwentuhan agad sila tungkol sa mga


isinulat ni John. Dahil di ko sila maabala ako na ang nag-order ng pagkain. Ganoon
ba talaga? Akon a ang naglibre ako pa ang mapapagod? Habang sila relax na relax sa
pagkukwentuhan.

“Alam mo bang napakasikat mo sa mga kaklase ko?” sabi ni Luisa.

“Ako sikat? Paano nangyari ‘yun.”


“Kasi gwapo ka! Tsaka magaling kang magsulat ng mga tula at romantic short
stories.”

“Hindi naman. Konti lang. Ikaw rin sikat ka sa section namin. Lahat ata ng
mga kaklase kong lalake kilala ka. Maliban na lang kay Roberta, gay ‘yun eh. Crush
ka daw nila. Lalo na si Eugene.”

“Talaga crush ako ni Eugene? Eh ikaw?”

“Ano.... ..ng ako?”

“Kilala mo na ba ako bago ang araw na ‘to?”

“Oo naman. Ikaw lang naman bukang bibig ng kaibigan ko eh.”

At ‘yun na nga ang pinag-usapan nila habang wala ako. Buti na lang at di ko
narinig ang mga iyan, isinulat ko lang para may suspense.

“Sa sobrang ganda ng mga sinusulat mo sigurado ako may inspirasyon ka,” sabi
ni Luisa.

“Oo naman. Sa pagsusulat ko lang na-e-express sarili ko pagdating sa pag-


ibig. Kasi torpe ako,” sabi ni Daniel.

“Alam mo ba na ang isa sa most romantic na maari mong gawin ay ang magsulat
ng tula para sa babae? Sino nga pala ang inspirasyon mo,” tanong ni Luisa.

“Ikaw,” biro ni John. Di ko alam kung biro talaga ‘yun, pero ipagpalagay na
nating biro nga ‘yun.

“Ako?” tanong ni Luisa na napangiti ng marinig ang sagot ni John.

“Joke lang,” sabi ni John.

Out of Place ako sa pag-uusap nila kaya gumawa ako ng eksena.

“Alam mo ba Luisa,ikaw ang inspirasyon ko sa mga sinusulat kong`tula,” sabat


ko.

“Talaga? Salamat!” sabi niya habang nakangiti.

“Heto nga may isinulat akong tula para sa iyo. Guto mong basahin,” alok ko.

“Mamaya na lang tinatamad akong magbasa ngayon eh,” tanggi niya.

“Sige, kain na muna tayo,” alok ko.

Kumain nga sila pero hindi sila tumigil sa pag-uusap.

“Kailan niyan kayo magrerelease ng legal na issue?” tanong ni Luisa.

“Baka sa`susunod na linggo. Mayroon nga akong mga entries ewan ko lang kung
mganda,” sabi ni John.

“Bago mo ipasa pabasa mo muna sa akin para masabi ko kung maganda. Sigurado
naman ako maganda ‘yan,” sabi ni Luisa.

“Sakto dala ko ‘yun isa,” sabi ni John.


“Pwedeng pabasa?”

“Oo.”

Tinatamad daw siyag magbasa ng ako ang nag alok, pero ng si John ay sinipag
siya. Iba na ata ito. Parang may gusto na si Luisa kay John ayaw ko naming maging
karibal ang kaibigan ko kay Luisa.

“Alam mo kapag nababasa ko sulat mo naaalala ko ang paborito kong manunulat


na si Hero Angelo.”

Ayan na naman siya sa sakit niya! Akal ko hindi ko muna maririnig ang
pangalan na ‘yun sa araw na ito pero nagkamali ako. Naisingit na naman ang
minamahal niyang manunulat.

“Paborito mo rin si H.A. Ako rin! Ang gaganda kasi ng mga sinusulat niya.
Iba iba at hindi nakakasawa.”

Lagot may something common sila. Diyan nag-uumpisa ang lahat. Paano na ako?

“Talaga? Ibig sabihin pupunta ka sa grand launch ng bago niyang aklat?”

“Hindi man. May gagawin kasi ako sa araw na ‘yun. Saying nga eh.”

Hindi doon nagtatapos ang kanilang usapan pero puputulin ko na. baka kasi
abutin tayo ng 20 pages. Wala na rin naman akong dialogue doon eh.

You might also like