You are on page 1of 9

MOTHER MARGHERITA DE BRINCAT CATHOLIC SCHOOL, INC.

Kamias Road Brgy. Tucop Dinalupihan, Bataan


Contact # (047) 633 – 2975 (047) 633 - 2996
“Peace and Good through Quality Education”

Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino

SUBMITTED BY:

Juaki Alejandra a. bansil

St.andrew
Section

SUBMITTED TO:

MONCIAR T. VALLE
SUBJECT TEACHER

Our Vision Our Mission


We are a Catholic School providing holistic quality education to Foster a Catholic Education that will transform students into mature
equip students to be globally competitive and well-prepared in life. faithful Christians and promote peace and good to all.
MOTHER MARGHERITA DE BRINCAT CATHOLIC SCHOOL, INC.
Kamias Road Brgy. Tucop Dinalupihan, Bataan
Contact # (047) 633 – 2975 (047) 633 - 2996
“Peace and Good through Quality Education”

Ang pag kabuo-buo ng Wika

Ano nga ba ang Wika?


Ang wika ay isang bahagi ng PAKIKIPAGTALASTASAN. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at
mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang
ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong
likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa
pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang
binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng
isang pulutong ng mga tao.

Kahalagahan ng Wika
Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan,
sapagkat nagagamit ito sa PAKIKIPAG-UGNAYAN katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong
pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa AGHAM, TEKNOLOHIYA
at INDUSTRIYA.

Mahalaga ang wika sapagkat:

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;


2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

May iba’t ibang katangian ang wika

1. Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo


2. May kayarian at nakabubuo ng marming salitang may mga kahulugan ang isang wika
3. May pagbabago ang wika, di napipigilan para umunlad
4. May sariling kakanyahang di-inaasahan, ang wika ay nalilikha ng tao upang ilahad ang
nais ipakahulugan sa kanyang mga kaisipan (nanghihiram sa ibang wika upang
makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran)
5. May kahulugan ang salita na batay sa taglay na ponolohiya, palatunugan at diin
6. Nauuri ang wika sa kaanyuan, kaantasan, ponolohiya at kalikasan.

Iba pang mga katangian ng wika:

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog
(fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema)
na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang
pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng
wika.

Our Vision Our Mission


We are a Catholic School providing holistic quality education to Foster a Catholic Education that will transform students into mature
equip students to be globally competitive and well-prepared in life. faithful Christians and promote peace and good to all.
MOTHER MARGHERITA DE BRINCAT CATHOLIC SCHOOL, INC.
Kamias Road Brgy. Tucop Dinalupihan, Bataan
Contact # (047) 633 – 2975 (047) 633 - 2996
“Peace and Good through Quality Education”

a. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa


makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga
fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang
ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

b. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa


pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong
uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista


Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora

c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga


pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at
posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

Hal. Mataas ang puno.


Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap;


ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa
pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno.


Umakyat siya sa puno.

Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa


pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa
ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto
ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na
[ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng
dalawang pangungusap.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-
sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga
Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais
tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi

Our Vision Our Mission


We are a Catholic School providing holistic quality education to Foster a Catholic Education that will transform students into mature
equip students to be globally competitive and well-prepared in life. faithful Christians and promote peace and good to all.
MOTHER MARGHERITA DE BRINCAT CATHOLIC SCHOOL, INC.
Kamias Road Brgy. Tucop Dinalupihan, Bataan
Contact # (047) 633 – 2975 (047) 633 - 2996
“Peace and Good through Quality Education”

naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya
bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika,
nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may
katangian namang natatangi sa bawat wika.

Halimbawa:
Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)
Wikang Filipino – Opo, po
Wikang Subanon – gmangga (mangga)
Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)
Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)
Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang
ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino
lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman,
mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang
magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman,
isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago.
Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos
na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa
pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang
kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.

Halimbawa: BOMBA
Kahulugan:
a. Pampasabog
b. Igipan ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika
kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya bilang
kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at
edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

Our Vision Our Mission


We are a Catholic School providing holistic quality education to Foster a Catholic Education that will transform students into mature
equip students to be globally competitive and well-prepared in life. faithful Christians and promote peace and good to all.
MOTHER MARGHERITA DE BRINCAT CATHOLIC SCHOOL, INC.
Kamias Road Brgy. Tucop Dinalupihan, Bataan
Contact # (047) 633 – 2975 (047) 633 - 2996
“Peace and Good through Quality Education”

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi
maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang
humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang
patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura
ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat
iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.

8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi
wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito
taglay ang katangian ng isang ganap na wika.

9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi” ay
sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.

10. May level o antas ang wika.

Etimolohiya
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang MALAY. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang
isa pang katawagan sa wika: ang salitang LENGGUWAHE. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng
language – tawag sa wika sa INGLES – nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua
ng LATIN, na nangangahulugang “DILA“, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming
kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang “wika” – sa malawak nitong kahulugan – ay anumang
anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang
mayroon.

Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining
na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika,
sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. “Wika” ang lahat ng mga ito kung
gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila
(piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles])
ang wika.

Kasaysayan at teorya
Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit
mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga
teoryang ito ang nagsasabing “ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa
kalikasan.” Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal

Our Vision Our Mission


We are a Catholic School providing holistic quality education to Foster a Catholic Education that will transform students into mature
equip students to be globally competitive and well-prepared in life. faithful Christians and promote peace and good to all.
MOTHER MARGHERITA DE BRINCAT CATHOLIC SCHOOL, INC.
Kamias Road Brgy. Tucop Dinalupihan, Bataan
Contact # (047) 633 – 2975 (047) 633 - 2996
“Peace and Good through Quality Education”

na sapa. Dahil sa iba’t ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga “tunog ng kalikasan” na ito kaya
nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo.

Saan nga ba nag simula ang Wika?

Ang pinag mulan ng mga Wika ng Pilipinas Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng
Espanya, ESPANYOL ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo. INGLES AT ESPANYOL ang wika
noong sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas.

1. Marso 4, 1899 - Wikang Ingles ang tanging wikang panturo batay sa rekomendayon ng
Komisyong Schurman
1897 - Tagalog ang itinadhanang opisyal na wika ayon sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak na
Bato
Enero 21, 1899 - Itinahadana naman pansamantalang gamiin ang Espanyol bilang opisyal na
wika ayon sa Konstitusyon ng Malolos.
2. Marso 24,1934 - Pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas
Tydings- McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas.
Pebrero 8, 1935 - Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na
niratipika ng sambaynan noong Mayo 14, 1935
3. WENCESLAO Q. VINZONS - Siya ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang
pambansa, siya din ang kinatawan mula sa Camarines Norte.

–Ayon sa orihinal na resolusyon, "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong
wika."

4. Manuel L. Quezon - Siya ang nagpatupad ng probisyon ukol sa pambansang wika.


5. Oktubre 27, 1936 - ang pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa.

– Ang tungkulin ng Surian ay gumawa ng pag aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas,
sa layuning makapag paunlad at makapagtibay ng isang wikang panlahat batay sa isang wikang
umiiral sa bansa.

6. Nobyembre 13, 1936 - Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bl.184, na nagtatag sa
unang Surian ng Wikang Pambansa. Kapangyarihan at tungkulin ng Surian:
1. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas.
2. Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika
7. Biglang halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo at panitikang
tinatanggap

Our Vision Our Mission


We are a Catholic School providing holistic quality education to Foster a Catholic Education that will transform students into mature
equip students to be globally competitive and well-prepared in life. faithful Christians and promote peace and good to all.
MOTHER MARGHERITA DE BRINCAT CATHOLIC SCHOOL, INC.
Kamias Road Brgy. Tucop Dinalupihan, Bataan
Contact # (047) 633 – 2975 (047) 633 - 2996
“Peace and Good through Quality Education”

8. Enero 12, 1937 - Hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa Seksiyon 1,
Batas Komonwelt 185
9. Kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa
Pangulo - Jaime de Veyra » (Bisaya, Samar-Leyte)
Kagawad - Santiago A Fonacier (Ilocano)
Kagawad - Filemon Sotto » (Cebuano)

Kagawad Casimiro Perfecto (Bicolano) –Felix S Rodriguez (Bisaya,Panay) –Hadji Butu


(Minadanao) –Cecilio Lopez (Tagalog )
10. Nobyembre 7, 1937 - Inilabas ng Surian ang resolusyon na TAGALOG ang gawing batayan ng
Pambansang Wika
11. Disyembre 30, 1937 - ito ay anibersaryo ng kamatayan ni Dr Jose Rizal at lumabas ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang Wika ng
Pambansang Wika ng Pilipinas.
12. Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg 263
1. Pagpalimbag ng Tagalog-English Vocabuary at ng isang aklat gramatika na pinamagatang
Ang Balarila ng Wikang Pambansa
2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at
Pribado sa buong kapuluan.

May walong (8) wikang pinagbabatayan ang ginagawang pagsusuri sa mga piling diyalekto ng Pilipinas:

1. Tagalog
2. Waray
3. Kapampangan
4. Hiligaynon
5. Pangasinense
6. Bicolano
7. Cebuano
8. Ilokano

Ano na nga ba ang Wika noon at ngayon?

Our Vision Our Mission


We are a Catholic School providing holistic quality education to Foster a Catholic Education that will transform students into mature
equip students to be globally competitive and well-prepared in life. faithful Christians and promote peace and good to all.
MOTHER MARGHERITA DE BRINCAT CATHOLIC SCHOOL, INC.
Kamias Road Brgy. Tucop Dinalupihan, Bataan
Contact # (047) 633 – 2975 (047) 633 - 2996
“Peace and Good through Quality Education”

Masasabi nga bang malaki na ang pagbabago sa paggamit ng wika natin noon sa kasalukuyang panahon?.
Sa ating panahon ngayon, napapansin ng karamihan ang pag-iiba iba ng wikang ginagamit sa bansa. Hindi
lang tayong mga Pilipino ang gumagamit ng ibang wika kundi pati ang mga taga ibang bansa. Nangyare ang
pagpapalit ng wika dahil sa pagpapalit-palit ng ating mga Presidente at ng kanilang mga ipinapatupad.

Itong pagpapalit-palit ng wika ay nakapagdulot ng masama sa mga mag-aaral at sa mga tao sapagkat iba’t
ibang lingwahe o paraan ng kanilang pagsasalita ang ginagamit katulad ng salitang “JEJEMON.” Pinaguusapan
ng pamahalan kung tatanggalin na ang asignaturang Filipino sa curikulum sa kadahilanan ng kumakalat ng
issue na pag-iiba ng wika at salita.

Sa kasalukuyang panahon malaki na ang pagbabagong mapapansin natin sa paggamit ng sariling wika. Ang
ating katutubong salita ay napapalitan ng modernong pagpapahayag. Malaki rin ang impluwensyang
nagagawa ng modernong teknolohiya, iba’t ibang kultura at sariling pagpili ng mga tao lalo na ng mga
kabataan sa modernong panahon.

Anuman ang mga pagbabago sa wika natin ngayon, ang mahalaga ay nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
mga tao sa ngayon na ipahayag ang kanilang mga iniisip at nararamdaman upang makagawa ng
makabuluhang bagay para sa kanilang sarili at para sa kapakanan ng nakararami.

Our Vision Our Mission


We are a Catholic School providing holistic quality education to Foster a Catholic Education that will transform students into mature
equip students to be globally competitive and well-prepared in life. faithful Christians and promote peace and good to all.
MOTHER MARGHERITA DE BRINCAT CATHOLIC SCHOOL, INC.
Kamias Road Brgy. Tucop Dinalupihan, Bataan
Contact # (047) 633 – 2975 (047) 633 - 2996
“Peace and Good through Quality Education”

References:

https://www.slideshare.net/RochelleNato/kasaysayan-at-pagkabuo-ng-wikang-pambansa
https://teksbok.blogspot.com/2010/08/kahulugan-at-katangian-ng-wika.html
https://www.affordablecebu.com/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-filipino
https://bseekomakad.blogspot.com/2015/09/wika-noon-ano-na-ngayon.html

Our Vision Our Mission


We are a Catholic School providing holistic quality education to Foster a Catholic Education that will transform students into mature
equip students to be globally competitive and well-prepared in life. faithful Christians and promote peace and good to all.

You might also like