You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
DIVISION OF CITY SCHOOLS
District IV
BAGONG BUHAY ELEMENTARY SCHOOL
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Edukasyon sa Pagpapakatao IV

Pangalan: ____________________________________________________________Marka:______
Petsa: _______________________________

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot

1. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matapat?


a. Aksidenteng nabasag ni Calvin ang paso ng kaniyang Lola at dahil takot siyang mapagalitan,
hinayaan na lamang niya ang pangyayari.
b. Habang naglalaro sa loob ng bahay ay nabungo ni Jayson ang flower vase ng kaniyang ina,
sinabi niya ito sa kaniyang ina’t humingi ng paumanhin.
c. Sobra ang sukling natanggap ni Terence sa tindahan ng siya ay bumili, kaya nakabili pa siya
ng tinapay bilang dagdag baon niya sa eskuwela.
d. Tinanggap ni Allien ang isinauling lapis ni Jio kahit pa alam niya na hindi kaniya ito.
2. Nag-anunsiyo ang inyong guro na kayo ay mawawalan ng klase sa sususnod na araw, ngunit
dahil na huling dumating ang isa mong kamag-aral ay hindi niya ito narinig. Nagtanong ito sa iba
mo pang kamag-aral at narinig mo na iba ang kanilang sinabi dito. Ano ang gagawin mo?
a. Sasangayunan ko ang iba kong kamag-aral sa kanilang sinabi.
b. Iwawasto ko ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo.
c. Wala akong gagawin dahil hindi naman siya sa akin nagtanong.
d. Hindi ko ito papansinin
3. Nawawla ang lapis ng iyong kamag-aral na madalas ay nanunukso sa iyo, nakita mo na nahulog
ito sa ilalim ng cabinet na lalagyan ng mga libro. Ano ang iyong gagawin?
a. Magpapatay malisya.
b. Magkukunwari na hindi nakita ang lapis niya.
c. Ituturo kung nasaan ang lapis dahil iyon ang tamang gawain.
d. Hahayaan siyang maghanap hanggang sa siya ay mapagod.
4. Isang araw ay nabalitaan mo na may mga nawawalang gamit sa iyong silid-aralan. Alam mo na
ang iyong matalik na kaibigan ang kumukuha ng mga ito. Ano ang gagawin mo bilang isang
kaibigan?
a. Sasabihin ito sa aming guro.
b. Kakausapin ng masinsinan ang aking kaibigan ukol sa nararapat niyang gawin.
c. Sasabihin sa iba kong kamag-aral na alam ko kung sino ang kumukuha ng mga gamit namin
sa silid-aralan.
d. Pagtatakpan siya dahil kaibigan ko siya.
5. Kailangang makakuha ng mataas na marka ng iyong matalik na kaibigan sa darating na
pagsusulit upang bilhan siya ng kaniyang ama ng gusto nitong laruan. Kinausap kaniya na kung
pwede ay ang papel mo ang ipapakita niya sa kaniyang ama dahil sigurado ito na mataas ang iyong
makukuhang marka at sa kaniya ay hindi. Ano ang iyong gagawin?
a. Papayag ako basta pahihiramin niya ako ng laruan.
b. Hindi ako papayag at pagsasabihan siya na mag-aral siya kung gusto niyang makakuha ng
mataas na marka.
c. Hindi ako papayag at isusumbong ko ito sa kaniyang ama.
d. Hindi ako papayag dahil mali iyon at yayain ko nalamang siyang sumabay sakin sa pag-aaral
ng aming mga leksyon.

6. Base sa kuwentong “Roniel M. Lakasloob ang Pangalan Ko”, papaano ipinamalas ni Roniel ang
kaniyang katatagan ng loob?
a. Sa pamamagitang ng pagpasok sa bagong paaralan ng mag-isa.
b. Sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa mga bagong kamag-aral.
c. Sa pamamagitan sa pagasagot sa mga tanong ng kanilang guro habang ito ay nagtatalakay
ng kanilang aralin.
d. Sa pamamagitan ng pagpapakila ng kaniyang sarili sa harap ng mga bagong kamag-aral.
7. Ayun sa talumpati ni Dr. Garcia, papaano niya ipinamalas ang kaniyang katatagan ng loob sa
mga hamon ng buhay?
a. Sa pamamagitan ng patuloy na pagsisikap sa pag-aaral sa kabila ng kahirapan.
b. Sa pamamagitan ng pangunguna sa kanilang klase.
c. Sa pamamagitan ng pagiging isang matagumpay na doctor.
d. Sa pamamagitan ng pagbibigay talumpati sa kaniyang dating pinasukang paaralan upang
makapagbigay ng inspirasyon sa iba pang kabataan.
8. Base sa kuwento ng buhay ni Willy, bukod sa pagiging matatag, anong pag-uugali pa ang taglay
ni Willy?
a. pagiging masinop c. pagiging mapagbigay
b. pagiging mapagmahal d. pagiging matiisin
9. Sino sa mga sumusunod ang nagtataglay ng katatagan ng loob?
a. Ginusto ni Aramina ang huminto na lamang sa eskuwela dahil sa kakapusan ng perang
pantustos sa kaniyang pag-aaral.
b. Madalas ay lumiliban si Lorenzo sa eskuwela, lalo na sa pagkakataong walang siyang baon.
c. Maagang gumigising si Ella upang pumasok sa eskuwela, maglalakad lamang kasi siya
papasok sa paaralan at kahit malayo at madalas ay wala siyang baon, hindi parin siya lumiliban sa
eskuwela.
d. Namulat si Eduardo sa kahirapan ng buhay kaya hindi na niya pinapangarap pa na
makapag-aral ng kolehiyo, tama na sa kaniya na matapos ang elementarya.
10. Habang papasok ka ay nakasalubong mo ang isa mong kamag-aral, sabi niya ay wala kayong
pasok. Ano ang iyong gagawin?
a. Uuwi na bahay at maglalaro.
b. Uuwi ng bahay at tutulong sa mga gawaing bahay.
c. Tutuloy sa paaralan upang tiyaking kung totoong walang pasok.
d. Tutuloy sa paaralan at makikipaglaro sa iba kong kamag-aral.
11. Nawawala ang iyong paboritong lapis, sabi ng iyong kaibigan ay nakita niya ng kunin ito ng
bagong ninyong kamag-aral. Ano ang iyong gagawin?
a. Pupuntahan ko ang bago naming kamag-aral at maayos kong tatanungin siya kung nakita
ba niya ang nawawala kong lapis.
b. Pupunthan ko ang bago naming kamag-aral at sapilitan kong ipalalabas sa kaniya ang
nawawala kong lapis.
c. Pupuntahan ko ang aming guro upang isumbong ang ginawa ng bago naming kamag-aral.
d. Sasabihin ko ito sa iba pa naming kamag-aral.
12. Sino sa mga sumusnod ang nagtataglay ng isang mapanuring pag-iisip?
a. Narinig ni Jessica na may paparating na bagyo kaya agad niya itong sinabi sa kaniyang ina.
b. Nabalitaan ni Jasmin sa kaniyang kamag-aral na magkakaroon ng lindol sa kanilang lugar ng
araw na iyon kaya naman dali-dali siyang umuwi ng bahay at hindi na nagpaalam pa sa kanilang
guro.
c. Ayon sa balita ay may bagyong papasok sa Philippine area of responsibility. Maayos at
tahimik itong pinakinggan ni Maryandie, kinuha ang mga importanteng detalye.
d. Nakatira sa probinsiya ng Nueva Ecija si Jayson, isang araw ay narinig niya sa balita na
idineklara ng pangulo na mawawalan ng pasok sa Maynila bilang pagbibigay daan sa kaniyang
SONA. Agad na ibinalita ni Jayson sa kaniyang mga kamag-aral na mawawalan ng pasok sa
kanilang paaralan dahil sa gaganaping SONA.
13. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng acronym na MTRCB?
a. Music and Television Review and Classification Board
b. Movie and Television Revise and Classification Board
c. Movie and Television Review and Classification Board
d. Movie and Television Review and Classification Bill

14. Ang mga sumusunod ay nagpapahay ng katotohanan ukol sa MTRCB, maliban sa isa
a. Ang MTRCB ay pinamumunuan ng isang tagapangulo, pangalawang tagapangulo at 30
kasapi ng lupon.
b. Ang MTRCB ay naitatag sa ilalim ng pamahalaan ni dating pangulong Corazon Aquino.
c. Ang MTRCB ay ang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na responsible sa regulasyon ng
telebisyon at pelikula, pati na rin ang sari-saring ur ing de-bidyong midya, na makikita at/o
ikinakalakal sa bansa.
d. Kasalukuyang gumagamit ang MTRCB ng dalawang sistema ng pag-uuri: isa para sa mga
pelikulang ipinapalabas sa mga sinehan sa Pilipinas at isa naman para sa mga programang
ipinalalabas sa telebisyon.
15. Aling sitwasyon ang tumutukoy sa pagkakaroon ng bukas na pag-iisip?
a. Noong isang araw ay nakapanood ako ng panooring may kinalaman sa paggamit ng
espada, ginaya ko ito at gumawa ako ng sarili kong espada pagkatapos ay ginamit ko ito sa aking
kalaro.
b. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin akong matulog na patay ang ilaw dahil para kong
nakikita ang isang eksena sa pinanood kong katatakutan noong isang Linngo.
c. Naipapaliwanag ko nang maayos sa harap ng aking kamag-aral ang pangyayari sa
programang aking pinanood.
d. Minsan ay nagdabog ako ng utusan ako ng aking ina, ginaya ko lang naman ang isang
eksena sa pelikula na napanood ko.
16. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pag-uugali?
a. Narinig ni Christian mula sa usapan sa kanto ang tungkol sa balita na pag-alis ng tatay ng
isa niyang kamag-aral, agad niya itong ikinuwento sa lahat ng kaniyang makasalubong.
b. Nais ni Rhyza panoorin ang pelikula ng kaniyang paboritong aktres ngunit marami ang
nagsasabi na hindi ito maganda kaya iba na lamang ang kaniyang pinanood.
c. Narinig ni Alyana na nag-uusap sina Jasster at Shane tungkol sa palagay ng mga ito na
dahilan ng pagliban sa klase ni Nicole, binawal niya ang mga ito at sinabihan na “bukas pagpasok ni
Nicole ay tanungin na lamang natin siya kung bakit siya lumiban, iwasan natin ang gumawa ng
usaping walang basehan.”
d. Lahat ng nabanggit
17. Alin sa mga pahayag ang nagsasabi ng katotohanan?
a. Ang pakikinig sa mga usap usapan ay isang mabisang paraan ng pagpapalipas oras.
b. Higit na dapat maging mapanuri sa panonood ng mga pambatang program.
c. Ang pakikinig ng mga balita na walang katotohanan ay mabisang paraan ng pangangalap
ng imporamsyon.
d. Ang mabuting pagninilay sa katotohan ay naghahatid ng saya.
18. Narinig ni Mark na may parating na bagyo at sinuspinde na ang mga klase sa kalapit na lugar.
Ano ang dapat gawin ni Mark?
a. Magdasal na lalong lumakas ang ulan
b. Muling matulog dahil wala na rin sigurong klase sa kanilang paaralan.
c. Tawagan ang mga kamag-aral at sabihing wala na rin silang pasok.
d. Makinig sa radyo o manood sa telebisyon para sa mahahalagang pahayag.
19. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa kahalagahan ng paggamit ng internet?
a. Nakapagsaasliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin.
b. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombie.
c. Nakakagawa ng blog site tungkol sa ganda ng Nueva Ecija at iba pang magagandang lugar
sa Pilipinas.
d. Nakapagbabasa ng mga e-mail na may katuturan sa buhay ng simpleng mag-aaral na
Pilipino.
20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng mabuting dulot ng internet?
a. Nagbibigayan ng impormasyon ang kaibigan tungkol sa paggawa ng loombands galing sa
internet.
b. Nakapaglalagay ng mensahe sa Instagram tungkol sa mga hinaing sa pamumuno ng isang
opisyal.
c. Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa Skype.
d. Nakakapag-upload ng mga batang nagsusuntukan sa You Tube.

21. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong paggamit ng internet?


a. Tanghali na ng magising si Zantino dahil sa magdamag siyang nag facebook.
b. Abala sa paglalaro ng COC si Normel kaya di na niya narinig ang sinasabi ng kaniyang
tatay.
c. May takdang aralin sa mga magagandang tanawin sa bansa si Ivhan, agad siyang
kumunsulta sa google upang makakuha ng mas kompletong impormasyon.
d. Galit si Jerwin sa kaniyang kamag-aral kaya nag post siya sa internet ng mga negatibong
salita patungkol dito.

22. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng HINDI totoo?


a. Malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspekto ng kaalaman at
edukasyon.
b. Sa tulong ng internet ay napapadali ang gawain sa pananaliksik.
c. Napaglalapit ng teknolohiya ang mag-anak na malayo sa isa’t –isa sa pamamagitan ng
Skype at iba pa.
d. Lahat ng impormasyong makikita at mababasa sa internet ay tunay at totoo.
23. Aling salita ang walang kaugnayan sa teknolohiya?
a. Yahoo b Twitter c. lapis d. webpage
24. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa modernong paraan ng pagpapadala ng liham?
a. internet b. google c. e-mail d. blogsite
25. Anong ur ing website ang maaring gamitin sa pananaliksik?
a. internet b. google c. e-mail d. blogsite
26. Anong uri ng website ang maaaring gamitin upang makapagpanood ng video o palabas?
a. internet b. google c. youtube d. blogsite
Para sa bilang 27-32, tukuyon ang mga sumusunod na pahayag.
27. Nakakapag-Facebook nang magdamag.
a. nakabubuti b. hindi nakabubuti c. paminsan-minsan d. hindi matukoy
28. Nakapaghahatid ng suporta sa mga manlalaro ng bansa.
a. nakabubuti b. hindi nakabubuti c. paminsan-minsan d. hindi matukoy
29. Nakapapasok sa mga sites na may malalaswang panoorin.
a. nakabubuti b. hindi nakabubuti c. paminsan-minsan d. hindi matukoy
30. Nakakapag-upload ng mga imporamsyon na kapupulutan ng kaalaman ng nakararami.
a. nakabubuti b. hindi nakabubuti c. paminsan-minsan d. hindi matukoy
31. Nakakapag-upload ng mga batang nagsusuntukan sa You Tube.
a. nakabubuti b. hindi nakabubuti c. paminsan-minsan d. hindi matukoy
32. Oras ng rises, mahaba ang pila sa pagbili ng pagkain sa kantina. Nasa bandang hulihan ng pila
si Paolo. Kung ikaw si Paolo, ano ang gagawin mo?
a. Hindi na pipila at titiisin na lamang ang gutom.
b. Sisingit sa bandang gitna ng pila para mapabilis.
c. Magtitiis na pumila hanggang sa makaabot sa unahan.
d. Pupunta sa unahan ng pila at makikiusap na paunahin siya.
33. Tuwang-tuwa ka dahil pinasalubungan ka ng tatay ng isang kahong “loombands.” Itinago mo
ito bago pumasok sa paaralan. Pagdating mo sa bahay, nakakalat ang mga ito at ang iba ay
itinapon ng iyong nakababatang kapatid. Ano ang gagawin mo?
a. Mag-iiyak ako.
b. Aawayin ko ang aking kapatid.
c. Magtitimpi ako at iaayos ang natitirang “loombands.”
d. Sasabihin ko sa tatay na paluin ang aking kapatid.
34. Isinama ka ng iyong nanay sa palengke. Marami kayong pinamili kaya’t kailangan kang
magbibit ng mabigat na bayong. Ano ang dapat mong gawin?
a. Tutulungan ko ang aking ina. Kukunin ko yung bayong na may pinaka kaunti ang laman at
siyang dadalhin ko.
b. Tutulungan ko ang aking nanay, ako na ang magdadala ng bayong na kaya kong buhatin.
c. Sasabihin ko sa kaniya na umupa kami ng ibang tao na bubuhat nito.
d. Sisibangot ako at magagalit upang hindi na niya ako pagbuhatin ng bayong.

35. Pista sa inyong lugar. Kinausap ka ng inyong punong barangay na sumali sa paligsahan sa
plasa. Alam niyang magaling kang sumayaw at kumanta pero nahihiya ka. Ano ang magiging pasya
mo?
a. Tatanggihan ko ito at sasabihin iba na lamang ang pasalihin dito.
b. Tatanggihan ko ito at sasabihing hindi ko ito kayang gawin.
c. Tatanggapin ko ang alok ng aming punong barangay at maghahanda sa araw ng
patimpalak.
d. Hindi ko papansinin ang alok ng aming punong barangay.
Para sa bilang 36-40, tukuyin ang mga sumusunod na gawain.
36. Matiyaga kong tinapos ang aking takdang-aralin kahit inaantok na ako.
a. tama b. mali c. medyo d. hindi matukoy
37. Kahit alam kong mapapagalitan ako ni nanay, sinabi ko pa rin na ako ang nakabasag ng
pinggan.
a. tama b. mali c. medyo d. hindi matukoy
38. Hindi ko inaway ang aking kamag-aral nang matapunan niya ng sopas ang aking kuwaderno.
a. tama b. mali c. medyo d. hindi matukoy

39. Sinulatan ng bunso kong kapatid ang aking kuwaderno. Inaaway ko siya at sinaktan.
a. tama b. mali c. medyo d. hindi matukoy
40. Nainis ako nang sabihin sa akin ng aking guro na hindi masyadong maganda ang isinulat kong
talata.
a. tama b. mali c. medyo d. hindi matukoy

You might also like