You are on page 1of 2

If there are benefits there are also potential harms.

The first reason that children should not be given Paper


Works is that they need time to relax and take their minds off work. The pressure of having to complete
homework every night is quite daunting for most children and they need time to refresh their minds and
bodies. Secondly, it reduces the amount of time that children could be spending with their families. Family
time is especially important to a growing child and without it social problems cheating because children end
up copying off one another in an attempt to finish all their assignments. They then end up being rewarded
for cheating which doesn't benefit them at all. And finally, a lot of teachers don't often have the time to grade
papers properly as they are too busy with designing lesson plans and consulting teaching resources in
order to just manage lessons. So by the time students are getting their papers back, the class has moved
on to a new topic.

https://www.academia.edu/16899254/Too_much_paper_works._Affect_to_the_pupils_learning?auto=dow
nload

At ayon kay Hedge (2002), ang pagsulat ay hindi lamang isang simpleng paraan ng pagsasalin ng
wika sa pasulat na simbolo, ito ay isang proseso ng pag-iisip. Ito ay nangangailangan ng intelektwal na
pagsisikap na dapat na mapanatili sa isang takdang panahon. Sapagkat ang kabisaan sa wika ay hindi
sapat upang mapadali ang pagsulat bagkus dapat ang pangkognitibong kasanayan.

Ayon kay Badayos (2001), isang kompleks na kasanayan ang pagsulat sapagkat kailangan ng
isang manunulat ng sapat na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa pagbuo ng sulatin. At ayon sa kanya
ang kalagayan o kultura sa ating paaralan ay maaring makalikha ng mga di makatwirang pagpipilit ng mga
metodo sa mabisang pagsusulat. Ilan sa mga ito ang pagtatakda ng bilang ng pormal at di pormal na sulatin
para sa isang takdang panahon na hindi man lamang isinasaalang-
alang ang abilidad ng isang klase o pangkat. Nariyan pa ang estratehiyang “write-to-a-title-approach” at iba
pang gawi na totoo namang pinaglumaan na ng panahon.

Binigyang pansin ni White (2004) ang ating utak ay hindi lamang nakatuon sa mga salitang
nakalista at nakalinya. Dumadaan sa proseso ng pagpili na nagaganap sa ating isip sa hanay ng mga
salitang makikita sa talumpati at napapanahong papel. Ang ganitong kalagayan ay ang pagdaan ng
manunulat sa mataas na yugto ng pag-iisip. Tulad ng kompyuter na naghahanap ng pinakaangkop ideya
at paksa sinusulat. Kapag ang manunulat ay nawawalan ng aktibong pakikibahagi ay magdudulot ng
kabiguan dahil ang nais na ideyang palutangin ay hindi matatamo. Samakatuwid, kailangan ng manunulat
na matamo ang yugto ng kamalayan. Ang paksa ay magiging “felt sense in a vague fussy feeling within the
body created by the images, words, ideas evoked by the topic”.

Marami ring bilang ng mga mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ng motibasyon
sa pagsulat at kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya. Ito ay bunga ng maling konsepto
at mahinang estratehiya sa pagtuturo ng pagsulat. Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat (Badayos, 1999).

Lumabas kwalitatibong pag-aaral ni Conception (2006) ang kabisaan ng paggamit ng proseso ng


pagdulog sa pagsulat. Mas mataas ang kalidad ng mga sulating nabubuo ng mag-aaral kung ginamitan
ng prosesong pagdulog ang mga ito. Napatunayan ding malaking tulong ang ganitong dulog sa paglinang
ng komprehensyon ng mga mag-aaral, lalo pa kung isinaalang-salang ang interes, kakayahan at istilo sa
pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa pag-aaral ni Ignacio at Concepcion ay pinatutunayang ang process approach ay mabisang


pagdulog upang makamit ang inaasahang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa lahat ng antas
maging kahinaan at kalakasan ng bawat mag-aaral sa pagsulat. Ito ay mabisang gabay sa mga mag-aaral
sa pagsulat at pagtuturo ng mga guro.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Onozawa (2000) na pinamagatang “The Use of Process Approach : A


suggestion for an eclectic writing” tinalakay niya ang paggamit ng process approach ay may kabutihang
dulot. Ang pagkakaroon ng sapat na panahon ng mga mag-aaral sa pagbuo ng komposisyon ay
nakatutulong sa paghubog sa kanilang kakayahan sa pagsulat. Ang tatlong prosesong pinagdaanan ng
mga mag-aaral sa pagsulat ay malaking tulong upang mapagbuti at mapino ang paggamit ng wika
sapagkat ang mag-aaral ang gagamit at lilikha ng mga salitang aangkop sa nilalaman at mensahe ng
kanilang sulatin. Ang pagbibigay puna sa kanilang sulatin ay nabibigyang-halaga sa saloobin ng mag-
aaral. Karagdagan pa,aniya, ang istratehiyang ito ay nakabubuti sa mga mag-aaral dahil sa iba’t ibang
gawain na nakakatulong sa paglinang ng kakayahan sa paggamit ng wika at ang paggamit ng teknik na
“conferencing”.

Ayon kina Owocki at Goodman (1997), mas mabisa ang pagkatuto sa pagsulat kung ang mga
mag-aaral ay binibigyan ng sapat na panahong makapagsulat; pinaliliwanagan na ang pagsulat ay
nangangahulugan ng eksperimentasyon sa gamit ng wika, pagsubok ng mga bagong ideya, at isang
gawain ng paglikha; at binibigyan ng angkop na kasangkapan at espasyong makatutulong sa mas mabilis
at epektibong paglinang ng kasanayan sa pagsulat.

You might also like