Professional Documents
Culture Documents
Untitled
Untitled
"
Napahinto ako sa paggawa ng lesson plan nang magsalita si Renee. May one-on-one tutorial kami kasi
hindi s'ya nakakasabay sa klase ko.
"Okay naman ito. Ang galing mo nga eh. Bakit pag sa klase, hindi mo makuha kuha ang sagot?"
"Eh, nahihiya po ako, Ma'am. Alangan po ako sa mga kaklase ko kasi lahat sila may may kaya at
mayaman. Ako po eh kasing hirap ng daga. Kahit po hindi nila sabihin ay nababahuan at nadudumihan
sila sa'kin. Hindi nalang po ako kumikibo at nagkukunwaring hindi nag-eexist."
Napabuntong-hininga ako sa sinabing iyon ng bata. Napapansin ko nga na alangan s'ya sa mga kaklase
n'ya at hindi s'ya palakibo. Pero hindi naman yun dahilan para hindi s'ya magsumikap mag-aral.
"Renee, di ba nag-usap na tayo? Hindi ka ni-jajudge ng mga kaklase mo. Tanggap ka nila. Alam mo
namang pantay-pantay lang kayo sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan na ito, diba? Magaling at
matalino ka. Wag mo 'yang itago dahil lang sa nahihiya ka, okay? Suportado ka naman ng lahat."
Napayuko nalang sa Renee at tumango. Alam kong mahirap pero tutulungan ko sy'ang makihalubilo sa
mga kaklase n'ya at magkaroon ng tiwala sa sarili. Tutal, trabaho ko naman iyon. Nagpaalam na si Renee
na uuwi dahil maghahanap pa raw s'ya ng pwede n'yang makain. Naawa naman ako kaya binigyan ko ng
perang pambili n'ya ng pagkain. Isinara ko na ang room ko at naghanda na akong umuwi.
Tiningnan nya lang ako at parang maiiyak na ulit. At hindi nga ako nagkamali dahil umiyak sya nang
pagkalakas lakas! Nagsilingunan ang mga taong dumaraan.
"Hala, bata wag kang umiyak. Hindi naman kita inaano. Sige, hindi na kita tatanungin. Aalis nalang ako."
At mas lalong lumakas ang palahaw nya. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya binuhat ko nalang sya at
dinala sa pinakamalapit na presinto.
"Waaahhhh!! Gusto ko si Daddy! Daddy!", palahaw ng bata. Hindi naman ako magkandaugaga sa
pagpatahan sa kanya. "Hala, nako. Wag ng umiyak baby. Mahahanap ka naman ng Daddy mo."
"Ma'am, confirmed po. May naghahanap nga sa batang yan at papunta na siya ngayon dito", sabi ng
police officer na pinagtanungan ko.
Nakahinga ako nang maluwang at medyo humina nga ang iyak ng bata. Siguro'y naintindihan ang sinabi
ng pulis.