Aming Diyos na makapangyarihan sa lahat, pinupuri ka po namin at
pinasasalamatan, Panginoon salamat po sa araw na ito at kami po ay nagtagpo sa
dakong ito, nagpapasalamat po kame sa buhay at kalakasan na ipinagkaloob nyo po sa bawat isa, salamat sa magandang panahon, at salamat din po sa mga magulang, kapatid, kaibigan at pamilya ng bawat estudyante na sumusuporta sa kanila patuloy nyo po silang daluyan ng pagpapala, bigyan ng kalakasan sa bawat araw, humihingi nga po kame ng kapatawaran sa aming mga naging pagkukulang at pagkakasala na hindi nakalulugod sa pangalan mo, Panginoon inilalapit po naming ang araw na ito na maging pagpapala sa bawat isa na naririto, tulungan at samahan nyo po kame upang maisagawa naming ng maayos ang ceremony na ito, dahil Panginoon, wala po kameng magagawa ng hiwalay ka sa aming buhay, Panginoon bigyan mo po kame ng sapat na kaalaman at malawak na pang unawa upang maunawaan po naming ang bawat bahagi ng programang ito ay para sa ikauunlad ng mga mag aaral sa paaralan ng EJIST, itinataas po naming ang lahat ng ito, sayo Panginoon ang pinaka mataas na papuri at pasasalamat. Sa matamis na pangalan ni Hesus na ating panginoon at tagapag ligtas Amen.