You are on page 1of 22

I.

Sanligan
a. Canal de la Reina
b. Liwayway A. Arceo
c. Ateneo de Manila University Press
II. Buod

KABANATA 1: PANIMULA
Nagtungo si Caridad kasama ang kanyang pamilya sa Canal de la Reina kung
saan siya isinilang at lumaki. Madalas niyang ikuwento sa kanyang mga anak na
sina Leni at Junior ang nasabing lugar, kung gaano ito kaganda at kalinis, ngunit
kabaligtaran ang kanilang nadatnan nang sila’y makarating. Nag-alinlangan si
Caridad dahil bukod sa pangalan ng kalye ay wala nang ibang bakas ng dating
lugar ang kanilang nakikita. Isang malawak na putik na puno ng basura at dikit-
dikit na bahay ang naroroon at mga batang nakayapak at walang damit pang-itaas
na nagtatakbuhan sa kabila ng putik at dumi. Naiwan sa loob ng kotse si Salvador
at ang kanilang panganay, sa labas ay sinalubong si Caridad at si Junior ng mga
tambay kung saan sila ay inalok na tumawid sa tulay na kahoy sa halagang diyes
sentimos. Nang marating na nila ang kanilang pakay, laking gulat ni Caridad ng
makita niya na may nakatayong bahay sa kanyang lupa at higit sa lahat isang
Nyora Tentay ang nagsasabing siya ang may-ari nito.

KABANATA 2: ALAALA
Hindi malaman ni Caridad ang kanyang mararamdaman sa muling pagbabalik niya
sa kanilang lugar, magkahalong lungkot at galit dahil sa kanyang mga nalaman.
Habang naglalakad pabalik sa kanilang kotse, muling niyang sinariwa ang
kanyang kabataan kung saan sa mismong ilog na burak at basura na kanilang
nilalakaran ngayon ay ang dating Cana de la Reina kung saan sila nagpapaagos
ng bangkang papel ng kanyang ate. Hindi sana nila lilisanin ang lugar kung hindi
dahil sa sunog na tumupok sa maraming bahay kabilang na ang sa kanila noon,
bago ang ikalawang digmaang pandaigdig. Hindi raw kaya ng kanyang ina na
makita pa ang lugar dahil naging abo ang lahat ng kanilang naipundar. Nang
makarating sa kotse, hindi na mapigilan ni Caridad ang kanyang luha. Hindi niya
matanggap ang panloloko sa kanila ni Osyong, ang pagbebenta nito ng kanilang
lupa nang hindi niya man laman nalalaman. Katiwala na nang pamilya ni Caridad
mula pa sa lolo ni Osyong, kaya’t hindi siya nangangamba nang ipagkatiwala niya
dito ang kaniyang lupa nang tumira sila sa lugar kung saan nadistino ang asawang
si Salvador.

KABANATA 3: LINTA
Nakadama ng nerbiyos si Nyora Tentay nang may humintong dyip sa harapan ng
kanyang bahay. Dumalas ang pagiging nerbiyosa niya simula ng dumating si
Caridad Reynante de los Angeles. Nakahinga ng maluwag si Nyora Tentay nang
makitang si Doro-- taga-singil ng mga pautang ni Nyora Tentay lamang ang
dumating. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay naikwento ni Nyora Tentay
na may dumating sa kanilang lugar na nagsasabing siya ang may-ari ng lupa na
kinumpirma ni Doro na siyang totoong may-ari ng lupa. Sinabi ni Doro na
tutulungan niya si Nyora Tentay basta’t wag lamang siyang pababayaan nito.

KABANATA 4: SALU-SALO
Dahil kaarawan ni Leni nagkaroon ng paghahanda ang kanilang pamilya, namili
sila ng mga sa sangkap sa palengke. Masaya silang nagkukwnetuhan habang
naghahanda sa kanilang kusina kasama si Inyang, ang kanilang katulong. Si
Caridad ang naghanda ng mga ulam na medaling lutuin katulad ng sugpo at
alimango at sina Leni naman at Inyang ang naghahanda ng mga fruit salad.
Habang nagkukuwentuhan ay biglang sumagi sa usapan ang isyu ng kanilang
lupain sa Canal dela Reina na siyang nagpalungkot sa kanilang usapan, tumawag
sa telepono ang asawa ni caridad na si Salvador at ibinalitang may nakuha na
siyang abogado at dala na niya mga tunay na titulo ng lupa at resibo ng buwis nito
at pauwi na sila upang abutan ang kaarawan ni Leni. Dumating ang mga bisita ni
Leni at dumating din ang kapatid nitong si Junior na may dala ring mga kaibigan
na kung saan ikinagulat ng nanay nilang si Caridad dahil may kasama itong
babaeng may mas maikling buhok pa kay Junior at naka maong at T-shirt lang.
KABANATA 5: MAKABAGO
Hindi mapalagay ang loob ni Caridad sa pagdala ni Junior ng babae sa kanilang
bahay, laging sumasagi sa isip niya kung anu ang ginagawa nin junior sa taas
hanggang sa hindi na siya makapag pigil at pinuntuhan niya ito sa taas ngunit ng
makita palang niyang nakahiga ang babae sa kama ni Junior ay hindi na ito
nagtuloy pa. Hindi niya mapigil ang silakbo ng kanyang dibdib sa pangambang
baka mabuntis ni Junior ang babae at siya ang iturong ama nito , panay ang tanong
ni Caridad kina Leni at Inyang kung bakit may ganung babae na sa mundo at bakit
ito pinayagang sumama sa grupo ng mga lalaki ng kanilang mga ina. Nang
makaalis na ang mga panauhin ni Leni at mga kaibigan ni Junior nag-usap sina
Caridad, Junior at Leni sa sala. Hindi mapigilan ni Caridad ang galit nito at
pabulyaw niyang tinanong si Junior kung bakit ito nagsama ng babae sa bahay at
ipinaliwanag naman ni Junior na kasintahan iyon ng kaibigan niyang nakasalamin
at hindi niya raw “type” ang babae. Habang nakahiga na sa kanyang kama si
Caridad biglang sumagi na naman sa kanyang isipan ang Canal dela Reina at
napanaginipan nito si Nyora Tentay at si Maring na nagtatalo.

KABANATA 6: PAKIKIPAGTUNGGALI
May mga pumuntang taga munisipyo kana Nyora Tentay upang magsagawa ng
pagsukat at pagmamasid sa loteng sinasabi niyang kanyang pagmamay-ari.
Tiningnan ng puno ng mga pumunta ang papeles na hawak ni Nyora Tentay,
napatango na lamang ng sinabi ni Tentay na sa kanya ang lupang iyon. Naghanda
ng maiinom sina Nyora Tentay at hindi basta-bastang inumin lang iyon kundi isang
wiski, nilabas din nila yung sitsarong baboy na buhat sa bukawi pa. Sinabi rin
niyang hindi niya basta-bastang dinudulot sa mga bisita ang sitsaron. Nang
matapos na ang pagsusukat sa lupa ay nag-inuman na ang mga nagispagpunta,
at tinanong ni Nyora Tentay kung bakit ngayon lang plinanong sukatin ang lupa.
Sinabe naman ng puno sa mga nagsipagpunta na nais nang palayasin ang mga
eskwater sa lupa at abisuhan sila na unti-unti nang natakpan ang Canal dela Reina
na maaring magdulot ng biglaan at malakas na pagbaha kung sakaling bumagyo
ngunit sabi naman ni Nyora na sanay na sila rito at hindi paalisin ng Congressman
ang mga eskwater dahil malaking tulong ang mga ito sa halalan dahil ilang libo din
ang mga ito. Nang maaubos na ang inilabas na wiski ay nag-alok pa ulit si Nyora
ng isa pang bote ngunit tumanggi na ang Puno ng grupo dahil baka mawili daw
sila.

KABANATA 7: DAIGDIG NG PAGDARAHOP


Si Leni, isang manggagamot na nagsisimula pa lamang sanayin ang sarili na
makasaksihan ang mga huling sandali ng isang yumao ay kilabot na kilabot nang
mamatay ang pasyenteng si Paz. Hiniling niyang makausap ang social worker na
nagdala sa namatay na si Paz at nalaman niya mula rito na talagang walang-wala
sa buhay si Paz. Namatay si Paz dahil sa panganganak sa tulong ng isang
manghihilot kung saan naipit ang bata kaya namatay din ito. Ayon sa social worker
ay pinilit lamang daw niya ang asawa nito upang dalahin ito sa ospital dahil kahit
pamasahe ay wala sila. Sa pagkuwento ng social worker ay nalaman ni Leni ang
tungkol sa tinatawag na Nyora Tentay—ang nag-iisang may hawak ng pera sa
kanilang lugar na tinatangkilik naman ng tao dahil walang makapitan.

KABANATA 8: PAGKAPIT SA PATALIM


Napunta ang kwento kay Nyora Tentay habang pinapanuod nito ang pagkakabit
ng tarapal na magiging bagong pagkakakitaan niya—sa lamay ni Paz. Si Dado,
na asawa ni Paz ay humingi sa kanya ng tulong upang matubos niya ang asawa
sa ospital at maserbisyuhan ng punerarya. Sa panggigipit ni Nyora Tentay ay
nakipagkasundo siya sa uno-singkwenta na hulog araw-araw at alang-alang kay
Paz ay pumayag si Dado. Sa lamay ay isang Misis Gracia ang dumating, kinausap
nito si Dado na malapit palang kaibigan ng kanyang asawa. Sa kanilang
pagkukwentuhan ay nabanggit ni Dado na ang suot na damit ni Paz ay ang damit
na galing kay Misis Gracia na binibiro ni Paz na susuotin niya kapag siya’y
namatay. Napagalaman sa kabanata na si Misis Gracia ay dating asawa ng anak
ni Nyora Tentay. Ngunit naghiwalay ang dalawang ito dahil na din sa matanda.
Agad na umalis si Misis Gracia at nagbilin kay Dado na huwag mahiyang lumapit
sa kanya kapag kailangan niya ng tulong, inabutan niya sa huli si Dado ng isang
daan at nasambit ni Dado sa asawa na totoong mahal na mahal at hindi siya
nakakalimutan ni Misis Gracia. Nabaling ang kwento kay Caridad at Atty. Agulto
na nag-uusap tungkol sa asunto na isasampa nila laban kay Nyora Tentay. Ang
kanilang pag-uusap ay naputol nang tumunog ang telepono at isang Ingga ang
takot na takot na humihingi sa kanya ng tulong. Napagalaman ni Caridad na si
Ingga ay ang katulong ni Nyora Tentay. Naputol ang usapan nang mahuli ni Nyora
Tentay si Ingga na nakikipag-usap. Pilit pa ring inaalala ni Caridad kung sino nga
ba si Ingga. Malabo sa kanyang gunita ang larawan ng kanyang kausap.

KABANATA 9: INISASYON
Isang gabi, sa isang lansangan ay tinatanaw ni Junior si Bindoy. Nang magkita
sila, kipkip ni Bindoy ang ilang komiks na nakabalot sa makapal na papel at dala-
dala niya ito sa kanilang pag-alis. Kinakabahan si Junior. Marami na siyang
naririnig tungkol sa droga. Ang kanyang layunin sa pagpunta sa pook na iyon ay
upang magmasid-masid lamang sa paligid. Ni hindi siya nagpaalam kay Caridad
na kanyang ina na gagabihin siya. Pasikut-pasikot ang pinasok nila ni Bindoy. Mga
lagusang hindi niya makikita kahit araw. At iba ang amoy ng mga ito. Ang pinasok
nila ay walang iniwan sa isang kubakob. Nasa harapan pa lamang sila ay
nalanghap na niya ang masangsang na amoy na tulad ng sa pamatay ng lamok.

KABANATA 10: INISASYON 2


Hiliong hilo at namamnhid ang buong katawan ni Junior ngunit pinipilit parin niyang
makatayo. Tila nangangapal din ang kanyang dila at hindi makapagsalita, nais na
lamang niyang makasakay ng taksi’t makaalis sa kanyang kinalalagayan. Sa
kabilang banda, nag-aalala sina Caridad at Salvador sa kanilang anak.
Pinangangabahan ng mag-asawa na sumama ito sa mga miting para sa student
activism o mangyari din kay Junior ang sinapit ng anak ng kasamahan ni Salvador
sa tanggapan na pinatay ng hindi pa nakikilalang lalaki dahil ito ay napagkamalan
lamang. Ang kanyang ina ay naratay dahil sa labis na pagdadalamhati dahil sa
pagkamatay ng kanilang walaong taong gulang na anak. Pinag-aalala din ni
Caridad na baka mag-asawa agad si Junior gaya ng nangyari sa kanilang kapit-
bahay na si Benjo. Maya maya pa’t tumawag si Dido upang ipaalam kina Salvador
na nasa kanilang bahay ang kanilang anak at nasa mabuti itong kalagayan.
Napagdesisyunan na lamang ng mag-asawa na sunduin na lamang si Junior
kinaumagahan upang makapagpasalamat na rin sila sa mga magulang ni Dido.
Pagkarating ni Salavador ay agad pinaalam ng ina ni Dido ang nangyari. May
nagpainom di umano kay Junior ng alak na may halong droga o tila lason kung
kayat ito ay sobrang nahilo, nasusuka, namumutla at namamanhid ang buong
katawan. Labis ang paghingi ng paumanhin ni Junior sa kaniyang mga magulang.
Imbis na magalit si Caridad pag-aalala ang mamutawi sa kanyang saril para sa
anak. Inalalayan niya itong makapunta sa kaniyang kwarto at makapagpahinga.
Nais ng mag-asawa na ipapahuli ang gumawa nito sa kanilang anak ngunit wala
silang sapat na imbedensya. Pinaghihinalaan nila si Nyora Tentay ang nasa likod
ng mga nangyari kay Junior.

KABANATA 11: PAGKAMULAT


Nag-usap sa salas sina Junior at Caridad tungkol sa nangyari. Nagkwento siya ng
kaniyang nausisa na may malaking aso si Nyora Tentay. Ayon kay Bindoy na
tauhan ni Nyora Tentay, si Nyora mismo ang nagpapakainin at napapakain dito
upang hindi malason ng iba. Natuklasan ni Junior mula sa taksi drayber na
kanyang nasakyan na protektado ang Canal de la Reina ng dalawang pulis kaya
mahihirapan din sila na kasuhan ang nagpainom kay Junior. Habang
nagpapahinga siya nagbalik sa kanyang ala ala ang kaniyang kaibigan na si Elmo.
Naging kamag-aral niya ito nung nag-aral siya sa isang ekslusibong paaralang
panglalaki at ito ay nagtuturo ng katesismo sa mga pampublikong paaralan. Nung
sila ay nasa huling taon na sa hayskul napasama sila sa pulong na tumatalakay
sa mga totoong isyu sa lipunan. Sumama si Junior kay Elmo sa isang
demostrasyon at tumulong sila sa paggawa ng paper mache na tumutuglisa kay
Marcos. Gaya rin ng mga ibang demostrasyon nagkaroon ng kaguluhan at isa si
Elmo sa naabutan ng mga pulis at binawian siya ng buhay. Dahil sa kaninong
pangayayri inilipat si Junior nila Caridad ng paaralan. Sa kabilang band nag-usap
sina Vic at Leni sa Teresa. Kinagalak ni Vic na hindi na depress si Leni sa
pagkamatay ng kanyang paseyente na napalapit sa kanya. Hindi sila
nagkaintindihan sa kanilang pag-uusap tungkol sa kaso at agad umalis na lamang
si Vic.

KABANATA 12: BANTA NG SIGWA


Agad nanumbalik sa normal ang katawan ni Junior at nakabalik na rin ito sa
eskwela. Samantalang inilaan na lang ni Salvador ang kanyang isip sa usapin ng
lupa. Kinagabihan ibinalita ni Caridad sa kanyang asawa na tumawag si Nyora
Tentay at nais silang makausap tungkol sa usapin ng lupa. Nadismaya si Caridad
ng malalaman nito na nagbigay si Salvador sa sheriff upang magkaroon sila ng
laban sa kaso. Dahil sa umuusad na ang kaso at magkakaroon na sila ng hearing
nakaramdam naman ng takot si Nyora Tentay. Sandaling napaiyak siya dahil hindi
nya alam ang gagawin at baka mawala sa kanya ang lupang matagal na niyang
pag-aari. Nais niyang gawin testigo si Tisya ngunit ayon Victor mas maganda kung
magkakaroon na lamang sila ng abogado na magtatanggol sa kanila. Inimungkahi
ni Victor na ang ama na lamang ni Gracia ang dati niyang asawa ang kanilang
maging abogado. Nagdadalawang isip si Nyora Tentay dahil noon ay tututol na
tututol siya sa pag iibigan nila Victor at Gracia at dahil hindi matagalan ni Gracia
ang ugali ng matanda ay naghiwalay na lamang sila. Labis ang panghihinayang ni
Nyora Tentay dahil ang pamilya ni Gracia ngayon mayroon ng sariling bupete at
siya naman kilala na bilang mahusay na guro sa piano. Disididong disidio si Nyora
Tentay na ipaglaban ang kanilang lupa na kanilang piangkakabuhayan

KABANATA 13: UNANG SENYAL


Isa sa mga mannanggol sa tanggapan ng kinatawan ng kanilang distrito ang
kinasundo ni Nyora Tentay upang humawak sa kanyang kaso. Bantulot si Attorney
Peña sa pagtanggap ng kaso. Sinabi ni Attorney Peña na matagal na niyang
pinag-aaralan ang usapin sa lupang iyon gawa ng mga nakatirik na bahay ng mga
iskwater dahil nahahalangan ang tubig. Nilagyan ni Nyora Tentay ng sobreng may
lamang pera si Attorney Peña sa bulsa nito. Agad naman itong tinanggap ng
abogado. Ngunit sinabi nito na hindi siya makatitiyak na maipanalo ang kaso ni
Nyora Tentay. Sinabi ng abogado na kapag lumapit sila sa piskal ay pag-uusapin
muna ang dalawang kampo upang tignan kung maaari pang maidaan sa mabuting
usapan ang kanilang gusot. Ito daw ay para din sa kanila dahil kapag nagka-areglo
ang dalawang grupo, ito nga naman ay menos gastos at hindi aksaya ng panahon.
Batid ni Nyora Tentay na hindi siya maipagtatanggol ng kanyang nakuhang
abogado kaya siya ay nanghinayang sa sobreng kanyang inilagay sa bulsa nito.
Ngunit bago ba matapos ang kanilang pag-uusap, inabutan pa niya ito ng wiski.

Hindi na nangingialam si Victor sa kaso ng kanyang ina sa kadahilanang ito ay


tutol din sa pagbili ng lupa ng kanyang ina sa iskwater na lugar. Nais nitong sa
subdibisyon sila bumili ng lupa at manirahan dahil ito daw ang higit na class sa
ibang bansa. Ang sabi naman ng Nyora Tentay ay hindi niya hahayaang mawala
sa kanya ang kanyang mga lupa dahil karamihan dito ay kanyang pinauupahan.
Malapit na niyang maangkin halos ang buong hilera ng lupain kaya ito daw ay
kanyang ipaglalaban. Ang buong mag-anak ni Caridad ay nagtungo sa piskalya sa
unang araw ng bista. Kahit ang kanyang mga anak ay lumiban sa kanilang mga
trabaho sa kadahilanang nais daw nilang Makita ang makapal na mukha ng Nyora
Tentay. Sinabi ni Caridad na hindi mahalaga kay Nyora Tentay ang kasiyahang
naidudulot ng pera sa kanya, kundi kung paano niya magagamit ang pera para
malamangan ang ibang tao. Iginiit ni Nyora Tentay na hindi ang mag-anak ni
Caridad ang pinagbilhan niya ng lupa kundi si Osyong, na kanyang isinaad na
patay na. Ngunit ito ay mahigpit na tinutulan ng abodago ni Caridad. Makalipas
ang ilang minuto ay lumapit si Leni kay Caridad at bumulong na may babae daw
na nais siyang makita at nag-aabang sa labas ng piskal. Ito daw ay nagngangalang
Gracia Montes.

KABANATA 14: IKALAWANG SENYAL


Hinayaan ni Caridad na makipagtalo ang kanyang abogado na si Attorney Agulto
at daliang lumabas ng bulwagan kasama ang kanyang anak na si Leni. Paglabas
nila ay nakita nila ang isang babaeng nasa loob ng kotseng Volkswagen na
nakabistidang itim at kumumpas na tila ay pinalalapit sila nito sa kanya.
Nagpakilala itong Gracia Montes at nagbigay ng calling card at sinabing kukunin
lang din daw niya ang numero ni Caridad. Halata sa babae ang pagmamadaling
umalis. Sinabi din nito na mapagkakatiwalaan siya kaya huwag daw silang mag-
alala. Binigay naman ni Caridad ang kanyang numero at agad nang nagmaneho
ang babae paalis.

Papasok na sana ulit ng bulwagan ang mag-ina nang makasalubong na nila ang
mga naiwan nila sa loob. Sinabi ni Salvador na magkakaroon pa daw ng
pangalawang hearing at pinasasagot ang kampo nila Nyora Tentay sa loob ng
sampung araw dahil maligalig daw ang kanilang kampo.

Nang makasakay na ang mag-anak ni Caridad sa kanilang kotse kasama si


Attorney Agulto, ay agad na ibinalita ni Caridad kay Salvador ang tungkol sa
babaeng lumapit sa kanila na nagsabing ito ay kanilang kakampi. Sinabi naman ni
Attorney Agulto at Salvador na kung sakaling umabot sa korte ang kaso ay maaari
nila itong maging witness kapag nagkataon.

Ang bahay ni Gracia Montes ay hindi gaanong kalakihan, sakto lamang para sa
kanilang dalawa ng kanyang anak. Kapansin-pansin ang malaking piano na nasa
gilid ng sala. Si Gracia ay nasa kanyang silid at kinuha ang kanyang telepono.
Kinuha at tinignan ang card na ibinigay sa kanya ni Caridad at agad na inikot ang
telepono. Makaraan ang tatlong timbre ay may sumagot na babae ngunit natitiyak
niyang hindi iyon si Caridad kaya hiniling niyang kung pwede niya itong makausap.
Pinaghintay siya at makalipas ang ilang minute ay narinig na niya ang boses ni
Caridad. Halata sa tinig ni Caridad ang pagkasabik na makausap si Gracia. Ang
sabi ni Gracia ay dadalaw siya sa bahay nila Caridad upang magkwento ng lubos.
Pumayag naman si Caridad. Nagpakilala ng lubusan si Gracia kay Caridad at
sinabi nito na naging malapit siya dati sa pamilya ni Nyora Tentay. Siya daw ay
dating naging manugang ni Nyora Tentay dahil naging asawa niya ang anak nitong
si Victor. Hindi raw niya nakayanan ang ugali ni Victor at ng kanyang ina kaya siya
ay nagpasyang makipaghiwalay na dito. Inakala daw ni Victor na hindi kakayanin
ni Grace ang mag-isa dahil sa kanilang anak at sinabi ni Victor na babalik at babalik
din siya sa kanya. Ngunit nagkamali daw si Victor dahil nakayanan ni Gracia na
buhayin mag-isa si Geronimo, ang kanilang anak, at napagtapos ng kursong
medisina. Kahit ayaw ni Gracia aminin sa iba, alam niya sa kanyang sarili na
talagang magkamukhang-magkamukha si Geronimo at Victor. Ngunit hindi daw ito
ang dahilan kung bakit hinayaan ni Grace na ang apelyidong gamitin ni Geronimo
ay ang sa kanyang ama. Sinabi ni Gracia na kahit ano man raw ang dalang
kamalasan ng apelyido ng kanyang ama ay mahihila naman daw ito ng pangalan
ng kanyang Lolo Geronimo.

Matapos makausap ni Gracia si Caridad sa telepono, lumabas na siya ng kanyang


silid at nadatnan niya ang kadarating pa lang na si Geronimo. Nang nasa hapag
kainan na sila, pilit na itinatago ni Gracia ang pagkasabik sa pagkukuwento sa
anak tungkol sa kanyang mga bagong kakilala. Sinabi niya na ang kanyang
bagong kakilala ay may dalagang anak. At ang dalagang ito ay nagkataon ding
isang doctor, katulad ni Geronimo.

KABANATA 15: UNOS


Habang nasa hapag kainan ang mag-inang Geronimo at Gracia, naalala ni
Geronimo ang kanyang ama na si Victor, nung minsan siya nitong puntahan sa
ospital na kanyang pinagtatrabahuhan. Nanginginig at nangangatal magsalita ang
binata sa unang beses nilang pagkikita ng ama. Wari ni Geronimo ay lubusan na
niyang nakilala ang kanyang ama na si Victor base sa mga ikinuwento sa kanya
ng kanyang ina kung bakit sila nito nagkahiwalay. Nung araw na nagkita sila at
nagkamayan sa ospital nila Geronimo ay agad nitong sinabi na hindi siya maaaring
magtagal na makipag-usap sa kanya dahil kailangan siya sa isang operasyon.
Hinabol siya ni Victor at akmang may iaabot ngunit siya ay nagmatigas at
tinalikuran ang ama. Bigla siyang natauhan at narinig muli ang kinukuwento ng
kanyang ina. Sinabi nito na dadalaw daw sila sa pamilya nila Caridad sa lalong
madaling panahon.

Malakas ang bagyo ng gabing iyon ngunit sinabi ni Leni kay Caridad na kailangan
niyang bumalik sa ospital nung gabi ding iyon. Bigla na lamang naalala ni Leni ang
dati niyang kabigan na si Vic nang dahil kay Geronimo. Si Leni at si Vic ay
bagama’t magkaibigan ay halatang may pagmamahal sa isa’t isa. Hindi sila
katulad ng ibang magkasintahan na nagpapakita at ipinaparamdam sa isa’t isa
ang kanilang pagmamahal. Ngunit sila naman ay nagkukuwentuhan ng mga
bagay-bagay na tungkol sa kanilang dalawa. Si Geronimo ay isang doktor para
sa mga bata at si Leni naman ay doktor sa Ob kaya madalas ay may pagkakataon
si Geronimo na dalawin itong si Leni. At dahil doon ay naging magkaibigan din sila.
Ngunit nagsabi si Vic na hindi niya gusto ang binatang si Geronimo na maging
kaibigan ni Leni at tila ito ay nagngingitngit sa tuwing naikukwento siya ni Leni sa
kanya.

Isang araw ay sinubukang mahuli ni Vic si Leni. Tinanong nito kung bakit hindi na
masyadong nagkukuwento si Leni ng tungkol kay Geronimo. Ngunit dahil sa
pagkasabik na magkuwento ay nasabi ni Leni na kahapon lamang ay dinalaw
siyang muli ni Geronimo sa kanilang ospital. Nagalit si Vic sa nalaman at tumaas
ang kanyang boses. Nabigla si Leni. Umalis na lamang bigla si Vic nang hindi pa
sila nagpapaalam sa isa’t isa. At pagkatapos ng pangyayaring iyon, sa tuwing
tatawag si Vic kay Leni ay hindi na niya ito sinasagot at hindi na niya ito binigyang-
pansin.

KABANATA 16: BAHA


Lalong lumakas ang buhos ng ulan at nagsisimula nang tumaas ang tubig.
Pagkahatid ni Salvador kay Leni sa ospital nang siya ay makauwi kasama si
Junior. Lubos na nagaalala si Caridad para sa kalagayan ni Leni dahil ito ay
malayo sa kanya. Nawalan na rin sila ng kuryente dahil sa patuloy na pagbuhos
ng ulan.
Sa kabilang dako naman, nagsisimula ng pumasok ang tubig sa bahay ni Nyora
Tentay. Galit na galit siya kay Ingga dahil sa kakuparan nitong kumilos nang bigla
niyang naalala ang kanyang anak na si Victor. Nakita niya ang pagbabago sa
anak. May isang pagkakataon na siniyasat niya ang anak ay sumagot ito ng
pabalang. Naiisip niya na kung kasama lamang nila ang anak, tiyak na
matutulungan sila at makakagawa ng paraan. Nagsimula rin dumugin ang bahay
ni Nyora Tentay ng kanilang mga kapitbahay na nais makisilong dahil natangay na
ang kanilang bahay ng baha. Nang sila ay hindi pinayagan ni Nyora Tentay ay
nagpumilit sila at binaklas nila ang pinto ng bahay ni Nyora Tentay na labag sa
kanyang loob. May malalakas na alon mula sa baha na tumangay sa bahay na
kabilang silang mga tao na nasa loob nito.

KABANATA 17: AMA AT ANAK


Nagising si Nyora Tentay na nawawala na ang kanyang isang hikaw na brilyantes
na nasa kanyang tainga pati na rin ang kanyang bayong na punung-puno ng
kanyang mga alahas at salapi. Nalaman na lamang niya na siya ay nasa rescue
center nang siya ay nilapitan ng nars at sinabi sa kanya na siya lamang ang
nasagip sa mga tao na mula pa sa Canal de la Reina. Patuloy niyang hinahanap
ang kanyang kasambahay na si Ingga pati na rin ang kanyang bayong.
Sa kabilang bahay naman ay nagpaalam si Junior na aalis upang tumulong sa
mga taong nasalanta sa mga kalapit-pook nila kasama ang kanyang kaibigan.
Ngunit, hindi siya pinayagan ni Caridad kaya’t sinubukan niya magpaalam sa
kanyang ama. Nagkaroon ng mahabang usapan ang ama at nagkalabasan ng
saloobin at hinanakit kasama pa rito ang pag-ugnay sa nakaraan. Sa bandang huli
ay nagdesisyon ang mag-asawa na payagan si Junior hindi lamang para
makatulong sa kapwa pero upang mahanap na rin ang nananawagan na si Ingga.

KABANATA 18: PAGKIKILALA


Dumaan muna sila sa ospital kung saan nakaduty ang kanyang ate Leni. Doon
nila nakita kung gaano kahirap ang sitwasyon sa labas at loob ng ospital.
Pagkatapos nila sa ospital ay dali-daling lumakad si Junior at ang kanyang
kaibigan sa rescue center na nakasulat sa papel na iniabot sa kanya ng kanyang
magulang bago umalis. Doon niya nakita si Ingga na bitbit-bitbit ang bayong na
hinahanap ni Nyora Tentay. Kinumbinsi ni Ingga na isama siya pabalik sa bahay
nila Junior dahil importante na makausap niya kaagad ang ina ni Junior.

KABANATA 19: LANGIT AT LUPA


Nagbago na ang pakiramdan ni Ingga ng mga sandaling iyon. Nakaramdam na
siya ng pag-asa. Kaibang-kaiba sa nararamdaman niya bago pa man dumating si
Junior. Sinariwa niya ang mga kaganapan ng natangay siya ng rumaragasang
baha. Laking pasasalamat niya ng may tumugon sa panawagan niya sa radyo sa
pamilya ni Caridad. Nagpumilit itong isama siya sa pag uwi ni Junior sa kanilang
tahanan sapagkat marami siyang nais sabihin kay Caridad. Umuwi si Junior na
kasama si Ingga. Pinaligo siya ng awang-awa na si Caridad at kinausap
pagkatapos. Ibinulalas ni Ingga ang lahat ng pasakit na dinanas niya at ipinakita
ang laman ng bayong na hindi naiwaglit sa kanya. Punong-puno ito ng alahas,
pera at mga dokumento na inagaw ni Ingga kay Nyora Tentay habang tinatangay
sila ng malakas na agos ng tubig. Minabuti munang payapayin at pagpahingahin
ni Caridad si Ingga upang gawin nila ang nararapat gawin.

KABANATA 20: SAGANDAAN


Pagkauwi ni Salvador ay guminhawa na ang kalooban ni Caridad.Tuwang tuwa
ang mag-asawa sapagkat ngayon lang nila nabatid at napatunayan ang pag
mamahal at kalinga nila sa isat-isa dulot ng mapinsalang bagyo. Maya maya pa
ay ikinuwento na ni Caridad ang pangyayari sa pagtatagpo nila ni Ingga.
Napagpasyahan nilang pahupain muna ang poot ni Ingga tsaka nila kausapin
upng maibalik ang ari-arian nito.

Hindi magkamayaw si Victor sa sinapit ng ina na walang ibang bukambibig kundi


ang bayong nito. Tila wala ito sa sarili kaya pumayag siyang turukan ito ng gamot
na pampatulog hindi niya maiwang sisihin ang sarili sa mga nangyari hindi niya
masikmura ang kaganapan sa loob ng “Rescue Center” kaya’t ibinalin ang tingin
sa pintuan. Hindi siya makapaniwala na masisilayan ang anak na si Gerry na hindi
siya napansin.

KABANATA 21: MALIIT ANG DAIGDIG


Si Geronimo ang isang doctor na kaibigan ni Leni. Isang araw may isang babae
na nakapagsilang ng isang sanggol, na dali daling tinulungan naman nila Leni
ang tinulungan nilang babae ay kasama sa mga nilikas galing sa baha kinausap
nila ang babae na matulog na ngunit ayaw matulog nito kahit nakailaang turok na
ng pangpatulog ayaw parin nito matulog, kaya minabuti muna ni Leni at
Geronimo na umalis sa kadahilanang kailangan nila pumunta ng senter ngunit
nagpasalamat si Geronimo dahil hindi pumilit sumama sa kanya si Leni. Si Victor
ay ama ni Geronimo na hindi niya mapapatawad sa mga ginawa nito. Si Nyora
Tentay ang kalaban ng kanyang ina sa kanilang lupa. May isang babae na
tinawag si Geronimo dahil nangagailangan ito ng tulong dahil ang kanyang anak
ay may sakit dali-dali naman ito tinulungan ni Geronimo dahil hindi makahinga at
tinawag niya si Leni upang tulungan nila habang nasa sasakyan sila may mga
sinabi si Geronimo na parang hindi ikinatuwa ni Leni dahil nga hindi niya agad
sinabi kay Leni ang totoo. Ayon kay Leni, tatay pa rin siya ni Geronimo kahit na
anong mangyari. Sabi naman ni Geronimo na mas nais niya pang tulungan ang
mga taong kapos sa pera, sapagkat kaya naman nila magbayad kahit magkano
pa.

KABANATA 22: PASIYA


Naghahanap ng ugat si Geronimo kung saan pwede masaksakan ng karayom
ang bata dahil kailangan niyang salinan ng dextrose ito, pero alalang alala ang
nanay ng bata dahil baka anong mangyari sa kanyang anak hinahawakan na
niya si Geronimo pero hindi nagpapigil ang doctor dahil alam naman niya ang
ginagawa niya. Pagtapos niyang maturukan ang bata ay kailangan na rin nyang
umuwi. Bago siya umuwi ay nagpaalam muna syia kay Leni. Napagusapan nila
si Nyora Tentay, kinukwento ni Geronimo sa kanyang ina na nasa mental ang
nanay ng tatay nya, sinabi naman ni Gracia na tama lang yun dahil masyado
silang mapagmataas. Ito’y dinugtungan pa ni Geronimo sa pagsabi na hindi sa
lahat ng oras ay nasa ibabaw ka babagsak at babagsak ka rin. Samatala, nag-
usapusap sila Junior, Ingga, Carridad at Salvador. Kinokonsensya nila si ingga
dahil nga siya ang kumuha ng bayong na may laman na mga alahas si Nyora.
Ngunit ang dalaga ay nanggagalaiti dahil nga sa masamang trato sa kanya ni
Nyora.
KABANATA 23: NILIKHA UKOL SA IBA
Si Junior ang nakapilit kay Ingga upang maibalik kay Nyora Tentay ang bayong
nito. Ngunit mas gusto parin ni Ingga na huwag na itong isauli pa kay Nyora
Tentay dahil gusto niya talagang makaganti rito ngunit sinabi sa kanya ni Caridad
na para na rin siyang nakaganti kay Nyora Tentay sa kung ano mang nangyari
sa matanda. Iniayos na ni Caridad ang mga gamit na nasa loob ng bayong.
Kanilang pinatuyo ang mga basang perang papel pati na rin ang mga
mahahalagang papeles na laman nito. Nilagay nila sa supot bago ilagay sa
paper bag. Nang paalis na si Junior at si Salvador nasabi bigla ni Junior na siya
ay natatakot at sinabi naman ni Salvador na normal lamang iyon dahil alam niya
kung ano talaga ang laman ng bayong. Nang makaalis sila Salvador at Junior ay
may taong dumating at nagpakilalang siya ay si Tisya. Inilahad ni Tisya ang
totoong nangyari sa pagbili ni Nyora Tentay nang kanilang lupa sa Canal de la
Reina. Kanyang sinabi na pinilit lamang ni Nyora Tentay si Osyong na ibenta ang
lupa para mawala na ang utang nito kay Nyora Tentay. Hindi napigilan ni Ingga
na hindi sumabat sa pinaguusapan nila dahil alam na alam ni Ingga ang ganoong
sistema na ginagawa ni Nyora Tentay sa lahat ng tao na may utang sa kanya.
Mas lalong naging sakitin si Nyora Tentay dahil lalo siyang namumutla sa bawat
araw na lumilipas kakahanap niya sa kanyang nawawalang bayong. Walang
magawa ang mga nurse sa ospital kung hindi ay turukan nang pampatulog si
Nyora Tentay dahil hindi nila ito mapakalma at hindi rin ito makatulog. Dumating
naman si Junior kung nasaan si Nyora Tentay at siya ay hinarap ni Victor.

KABANATA 24: SUMBAT


Ipinakita ni Junior ang laman ng paper bag na dala niya. Nakita ni Victor na ito
ang bayong na matagal ng hinahanap ni Nyora Tentay. Tuwang-tuwa si Victor na
naibalik na ang bayong ng kanyang ina na maaring makapagpagaling sa
matanda. Inabutan ni Victor si Junior ng anim na lilimampung salaping papel
ngunit ito’y tinanggihan ni Junior. Siya’y paalis na nang naalalang kunin ni Victor
ang pangalan ng taong nagbalik ng bayong at sinabi ni Junior na siya ay anak ni
Salvador de los Angeles. Dahil sa ginawa ni Junior ay napaisip si Victor na
naturuan sila ng leksyon dahil doon. Sa kabila ng pagkakagalit ng kanilang
pamilya dahil sa lupa ay nagmagandang loob pa rin ang mga De los Angeles sa
kanila. Pumunta si Junior sa ospital na pinapasukan ni Leni at ibinalita niyang
hindi niya tinanggap ang binibigay nitong salapi na katumbas sa kabutihang loob
na ginawa niya. Kasama niya doon si Leni at si Gerry na apo ni Nyora Tentay. At
nakibalita si Leni kay Junior tungkol sa kanilang mga magulang. Ayaw na ayaw
ni Leni na nagtatanim ng galit si Gerry sa kanyang lola at ama. Sila’y nagusap at
mukhang nahimasmasan si Gerry na balak na niyang makipagusap sa kanyang
ama ngunit pinipigil siya ng kanyang loob na maaring hindi pa ito matanggap ng
kanyang ina.

KABANATA 25: SAAN SA KAHAPON


Ibinigay ni Junior kay Caridad ang maliit na papel upang maging resibo para
maging isang patunay na tinanggap ni Victor ang bayong. Nais ni Caridad na
bumuti ang lagay ng ina ni Victor kahit na marami ang galit dito. Naligo at kumain
lamang si Junior upang gumayak at bumalik sa himpilang panaklolo na
kinatatalagahan niya. Naglalaro sa kanyang isip ang napakaraming bagay na
dapat gawin upang makatulong sa mga kababayang nasalanta at nawalang ng
ari-arian. Nakipag-usap si Victor sa manggagamot tungkol sa kaniyang ina at
parang nawawaln ng pag-asa dahil walang pagbubuting nagaganap sa
kalagayan nito.Ngunit sinabi ng manggagamot na ipakita lamang ang bayong at
sikapin lamang na kausapin ang kaniyang ina. At unti-unting nagpakita ng
pagbabago si Nyora Tentay.

KABANATA 26: MASIKIP SA TATLO ANG MUNDO


Unti-unti nang nagbalik sa dating kalagayan ang bagay-bagay, kabilang ang
pagharap ni Geronimo sa sariling klinika. Nang tumigil si Leni sa pagsama sa
mga kusang-loob na manggagamot sa mga himpilang panaklolo ay tumigil na rin
si Geronimo. Habang nagbabasa ng aklat pangmedisina, ginambala siya ng
marahang katok at pumasok sa pinto ang kaniyang ina.Sasabihin na ni
Geronimo ang kanilang lagay ni Leni at natigilan ang kaniyang ina. Hindi ito
nagbigay ng simbolong pagsang-ayon o hindi. Nagtungo sa silid-pahingahan si
Gracia. Nagpasya nang umuwi si Gerry (Geronimo) ng sabihin ng kaniyang nars
na may nais kumausap sa kaniya. Nang magtungo siya sa kaniyang tanggapan
ay nandoon ang kanyang tinawag na ina at nais daw siya nito makausap.

KABANATA 27: SA PINTUAN


Nag-uusap ang mag-inang si Gracia at Geronimo. Nabanggit nito na si Victor,
ang kanyang asawa ang siyang may dahilan ng kanilang pag-hihiwalay dahil sa
walang hindi pagtimbang ni Victor sa kanyang ina at asawa kung sino ang dapat
piliin at pakinggan, ngunit nilinaw ni Geronimo na ang kanyang ina naman ang
siyang nagpawalang bisa ng kasal nila dahil sa paglalayong pipiliin siya ni Victor
at hindi ang Ina nitong si Nyora Tentay. Samantalang si Nyora Tentay naman ay
nasa Clinic at nagpapagaling, dito ay pikon na pikon ito dahil sa pagtatanong ng
mangggamot sa kanya kung kanino ba ang bayong at ano ang kinalaman niya
dito, at patuloy naman sa pagsagot ng “akin iyon”, bagay na ikinainis ni Nyora
Tentay. Pinatulog siya ng doctor at sa kaniyang pag-gising ay muli sa kanyang
itinanong ng nars ang tungkol sa bayong, na siyang bilin ng doctor. Doon ay unti
niyang inalala ang kanyang kaugnayan sa bayong. Matapos ay nag-punta si
victor sa bahay ng kanyang asawa at at kanyang anak isang araw matapos
silang kumain ng hapunan sa labas.

KABANATA 28: PAGSUKO


Nagpunta nga si Victor sa bahay ni Gracia, sa pagnanais ni Gracia na ito ay ang
kanyang Ama dahil sa pag-papasabi ni Victor sa utusan na siya ay isang kamag-
anak. Nilabas ito ni Gracia at sa hindi inaasahan ay ito ang kanyang dating
asawa, bagay na ikinagulat dahil sa unang pagdalaw nito rito. Pinapasok niya ito
at nag-usap ng bahagya at nagtungo na si Victor sa pook na binaha, pook na
dati nilang tirahan. Dito ay muli niyang nakita ang mga tao, mga taong halos
hindi niya na makilala dahil sa masidhing pagbabago. Napag-alam din ni Victor
kung sino sino man ang mga namatay sa pagbaha. At sa di inaasahan ay
napawalang kibo na lamang si Victor sa lahat ng narinig tungkol sa mga tao, at
sa mga nangyari sa kanilang mga mahal sa buhay.

KABANATA 29: PAPALAPIT NA WAKAS


Sa kagustuhang makita ang ina, hinanap siya ni Victor at natagpuan sa health
center. Doon ay ipinagtapat niya na gusto niyang magsarili at magkaroon ng
sariling bahay. Samantalang si Nyora Tentay naman ay hindi matigil sa pagsisi
kay Ingga dahil sa pagkawala ng kanyang mga alahas. Hindi pa man
nakakapagdesisyon ang korte ay batid na nila na panalo na ang pamilya de los
Angeles. Bagama’t binitiwan na ng abogado ni Nyora Tentay ang kaso nagpumilit
pa rin si Nyora Tentay na malitis ang kaso. Ngunit ang hatol ng lupa sa Canal Dela
Reina ay naipanalo nina Caridad at tinanggap ni Nyora Tentay ang kamalian. Ang
pamilya de los Angeles naman ay puno ng kasiyahan dahil sa pagpasa ni Leni sa
board exam. Doon ay nagpasya na si Gerry na mamanhikan kasama ang kanyang
ama na si Vic.

KABANATA 30: DITO BABANGON


Malugod na tinanggap nina Caridad at Salvador sina Vic at Gerry sa kanilang
tahanan. Binati naman agad ni Vic si Leni sa pagpasa sa board exam at sa
pagiging opisyal na doktora. Habang nag-uusap sa may sala, nakita ni Vic si Ingga.
Lubos naman itong kinatakot ni Ingga. Ipinagtapat na ni Caridad kay Vic na si
Ingga talaga ang nakakuha sa bayong ni Nyora Tentay. Gustong bawiin ni Vic si
Ingga upang ipaalam sa kanyang ina ang nangyari, ngunit ayaw na ni Ingga
na bumalik sa takot na magkagulo muli kaya’t madali siyang lumuwas.
Ipinagpaalam na ni Gerry ang pagpapakasal nila ni Leni, gayundin ang mga plano
nilang dalawa tulad ng pagpapatayo ng ospital sa kanilang bakuran. Dumating ang
araw ng kasal nina Gerry at Leni gayundin ang paglambot ng puso ni Gracia sa
dati niyang asawa na si Victor. Si Junior ang naatasan ng ina tungkol sa disenyo
ng ospital ng kanyang kapatid. Naisip ni Junior na ang magandang itayo roon ay
ang isang simbolo ng pagtindig ng isang bagong pamayanan na malaya. Ito’y
kanyang naisip dahil kinakailangan nila ng pagbabago at kinakailangan rin
magkaroon ng kahulugan ang lupang iyon hindi lamang bilang isang lupang
sinilangan ng kanilang ina kung hindi simbolo ng pagbabago.

III. Kahulugan ng Pamagat


Ang Canal de la Reina ay isang ilog na malinis noon at pinapalikuran ng mga bata
kasama na ang pangunahing karakter. Ngunit ngayon ay isang estero na kung
ituring dahil sa dami ng burak, water lily at mga dikit-dikit na bahay at barung-
barong na nakapaligid dito. Sa ilog na ito umiikot ang storya dahil ang tahanan ng
pangunahing karakter ay malapit lamang sa nasabing ilog. Ipinapakita rito na saksi
ang ilog sa lahat ng nangyari sa komunidad. Ito rin ay sumisimbolo sa bagong pag-
asa at simula.

IV. Pagpapahalaga at Nilalaman


a. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan
Ang makikitang kalagayang sosyal sa storya ay ang pagkakaroon ng
marangyang buhay ni Nyora Tentay. Habang ang kalagayang pangkabuhayan
naman ay ang patuloy na pagtrabaho ng mga taong nakapaligid sa ilog upang
makaraos sa hirap ng buhay. Si Nyora Tentay, Misis Gracia at Caridad ay
masasabing mga may-kaya sa buhay. Si Nyora Tentay na utangan ng mga
tao ay maraming negosyo. Si Misis Gracia ay maganda ang karera at si
Caridad na may kakayahang makakuha ng tagapagtanggol sa korte.

b. Kulturang Pilipino
Isa sa mga kulturang Pilipino na makikita sa libro ay ang panahon kung saan
noong tumaas na ang baha sa kanilang komyunidad, ang mga pamilya ay
agarang lumikas at nakisilong sa bahay ni Nyora Tentay. Masama man ang
kanilang ginawang panghihimasok ng walang pahintulot, ninais lamang ng mga
tao na isalba ang buhay ng kanilang pamilya lalong lalo na ang kanilang mga
anak. Ipinipapakita rito kung gaano kahalaga ang pamilya sa mga Pilipino.
Bukod dito makikita rin sa storya ang lamayan sa mga burol. Mga sugalan at
kapehan. Magkakaroon ng mahabang mesa sa ilalim ng trapal. At mapupuno
iyon ng nag-upong mga babae at lalaki, na hindi dumating upang dalawin ang
bangkay ni Paz. Hinid rin upang makiramay sa naulila. May bingo. May
domino. May baraha. Ngunit, meron din naming nakikiramay ng totoo katulad
ni Misis Gracia na nag-alok ng tulong kay Dado.

c. Pilosopiyang Pilipino
Isa sa mga pilosopiyang Pilipino na makikita sa storya ay sa pagkakataon na
nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Junior at ng kanyang mga magulang.
Ang pagtitiis o pagkapit sa patalim ng mga Pilipino para sa kanilang pamilya.
Katulad ni Dado na pumayag sa mahal na singil at patubo ni Nyora Tentay
alang-alang lamang sa kanyang asawa upang maserbisyuhan ito ng punerarya
at mapagsilbihan niya ito kahit sa huling pagkakataon.

V. Paraan ng Pagpapahayag
Ang mga teoryang ginamit sa storya ay:
 Realismo
Ang storya ay mahahalintulad sa tunay na buhay kung saan ipinapakita ang
kabilang estilo ng pamumuhay ng mga taong nakatira sa mga estero.
Makikita rin kasi rito ang tunay nakalagayan ng isang lipunan at ang pag-
uugali o reaksyon nito sa isangisyung napapanahon. Sa patuloy na “pag-
iisang kahig, isang tuka” ngkaramihan ng mga Pilipino, nahihirapan itong
paunlarin hindi lang ang kanyang bansa at lipunan kundi pati na rin ang
kanyang sarili.

 Simbolismo
Si Nyora Tentay ay sumisimbolo sa kapangyarihan. Siya ang hinihingian ng
tulong ng lahat ng tao sa Canal de la Reina at dahil dun nagagawa niya na
ang nais niya sa mga tao, ang panggigipit at pagmamaliit.
VI. Implikasyon
a. Kalagayang Panlipunan o Pambansa
Ang nobela ay naganap sa panahong 60’s-80’s dahil sa halaga ng
salaping nabanggit kung saan diyes sentimo lamang ang bayad sa
pagtawid sa tulay na kung sa kasalukuyan ay wala nang halaga. Ito rin ay
sumasalamin sa realidad ng buhay at mga totoong pangyayari sa lipunan.
Makikita dito ang malaking pagitan sa mga taong may kaya sa buhay at
mahihirap pati na rin ang mga problema ng lipunan. Walang hustisya na
makukuha ang mga mahihirap lalo na kung mayayaman ang nakatapat nito.
Karamihan ng mga mayayaman ay may ugnayan sa hukuman kung kaya’t
madali nilang nalulusutan o nareremedyohan ang kanilang mga kaso kaya
ang mga mahihirap ay nawawalan na ng pag-asa at kung minsan ay
nakakagawa na ng mga masasamang bagay. Gaya sa panahon ngayon,
ang lipunan ni Junior ay may nakaraming isyung kinakaharap tulad ng
korapsyon, hindi pantay ang binibigay na karapatan sa mga mahihirap at
mayayaman, kahirapan at hindi katanggap tanggap na paglulustay ng
kaban ng bayan. Maraming makikitang isyung-panlipunan sa nobela.
Hanggangsa ngayon ay nagaganap pa rin ito sa iba’t ibang panig ng ating
bansa. Maliitman o matataas na tao ay nasasangkot sa ganitong mga
gawain. Dahil dito, buhay ng mga mamamayan ang naaapektuhan.
Bumababa na rin tuloy ang ekonomiya at hindi nagiging maayos ang
pamamalakad ng batas sa bansa.

b. Kalagayang Pangkabuhayan
Masasabing sina Caridad ay mayroong mariwasang buhay dahil sa kotseng
kanilang pagmamay-ari, si Leni na isang doktor at si Junior na
kasalukuyang nag aaral sa kolehiyo na kadalasan ay hindi natatamo ng
mga nasa mababang uri ng lipunan. Sa kabilang banda, makikita na ang
mga tao sa Canal de la Reina ay mahihirap dahil sa umaasa sila sa
pangungutang nila kay Nyora Tentay.
c. Kalagayang Pansarili
i. Bisa sa Isip
Ang nobela ay nagmumulat sa tunay na kalagayan ng buhay ng mga
taong mahihirap. Ang buhay ay walang halong biro. Mas maganda kung
makakapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng magandang
hanapbuhay, makatindig sa sarili kong mga paa na hindi umaasa kanino
man, na kaya kong suportahan ang aking pamilya at magiging pamilya at
hindi ako tatapakan ninuman. Sa bandang huli, ang taong mayroong
mabuting loob ay magkakaroon ng respeto mula sa ibang tao. Bukod dito,
sa mata ng Diyos, ang makasalanan ay magbabayad. Maaari man silang
makatakas sa mga batas ng lipunan, hindi naman nila kayang makalusot
sa batas ng Diyos.

ii. Bisa sa Damdamin


Kung babasahin ang nobela, may mga damdamin kang hindi
maiiwasan. Una, nakakalungkot isipin ang katotohanang hindi tayo
marunong magpahalaga sa ating kapaligiran na siyang ating
pinakikinabanagan. Gayunpama’t ang mundong ating kinakalakihan ay ang
nagbibigay buhay sa atin. Pangalawa, nagpapakita ng pagpapahalaga sa
mga magulang ang nobela kung saan hindi matatatawaran ang kanilang
pagmamahal na walang hinihintay na kapalit para sa kanilang mga anak.
Dito makikita kung gaano dapat pinapahalagahan ang ating mga magulang
dahil hindi Habang buhay ay nariyan sila upang umalalay sa atin.

You might also like