You are on page 1of 1

Introduction

Ang pagtuturo sa asignaturang Filipino ay mayroong importanteng kahalagahan sa mga studyante sa


junior high school. Ang pagtuturong ito ay nagdudulot ng mga positibong epekto at resulta lalong lalo na
sa mga studyanteng nais makatapos ng secondary level. Ito ay nakatutulong sa mga studyante na
magkaroon nang mas malawak na kaalaman tungkol sa obra maestro ng Filipino, importante ito
sapagkat ay tayo’y magiging maingat sa paglikha ng mga pangungusap o sa pagsasalita ng mga ito, at
ito’y nakatutulong na rin tungkol sa paggawa ng mga epektibong usapan. Alam naman natin na ang lahat
ng asignatura ay mahirap, ngunit ito’y madali lamang kapag ito ay iniintindi natin nang maayos, tulad na
lamang ng asignaturang Filipino. Ito ay parang isang puno na puno ng mga sanga, at nagbubunga ng mga
dahon, bulaklak o prutas na syang nakapagpapaganda sa tingin ng mga tao. Ang Filipino ay hindi lamang
tungkol sa gramatika, ito rin ay tungkol sa panitikan. Kung hindi natin malalaman ang tungkol sa
panitikan ng asignaturang ito, paano tayo makakapagpanatili at makapagpalaganap sa karunungan ng
sinaunang mga Pilipino. Ang halimbawa ay ang mga non-fiction na mga nagawa at naging sikat sa
panahon natin ngayon, ang Ibong Adarna, El Fillibusterismo, at Noli Me Tangere. Hindi lamang ito, hindi
rin natin malalaman ang tungkol sa mga alamat, nobela, maikling kwento, talambuhay, at iba pang mga
akdang panitikan na maaaring makapagbibigay sa atin ng mga gintong aral na ating magagamit sa pang-
araw- araw na pamumuhay. Batay sa mga nabanggit, kung hindi itinuturo ang asignaturang ito sa junior
high, ay tiyak na hindi tayo magkakaroon nang mas malawak na kaalaman tungkol sa Filipino. Hindi tayo
makagagawa ng mga akdang maaaring makatutulong at makakapag-aliw sa mga tao kung hindi natin
alam kung paano gumawa ng mga pangungusap, ano ang dapat gawin kung ganito o ganiyan ang
sitwasyon, at lalong-lalo sa lahat maaari tayong magkaroon ng mga pangungusap na mismo hindi tayo
nakakaintindi. Kung pag-uusapan ang Kakayahang Lingguwistiko, ang lahat ng maaaring sangkap ng
pagkakaroon ng mga makabuluhang pangungusap ay naririto. Kung hindi natin alam ang tungkol sa
pantukoy, pangngalan, pandiwa, pang-angkop, pangawing, pang- uri at iba pa, ay hindi tayo makkalikha
ng mga pangungusap, at ang mas masahol pa ay hindi na tayo marunong sa pagsasalita ng mga ito. At
kung hindi natin alam ang mga ito, ay tiyak na hindi tayo magkakaintindihan sa isa’t- isa, na magbubunga
ng walang kwentang usapan dahil wala nalang kayong ibang naiisip kung hindi ang mga salitang hindi
dapat na binabanggit.

You might also like