Professional Documents
Culture Documents
Canal Dela Reina Book Analysis
Canal Dela Reina Book Analysis
Sanligan
a. Canal de la Reina
b. Liwayway A. Arceo
c. Ateneo de Manila University Press
II. Buod
KABANATA 1: PANIMULA
Nagtungo si Caridad kasama ang kanyang pamilya sa Canal de la Reina kung
saan siya isinilang at lumaki. Madalas niyang ikuwento sa kanyang mga anak na
sina Leni at Junior ang nasabing lugar, kung gaano ito kaganda at kalinis, ngunit
kabaligtaran ang kanilang nadatnan nang sila’y makarating. Nag-alinlangan si
Caridad dahil bukod sa pangalan ng kalye ay wala nang ibang bakas ng dating
lugar ang kanilang nakikita. Isang malawak na putik na puno ng basura at dikit-
dikit na bahay ang naroroon at mga batang nakayapak at walang damit pang-itaas
na nagtatakbuhan sa kabila ng putik at dumi. Naiwan sa loob ng kotse si Salvador
at ang kanilang panganay, sa labas ay sinalubong si Caridad at si Junior ng mga
tambay kung saan sila ay inalok na tumawid sa tulay na kahoy sa halagang diyes
sentimos. Nang marating na nila ang kanilang pakay, laking gulat ni Caridad ng
makita niya na may nakatayong bahay sa kanyang lupa at higit sa lahat isang
Nyora Tentay ang nagsasabing siya ang may-ari nito.
KABANATA 2: ALAALA
Hindi malaman ni Caridad ang kanyang mararamdaman sa muling pagbabalik niya
sa kanilang lugar, magkahalong lungkot at galit dahil sa kanyang mga nalaman.
Habang naglalakad pabalik sa kanilang kotse, muling niyang sinariwa ang
kanyang kabataan kung saan sa mismong ilog na burak at basura na kanilang
nilalakaran ngayon ay ang dating Cana de la Reina kung saan sila nagpapaagos
ng bangkang papel ng kanyang ate. Hindi sana nila lilisanin ang lugar kung hindi
dahil sa sunog na tumupok sa maraming bahay kabilang na ang sa kanila noon,
bago ang ikalawang digmaang pandaigdig. Hindi raw kaya ng kanyang ina na
makita pa ang lugar dahil naging abo ang lahat ng kanilang naipundar. Nang
makarating sa kotse, hindi na mapigilan ni Caridad ang kanyang luha. Hindi niya
matanggap ang panloloko sa kanila ni Osyong, ang pagbebenta nito ng kanilang
lupa nang hindi niya man laman nalalaman. Katiwala na nang pamilya ni Caridad
mula pa sa lolo ni Osyong, kaya’t hindi siya nangangamba nang ipagkatiwala niya
dito ang kaniyang lupa nang tumira sila sa lugar kung saan nadistino ang asawang
si Salvador.
KABANATA 3: LINTA
Nakadama ng nerbiyos si Nyora Tentay nang may humintong dyip sa harapan ng
kanyang bahay. Dumalas ang pagiging nerbiyosa niya simula ng dumating si
Caridad Reynante de los Angeles. Nakahinga ng maluwag si Nyora Tentay nang
makitang si Doro-- taga-singil ng mga pautang ni Nyora Tentay lamang ang
dumating. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay naikwento ni Nyora Tentay
na may dumating sa kanilang lugar na nagsasabing siya ang may-ari ng lupa na
kinumpirma ni Doro na siyang totoong may-ari ng lupa. Sinabi ni Doro na
tutulungan niya si Nyora Tentay basta’t wag lamang siyang pababayaan nito.
KABANATA 4: SALU-SALO
Dahil kaarawan ni Leni nagkaroon ng paghahanda ang kanilang pamilya, namili
sila ng mga sa sangkap sa palengke. Masaya silang nagkukwnetuhan habang
naghahanda sa kanilang kusina kasama si Inyang, ang kanilang katulong. Si
Caridad ang naghanda ng mga ulam na medaling lutuin katulad ng sugpo at
alimango at sina Leni naman at Inyang ang naghahanda ng mga fruit salad.
Habang nagkukuwentuhan ay biglang sumagi sa usapan ang isyu ng kanilang
lupain sa Canal dela Reina na siyang nagpalungkot sa kanilang usapan, tumawag
sa telepono ang asawa ni caridad na si Salvador at ibinalitang may nakuha na
siyang abogado at dala na niya mga tunay na titulo ng lupa at resibo ng buwis nito
at pauwi na sila upang abutan ang kaarawan ni Leni. Dumating ang mga bisita ni
Leni at dumating din ang kapatid nitong si Junior na may dala ring mga kaibigan
na kung saan ikinagulat ng nanay nilang si Caridad dahil may kasama itong
babaeng may mas maikling buhok pa kay Junior at naka maong at T-shirt lang.
KABANATA 5: MAKABAGO
Hindi mapalagay ang loob ni Caridad sa pagdala ni Junior ng babae sa kanilang
bahay, laging sumasagi sa isip niya kung anu ang ginagawa nin junior sa taas
hanggang sa hindi na siya makapag pigil at pinuntuhan niya ito sa taas ngunit ng
makita palang niyang nakahiga ang babae sa kama ni Junior ay hindi na ito
nagtuloy pa. Hindi niya mapigil ang silakbo ng kanyang dibdib sa pangambang
baka mabuntis ni Junior ang babae at siya ang iturong ama nito , panay ang tanong
ni Caridad kina Leni at Inyang kung bakit may ganung babae na sa mundo at bakit
ito pinayagang sumama sa grupo ng mga lalaki ng kanilang mga ina. Nang
makaalis na ang mga panauhin ni Leni at mga kaibigan ni Junior nag-usap sina
Caridad, Junior at Leni sa sala. Hindi mapigilan ni Caridad ang galit nito at
pabulyaw niyang tinanong si Junior kung bakit ito nagsama ng babae sa bahay at
ipinaliwanag naman ni Junior na kasintahan iyon ng kaibigan niyang nakasalamin
at hindi niya raw “type” ang babae. Habang nakahiga na sa kanyang kama si
Caridad biglang sumagi na naman sa kanyang isipan ang Canal dela Reina at
napanaginipan nito si Nyora Tentay at si Maring na nagtatalo.
KABANATA 6: PAKIKIPAGTUNGGALI
May mga pumuntang taga munisipyo kana Nyora Tentay upang magsagawa ng
pagsukat at pagmamasid sa loteng sinasabi niyang kanyang pagmamay-ari.
Tiningnan ng puno ng mga pumunta ang papeles na hawak ni Nyora Tentay,
napatango na lamang ng sinabi ni Tentay na sa kanya ang lupang iyon. Naghanda
ng maiinom sina Nyora Tentay at hindi basta-bastang inumin lang iyon kundi isang
wiski, nilabas din nila yung sitsarong baboy na buhat sa bukawi pa. Sinabi rin
niyang hindi niya basta-bastang dinudulot sa mga bisita ang sitsaron. Nang
matapos na ang pagsusukat sa lupa ay nag-inuman na ang mga nagispagpunta,
at tinanong ni Nyora Tentay kung bakit ngayon lang plinanong sukatin ang lupa.
Sinabe naman ng puno sa mga nagsipagpunta na nais nang palayasin ang mga
eskwater sa lupa at abisuhan sila na unti-unti nang natakpan ang Canal dela Reina
na maaring magdulot ng biglaan at malakas na pagbaha kung sakaling bumagyo
ngunit sabi naman ni Nyora na sanay na sila rito at hindi paalisin ng Congressman
ang mga eskwater dahil malaking tulong ang mga ito sa halalan dahil ilang libo din
ang mga ito. Nang maaubos na ang inilabas na wiski ay nag-alok pa ulit si Nyora
ng isa pang bote ngunit tumanggi na ang Puno ng grupo dahil baka mawili daw
sila.
KABANATA 9: INISASYON
Isang gabi, sa isang lansangan ay tinatanaw ni Junior si Bindoy. Nang magkita
sila, kipkip ni Bindoy ang ilang komiks na nakabalot sa makapal na papel at dala-
dala niya ito sa kanilang pag-alis. Kinakabahan si Junior. Marami na siyang
naririnig tungkol sa droga. Ang kanyang layunin sa pagpunta sa pook na iyon ay
upang magmasid-masid lamang sa paligid. Ni hindi siya nagpaalam kay Caridad
na kanyang ina na gagabihin siya. Pasikut-pasikot ang pinasok nila ni Bindoy. Mga
lagusang hindi niya makikita kahit araw. At iba ang amoy ng mga ito. Ang pinasok
nila ay walang iniwan sa isang kubakob. Nasa harapan pa lamang sila ay
nalanghap na niya ang masangsang na amoy na tulad ng sa pamatay ng lamok.
Papasok na sana ulit ng bulwagan ang mag-ina nang makasalubong na nila ang
mga naiwan nila sa loob. Sinabi ni Salvador na magkakaroon pa daw ng
pangalawang hearing at pinasasagot ang kampo nila Nyora Tentay sa loob ng
sampung araw dahil maligalig daw ang kanilang kampo.
Ang bahay ni Gracia Montes ay hindi gaanong kalakihan, sakto lamang para sa
kanilang dalawa ng kanyang anak. Kapansin-pansin ang malaking piano na nasa
gilid ng sala. Si Gracia ay nasa kanyang silid at kinuha ang kanyang telepono.
Kinuha at tinignan ang card na ibinigay sa kanya ni Caridad at agad na inikot ang
telepono. Makaraan ang tatlong timbre ay may sumagot na babae ngunit natitiyak
niyang hindi iyon si Caridad kaya hiniling niyang kung pwede niya itong makausap.
Pinaghintay siya at makalipas ang ilang minute ay narinig na niya ang boses ni
Caridad. Halata sa tinig ni Caridad ang pagkasabik na makausap si Gracia. Ang
sabi ni Gracia ay dadalaw siya sa bahay nila Caridad upang magkwento ng lubos.
Pumayag naman si Caridad. Nagpakilala ng lubusan si Gracia kay Caridad at
sinabi nito na naging malapit siya dati sa pamilya ni Nyora Tentay. Siya daw ay
dating naging manugang ni Nyora Tentay dahil naging asawa niya ang anak nitong
si Victor. Hindi raw niya nakayanan ang ugali ni Victor at ng kanyang ina kaya siya
ay nagpasyang makipaghiwalay na dito. Inakala daw ni Victor na hindi kakayanin
ni Grace ang mag-isa dahil sa kanilang anak at sinabi ni Victor na babalik at babalik
din siya sa kanya. Ngunit nagkamali daw si Victor dahil nakayanan ni Gracia na
buhayin mag-isa si Geronimo, ang kanilang anak, at napagtapos ng kursong
medisina. Kahit ayaw ni Gracia aminin sa iba, alam niya sa kanyang sarili na
talagang magkamukhang-magkamukha si Geronimo at Victor. Ngunit hindi daw ito
ang dahilan kung bakit hinayaan ni Grace na ang apelyidong gamitin ni Geronimo
ay ang sa kanyang ama. Sinabi ni Gracia na kahit ano man raw ang dalang
kamalasan ng apelyido ng kanyang ama ay mahihila naman daw ito ng pangalan
ng kanyang Lolo Geronimo.
Malakas ang bagyo ng gabing iyon ngunit sinabi ni Leni kay Caridad na kailangan
niyang bumalik sa ospital nung gabi ding iyon. Bigla na lamang naalala ni Leni ang
dati niyang kabigan na si Vic nang dahil kay Geronimo. Si Leni at si Vic ay
bagama’t magkaibigan ay halatang may pagmamahal sa isa’t isa. Hindi sila
katulad ng ibang magkasintahan na nagpapakita at ipinaparamdam sa isa’t isa
ang kanilang pagmamahal. Ngunit sila naman ay nagkukuwentuhan ng mga
bagay-bagay na tungkol sa kanilang dalawa. Si Geronimo ay isang doktor para
sa mga bata at si Leni naman ay doktor sa Ob kaya madalas ay may pagkakataon
si Geronimo na dalawin itong si Leni. At dahil doon ay naging magkaibigan din sila.
Ngunit nagsabi si Vic na hindi niya gusto ang binatang si Geronimo na maging
kaibigan ni Leni at tila ito ay nagngingitngit sa tuwing naikukwento siya ni Leni sa
kanya.
Isang araw ay sinubukang mahuli ni Vic si Leni. Tinanong nito kung bakit hindi na
masyadong nagkukuwento si Leni ng tungkol kay Geronimo. Ngunit dahil sa
pagkasabik na magkuwento ay nasabi ni Leni na kahapon lamang ay dinalaw
siyang muli ni Geronimo sa kanilang ospital. Nagalit si Vic sa nalaman at tumaas
ang kanyang boses. Nabigla si Leni. Umalis na lamang bigla si Vic nang hindi pa
sila nagpapaalam sa isa’t isa. At pagkatapos ng pangyayaring iyon, sa tuwing
tatawag si Vic kay Leni ay hindi na niya ito sinasagot at hindi na niya ito binigyang-
pansin.
b. Kulturang Pilipino
Isa sa mga kulturang Pilipino na makikita sa libro ay ang panahon kung saan
noong tumaas na ang baha sa kanilang komyunidad, ang mga pamilya ay
agarang lumikas at nakisilong sa bahay ni Nyora Tentay. Masama man ang
kanilang ginawang panghihimasok ng walang pahintulot, ninais lamang ng mga
tao na isalba ang buhay ng kanilang pamilya lalong lalo na ang kanilang mga
anak. Ipinipapakita rito kung gaano kahalaga ang pamilya sa mga Pilipino.
Bukod dito makikita rin sa storya ang lamayan sa mga burol. Mga sugalan at
kapehan. Magkakaroon ng mahabang mesa sa ilalim ng trapal. At mapupuno
iyon ng nag-upong mga babae at lalaki, na hindi dumating upang dalawin ang
bangkay ni Paz. Hinid rin upang makiramay sa naulila. May bingo. May
domino. May baraha. Ngunit, meron din naming nakikiramay ng totoo katulad
ni Misis Gracia na nag-alok ng tulong kay Dado.
c. Pilosopiyang Pilipino
Isa sa mga pilosopiyang Pilipino na makikita sa storya ay sa pagkakataon na
nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Junior at ng kanyang mga magulang.
Ang pagtitiis o pagkapit sa patalim ng mga Pilipino para sa kanilang pamilya.
Katulad ni Dado na pumayag sa mahal na singil at patubo ni Nyora Tentay
alang-alang lamang sa kanyang asawa upang maserbisyuhan ito ng punerarya
at mapagsilbihan niya ito kahit sa huling pagkakataon.
V. Paraan ng Pagpapahayag
Ang mga teoryang ginamit sa storya ay:
Realismo
Ang storya ay mahahalintulad sa tunay na buhay kung saan ipinapakita ang
kabilang estilo ng pamumuhay ng mga taong nakatira sa mga estero.
Makikita rin kasi rito ang tunay nakalagayan ng isang lipunan at ang pag-
uugali o reaksyon nito sa isangisyung napapanahon. Sa patuloy na “pag-
iisang kahig, isang tuka” ngkaramihan ng mga Pilipino, nahihirapan itong
paunlarin hindi lang ang kanyang bansa at lipunan kundi pati na rin ang
kanyang sarili.
Simbolismo
Si Nyora Tentay ay sumisimbolo sa kapangyarihan. Siya ang hinihingian ng
tulong ng lahat ng tao sa Canal de la Reina at dahil dun nagagawa niya na
ang nais niya sa mga tao, ang panggigipit at pagmamaliit.
VI. Implikasyon
a. Kalagayang Panlipunan o Pambansa
Ang nobela ay naganap sa panahong 60’s-80’s dahil sa halaga ng
salaping nabanggit kung saan diyes sentimo lamang ang bayad sa
pagtawid sa tulay na kung sa kasalukuyan ay wala nang halaga. Ito rin ay
sumasalamin sa realidad ng buhay at mga totoong pangyayari sa lipunan.
Makikita dito ang malaking pagitan sa mga taong may kaya sa buhay at
mahihirap pati na rin ang mga problema ng lipunan. Walang hustisya na
makukuha ang mga mahihirap lalo na kung mayayaman ang nakatapat nito.
Karamihan ng mga mayayaman ay may ugnayan sa hukuman kung kaya’t
madali nilang nalulusutan o nareremedyohan ang kanilang mga kaso kaya
ang mga mahihirap ay nawawalan na ng pag-asa at kung minsan ay
nakakagawa na ng mga masasamang bagay. Gaya sa panahon ngayon,
ang lipunan ni Junior ay may nakaraming isyung kinakaharap tulad ng
korapsyon, hindi pantay ang binibigay na karapatan sa mga mahihirap at
mayayaman, kahirapan at hindi katanggap tanggap na paglulustay ng
kaban ng bayan. Maraming makikitang isyung-panlipunan sa nobela.
Hanggangsa ngayon ay nagaganap pa rin ito sa iba’t ibang panig ng ating
bansa. Maliitman o matataas na tao ay nasasangkot sa ganitong mga
gawain. Dahil dito, buhay ng mga mamamayan ang naaapektuhan.
Bumababa na rin tuloy ang ekonomiya at hindi nagiging maayos ang
pamamalakad ng batas sa bansa.
b. Kalagayang Pangkabuhayan
Masasabing sina Caridad ay mayroong mariwasang buhay dahil sa kotseng
kanilang pagmamay-ari, si Leni na isang doktor at si Junior na
kasalukuyang nag aaral sa kolehiyo na kadalasan ay hindi natatamo ng
mga nasa mababang uri ng lipunan. Sa kabilang banda, makikita na ang
mga tao sa Canal de la Reina ay mahihirap dahil sa umaasa sila sa
pangungutang nila kay Nyora Tentay.
c. Kalagayang Pansarili
i. Bisa sa Isip
Ang nobela ay nagmumulat sa tunay na kalagayan ng buhay ng mga
taong mahihirap. Ang buhay ay walang halong biro. Mas maganda kung
makakapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng magandang
hanapbuhay, makatindig sa sarili kong mga paa na hindi umaasa kanino
man, na kaya kong suportahan ang aking pamilya at magiging pamilya at
hindi ako tatapakan ninuman. Sa bandang huli, ang taong mayroong
mabuting loob ay magkakaroon ng respeto mula sa ibang tao. Bukod dito,
sa mata ng Diyos, ang makasalanan ay magbabayad. Maaari man silang
makatakas sa mga batas ng lipunan, hindi naman nila kayang makalusot
sa batas ng Diyos.