You are on page 1of 1

NOLI ME TANGERE

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na
nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging
nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang
pagsulat nang walang katulong.

Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa.
Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni
Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya kung saan winika ni Kristo kay Maria Magdalena
noong magpakita ito sa kanya matapos siyang muling mabuhay na "Huwag siyang hawakan
sapagkat hindi pa siya nakakatungo sa Ama". Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa
Ingles nito ay Social Cancer.

Unang nobela ni Rizal ang Noli Me Tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya.
Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng
pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa
rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang
tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng
mga edukado noong panahong yaon.
Ctto.

You might also like