You are on page 1of 2

Ang Paborito ni Papa Pedro

Kindergarten: WEEK 17 KTG p. 251

Literacy

 Name objects that begin with a particular letter of the alphabet (LLKV-00-5)
 Name objects that begin with the sound of the letter Pp
Numerscy
 Recognize and identify numerals 0 to 10 (MKC-00-2)
 Represent the numeral 6

Sinulat ni: Maria Delma Y. Pabalolot


Araw ng Linggo, maagang nagising ang dalawang mabait na magkakapatid na Perla at Piolo
para sorpresahin ang kanilang Papa Pedro.

Naabutan ng dalawang mapagmahal na bata ang mama Pena sa kusina na nagluluto ng mga
paboritong pagkain ni Papa Pedro.

Anim na putahe ang inihanda nilang pagkain may pansit, pusit, putsero, pata, prutas na pinya
at palitaw para pang meryenda.

Kinuha ng magkakapatid ang inihandang plakard, anim na puti, pulang lobo at ang anim na
hugis pusong papel para disenyo.

Pinalamutian nila ang silid-kainan nang todo. Nang matapos ang nasasabik na magkakapatid
sa kanilang ginawa bumalik sila muli sa kusina.

Tiyempo narin nagising ang kanilang Papa Pedro. Sabay sabing “maligayang araw po papa
Pedro” na may kasamang yakap at halik.

Tuwang- tuwa ang papa Pedro ng makita ang mga paboritong pagkaing inihanda ng asawa
at ang dekorasyong gawa ng mga anak.

Masaya nilang pinagsasaluhan ang mga pagkaing inihanda. Pagkatapos, sila ay pumunta sa
simbahan upang magsamba at magpasalamat sa Poong Maykapal.

Mga Tanong:

1. Sinu-sino ang mga tauhang binanggit sa kwento?


2. Anu-ano ang mga pagkaing inihanda nila?
3. Anu-ano ang mga ginagawa nina Perla at Piolo para sa kaarawan ng kanilang papa?
4. Bakit sila naghanda ng mga pagkain?
5. Ano ang kanilang ipinagdiriwang?
6. Paano nila ipinagdiriwang ang araw ni papa Pedro?

You might also like