Professional Documents
Culture Documents
Alviar Abstrak
Alviar Abstrak
Hijas de Jesus
Candida Maria St., BF Homes
Parañaque City 1700
PAASCU Accredited PT 2019-2020
ONLINE CLASS 3
PANGALAN NG MAG-AARAL: Ma. Alicia Andrea A. Alviar PETSA: Nobyembre 27, 2019
BAITANG AT PANGKAT: 12 – St. Luke
Mga Kasanayan:
1. Matukoy ang mga katangian at karaniwang nilalaman ng isang abstrak.
2. Malaman ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng binasang abstrak.
3. Makasulat ng abstrak ng binasang pag-aaral.
ABSTRAK NA BINUO
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay maitukoy ang epekto ng mga estratehiya sa pagmemerkado ng Serenitea at Macao
Imperial Tea sa mga mag-aaral, upang mabigyan ang mga pagpapabuti na maaaring gawin ng Serenitea at Macao Imperial Tea
para mapagbuti ang kasiyahan ng mga mag-aaral, at upang matuklasan ang mga impluwensya na isinasaalang-alang ng mga
mag-aaral tuwing nabili sila mula sa Serenitea at Macao Imperial Tea. Ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay maaaring
magbigay ng iba’t ibang mga salik na maari mapagbuti ng Serenitea at Macao Imperial Tea batay sa kung ano ibinigay ng mga
respondente, gamit ang sarbey na ginamit bilang isang instrumento sa pangangalap ng mga datos na kinakailangan para sa
pananaliksik na ito. Ang sarbey ay may mga kasamang katanungan na may kaugnayan sa mga kadahilanan at diskarte na
maaaring masagot sa mga tanong at problema ng pananaliksik patungkol sa dalawang milk tea shops na Serenitea at Macao
Imperial Tea. Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng Causal-Comparitive metodo sa pangangalap at pagsusuri ng datos. Ang
una at ang pangalawang bahagi ng sarbey ay gumamit ng Multiple Response at Numerical Scale na mga katanungan upang
maitukoy ang mga kagustuhan ng mga mag-aaral. Ang huling bahagi naman ng sarbey ay nababahala sa kung paano
natutugunan ng Serenitea at Macao Imperial Tea ang kasiyahan ng mga mag-aaral at kung anong mga tiyak na pagbabago ang
maaaring gawin upang bumalik ang mga mag-aaral sa dalawang milk tea shops.